You are on page 1of 9

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon VI- Kanlurang Visayas
SANGAY NG MGA PAARALAN NG ILOILO
Kalye Luna, Lungsod ng Iloilo

Ikalawang Markahan Pagsusulit


PILING LARANG (AKADEMIKS)
Panuto : Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan. Piliin lamang ang titik ng tamang sagot at isulat
sa inyong sagutang papel.
1. Mabibigyang-kahulugan ang reflektibong sanaysay bilang:
A. Isang akademikong sulating nakabatay sa karanasan
B. Isang akademikong sulating nakabatay sa mga ebidensya
C. Isang akademikong sulating nakabatay sa katotohanan.
D. Isang akademikong sulating nakabatay sa opinyon.
2. Ayon kay Socrates na isang kilalang pilosopo, ang pangunahing daan upang maging matagumpay sa
buhay ay ang makilala ang sarili. Anong katangian ang dapat taglayin ng isang replektibong sanaysay.
A. Malinaw at madaling maunawaan ang pagpapaliwanag.
B. Naglalarawan ng isang posisyon.
C. May kaisahan ang mga larawan.
D. Malalim at may malinaw na pagkakaunawa.
3. Bakit kailangang gumamit ng pormal na salita sa pagsulat ng reflektibong sanaysay?
A. Dahil ito’y nagbabahagi ng isip at nararamdaman ng isang tao
B. Dahil ito’y nakabatay sa personal na karanasan ng tao
C. Dahil ito’y kabilang sa akademikong sulatin
D. Dahil ito’y sumasalamin sa pagkatao ng manunulat.
4. Paano winawakasan ang isang reflektibong sanaysay?
A. Pagbibigay ng aral
B. Pagbibigay ng refleksyon o realisasyon
C. Pagbibigay ng payo
D. Pagbibigay ng impresyon
5. Alin sa mga sumusunod ang HINDI katangian ng isang reflektibong sanaysay ?
A. Genuine B. Hindi Analitikal C. Personal D. Generic
6. Ang mga argumento sa isang posisyong papel ay karaniwang nakabatay sa isang ______.
A. Karanasan B. Opinyon C. Ebidensya d. paniniwala
7. Paano inilalahad ang opinyon sa posisyong papel?
A. Inilalahad ito sa pamamagitan ng pangangatwiran at paninindigan.
B. Inilalahad ito sa pamamagitan ng paglalahad ng pangyayari.
C. Inilalahad ito sa pamamagitan ng pagsasalaysay ng karanasan.
D. Inilalahad ito sa pamamagitan ng mga larawan.
8. Ang argumento ay tawag sa bahagi ng posisyong papel na _____________________?
A. Nagbibigay ng patotoo o ebidensiya sa tesis na pahayag.
B. Nagbibigay ng opinyon sa paksa.
C. Nagbibigay ng proposisyon.
D. Nagbibigay ng pangaral o payo.
9. Ano ang pagkakaiba ng talumpati sa posisyong papel?
A. Ang talumpati ay isinusulat upang bigkasin samantalang ang posisyong papel ay isinulat upang
basahin.

1
B. Ang talumpati ay gumagamit ng pagsasalaysay habang ang posisyong papel ay gumagamit
naman ng pangangatwiran.
C. Ang talumpati ay dapat makahikayat,pero ang posisyong papel ay dapat maglarawan ng isang
partikular na isyu.
D. Ang talumpati ay maiksi samantalang ang posisyong papel ay mahaba.
10. Anong panauhan ng panghalip ang ginagamit sa paglalahad ng posisyong papel?
A. Una B. Ikalawa C. Ikatlo D. Ikaapat
11. Ito ang tawag sa uri ng talumpati na walang gaanong paghahanda sapagkat biglaan ang paghahanda.
A. Brindis B. Luksampati C. Daglian D. Talumpati ng pagtatapos
12. Ito ay may katumbas na sanlibong salita na maaaring magpahayag ng mga nakatagong kaisipan.
A. Sanaysay B. Larawan C. Sulatin D. Framing
Para sa bilang 13- 17
Panuto: Basahing mabuti ang sulating akademiko at sagutan ang mga katanungan sa ibaba.

