You are on page 1of 2

IKALAWANG LAGUMANG PAGSUSULIT SA FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK)

TP 2022-2023 (Ikaapat na Kwarter)


A. Panuto: Basahing mabuti ang mga pangungusap at isulat sa iyomg sagutang papel ang salitang WASTO kung tamang ang pahayag at
DI-WASTO
naman kung mali.
1. Ang mga larawan sa photo essay ang pangunahing nagkukwento.
2. Pumili ng paksa ayon sa iyong interes.
3. Ang travel essay ay isang koleksyon ng mga imaheng inilagay sa isang partikular na pagkakasunud-sunod.
4. Gumamit ng mga larawang walang impak o nakatatawag-pansin upang mas maging interesado ang mga mambabasa na basahin ang sulatin.
5. Ang photo essay ay dapat malinaw ang pahayag sa unang tingin palang.
6. Hindi na nangangailangan ng pananaliksik sa paggawa ng photo essay.
7. Ang photo essay ay nasasagot sa pamamagitan ng pagkakaugnay ng mga larawan.
8. Isaalang-alang ang kawilihan at uri ng iyong mambabasa.
9. Inaayos ayon sa kronolohikal na pagkakasunud-sunod ang mga larawan sa photo essay.
10. Sa photo essay, higit na dapat mangibabaw ang larawan kaysa sa mga salita.
11. Ang photo essay ay isang uri ng akademikong sulatin na gumagamit ng mga larawan sa paglalahad ng isang paksa.
12. Ang anyong pasalaysay ay naglalayong ipabatid ang kuwento o mga pangyayaring naganap sa mga larawan.
13. Ang mga doctor ay gumagamit ng mga biswal na kagamitan sa pagtuturo upang lubos na maipaunawa sa mga mag-aaral ang paksang aralin.
14. Layunin ng photo essay na magpahayag ng damdamin at kaisipan sa pamamagitan ng mga larawan.
15. Kadalasang ginagamit ang mga larawan upang mas makatawag-pansin pa ang sulatin.

B. Panuto: Nasahing mabuti ang bawat pahayag. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa iyong sagutang papel.
16. Anong uri ng lathalain na ang layunin ay maitala ang karanasan ng kanyang paglalakbay o pamamasyal.
a. Abstrak b. Lakbay Sanaysay c. Bionote d. Photo essay
17. “Ang lakbay sanaysay ay tinawag na sanaylakbay kung saan ang terminolohiyang ito ay binubuo ng tatlong konsepto:sanaysay, sanay at
lakbay.” , sino ang may pahayag nito?
a. Antonio b. Carandang c. Reyes d. Seneca
18. Anong tawag sa mga tao sa isang sikat na pasyalan?
a. Artista b. Foreigner c. Turista d. Wala sa nabanggit
19. Si Sam ay inatasan ng kanyang guro na lumikha ng sariling lakbay sanaysay, ano dapat ang ilalahad niya sa isusulat?
a. Karanasan b. Karahasan c. Kasaysayan d. Kalokohan
20. Isang uri ng gawain na makapaglibang at makapunta sa ibang lugar upang makapamasyal.
a. Gumala b. Maglakbay c. Magsimba d. Magklase
21. Ano ang iba pang katawagan sa lakbay sanaysay?
a. Photo Essay b. Reflection c. Travelogue d. Vlog
22. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng palabas na maihahalintulad sa lakbay sanaysay?
a. Magandang Buhay b. Jessica Soho c. Biyahe ni Drew d. Rated K
23. Anong panauhan ng panghalip ang dapat gamitin sa pagsulat ng lakbay sanaysay?
a. Una b. Ikalawa c. Ikatlo d. Ikaapat
24. Alin sa mga susmusunod ang dapat tandaan sa paraan ng pagsulat ng lakbay sanaysay?
I. Maging natural sa pagsulat.
II. Gumamit ng mga mapanghikayat na salita
III. Iwasang magpatawa sa hindi magandang tono ng sanaysay.
IV. Iwasang magkumpara ng lugar na napuntahan.
a. I at II b. III at IV c. I, II, at III d. I, II, III, at IV
25. Ang mga pahayag ay mga pangunahing dahilan ng pagsulat ng lakbay sanaysay maliba sa:
a. Itaguyod ang isang lugar .
b. Makalikha ng patnubay para sa mga posibleng manlalakbay.
c. Maglagay ng mga dayalogo o mga panipi na siyang magbibigay buhay sa lakbay-sanaysay.
d. Maidokumento ang kasaysayan, kultura at heograpiya ng lugar sa malikhaing pamamaraan.

C. Panuto: Basahing mabuti ang mga pangungusap at itiman o i-shade ang salitang FACT kung tamang ang pahayag at BLUFF naman
kung mali.
26. Ang photo essay at lakbay sanaysay ay halimbawa ng akademikong sulatin.
27. Layunin ng pagsulat ng lakbay-sanaysay ay dalin ang manunulat sa kanyang naranasan na paglalakbay.
28. Ang hangarin ng lakbay-sanaysay ay upang mahikayat ang manonood sa paglalakbay.
29. Mababaw at magaan lamang ang mga salita na gagamitin ngunit nasa anyong pormal at nakahihikayat ang sulatin.
30. Tiyaking wasto ang sinulat na mga datos makaaapekto ang maling impormasyon sa pagkabasa nang mambabasa.

D. Panuto: Basahing mabuti ang mga pangungusap piliin ang titik ng tamang sagot batay sa mga pahayag na nasa ibaba
A. Kultura B. Karanasan C. Paglalakbay D. Dokumentasyon E. Sanaysay
31. Ito ay sulatin na ang layunin ay makapaglahad ng kaalaman at makapagturo ng bagong kaalaman.
32. Pagkuha ng datos na makatutulong sa gagawing pagsulat.
33. Layuning malibang o makapamasyal sa ibang lugar.
34. Hindi malilimutang nangyari sa buhay. Maaaring may magandang natutuhan.
35. Pagkilala sa nakagisnang kasanayan at makulay na kinalakhan.
IKALAWANG LAGUMANG PAGSUSULIT SA FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK)
TP 2022-2023 (Ikaapat na Kwarter)

SUSI SA PAGWAWASTO
1. WASTO
2. WASTO
3. DI-WASTO
4. DI-WASTO
5. WASTO
6. DI-WASTO
7. WASTO
8. WASTO
9. WASTO
10. WASTO
11. WASTO
12. WASTO
13. DI-WASTO
14. WASTO
15. WASTO
16. B
17. B
18. C
19. A
20. B
21. C
22. C
23. A
24. D
25. C
26. E
27. D
28. C
29. B
30. A
31. FACT
32. FACT
33. FACT
34. FACT
35. FACT

You might also like