You are on page 1of 3

RICH GOLDEN SHOWER MONTESSORI CENTER

JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT


S.Y. 2020 – 2021
IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 7

Pangkalahatang Panuto: Basahing mabuti at unawain ang mga pangugusap. Isulat ang tamang
sagot sa sagutang papel.
I. Multiple Choice
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Piliin ang titik ng wastong kasagutan.
1. Ano ang kahulugan ng antas ng wika?
A. Sinasabing ang antas ng wika ay ang salamin kung anong uri ng pamumuhay o kung
nasaang antas ng lipunan nabibilang ang isang taong gumagamit ng mga salita o wika.
B. Sinasabing ang antas ng wika ay ang salamin kung ano anong bagay sa lipunan
nabibilang ang isang taong gumagamit ng mga salita o wika.
C. Sinasabing ang antas ng wika ay ang salamin kung anong uri ng pamumuhay o kung
nasaang antas ng lipunan nabibilang ang isang taong gumagamit ng mga salita o wika.
2. Ito ay antas ng wika na istandard at kinikilala/ginagamit ng nakararami.
A. Pormal B. Impormal C. Lalawiganin
3. Ito ay antas ng wika na karaniwan, palasak, pang araw-araw, madalas gamitin sa pakikipag-
usap at pakikipagtalastasan.
A. Pormal B. Impormal C. Lalawiganin
4. Ito ay ginagamit ng karaniwang manunulat sa aklat at pambalarila para sa paaralan at
pamahalaan.
A. Wikang Pambansa B. Pampanitikan C. Lalawiganin
5. Ito ay ginagamit ng mga malikhain manunulat.
A. Wikang Pambansa B. Pampanitikan C. Lalawiganin
6. Ito ay gamitin ng mga tao sa particular na pook o lalawigan, makikilala ito sa kakaibang tono
o punto.
A. Wikang Pambansa B. Pampanitikan C. Lalawiganin
7. Ito ay mga salitang ibinatay sa kung ano ang mas komportableng banggitin ng dila, kaysa
pansinin ang orihinal na baybay nito.
A. Lalawiganin B. Kolokyal C. Balbal
8. Ito naman ang tawag sa Ingles na slang o mga salitang inihango sa isang wika o inimbento
para magkaroon ng sariling kahulugan.
A. Lalawiganin B. Kolokyal C. Balbal
9. Nasa anong antas ng wika ang salitang " Tanum"?
A. Lalawiganin B. Kolokyal C. Balbal
10. Nasa anong antas ng wika ang salitang “Urong”
A. Lalawiganin B. Kolokyal C. Balbal
11. Nasa anong antas ng wika ang salitang “Kako”?
A. Lalawiganin B. Kolokyal C. Balbal
12. Nasa anong antas ng wika ang salitang “Pede”?
A. Lalawiganin B. Kolokyal C. Balbal
13. Nasa anong antas ng wika ang salitang “Erpat”?
A. Lalawiganin B. Kolokyal C. Balbal
14. Nasa anong antas ng wika ang salitang “Echos”?
A. Lalawiganin B. Kolokyal C. Balbal
15. Nasa anong antas ng wika ang salitang “Sikyo”?
A. Lalawiganin B. Kolokyal C. Balbal
16. Nasa anong antas ng wika ang salitang “Dangal”?
A. Wikang Pambansa B. Pampanitikan C. Lalawiganin
17. Nasa anong antas ng wika ang salitang “Bansa”?
A. Wikang Pambansa B. Pampanitikan C. Lalawiganin
18. Nasa anong antas ng wika ang salitang “Simbahan”?
A. Wikang Pambansa B. Pampanitikan C. Lalawiganin
19. Nasa anong antas ng wika ang salitang “Ipamintakasi”?
A. Wikang Pambansa B. Pampanitikan C. Lalawiganin
20. Nasa anong antas ng wika ang salitang “Isulat sa tubig”?
A. Wikang Pambansa B. Pampanitikan C. Lalawiganin
21. Nasa anong antas ng wika ang salitang “paham”?
A. Wikang Pambansa B. Pampanitikan C. Lalawiganin
22. Nasa anong antas ng wika ang salitang “maitim ang dugo”?
A. Wikang Pambansa B. Pampanitikan C. Lalawiganin
23. Nasa anong antas ng wika ang salitang “Magsukul”?
A. Wikang Pambansa B. Pampanitikan C. Lalawiganin
24. Nasa anong antas ng wika ang salitang “Magayon”?
A. Wikang Pambansa B. Pampanitikan C. Lalawiganin
25. Nasa anong antas ng wika ang salitang “Nasan”?
A. Lalawiganin B. Kolokyal C. Balbal
26. Nasa anong antas ng wika ang salitang “Tsaka”?
A. Lalawiganin B. Kolokyal C. Balbal
27. Nasa anong antas ng wika ang salitang “Tsikot”?
A.Lalawiganin B. Kolokyal C. Balbal
28. Nasa anong antas ng wika ang salitang “Tomguts”?
A.Lalawiganin B. Kolokyal C. Balbal
29. Nasa anong antas ng wika ang salitang “Kano”?
A.Lalawiganin B. Kolokyal C. Balbal
30. Nasa anong antas ng wika ang salitang “Gurang”?
A.Lalawiganin B. Kolokyal C. Balbal