Edukasyon.. Edukasyon.. Talaga bang mahalaga ito? Ano ba ang maitutulong nito sa ating
kinabukasan? Maraming katanungan ang nais nating mabigyan ng kasagutan. Tayong mga
kabataan ang pag-asa ng bayan, maraming nagsasabi nito. Ngunit, bakit maraming mga kabataan
ang hindi nag-aaral? Nagiging tambay na lang sila at nalululong sa masamang bisyo. Maraming
dahilan kung bakit hindi sila nag-aaral pero marami rin namang paraan upang makapag-aral. Alam
kong ang pagiging mahirap ay isa sa mga dahilan pero may paraan naman para dito, pwede ka
namang maging “working student” kung gusto mo lang talaga. Sabi nga sa kanta, “kung ayaw may
dahilan, kung gusto palaging merong paraan.” Kaya’t kung gusto mo talagang mag-aral ay gagawa
at gagawa ka ng paraan para dito.
Ang edukasyon ang ating panlaban upang magkaroon tayo ng magandang kinabukasan.
Kung mapapansin natin maraming mga kababayan natin sa ibang bansa ang inaalipusta dahil
hindi nakapagtapos ng pag-aaral. Bakit nating hahayaang mangyari ito? Tayong mga kabataan
ngayon, papayag ba tayong magpatuloy ito? Hindi na dapat, ipakita natin sa kanila na kaya nating
umunlad gamit ang ating sariling mga paa. Ang edukasyon ang tanging kayamanan na ipamamana
ng ating mga magulang sa atin na kailanman ay hinding-hindi mawawala sa atin at walang
sinuman ang makakakuha nito mula sa atin.
Ang edukasyon ang susi ng ating tagumpay. Ito ang makakapagpaahon sa atin mula sa
kahirapan. Kaya’t huwag nating sayangin ang pagkakataon na ibinigay sa atin ng ating mga
magulang upang makapag-aral. Tayo’y mag-aral nang mabuti at ipasantabi ang mga bagay na
makasisira sa ating pag-aaral. Lagi tayong magsumikap at huwag nating kalilimutan na ang
edukasyon ang solusyon sa ating kahirapan.

13. Ang binasang seleksyon ay isang halimbawa ng anong uri ng akademikong sulatin?
A. Posisyong Papel C. Reflektibong Sanaysay
B. Talumpati D. Lakbay-Sanaysay
14. Batay sa binasang seleksyon, ano ang itinuturing na susi sa pagkamit ng tagumpay?
A. Edukasyon B. Kabataan C. Kayamanan D. Magulang
15. Anong pangunahing layunin ng nabasang teksto?
A. Manghikayat
B. Magbigay ng Impormasyon
C. Magbigay ng aliw
D. Magbigay ng panapos na pananalita
16. Ano ang ibig sabihin ng salitang may salungguhit sa ikalawang pangungusap ng talata 2?
A. Inaway B. Inapi C. Inaliw D. Inangkin
17. Anong paraan ang ginamit sa teksto sa pagwawakas ng talumpati?

2
A. Nagbigay ng aral
B. Nagpapayo
C. Nag-iwan ng isang hamon
D. Nag-iwan ng palaisipan.
18. Ano-ano ang mga tamang hakbang sa paggawa ng isang talumpati?
1. Pumili ng paksa
2. Lagyan ng mga konkretong salita at halimbawa
3. Gawan ng kaaya-ayang panimula para mapukaw ang interes ng mambabasa.
4. Mag-iwan ng isang payo o tagubilin.
A. 4-1-2-3 B. 1-3-2-4 C. 3-2-1-4 D. 2-1-3-4
19. Ang luksampati ay isang uri ng talumpati na iniaalay para sa __________________?
A. Kababaihan B. Patay C. Lalaking Ama D. Mapuputi
20. Ano ang kaibahan ng reflektibong sanaysay sa lakbay-sanaysay?
A. Ang reflektibong sanaysay ay personal at subhetibo samantalang ang lakbay-sanaysay ay
personal at impormal.
B. Ang reflektibong sanaysay ay naglalahad ng opinyon samantalang ang lakbay-sanaysay ay
naglalarawan.
C. Ang reflektibong sanaysay ay kahawig ng isang talaarawan samantalang ang lakbay-sanaysay
ay isang rekord ng mga pangyayari.
D. Ang reflektibong sanaysay ay nangungumbinsi samantalang ang lakbay-sanaysay ay
nagsasalaysay.

Para sa bilang 21-25. Basahin at unawaing mabuti ang teksto. Sagutan ang mga katanungan sa ibaba.

