You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF AURORA
LUAL NATIONAL HIGH SCHOOL
BRGY. LUAL CASIGURAN, AURORA

Semi-Detalyadong Banghay-Aralin sa Filipino 7


I. Mga Layunin:
Sa loob ng 60 minutong aralin sa Filipino 7, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Nasusuri ang motibo ng akdang binasa.
b. Nabibigyang halaga ang isang pananaw o opinion ng bawat isa.
c. Nailalahad ang sariling pananaw patungkol sa motibo ng may akda.

II. Paksang Aralin: Paglalahad ng Pananaw


Sanggunian: Filipino: Ikaapat na Markahan, Module 1
Kagamitan: Laptop, Powerpoint Presentation

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Pambungad na panalangin
2. Pagtala ng mga lumiban
3. Pagpapaalala sa mga tuntunin sa silid-aralan

B. Paglalahad
1. Pagganyak
Magsasagawa ng maikling aktibidad sa pagtukoy ng motibo ng may akda sa paksang
babasahin.

2. Pagtatalakay
Ipalalabas ang ginawang slide presentation at tatalakayin ang kahulugan ng pananaw
at ang pagkakaiba ng katotohanan at ng isang opinion.

Iisa-isahin din ang mga halimbawa ng dahilan sa pagbibigay ng sariling pananaw.

3. Pagpapalawak ng Kaalaman

Sagutan ang mga gabay na tanong mula sa korido na binasa na Ibong Adarna. Isulat
ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. Paano naiba ang paglalakbay ni Don Juan sa naunang paglalakbay ng kanyang


dalawang kapatid?
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF AURORA
LUAL NATIONAL HIGH SCHOOL
BRGY. LUAL CASIGURAN, AURORA

2. Bakit mahalaga ang bendisyon ng magulang at ang panalangin sa Panginoon


bago magsagawa ng anumang gawain lalo nan g isang malaki at mapanganib na
misyong tulad ng isinagawa ni Don Juan?
3. Paano ipinakita ni Don Juan ang kabutihan ng kanyang puso? Sa iyong palagay,
paano kaya makatutulong sa kanya ang kabutihang loob na taglay niya?
4. Ano ang ibinunga ng pagiging maawain at mapagkawanggawa ni Don Juan?
5. Kung ikaw ang may pagkaing sapat lamang sa iyo at hihingin ng isang taong
higit na magugutom, ibibigay mo ba ito? Bakit oo o bakit hindi?

4. Paglalahat

Iisa isahin ng mga mag-aaral ang bawat bahagi ng naging talakayan.

IV. Pagtataya

Piliin ang wastong sagot sa bawat tanong. At isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
1. Ito ay nangangahulugan ng paraan ng pagsasaalang-alang o pagsusuri sa isang bagay,
suliranin o pangyayari.
A. Pag-alala C. Pananampalataya
B. Pananaw D. Pakikibaka
2. Isang pahayag na nagsasaad ng ideya o pangyayaring napatunayan at tanggap ng lahat na
totoo at hindi napapasubalian.
A. Kasinungalingan C. Katotohanan
B. Kayabangan D. Kalungkutan
3. Isang pananaw ng isang tao o pangkat na maaring totoo pero puwedeng pasubalian ng iba.
A. Editoryal C. Argumento
B. Komento D. Opinyon
4. Kung ang Florante at Laura ay isang epikong awit, ano naman ang Ibong Adarna?
A. Tanka C. Korido
B. Haiku D. Komedya
5. Ano ang pangalan ng kaharian na pinamumunuan ni Don Fernado?
A. Berbanya C. Alemanya
B. Britanya D. Athena
6. Anong hayop ang sinakyan ni Don Pedro para akyatin ang Bundok ng Tabor?
A. Elephante C. Kalabaw
B. Kabayo D. Kamel
7. Ano ang tanging baon ni Don Fernando ng ito ay maglakbay sa bundok Tabor?
A. Ubas C. Tinapay
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF AURORA
LUAL NATIONAL HIGH SCHOOL
BRGY. LUAL CASIGURAN, AURORA

B. Saging D. Tubig
8. Bakit kailangan nating igalang ang opinyon ng ibang tao?
A. Dahil ito ay kanilang narinig
B. Ito ay batay sa kanilang pananaliksik
C. Dahil ito ay totoo
D. Dahil ito ay kanilang paniniwala
9. Bakit kailangan maka-tutuhanan ang pananaw o opinyon ng isang tao?
A. Upang hindi malito ang taong nakikinig
B. Upang hindi masayang ang oras ng taong nakikinig
C. Upang marinig ng karamihan
D. Upang ito’y hindi makasinungalingan
10. Ano ang layunin ng may akda sa pagsulat ng epikong Ibong Adarna?
A. Upang mawili ang mambabasa
B. Upang matuto bumasa ang mga bata
C. Para tumuro ng leksyon sa mga mambabasa
D. Upang malinang ang kaalaman ng mga mag-aaral

Isagawa:
1. B 6. B
2. C 7. C
3. A 8. D
4. C 9. D
5. A 10. D

V. Takdang Aralin

Masasalamin sa binasang bahagi ng korido ang pagpapakita ng tapang ng mga anak ni Don
Fernando kapalit ng kanyang paggaling. Ano ang iyong opinyon sa pagbibigay-diin ng may-
akda ukol sa katangiang ito ng magkakapatid?

Inihanda ni:
BRYAN T. LUMATA
Pre-Service Teacher
Itinama ni:
ESTER GRACE S. NIDOY
Cooperating Teacher
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF AURORA
LUAL NATIONAL HIGH SCHOOL
BRGY. LUAL CASIGURAN, AURORA

You might also like