You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III - Central Luzon
BACOLOR SOUTH DISTRICT
Schools Division of Pampanga
SAN ISIDRO ELEMENTARY SCHOOL
San Isidro, Bacolor, Pampanga

Weekly Learning Plan


Quarter 4th Grade Level IV
Week 3 Learning Area EDUKASYONG PANTAHANAN AT
PANGKABUHAYAN (E.P.P)
MELCs Napahahalagahan ang pagtatanim ng halamang ornamental ayon sa wastong pamamaraan (EPP4AG-Od-6)

DAY OBJECTIVE/S TOPIC HOME-BASED ACTIVITIES


2 Ipasagot ang mga sumusunod sa EPP SLM:
Pagpapatubo at Pagtatanim ng
1. naiisa-isa ang wastong Halamang Ornamental a. Subukin (pahina 1)
pamamaraan ng paghahanda ng Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong. Isulat ang titik ng
taniman; tamang sagot sa iyong kwaderno.

2. naisasagawa ang wastong b. Balikan


pamamaraan ng pagpili sa Panuto: Tukuyin ang tinutukoy ng bawat pangungusap sa ibaba.
paghahanda ng mga itatanim at Piliin ang titik ng tamang sagot sa loob ng kahon at isulat ito sa
patutubuing halamang iyong kwaderno.
ornamental; at
c. Panoorin ang video lesson.
3. napahahalagahan ang https://www.youtube.com/watch?v=7erarx6t-hE
pagtatanim ng halamang
3 ornamental ayon sa
wastong pamamaraan a. Kopyahin ang Suriin (pahina 4) sa kwaderno.

b. Panoorin ang video tungkol sa pagtatanim ng halamang


ornamental
https://www.youtube.com/watch?v=0B-weQl__b8
4 Ipasagot ang mga sumusunod sa EPP SLM:

a. Pagyamanin (pahina 7-8)


Panuto: Batay sa iyong napag-aralan, tukuyin mo kung anong
pamamaraan ng pagtatanim ang ginagamit sa bawat halaman.
Isulat ang tuwiran o di-tuwiran sa iyong kwaderno.

b. Isagawa (pahina 9)
Panuto: Basahing mabuti ang kwento at pagkatapos ay isulat sa
iyong kwaderno ang limang bagay na ginawa ni Micah sa pagpili ng
halamang itatanim. Isulat ang iyong sagot sa kwaderno.

DAY OBJECTIVE/S TOPIC CLASSROOM-BASED ACTIVITIES


5 Panimulang gawain ng klase:
Pagpapatubo at Pagtatanim ng o Health Check
1. naiisa-isa ang wastong Halamang Ornamental o Kamustahan/Energizer
pamamaraan ng paghahanda ng
taniman; a. Balik Aral
Tukuyin ang tinutukoy ng bawat pangungusap
2. naisasagawa ang wastong
pamamaraan ng pagpili sa A.napagkakakitaan
paghahanda ng mga itatanim at B. naiiwasan ang polusyon
patutubuing halamang C. nakapagpapaganda ng kapaligiran
ornamental; at D. nagbibigay lilim at sariwang hangin
E. nakapipigil sa pagguho ng lupa at pagbaha
3. napahahalagahan ang
pagtatanim ng halamang 1. Gamit ng halamang ornamental kung saan nalilinis ang hangin
ornamental ayon sa na ating nalalanghap
wastong pamamaraan 2. Gamit ng mga matataas at mayayabong na halamang
ornamental
3. Ang halaman ay nagiging pera para panustos sa pang araw-araw
na gastusin
4. Nakatatawag ng pansin sa mga taong dumadaan lalo na kung
ang bulaklak ay humahalimuyak
5. Kumakapit ang mga ugat ng mga punong ornamental sa lupang
taniman

b. Paghahabi sa layunin ng aralin

Basahin at unawain ang tula.

Halamang Ornamental
Halamang ornamental palamuti sa tahanan
Ang nagtatanim nito’y ginagawang libangan
Sa lahat ng makakikita’y may dulot na kasiyahan
Mundo man ay kay gulo dito ay may kapayapaan

Iba’t ibang uri ng halaman makikita sa kapaligiran


Halamang namumulaklak bangong humahalimuyak
Agad kang mapalilingon kapag ika’y mapadaan
Kahit isang saglit dulot nito’y anong galak

Iba rin ang katangian ng halamang di namumulaklak


Ganda nito’y walang kupas kahit walang bulaklak
Iba’t ibang hugis ng dahon kay gandang tingnan
Iba’t ibang kulay nito’y kay gandang pagmasdan

Kaya kung nais mong gumanda ang iyong bakuran


Magtanim lang ng halaman ang tanging kasagutan
Dapat ding may kaalaman ka sa paghahalaman
Upang maalagaan nang wasto at mapakinabangan

c. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin

Mula sa nabasang tula magbigay ng 5 naidudulot ng halamang


ornamental sa ating kapaligiran.

d. Paglinang sa kabihasnan
Talakayin:

Wastong Paraan sa Pagpapatubo at Pagtatanim ng Halamang


Ornamental

Mayroong dalawang paraan ng pagpapatubo at pagtatanim ng mga


halamang ornamental.

