You are on page 1of 6

Division Contextualization Learning Resource (DCLR)

I.OBJECTIVE
Pamantayan sa Paggawa/ paghahanda ng taniman
Pagkatuto/Layunin EPP4ag-0d-6

KBI: Magsikap sa ikakaunlad sa buhay


II.CONTENTS Pamantayang Pangnilalaman:
Wastong pamamasa Paghahanda ng taniman ng
halamang ornamental

Pamantayan sa Pagganap:

Paksa: Wastong pamamaraan sa paggawa ng


taniman
III.LEARNING RESOURCES
A. References MELC p. 400
Teachers Guide TG pahina
Learners Self Learning Modules Epp4 Agri. pp. 17-23
Material
Additional Larawan
Materials
IV. PROCEDURES
A. Panimulang Gawain Pagganyak:

Ano ang nakita ninyo sa larawan?

Balik-aral: Ano ang pakinabang sa pagtatanim ng


halaman?
B.Paglalahad ng Aralin Sabihin:
Tatalakayin natin sa araw na ito ang
wastong pamamaraan sa paggawa ng taniman.
C.Pagsusuri

Ano ang dapat nating ihanda bago gumawa ng


taniman?
Ano ang unang gawin bago bungkalin ang lupa?
Bakit haluan ng decompost ang lupa?
Bakit durugin ng mabuti ang lupa?
Basahin ang self learning modules ng EPP p.18

D.Paglalahat

KBI: Ano ang dapat gawin natin para tayo ay


umunlad?
E.Paglalapat Bakit tayo maghanda ng taniman bago magtanim ng
halaman?
Bakit alisin ang mga damo sa ginawang taniman?
F. Evaluation Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang
bawat katanungan. Bilugan ang titik ng tamang
sagot.

1. Anong uri ng abono ang ihalo sa lupang


malagkit at sobrang basa upang lumuwang
ito?
a. humus c. potash
b. urea d. decomposed

2. Alin sa mga halimbawa ang hindi kabilang sa


paggawa ng
organikong bagay gaya ng mga binulok o
decomposed na mga
halaman?
a. dayami c. tinabas na
damo
b. tuyong dahon d. laman loob ng
manok
3. Ano ang ginagamit para bungkalin ang
lupang pagtamnan?
a. asarol c. pala
b. itak d. tulos at pisi

4. Kung ang lugar ng lupang pagtaniman ng


halamang ornamental ay
malawak. Ano ang dapat mong gawin?
a. hindi papansinin c. pabayaan
nalang
c. lagyan ng pergola/kubo d. wala sa
nabanggit

5. Habang nagbubungkal ng lupang


pagtaniman. Anong mga bagay
sa lupa ang dapat tanggalin?
a. ang pataba c. bato at mga
matitigas na ugat
b. putik at basang lupa d. buhangin na
nagkalat sa lupa

G. Assignment Gumawa ng taniman ng halaman ornamental


V.REMARKS/REFLECTIO
N

Inihanda ni: Ebalwator/Tagapagmasid:

XAVIER E. BOLDIOS LUUELA M. CABRITO


Teacher – III Master Teacher – II

JOSE LABRADOR CALVIN B. CABIA


Principal – I Head Teacher – III
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region VIII (Eastern VIsayas)
DIVISION OF LEYTE
INOPACAN DISTRICT
CONALUM ELEMENTARY SCHOOL

Asignatura: EPP4 (Agrikultura)


Baitang: 4 – Quarter 1 - W2 - Aralin 1

MELC: Natatalakay ang pakinabang sa pagtatanim ng halamang ornamental,


para sa pamilya at sa pamayanan. (EPP4AG-Oa-2)

Sa araling ito, tatalakayin ang mga pakinabang sa pagtatanim ng mga


halamang ornamental sa kapaligiran at sa kabuhayang pamilya at sa
pamayanan. Malaki ang pakinabang sa pangkabuhayan ng pamilya..
Nakakatulong sa pagpreserba sa maayos sa kalikasan.

Ano ang mga dapat matutunan?

Pagkatapos basahin ang impormasyong ito, magagawa mo nang


talakayin ang pakinabang sa pagtatanim ng halamang ornamental para
sa pamilya at sa pamayanan.

Mahahalagang Ideya:
Ang pagtatanim ng mga halamang/punong ornamental ay may malaking
pakinabang na makakatulong sa mga pangangailanagan ng pamilya at
pamayanan.
Nakapipigil sa pagguho ng lupa at pagbaha - kumakapit ang mga ugat ng
mga punong ornamental sa lupang taniman kaya nakakaiwas sa landslide o
pagguho ng lupa.

Ang mga punong ornamental ay nakatutulong din sa pag-ingat sa pagbaha


dahil sa tulong ng mga ugat nito.

Naiiwasan ang polusyon - sa tulong ng mga halaman/punong ornamental,


nakakaiwas sa polusyon ang pamayanan sa maruruming hangin na nagmumula
sa mga usok ng sasakyan, sinigaang basura, masasamang amoy na kung saan
nalilinis ang hangin na ating nilalanghap.

Nagbibigay lilim at sariwang hangin - may mga matataas at mayayabong


na halamang ornamental gaya ng Kalachuchi, Ilang-Ilang, Pine Tree, Fire Tree
at marami pang iba na maaaring itanim sa gilid ng kalsada at kanto na
puwedeng masilungan ng mga tao. Sinasala rin ng mga punong ito ang
maruruming hangin sanhi ng usok ng mga tambutso,pagsusunog at napapalitan
ng malinis na oksehino(oxygen) na siya nating nilalanghap.

Napagkakakitaan – maaaring maibenta ang mga halamang ornamental.


Ito ay naging pera para dagdag panustos sa pang araw-araw na gastusin sa
bahay.

Nakapagpapaganda ng kapaligiran – sa pamamagitan ng pagtatanim ng


mga halamang ornamental sa paligid ng tahanan, parke, hotel, mall at iba pang
lugar, ito ay nakatatawag ng pansin sa mga dumadaan na tao lalo na kung ang
mga ito ay namumulaklak at mahalimuyak.

Tandaan:
Ang pagtatanim ng mga halamang/punong ornamental ay may malaking
pakinabang na nakakatulong sa mga pangangalangan ng pamilya at pamayanan.

Gawaain Blg. 1
Panuto: Gumawa ng talaan ng mga magagandang pakinabang sa pagtatanim ng
halamang ornamental sa pamilya.
1.
2.
3.
4.

Inihanda ni:

XAVIER E. BOLDIOS
Teacher – III

You might also like