You are on page 1of 18

Sa loob ng 60 minutong aralin sa Filipino 7, ang

mga mag-aaral ay inaasahang:

a. Nasusuri ang motibo ng akdang binasa.


b. Nabibigyang halaga ang isang pananaw o opinion
ng bawat isa.
c. Nailalahad ang sariling pananaw patungkol sa
motibo ng may akda.
A.) B.)
Paglalahad ng Sariling
Pananaw Tungkol sa Mga
Motibo ng May-akda
Pananaw
Isang paraan ng pagsasaalang-alang o pagsusuri sa isang bagay suliranin o
pangyayari, at nangangahulugan ng paniniwala ng isang tao. Sa Ingles, ito ay
tinatawag na "Point Of View".

Halimbawa:
Marami ang naitatalang kaso ng positibo sa COVID-19 dahil sa pananaw na
isa lamang “scam” ang naturang pandemya at ayon sa kanila, wala naman
talaga itong katotohanan. Subalit, mayroon din namang ibang naniniwalang
totoo ang COVID-19.
Ano ang Katotohanan at Opinyon?

• Ang katotohanan ay isang pahayag na nagsasaad ng ideya o


pangyayaring napatunayan at tanggap ng lahat na totoo at hindi
napapasubalian. Hindi ito nagbabago at maaring I – verify ang
pagkamakatotohanan nito sa ibang sanggunian tulad ng mga
babasahin at mga taong nakasaksi nito.

• Ang opinyon naman ay isang pananaw ng isang tao o pangkat na


maaring totoo pero puwedeng pasubalian ng iba. Ito rin ay isang
paniniwala na mas malakas pa sa impresyon, mas mahina sa
positibong kaalaman na batay sa obserbasyon at eksperimento.
Mga ilan sa dapat tandan sa pagbibigay ng
pananaw:

• Maipapaliwanag ang nilalaman ng iyong kaisipan.


• Makapupukaw ng damdamin ng ibang
mambabasa.
• Makapag-bibigay ng ideya sa mga mambabasa.
• Makahihikayat ng ibang mambabasa.
• Matututuhan ang magandang gawi o ugali
matapos mabasa ang korido.
Korido
Isang uri ng tulang pasalaysay na bantog noong panahon ng
Español. Ito ay gumagamit ng anyong patula na may sukat na
walong (8) pantig bawat linya at may apat (4) na linya sa isang
saknong.

Ang mga paksa ng korido ay nagsasalaysay ng mga


kaganapang hindi posibleng mangyari sa totoong buhay, tulad ng
mga mahika, kapangyarihang supernatural, at iba pang mga
magagarang mga pangyayari.
ACTIVITY!
Sagutan ang mga gabay na tanong mula sa korido na binasa na Ibong
Adarna. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. Paano naiba ang paglalakbay ni Don Juan sa naunang paglalakbay ng kanyang dalawang
kapatid?

2. Bakit mahalaga ang bendisyon ng magulang at ang panalangin sa Panginoon bago magsagawa
ng anumang gawain lalo nan g isang malaki at mapanganib na misyong tulad ng isinagawa ni
Don Juan?

3. Paano ipinakita ni Don Juan ang kabutihan ng kanyang puso? Sa iyong palagay, paano kaya
makatutulong sa kanya ang kabutihang loob na taglay niya?

4. Ano ang ibinunga ng pagiging maawain at mapagkawanggawa ni Don Juan?

5. Kung ikaw ang may pagkaing sapat lamang sa iyo at hihingin ng isang taong higit na
magugutom, ibibigay mo ba ito? Bakit oo o bakit hindi?
Sagutan ang mga sumusunod na tanong mula sa koridong Ibong Adarna.

1. Naging matapang ang tatlong magkakapatid sa pagsuong sa panganib para


lamang makahanap ng lunas sa sakit ng kanilang ama. Sa aking palagay, ang motibo
ng may-akda sa paglalagay ng bahaging ito ay
__________________________________________________________________________
________
2. Ikinalungkot ng buong kaharian ang pagkakasakit ng kanilang hari. Sa aking
palagay, ang motibo ng may-akda sa paglalagay ng bahaging ito ay
__________________________________________________________________________
________
3. Pinagbilinan ng matanda si Don Juan na huwag masilaw o mahumaling sa kinang
ng mahiwagang puno upang makaiwas sa kapahamakan. Sa aking palagay, ang
motibo ng may-akda sa paglalagay ng bahaging ito ay
__________________________________________________________________________
________
QUIZ!
Piliin ang wastong sagot sa bawat tanong. At isulat ang iyong sagot sa sagutang
papel.

