You are on page 1of 5

Republika ng Pilipinas

Rehiyon XII
Sangay ng Timog Cotabato
Distrito ng Polomolok 3
Probinsiya ng Timog Cotabato, Munisipalidad ng Polomolok
KALYONG INTEGRATED SCHOOL
School ID: 501145
UNANG MARKAHANG PAGSUSUSULIT SA FILIPINO 7

Pangalan: ________________________________________Petsa: _____________ Iskor:


___________
Guro: ________________________________________ Baitang & Pangkat: __________________
Panuto: Basahin at unawain ang bawat panuto sa bawat bilang.
Tukuyin ang titik ng tamang sagot sa bawat katanungan. Isulat sa patlang ang
sagot.

_____1. Ito’y bahagi ng ating katutubong panitikang nagsimula bago pa man dumating
ang mga Espanyol. Karaniwang naglalahad ng kaugalian at tradisyon ng lugar kung
saan ito nagsimula at lumaganap.
a. pabula b. epiko c. kwentong bayan d. alamat

_____2. Ito’y karaniwang ginagamit bilang tagpuan ng mga kilalang kuwentong-bayan at


pabulang Maranao.
a. Agama b. agamaniyog c. agamanayog d. Lanao

_____3. Ano ang hanapbuhay nag mag asawa sa kwentong ‘Ang Munting Ibon’?
a. pangangaso b. pagsasaka c. pangingisda d.pagmimina

_____4. Alin sa mga sumusunod ang isang kwentong-bayang tagalog?


a. Ang Bundok ng Kanlaon b. Ang Batik ng Buwan
c. Isang aral para sa Sultan d. Si Malakas at si Maganda

_____5. Ano ang pangalan ng babaeng tauhan sa kwentong ‘Ang Munting Ibon’?
a. Lokes a Mama b. Lokes a Baba c. Lokes d. Sultan

Para sa bilang 6-7, Ibigay ang kasing kahulugan ng mga salitang nakadiin ayon sa
pagkakagamit nito sa pangugusap.

_____6. Lumalabas ang mag-asawa tuwing takipsilim upang mangaso.


a. hatinggabi b. katanghaliang tapat
c. madalaing araw d. papalubog na ang araw

_____7. Isang matabang usa ang kanyang nadale.


a. nadaanan b. nahuli c. naisama d. Nakita

Address: Purok 3 Kalyong, Barangay Landan, Polomolok, South Cotabato


Telephone Number: 0912-054-6998
Email Address: annacel.malida@deped.gov.ph
____8. Ibigay ang kasalungat ng salitang nakadiin. ‘Kitang-kita sa kanya ang pagiging
tuso.’
a. Masama b. mabuti c. mapanlinlang d. mapanghusga

Para sa bilang 9-13 Kilalanin at isulat sa kahon ang P kung ang pangungusap ay
nagbibigay ng patunay. Lagyan ng DP kung hindi ito nagpapatunay.

_____9. Ang mahigit na anim na libong bilang ng nasawi dahil sa bagyong Yolanda ang
magpapatunay sa lakas at bagsik ng bagyong humambalos sa lalawigan sa kabisayaan
noong 2013.
_____10. Ang unti-unting pagtatayo ng mga nasirang gusali at mg tirahan at
pagsisismulang muli ng komersiyo sa mga lugar na ito ang nagpapatunay na
bumabangon ang mga taga-Visayas.
_____11.Huwag na sana tayong salantain uli ng bagyo.
_____12. Malungkot Makita ang ilan nating kababayang nawawalan ng mga mahal sa
buhay at ari-arian.
_____13. Pinatutunayan ng datos mula sa National Economic and Development
Authority na kinakailangan natin ng 361 bilyong piso para sa muling pagbangon ng mga
lugar na labis na nasalanta ng bagyong Yolanda.

Tukuyin ang titik ng tamang sagot sa bawat katanungan. Isulat sa patlang ang
sagot.