II. TAMA O MALI


Panuto: Ilagay ang Tama kung ang pangugusap ay nagsasaad ng tama at Mali naman kung ang
pangugusapay ay nagsasaad ng mali.
____________31. ang salitang alamat o legend sa ingles ay mula sa salitang Latin na legendus, na
nangangahulugang “upang Mabasa”
____________32. ang mga alamat ay nagsasaad kung paano nagsimula ang mga bagay – bagay.
Karaniwang nagtataglay ng mga kabablaghan o mga pangkaranwang pangyayari.
____________33. Indones ang nag-impluwensya sa mga alamat nating ukol sa mga anito, santo,
bathala at dakilang lumikha.
____________34. Malay ang nagdala ng "alifbata" o alibata na isang uri ng paraan nang-
pagsusulat,dahil dito na isatitik ang mga panitikan sa mga kawayan,dahon,balat ng puno at sa mga
bato.
____________35. Tsino, Indiano, Arabe at Persyano ang nag dala ng papel at mga kulturang
nakapag ambag sa pag-unlad pa ng ating panitikan.
____________36. Ang salitang alamat ay panumbas sa “legend” ng Ingles.
____________37. Ang katawagan namang ito ay nagmula sa salitang Latin na “legendus”, na ang
kahulugan ay “upang mabasa”.
____________38. Si Patrocinio Villafuerte ay isang guro at manunulat sa Filipino.
____________39. Ang mga iskolar ng panitikan at lingguwistika ay nagkaroon ng paghahati o mga
kategorya batay sa kung anong antas ng wika ang ginagamit sa araw-araw na pamumuhay ng ating
lipunan.
____________40. Ang pormal na wika ay ang mga salitang ginagamit sa mga pormal na
pagkakataon at sinasabing ang istandard ng wika.
____________41. Nahahati ang pormal na antas ng wika sa dalawang uri—ang wikang pambansa
at ang wikang pampanitikan o panretorika.
____________42. Ang wikang pambansa ay sumasalamin sa mga salitang karaniwang ginagamit
sa mga aklat na tumatalakay sa wika at balarila.
____________43. Ang wikang ito naman ay ang ginagamit sa mga sulatin ng mga dinadakilang
pangalan sa panitikan.
____________44. Ang mga salita o wikang impormal o di pormal naman ay ang mga salitang
ginagamit ng marami sa araw-araw na normal na talakayan at pag-uusap.
____________45. Sinasabing palasak ang mga wikang impormal. Ito kasi ang bukambibig natin at
karaniwang hindi na kinakailangan pa ng mga panuntunang itinaya ng balarila.
____________46. Sinasabing impormal ang mga wikang lalawiganin at mga diyalekto dahil sa
limitadong bilang ng taong maaaring makaunawa rito.
____________47. ang mga wikang lalawiganin ay sumasaklaw sa mga bokabularyong diyalektal o
ang mga salitang ginagamit lamang sa partikular na pook o lalawigan.
____________48. Kabilang din sa sakop ng wikang lalawiganin ay ang punto o tono kung paano
binibigkas ang mga salita.
____________49. Ang salitang kolokyal ay sumasalamin sa mga salitang ginagamit sa pang-araw-
araw na pag-uusap.
____________50. Balbal naman ang tawag sa Ingles na slang o mga salitang inihango sa isang
wika o inimbento para magkaroon ng sariling kahulugan.

Pagpalain nawa kayo ng Maykapal 


Inihanda ni
Bb. Aizel Nova F. Aranez

You might also like