You are on page 1of 10

TULANG

PASALAYSAY
EPIKO (Mahabang Tula)
• Ang epiko ay tulang pasalaysay na nagsasaad
ng kabayanihan ng pangunahing tauhan na
nagtataglay ng katangiang nakahihigit sa
karaniwang tao na kadalasan siya’y buhat sa
lipi ng mga diyos o diyosa.
• Ang salitang epiko ay galing sa Griyego na
“epos” na nangangahulugang ‘awit’ ngunit
ngayon ito’y tumutukoy sa pasalaysay na
kabayanihan.
URI NG EPIKO
• Epikong Sinauna o kilala rin bilang Epikong Pambayani, na siyang
naglalaman ng mga karakter na may kakaibang kapangyarihan.
Sinauna sapagka’t nagpasalinsalin ito mula sa sinaunang panahon
hanggang ngayon. 

• Epikong Masining o Epikong Makabago ay sinasabing kahawig ng


Epikong Sinauna subalit ito ay hindi nagpasalinsalin ngunit isinulat ng
isang makata.
• Epikong Pakutya naman ang tumutukoy sa mga epikong ang tema ay
naglalayong kutyain ang mga gawaing walang saysay.
Mga EPIKO ng PILIPINAS :
• Biag ni Lam-amg
• Hudhud at Alim
• Ibaloy
• Ulalim
• Ibalon
• Maragtas
• Hinilawod
• Agyu
• Darangan
• Tulalang
MACRO-EPIC
• yaong mga epiko na napakahaba na kinakailangan
ang higit sa mga isang daang araw para ikuwento.
Napakaloob sa macroepic ang mga micro-epic /
microepic na puwedeng ihiwalay at ituring na mga
indibidwal na kuwento.
AWIT AT KORIDO
• Ang mga tulang ito ay may paksang ay tungkol sa
pangromansa.
• Ang awit at korido ay mga patulang salaysay na
paawit kung basahin
Ang Pinagkaiba ng Awit at Korido
AWIT
- Sukat: tig-labindalawang pantig ang bawat taludtod
- Mabagal kung awitin/tulain
- Inaawit nang mabagal sa saliw ng gitara o bandurya; "allegro“
- Ang ikinaganda nito ay ang mga aral na ipinahihiwatig
- Himig: banayad o andante
- Pagkamakatotohanan: Pakikipagsapalaran ng mga tauhan ay maaring nangyayari
sa tunay na buhay
- Nagsasaad ng kabayanihan.  Ang mga tulang ito ay may paksang ring
pangromansa.
- May mga salaysay sa pakikipag-ibigan at pakikipagsapalaran ngunit ang mga
tauhan ay walang mga sangkap na kababalaghan.
KORIDO
- Uri ng panitikang Pilipino, impluwensya ng mga Espanyol
- Binibigkas sa pamamagitan ng pakantang pagpapahayag 
- Mabilis ang bigkas
- Sukat: May walong pantig at binibigkas sa kumpas ng martsang
"allegro“
- Tulang panrelihiyon- Kuwento o kasaysayang ang napapaloob ditto
- Pagkamatotohanan: ang pakikipagsapalaran ng mga tauhan ay
malabong mangyari sa tunay na buhay
- Salaysay na pakikipag-ibigan at pakikipagsapalaran ng tauhang bayani
na punung-puno ng mga kababalaghan.
Mga Halimbawa ng Awit:
• Florante at Laura ni Francisco Balagtas
• Buhay ni Segismundo ni Eulogio Juan de Tandiona
• Doce Pares na Kaharian ng Francia ni Jose de la Cruz
• Salita at Buhay ni Mariang Alimango,
• Prinsipe Igmidio at Prinsesa Clariana.

You might also like