1. ) Ito ay nangangahulugan ng paraan ng pagsasaalang-alang o pagsusuri sa


isang bagay, suliranin o pangyayari.
A. Pag-alala C. Pananampalataya
B. Pananaw D. Pakikibaka
2.) Isang pahayag na nagsasaad ng ideya o pangyayaring napatunayan at
tanggap ng lahat na totoo at hindi napapasubalian.
A. Kasinungalingan C. Katotohanan
B. Kayabangan D. Kalungkutan
3.) Isang pananaw ng isang tao o pangkat na maaring totoo pero puwedeng
pasubalian ng iba.
A. Editoryal C. Argumento
B. Komento D. Opinyon
4.) Kung ang Florante at Laura ay isang epikong awit, ano naman ang Ibong
Adarna?
A. Tanka C. Korido
B. Haiku D. Komedya
5.) Ano ang pangalan ng kaharian na pinamumunuan ni Don Fernado?
A. Berbanya C. Alemanya
B. Britanya D. Athena
6.) Anong hayop ang sinakyan ni Don Pedro para akyatin ang Bundok ng Tabor?
A. Elephante C. Kalabaw
B. Kabayo D. Kamel
7.) Ano ang tanging baon ni Don Juan ng ito ay maglakbay sa bundok Tabor?
A. Ubas C. Tinapay
B. Saging D. Tubig
8.) Bakit kailangan nating igalang ang opinyon ng ibang tao?
A. Dahil ito ay kanilang narinig
B. Ito ay batay sa kanilang pananaliksik
C. Dahil ito ay totoo
D. Dahil ito ay kanilang paniniwala
9.) Bakit kailangan maka-tutuhanan ang pananaw o opinyon ng isang tao?
A. Upang hindi malito ang taong nakikinig
B. Upang hindi masayang ang oras ng taong nakikinig
C. Upang marinig ng karamihan
D. Upang ito’y hindi makasinungalingan
10.) Ano ang layunin ng may akda sa pagsulat ng epikong Ibong Adarna?
A. Upang mawili ang mambabasa
B. Upang matuto bumasa ang mga bata
C. Para tumuro ng leksyon sa mga mambabasa
D. Upang malinang ang kaalaman ng mga mag-aaral
TAYAHIN:

1. B (Pananaw)
2. C (Katotohanan)
3. A (Kasinungalingan)
4. C (Korido)
5. A (Berbanya)
6. B (Kabayo)
7. C (Tinapay)
8. D (Dahil ito ay kanilang paniniwala)
9. D (Upang ito’y hindi makasinungalingan)
10. D (Upang malinang ang kaalaman ng mga mag-aaral)
Takdang Aralin

Masasalamin sa binasang bahagi ng korido ang


pagpapakita ng tapang ng mga anak ni Don
Fernando kapalit ng kanyang paggaling. Ano ang
iyong opinyon sa pagbibigay-diin ng may-akda ukol
sa katangiang ito ng magkakapatid?
Pamantayan Laang Puntos Aking Marka
Akma sa paksa ang pagpapahayag ng sariling pananaw/opinyon/argumento. 5

Malinaw na naipapahayag ang sariling pananaw/opinyon/argumento hinggil sa 5


napiling napapanahong isyu.

Maayos na naisulat sariling pananaw/opinyon/argumento ayon sa mga bahagi nito. 5

Nakahihikayat at nakapagbigay-linaw ang kabuoan sa pagsusulat ng sariling 5


pananaw/opinyon/argumento.

Kabuoang Puntos 20

5 – Napakahusay 2 – Di-gaanong Mahusay


4 – Mahusay 1 – Sadyang Di-Mahusay
3 – Katamtaman
THANK YOU.

You might also like