_____14. Kwento na kung saan hayop ang gumaganap na tauhan at may dalang gintong
aral.
a.epiko b. pabula c. alamat d. mito

_____15. Isang maliit na hayop na kilala bilang “Philippine Mouse Deer”.


a. usa b. pilandok c. kuneho d. baboy damo

_____16. Saan kadalasang natatagpuan ang “Philippine Mouse Deer”?


a. timog-kanlurang Palawan b. timog-silangnang Palawan
c. timog-hilagang Palawan d. timog palawan

_____17. Inilarawan ang pilandok bilang isang_________________________.


a. mapanlinlang, maparaan at tuso
b. mabait at masunurin
c. maamo at narunong makisama
d. mahina at maliit

Kilalanin ang kahulugan ng mga salita batay sa gamit ng panlapi. Piliin ang sagot
sa hanay B at isulat ang titik ng sagot sa patlang.

[A] [B]
_____18. Lamigin a. ginagawa ng tao para guminhawa ang
pakiramdam kapag mainit
_____19. malamig b. nagiging asal ng tao na nagpapakitang
ayaw na sa iasang relasyon
_____20. Nagpapalamig c. nararamdaman ng tao kapag malamig
_____21. Nanlalamig d. taong madaling makadama ng lamig
_____22. Nilalamig e. tumutukoy sa uri ng panahong
nararanasan

Address: Purok 3 Kalyong, Barangay Landan, Polomolok, South Cotabato


Telephone Number: 0912-054-6998
Email Address: annacel.malida@deped.gov.ph
Kilalanin at salungguhitan ang salita o mga ekspresyong nagsasaad ng posibilidad
sa bawat bilang.

23. Maaari nga kayang maglaho ang lahi ng mga hayop na nanganganib nang maubos
tulad ng pilandok?
24. Siguro dapat maging mas mabigat ang parusang ibibigay sa mga lalabag sa batas.
25. Sa palagay ko makakatulong iyan para mapigilan ang mga mangangasong ito.
26. Tila mas madaling sabihin iyan kaysa gawin.
27. Pwede kayang bumuo tayo ng proyektong tatawag pansin sa iba para pangalagaan
ang mga hayop sa kagubatan?

Tukuyin ang titik ng tamang sagot sa bawat katanungan. Isulat sa patlang ang
sagot.

_____28. Isang akdang pampanitikang nagmula sa iba’t – ibang pangkat etniko, rehiyon
o lalawigan. Ang mga kaganapan ay hindi kapani-paniwala o puno ng kababalaghan at
an gang tauhan ay kadalasang may kabayanihang taglay.
a. epiko b. alamat c. pabula d. mito
_____29. Sila ay binuhay at natanyag na mga tauhang nagtataglay ng pambihirang
kapangyarihan.
a. sultan b. superhero c. diwata d.pinuno

_____30. Kilala siyang Tenteng na magbabakal ngunit siya ay nakalilipad at nagtataglay


ng pambihirang lakas.
a. Panday b. Captain Barbell c. Darna d. Krystala

_____31. Kilala sa pangalang Narda bilang normal na tao subalit sa oras na isubo ang
isang mahiwagang bato ay nagkakaroon ng kakayahang makalipad at magkaroon ng
pambhirang lakas.
a. Panday b. Captain Barbell c. Darna d. Krystala

_____32. Siya si Flavio, may ginituang puso at mapagmalasakit sa kapwa na nabigyan


ng makapangyarihang espada upang ipagtanggol ang sanlibutan mula kay Lizardo.
a. Panday b. Captain Barbell c. Darna d. Krystala

_____33. May pambihirang lakas at kakayahang makalipad bagama’t ang kanyang


kapangyarihan ay nagmula sa isang mahiwagang Kristal.
a. Panday b. Captain Barbell c. Darna d. Krystala

Bilugan ang salitang hindi dapat mapabilang sa pangkat dahil sa naiibang


kahulugan nito.

