You are on page 1of 4

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon V
Sangay ng Sorsogon
BARTOLOME G. LEE SR.
INTEGRATED SCHOOL
S.Y:2021-2022

LAGUMANG PAGSUSULIT SA FILIPINO

Pangalan: _________________________ Petsa: _______________


8
Baitang/Seksyon: _________________ Iskor: _____________

PANGKALAHATANG PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang mga


sumusunod. Iwasan ang pagbura at anumang markang di-kailangan sa
pagsusulit. Gumamit ng ballpen bilang pansulat. GOODLUCK

I. KARUNUNGANG-BAYAN. Isulat sa patlang kung ang sumusunod na


pahayag ay tumutukoy sa Salawikain, Sawikain, Bugtong o Kasabihan.

_______________ 1. Karaniwang patalinghaga na may kahulugang nakatago.


_______________ 2. Paraan ng pagsasalita na hindi gumagamit ng mararahas
na salita upang maiwasan ang makasakit ng loob.
_______________ 3.Hindi gumagamit ng mga talinghaga. Payak ang
kahulugan.
_______________ 4.Isang pahulaan na may sukat at tugma. Madalas na
ginagamit sa paglilibang.
_______________ 5. Tulak ng bibiga, kabig ng dibdib.

II. Panuto: Salungguhitan ang salita o mga salita sa loob ng pangungusap


na kasingkahulugan ng salitang nasa loob ng panaklong.

(kawal) 6. Si Sultana Lila Sari ay nagpadala sa lahat ng dako ng


mga batyaw upang malaman kung may babaeng
nakahihigit ng ganda sa kanya.
(pinag-interesan)7. Pinagnasaang pasukin ni Sultan Mogindra ang
palasyong nakatayo sa loob ng kagubatan.
(pinuri) 8. Lubhang hinangaan ng sultan ang kagandahan at
kabutihang loob ni Bidasari.
(malas) 9. Ang lahat ay maligaya nang biglang sumalakay ang
itinuturing na salot ng kaharian, ang higanteng ibong
Garuda.
(kinamulatan) 10. Ang batang Bidasari ay lubos na minahal at inaruga ng
kanyang kinagisnang magulang.

KWARTER 1-LAGUMANG PAGSUSULIT


1
III. PAGHAHAMBING. Buoin ang pangungusap batay sa hinihinging uri
ng paghahambing.
11. __________________ (mahirap: di magkatulad) ang buhay ng aking
magulang kompara sa magandang buhay na ibinigay nila sa ngayon.
12. Ang aking tatay at nanay ay _______________ (bait: magkatulad) kaya’t
mahal na mahal ko silang dalawa.
13. ______________________ (maganda: magkatulad) ang pananaw naming
magkaibigan sa buhay dahil ang turo ito ang turo n gaming magulang.
14. ______________________ (gusto: di magkatulad) kong magbasa kaysa
manood ng telebisyon kapag wala akong magawa.
15. Ako ay _______________________ (matanda: di magkatulad) kaysa sa aking
mga kalaro kaya’t pinipilit kong maging mabuting halmbawa sa kanila.

IV. SANHI AT BUNGA: Basahin ang sitwasyon sa ibaba at sagutin ang


mga sumusunod na katanungan. Tukuyin ang Sanhi at Bunga, isulat
sa kahon sa ibaba.

Si Karlo ay abala sa pagsagot ng kanyang modyul nang


tawagin siya ng kanyang kaklaseng si Mario. Niyaya siya nitong
maglaro ng basketbol na kanyang paboritong libangan kung kaya’t
agad niyang iniwan ang modyul sa mesa.
Alas-5 ng hapon nang si Karlo ay nakauwi sa kanilang bahay.
Pagpasok niya ng pinto ay sumagi sa kanyang isip ang modyul na
iniwan niya sa mesa subalit pagtungo niya roon ay mga punit-punit na
papel na lamang ang kanyang nadatnan. Pinaglaruan ng aso ag
kanyang modyul. Hindi alam ni Karlo ang kanyang gagawin, lunes na
bukas at siguradong hindi niya matatapos ang lahat ng asignatura.
Naisip niyang maghiram na lang at gumaya sa sagot ng kanyang
kaklase o kaya ay gayahin ang lahat ng sagot sa key to correction.

Ayon sa nabasa, magbigay ng dalawang sitwasyon na nagpapakita ng sanhi


at bunga.
SANHI BUNGA
16. 17.

18 19.

KWARTER 1-LAGUMANG PAGSUSULIT


2
20-25. Kung ikaw si Karlo, ano ang gagawin mo sa ganitong sitwasyon?
Ilahad ang maaaring maging bunga ng iyong desisyon. (6 puntos)

V. PAGHIHINUHA. Bilugan ang salitang ginamit bilang paghihinuha sa


sumusunod na pangungusap.

26. Hindi nakapagtapos sa pag-aaral si Narding, marahil ay walang


pantustos ang kanyang magulang upang siya’y makapagtapos.
27. Sa palagay ko ay isa sa mga dahilan ng paglaganap ng COVID sa bansa
ay kawalan ng disiplina ng ilan saating mga Pilipino.
28. Sa tingin ko ay uulan ngayon sapagkat makulimlim ang kalangitan.
29. Maaaring matapos na ang pandemyang ito sa susunod na taon.
30. Siguro ay mas nanaisin ko na lamang manatili sa loob ng bahay kaysa
mahawa ng napapanahong sakit.

VI. PAG-IISA-ISA

Ibigay ang apat na Karunungang-bayan.


31.
32.
33.
34.

Isulat ang iba’t ibang paraan o teknik na ginagamit sa pagpapalawak ng


paksa sa pagsulat ng talata.
35.
36.
37.

38-40. Ano ang TALATA? Gumamit ng tatlong pangungusap(3) sa


pagbibigay ng sariling depinisyon. (3puntos)

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

KWARTER 1-LAGUMANG PAGSUSULIT


3
___________________________________________________________________________
_____________________________________________.

Inihanda ni:

Bb. Sherilyn V. Genova


Guro sa Filipino 8

KWARTER 1-LAGUMANG PAGSUSULIT


4

You might also like