Bilang isang kabataan, nais kong pumunta sa iba’t ibang lugar na may iba’t ibang tanawin,
lalong-lalo na ang mga lugar na talaga namang tinatangkilik ng mga turista, mapadayuhan man o galing
sa ibang bansa o iyong mga taong doon na mismo sa lugar na iyon lumaki at nagkaisip. Hindi ko ginawa
ito upang magbakasyon lamang at magmuni-muni kundi para malaman ko kung saan at paano nga ba
ganoon ang tawag sa lugar na iyon.
Isa sa napuntahan ko kasama ang aking pamilya ay ang lugar ng Baguio. Ang Baguio ay isa
sa mga sikat na lugar sa Pilipinas na makikita sa North Luzon. Kilala ito bilang Summer Capital of the
Philippines sapagkat malamig pa rin ito sa panahon ng tag-init.
Isa sa mga pinuntahan namin ay ang Burnham Park na kung saan dito kami gumala ng ilang
oras, dito sa lugar na ito matatagpuan ang Dancing Fountain at isang parang ilog na kung saan
pwedeng mamangka at maglibot. Isa rin sa napuntahan namin ay ang Botanical Garden. Dito ay may
mga matatandang Igorot na kung saan pwede kang magpakuha ng litrato. Nagpunta rin kami sa Mines
View Park. Huling pinuntahan namin ay ang Strawberry Farm. Dito mo matitikman ang masasarap na
strawberry na tinatawag na Preyas.
Sa tatlong araw na paggalugad namin ng lugar ng Baguio, natutunan ko na ang mga lugar
na ito’y nagpapatunay na masagana ang bansang Pilipinas sa likas na yaman. Akin ding napagtanto
na mahal tayo ng Diyos sapagkat ang bawat bagay na ating nakikita ay galing sa Kanya.

21. Ang binasang seleksyon ay naglalarawan ng karanasan ng isang tao tungkol sa isang lugar na
kanyang napuntahan. Ang tawag sa akademikong sulatin na ito ay ____________?
A. Reflektibong Sanaysay B. Posisyong Panel C. Lakbay-Sanayasay D. Pictorial Essay
22. Ano ang ibig sabihin ng salitang paggalugad sa unang pangungusap ng ikaapat na talata ng binasang
teksto?
A. Pamamasyal B.Pagliliwaliw C. Paglalakbay D. Paglalakad

3
23. Batay sa binasang seleksyon, alin sa mga sumusunod na lugar sa Baguio ang HINDI binanggit sa
nabasang seleksyon?
A. Strawberry Farm B. Burnham Park C. Lourdes ng Grotto D. Mines View
24. Ang dalawang elemento na kailangan para mabuo ang lakbay-sanaysay ay lugar at ____________?
A. Kasaysayan B. Karanasan C. Tao D. Pagkain
25. Ang teksto ay gumamit ng mga panghalip tulad ng mga panghalip na ko, namin at kami. Sa anong
panauhan ng panghalip napabibilang ang mga nabanggit na panghalip?
A. Una B. Ikalawa C. Ikatlo D. Ikaapat
26. Alin sa mga sumusunod na paksa ang HINDI isinasama sa pagsulat ng lakbay-sanaysay?
A. Pagkain B. Kultura C. Kilalang Tao D. Hanapbuhay
27. Alin sa mga sumusunod na hakbang ang HINDI dapat isama sa paggawa ng Lakbay-Sanaysay?
A. Magsaliksik
B. Mag-isip ng labas sa ordinary
C. Puntahan ang lahat ng lugar sa iisang araw
D. Maging isang magaling na manunulat.
28. Isa kang manunulat ng inyong campus paper. Paano ipaaabot nang may paggalang sa
administrasyon ang mga sirang pasilidad ng inyong paaralan?
A. Kunan ng litrato ang mga sirang silid-aralan at ilagay sa school paper.
B. Sumulat ng pormal na liham sa principal at hingin ang kanyang opinyon bago isulat.
C. Kausapin ang prinsipal at bigyan ng takdang panahon para ipagawa ito.
D. Hayaan ang mga sirang pasilidad at hintayin ang kinauukulan para ipagawa ito.
29. Magsasagawa ang inyong klase ng isang lakbay –sanaysay at kailangang iupload sa internet. Isa sa
mga lugar na inyong pupuntahan ay pagmamay-ari ng isang pribadong tao. Ano ang nararapat mong
gawin bilang isang manunulat?
A. Maghanap ng ibang lugar na pagmamay-ari ng pamahalaan para sa gagawing lakbay-sanaysay.
B. Gumawa ng pormal na liham para sa may-ari ng pribadong lugar at humingi ng permiso.
C. Ipagpaliban ang gagawing lakbay-sanaysay sa ibang pagkakataon.
D. Ipagpatuloy ang gagawing lakbay-sanaysay at huwag nang iupload sa internet para hindi magalit
ang may-ari.
30. Ito ang tawag sa tuwirang pag-angkin ng isang akademikong sulatin ng walang pahintulot sa may-
akda?
A. Sinosentrismo B. Fake News C. Plagiarismo D. libelo