Una - di-tuwirang pagtatanim at pagpapatubo o transplanting


Ito ay ang pagpapatubo o pagtatanim na gumagamit ng kahong
punlaan upang makapagpasibol ng bagong halaman mula sa buto.

Narito ang wastong paraan ng pagtatanim sa di-tuwirang


pagpapatubo.
1. Ihanda ang kahong punlaan.
2. Ibabad ng magdamag ang mga buto o sangang pantanim sa
tubig.
3. Ipunla sa kahong punlaan at takpan habang hindi pa lumalabas
ang unang sibol.
4. Kapag nagsisimula nang sumibol ang mga buto, unti unting
ilantad sa araw ang kahong punlaan.
5. Kapag nakabuo na ng tatlo hanggang apat na totoong dahon,
maari na itong ilipat sa kamang taniman.
6. Piliin ang mga payat at dikit dikit na punla. Itanim sila na
magkakahiwalay sa kahong punlaan upang lumaki ng malusog
saka sila ilipat sa kamang taniman.
7. Iwasang mapinsala ang mga ugat ng punla kung ito ay ililipat
tanim.

Pangalawa - tuwirang pagtatanim/pagpapatubo o direct planting


Ito ay ang direktang pagtatanim ng mga sanga at buto ng halaman
sa lupang taniman.

Narito ang paraan ng pagtatanim sa tuwirang pagpapatubo:


1. Ihanda ang lupang taniman at diligan.
2. Lagyan ng patpat at tali na may buhol upang maging gabay.
3. Gumawa ng mga butas sa ilalim ng buhol.
4. Maghulog ng 2-3 butong pantanim o sangang pantanim.
5. Takpan ng manipis na lupa ang bawat butas na may pantanim.
6. Maingat na diligan ang paligid ng butas.

Panoorin ang video:


https://www.youtube.com/watch?v=0B-weQl__b8

e. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay

Pagsunod-sunorin ang wastong pamamaraan sa paghahanda ng


taniman ng halamang ornamental. Isulat ang bilang 1-5 sa iyong
kwaderno.
_______ A. Tanggalin ang mga bato, matitigas na ugat at mga di-
kailangang bagay sa lupa habang binubungkal.
_______ B. Maaari ng taniman ng mga halaman ang nabungkal at
napatag na lupa.
_______ C. Lagyan ng organikong pataba ang lupa saka patagin ito
ng kalaykay.
_______ D. Pag-aralan muna kung anong uri ng lupang taniman
ang lugar na pagtataniman.
_______ E. Bungkalin ang lupa gamit ang asarol.

f. Paglalahat ng aralin
Dapat tandaan na ang mga pipiliin na halaman o punong itatanim
ay naayon sa:
 kaayusan ng tahanan at kapaligiran
 gamit o bentahe ng mga halaman sa bakuran
 nakapagpapaganda sa halamanan
 maaring makaani para gawing pagkain
 nakapagbibigay ng sariwang hangin
 matibay sa panahon, tag-init man o tag-ulan

g. Pagtataya ng aralin

Panuto: Isulat sa sagutang papel ang TAMA kung ang pahayag ay


nagsasaad ng wasto at MALI naman kung hindi.
________ 1. May dalawang paraan ng pagtatanim ng halamang
ornamental, ang tuwirang pagtatanim at di-tuwirang pagtatanim.
________ 2. Sa tuwirang pagtatanim diretso na sa taniman ang
pagtatanim.
________ 3. Sanga o buto ang ginagamit sa di-tuwirang
pagtatanim.
________ 4. Kapag nakabuo na ng lima hanggang anim na dahon,
maaari na itong ilipat sa kamang taniman.
________ 5. Dapat takpan ng manipis na lupa ang bawat butas na
may pantanim.

Prepared by:

Jolina G. Nacpil
Teacher I Checked by:

Nelia C. Infante
Principal II

You might also like