You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VII - Central Visayas
SCHOOLS DIVISION OF BOHOL

PROTOTYPE LESSON PLAN


(DepEd Order 42, s 2016)

Subject and Grade Level: EPP AGRI 4 Quarter: 1 Week: 3 Day: 4

Most
Essential
Learning Naipakikita ang wastong pamamaraan sa paghahanda ng mga itatanim o
Competency patutubuin . Code: EPP4AG0d-6 1.4.3
- (MELC)
Content Wastong Pagpili ng Halamang Ornamental na itatanim
Learning EPP 4 Kagamitan ng Mag-aaral pp.350-352
Resources Mga larawan, laptop, tsart o PPT Presentation, TV
Procedures A. Panimulang gawain (Preparatory Activities)
Pagtambalin ang larawan sa Kolum A sa uri nito sa Kolum B.
A. B.

______1. a. aquatic

b. shrub
______2.

______3. c. vine

______4.
d.air/aerial

https://www.google.com/search?q=picture+of+a+shrub+plant&tbm
B. Paglalahad (Presentation)
Alin sa mga larawan na nakikita sa itaas ang nasubukan na ninyong itinanim o
makikita sa inyong bakuran? Ano ang magandang naidulot nito sa inyo? (Iba-ibang
sagot ang maibahagi ng mga bata)
C. Pagtatalakay (Discussion)
Pagkatapos natalakay ang paghahanda ng tatanimang lugar,kailanagng suriin
naman kung anong mga uri ng halamang ornamental ang ating ihahanda at itatanim
upang patubuin.

Ang mga Uri ng Halamang Ornamental:


●Ang herbs ay mga halamang may malambot na tangkay at karaniwang
nabubuhay ng isa o dalawang taon.
● Ang shrub ay mga halamang may ilang matitigas na sanga na pangkaraniwan
ng hindi tumataas ng mahigit sa 7 metro.
● Ang vine o baging gumagapang na halaman ay mga halamang hindi nakatayo
sa sarili kaya’t gumagapang sa lupa o kumakapit sa mga bagay.
●Ang tree o punong-kahoy ay may malalaking puno at maraming mga sanga na
karaniwang tumataas ng higit sa 7 metro kapag magulang na.
●Ang air plant o aerial ay mga halamang nakakapit sa taas ng punong-kahoy o
sa malalaking bato sa mga bundok tulad ng orchids at pako.
●Ang aquatic ay mga halamang tubig na nabubuhay gaya ng water lili at lotus.

Gabay na Dapat Sundin sa Pagsasaayos ng mga Halamang Ornamental

A. Ang mga lumalaki at yumayabong na halamang ornamental ay di dapat


itanim sa harapan o unahan ng mga halamang maliit kung tumubo.
B. Ang mga may kulay na halaman ay pinaplano at saan sila magandang
patubuin.
C. Ang laki at lapad ng mga dahon ay iniuuri kung saan ito ilalagay ayon sa
plano ng landscaping.
D. Ang namumulaklak na mga halaman ay kailangan ilagay sa naaarawan at
kasiya-siyang tanawin. Makakatulong ang pagsasama-sama ng uri o kulay kung
kinakailangan.
E. Ang mga halamang magiging malalaking puno ay dapat ilagay sa hindi
makakasagabal sa darating na panahon.
Ang paghahanda ng layout ng gagawing lugar na pagtataniman ng mga
halamang ornamental ay dapat bigyang pansin upang hindi masayang ang pagod,
lakas, pera at oras. Alamin din kung saang parte ng bakuran itatanim ang mga
halaman/punong ornamental upang mapabilis at maging maayosang pagkakaayos ng
gagawing proyekto.
D. Paglalahat (Generalization)
Ayon sa makasining na pagtatanim, ang mga halamang ornamental ay
inihahanda at maaaring pasibulin muna ang mga buto o sangang pantanim upang
makatiyak at makasiguro na tatagal ang buhay ng mga halaman. Sa pamamaraan ng
paghahanda ng lupang taniman, wastong paraan ng pagpapatubo ng mga buto o sanga
at ang masinsin na pag aalaga habang ang mga ito ay sumisibol at lumalaki tiyak
walang masasayang.
E. Paglalapat (Application)
Hatiin ang mga bata sa apat na pangkat.Pagkatapos mahati bigyan ang bawat
pangkat ng ginupit na larawan ng halamang ornamental na nasa ibaba at idikit ito
batay sa uri. Ang unang makatapos ang siyang bibigyan ng mataas na puntos.

A. B. C D

E F G H

https://www.google.com/search?q=picture+of+a+shrub+plant&tbm
Vine Herb Aquatic Shrub Air
F. Pagtataya (Evaluation)
Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag.Pilin ang tamang sagot sa loob
ng kahon.

herbs vine air/aerial


shrub tree aquatic

____1. Ang water lily at lotus ay halimbawa ng anong halaman.


____2. Ang halamang ornamental kung saan may maraming sanga na karaniwang
tumataas ng higit sa 7 metro kapag magulang na..
____3.Isang halamang ornamentalito kung saan may ilang matitigas na sanga ng hindi
tumataas sa 7 metro.
____4. Ito ay may malalambot na tangkay at karaniwang nabubuhay ng isa o dalawang
taon.

G. Kasunduan/Takdang Aralin (Agreement/Assignment)

Sa isang buong short bondpaper, isagawa ang pagguhit ng isang simpleng


Landscape Gardening.

Remarks

Reflection

Prepared by:

IRYNE C. AMPOLOQUIO
Teacher III
Cadapdapan Elementary School

Reviewed by:

RHODORA C. AMORA
Master Teacher II
Candijay Central School

You might also like