4
Para sa bilang 31-35. Basahin at unawaing mabuti ang teksto. Sagutan ang mga katanungan sa ibaba.

Tunay ngang ang edukasyon sa buhay ng bawat isa ay kapara ng isang walang
katapusang paglalakbay sa mundong sinasaklawan ng aspektong pagbabago. Ito ang
pinakamakapangyarihang sandata na kahit sinuman ay walang kakayahang baguhin at angkinin
sapagkat ito ay permanenteng nakaukit na sa diwa at kamalayang pantao ng isang nabubuhay.
Sa aking labindalawang taon na pananatili sa loob ng paaralan, masasabi kong ako ay
parang nasa paraiso. Bagamat hindi sa lahat ng pagkakataon ay masaya ako, maraming
pagkakataon naman sa aking buhay ang dapat akong mag-aral. Wala akong ibang iniisip noon
kundi ang makawala sa paaralan na kapara ng isang bartolina na nagbibigay lamang ng pasakit
at matinding paghihirap. Ang tanging namumutawi na lamang sa aking isipan noon ay ang
pagpasok buhat sa kagustuhan ng aking mga magulang. Sapagkat noo’y wala pa akong
kabatiran tungkol sa mahalagang papel ng edukasyon maliban sa ito’y mahirap at walang
kwenta.
Hanggang sa makilala ko si Ginang Adora Madayag. Ang aming guro sa asignaturang
Fiipino. Siya ay may edad na sa panahong iyon subalit napakalakas ng kanyang impresyong
iniwan sa akin. Hindi ko maipaliwanag subalit dahil sa kanyang mga pangaral ay tila unti-unting
nagbago ang pagtingin ko sa edukasyon. Sa markang 90, nagsimulang yumabong at patuloy na
naglalakbay palapit sa aking mga pangarap.
Ang karanasang ito ay nagturo sa akin kung paano umunlad hindi lamang sa aking
markang nais matamo subalit nakaanib din ang prinsipyo at impresyong hindi na maiaalis sa
aking puso’t isipan sa kalagitnaan ng paglalakbay sa mundong ibabaw.

31. Batay sa binasang teksto, ano ang pangunahing layunin ng teksto?


A. Mangumbinsi ng mga mambabasa na may saysay at bisa ng mga argumento
B. Magsanay ng mapanuring pag-iisip.
C. Maglarawan sa nakita,nalasahan, narinig o naamoy.
D. Magsalaysay ng personal na karanasan at sinuri ang epekto ng mga karanasang ito.
32. Anong uri ng akademikong sulatin ang binasang teksto?
A. Posisyong Papel
B. Lakbay-Sanaysay
C. Reflektibong Sanaysay
D. Pictorial Essay
33. Anong damdamin ang mas higit na namamayani sa teksto?
A. Nalulungkot
B. Nasisiyahan
C. Nagagalit
D. Nagtatampo
34. Paano winakasan ng may-akda ang binasang teksto?
A. Nag-iwan ng katanungan
B. Nagbigay ng realisasyon at refleksyon sa buhay
C. Nanghikayat sa mga mambabasa
D. Nagbigay ng payo
35. Ano ang dalawang elemento ang mas higit na nangingibabaw sa binasang teksto?
A. Karanasan at kaligayahan
B. Karanasan at aral
C. Karanasan at realisasyon

5
D. Karanasan at lugar
36. Ang isang batang naglalaro ng luksong-tinik kapag kinunan ng litrato ay isang halimbawa ng anong
shot sa pictorial essay.
A. Close-up Shot B. Panning Shot C. High Angle Shot D. Low Angle Shot
37. Paano isinasaayos ang mga larawan sa isang pictorial essay?
A. Isinasaayos ayon sa pagkakasunod ng mga kaisipan.
B. Isinasaayos ayon sa laki ng larawan.
C. Isinasaayos ayon sa kulay ng larawan.
D. Isinasaayos ayon sa kahulugan ng mga larawan.

Para sa bilang 38-42.


Panuto : Basahing mabuti at unawain ang sulating akademiko sa ibaba. Sagutan ang bilang 38-42.