34. agad dagli mabilis mabagal


35. nag-aalab nag-iinit nagpupuyos namatayan
36. matalas matalim mapurol nahasa

Address: Purok 3 Kalyong, Barangay Landan, Polomolok, South Cotabato


Telephone Number: 0912-054-6998
Email Address: annacel.malida@deped.gov.ph
Bilugan ang pang-ugnay na ginagamit sa pangungusap at salungguhitan ang mga
salita na pinag-uugnay nito.

37. Ang magkapatid ay minahal ng mga tao sapagkat sila’y tunay na matulungin sa
kapwa.
38. Bagama’t hindi taga Mindanao ay nagpakita ng pagpapahalaga ang magkapatid sa
nasabing lugar.
39. Maligayang naninirahan ang mga tao sa lugar subalit dumating ang mga
mapaminsalang halimaw.
40. Sa aking hinuha ay madaling matatalo ng hari ang mapaminsalang halimaw dahil sa
kapangyarihang taglay nito.
41. Ang pagkamatay ng malaking ibon ay totoong nagbigay ng pag-asa samga
mamamayan ng Mindanao.

Tukuyin ang titik ng tamang sagot sa bawat katanungan. Isulat sa patlang ang
sagot.

_____42. Isang anyo ng panitikang nagsasalaysay sa madali, mailki, at masining na


paraan.
a. pabula b. alamat c. maikling kwento d. kwentong bayan

Elemento ng kwento
Panuto: Basahin ang kwento at punan ng wastong sagot ang tsart sa ibaba. Kunin
ang iyong sagot ayon sa talaan.

Ang Umibig na Leon


Sa isang pamayanang kahuyan noong nakalipas na panahon, isang mabangis na
leon ang umibig sa anak ng mangangahoy. Hiningi niya sa ama ang kamay ng dalaga.
Ayaw ng ama na ipakasal ang anak sa leon. Ngunit takot siyang tanggihan ang hari ng
kagubatan.
Nag-isip ang ama. Tiwanag niya ang leon at sinabihan. “Tatanggapin kita,
mapapatunayan mo iyong katapatan at pagmamahal sa akng anak7. Payagan mo akong
tanggalin ang iyong mga ngipin at putulin ang iyong mga kuko”.
Tinanggap ng leon ang mungkahi ng ama. Mabilis na binunot ng ama ang ngipin
ng leon at pinutol ang kanyang mga kuko. Makalipas ang dalawang araw bumalik ang
leon upang hingin ang kamay ng dalaga. Ngunit handa ang ama. Hindi na siya takot sa
leon. Hinampas niya ng malaking piraso ng kahoy ang leon. Tumakas ang leon at
nagtago sa kagubatan. Magmula noon hindi na ginambala ng leon ang mag-ama.

Tauhan Tagpuan Kasukdulan Wakas


43-44. 45-46 47-48. 49-50.

Address: Purok 3 Kalyong, Barangay Landan, Polomolok, South Cotabato


Telephone Number: 0912-054-6998
Email Address: annacel.malida@deped.gov.ph
TALAAN NG SAGOT

a.Sa kabundukan noong unang panahon


b. Sa isang pamayanang kakahuyan noong mga nakalipas na taon
c. Tumakas ang leon
d. Ama, leon, dalaga
e. Matandang babae, binata, leon
f. Nang sinabi ng ama ang kanyang gusto upang mapatunayan ng leon ang pag-ibig niya
sa dalaga
g. Binunot at pinutol ng ama ang ngipin at kuko ng leon
h. Hindi na ginambala ng leon ang mag-ama
i. Pinakasal ng ama ang kanyang anak sa leon.

“Walang pagsusulit na mahirap sa estudyanteng nagsusumikap”

Inihanda ni: Pinagtibay ni:

ANNACEL D. MALIDA JULIE C. MORGA


Teacher 1 Head Teacher I

____________________
Lagda ng magulang

Address: Purok 3 Kalyong, Barangay Landan, Polomolok, South Cotabato


Telephone Number: 0912-054-6998
Email Address: annacel.malida@deped.gov.ph

You might also like