Diborsyo sa Pilipinas: Ang dibosyo ay nakasisira ng pamilya na


Nararapat na bang Isabatas? isang institusyong panlipunan. Ang tunay na talo
sa ganitong sitwasyon ay ang mga anak dahil
Sa kasalukuyang panahon ay bukod tanging mawawalan sila ng sasandalan. Mawawalan ng
Pilipinas na lang ang bansang wala pang diborsyo. tagahubog ng mga pampamilyang
Noon pa man ay napakainit na ng usaping ito dahil sa pagpapahalaga at paggabay upang maging
mahigpit na pagsuporta at pagkontra ng mga taong maayos silang mamamayan.
pabor at di-pabor sa nasabing panukalang Nagiging dahilan ang diborsyo kung bakit
pagsasabatas lalo na ng Simbahang Katoliko dahil maraming mga anak ang nagrerebelde. Ito ang
labag diumano ito sa kanilang doktrina. sanhi kung bakit lumalaki ang bata na may
Para sa dalawang taong nagmamahalan, ang pakiramdam na kulang at ito ang sumisimbolo na
pag-ibig ay mistulang pagkaing matamis na kailanma’y hindi na mabubuo ulit ang isang
panghabambuhay na pagsasaluhan. At ang kasal ay pamilya. Ito ang sumisira sa mga pangarap at
isang bagay na magtatali sa kanilang dalawa upang pag-asa ng isang bata na maging masaya at
maging hanggang wakas ang pagmamahalan. Isang mabuo ulit ang kanyang pamilya
sagradong matrimonya ang kasal na dapat panatilihin. Lahat halos ng bansa sa buong mundo ay
Ang mga taong ikinakasal ay humaharap sa may ganitong batas, anuman ang kanilang
Panginoon upang mangako na sila ay magsasama sa paniniwala at relihiyon. Subalit hindi lamang ito
hirap o ginhawa hanggang kamatayan. Ang pangako ang makikitang solusyon upang malutas ang kahit
ng mag-asawa ay may basbas ng pari at ito ay na anong problemang darating sa pagsasama ng
ginagawa nila sa harap ng Panginoon. mag-asawa. Itaguyod ang pagiging isa at
Dahil dito, walang sinuman ang may kompleto ng pamilya. Pahalagahan ang mga
karapatang paghiwalayin ang mag-asawa. Wala bata! Pahalagahan ang pagiging buo ng
namang mag-asawang hindi nawawalan ng problema, pamilyang Pilipino. Huwag na nating pang isulong
lahat ng iyan ay nagagawan ng solusyon at napag- ang dibosyo.
uusapan ang lahat.

38. Batay sa binasang teksto, ano ang pangunahing layunin nito?


A. Maglahad ng mga argumento at manghikayat ng madla.
B. Mag-iwan ng isang aral sa mambabasa.
C. Makapagbigay ng pamamaraan sa paggawa ng isang bagay.
D. Magsalaysay ng isang karanasan.
39. Ano ang ginamit na paraan para mapatunayan ang mga inilahad na argumento?

6
A. Naglahad ng mga katotohanan o mga patotoo.
B. Nagbigay ng pansariling opinion.
C. Nagpalutang ng matinding damdamin.
D. Nagsalaysay ng mga personal na karanasan.
40. Ano ang ginamit na paraan ng may-akda sa pagsulat ng panimula ng teksto?
A. Inilahad ang argumentong tutol sa tesis na pahayag.
B. Ipinakilala ang paksa at ang tesis na pahayag.
C. Inilahad ang mga patunay at ebidensya
D. Inilahad ang matatalinong pananaw at ebidensya.
41. Paano inilahad ang mga opinion sa binasang teksto?
A. Inilahad sa pamamagitan ng pangangatwiran at paninindigan
B. Inilahad sa pamamagitan ng paglalahad ng mga pangyayari
C. Inilahad sa pamamagitan ng pagsasalaysay ng karanasan
D. Inilalahad sa pamamagitan ng larawan.
42. Batay sa binasang teksto, anong uri ng akademikong sulatin ang binasang seleksyon?
A. Reflektibong Sanaysay C. Posisyong Papel
B. Lakbay-Sanaysay D. Rebyu

Panuto : Basahing mabuti at unawain ang sulating akademiko sa ibaba. Sagutan ang bilang 43-47.

Pamagat

Kung iisipin may isang KATOTOHANAN na


hindi natin napapansin na ang lahat ay
nagsisimula sa isang munting
hakbang. HAKBANG na kung saan ang iyong
mga sariling mga paa ang siyang magdadala
tungo sa iyong kinabukasan. Kung saan ito ang
magiging daan mo para ikaw ay magbabago. At
kapag ikaw ay natuto ng humakbang at
makapaglakad, ikaw na mismo ang gagawa ng
iyong kapalaran. Ang pagbabago o hakbang na
tinatawag katulad lang yan ng paglalakad,
kailangan mo munang matutong humakbang at
nasa sa iyo na kung nanaisin mong matutong
magbago o hindi.

7
Ngunit saan nga ba nagsisimula
ang PAGBABAGO ? Sabi nila ang pagbabago ay
nagsisimula sa bahay, dahil ang bahay ay
nagbabago depende kung ano ang gustong disenyo
ng isang may – ari. Dahil pwedeng kapag walang
pagbabago sa loob ng bahay maaari ring wala na
ring pagbabago sa ating bansa. Dahil dito mo
makikita na sa loob ng bahay na ito ay ang iba’t
ibang KLASE ng tao. Nakadepende sa iyo kung
ikaw ay magbabago walang pakialam ang ibang tao
kung magbago ka man o hindi at hindi sila ang
dahilan kung bakiy ka magbabago, kagustuhan mo
ito at hindi nila. At kapag walang pagbabago
maaaring madala nila ang ugaling nakikita nila sa
loob ng bahay kapag sila ay nasa labas ng bahay
na at nakikisalamuha sa ibang tao. At kapag nakapagbago na ang ISANG bata,
maaari na silang maging malaya katulad ng
isang IBONG MALAYA. At ang batang masayang naglalakad patungo sa paaralan dahil alam nila
na NAKAMTAN na nila ang gusto nila at ito ay pagbabago. Walang masama kung ikaw ay magbago lalo na
kung ito ay para sa KABUTIHAN .
Advertisements

43. Batay sa teksto at larawang makikita, anong pamagat ang pwedeng mabuo batay sa teksto?
A. Hakbang Tungo sa Pag-unlad
B. Hakbang Tungo sa Pagbabago
C. Hakbang Tungo sa Edukasyon
D. Hakbang Tungo sa Tagumpay

44. Anong dalawang elemento ang nagpalutang para mangibabaw ang mensaheng nais ipabatid ng
teksto?
A. Larawan at Pamagat
B. Teksto at Pamagat
C. Tanong at Teksto
D. Teksto at Larawan

8
45. Anong uri ng shot ang ginamit para makuha ang tamang anggulo sa larawan bilang 1?
A. Close-Up Shot C. High Angle Shot
B. Extreme Close Up Shot D. Aerial Shot
46. Paano nakatulong ang mga larawan sa pagpapalutang ng mensaheng nais ipabatid ng may-akda?
A. Nagbigay ng pahiwatig sa mga mambabasa sa posibleng mensahe ng teskto.
B. Nagbigay ng babala sa posibleng magiging wakas ng kwento.
C. Nag-iwan ng impresyon sa mga mambabasa.
D. Nag-iwan ng kakintalan sa isipan ng mga mambabasa.
47. Batay sa teksto, anong uri ng mga salita ang ginamit sa paglalagay ng kaptions o teksto ng mga
larawan?
A. Pormal at matalinhaga C. Impormal
B. Karaniwang mga salita D. Balbal
48. Ano ang tamang pagkakasunod-sunod sa paggawa ng isang pictorial essay?
1. Paglalagay ng Captions 3. Pagpili ng tamang paksa
2. Pagkuha ng litrato at tamang anggulo 4. Pagsasaayos ng mga larawan
A. 2-3-4-1 B. 1-2-3-4 C. 4 –2- 1-3 D. 2-3-1-4
49. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing hakbang sa pagsulat ng pictorial essay?
A. Kumuha ng larawan.
B. Mangalap ng impormasyon kaugnay ng larawan.
C. Pumili ng paksang nakapupukaw ng inyong interes at mambabasa.
D. Lagyan ng deskripsyon ang bawat larawan.
50. Matatawag na panning shots ang isang larawan kapag _______________________?
A. Ang pokus ng larawan ay gumagalaw.
B. Ang larawan ay may iba’t ibang kulay.
C. Ang larawan ay may iba’t ibang laki at hugis
D. Ang larawan ay hindi gumagalaw.

Inihanda nina:
JOEVEN A. BALUDIO
Ajuy National High School

SHANNON KHEY A. AMOYAN


Alimodian National Comprehensive High School

You might also like