You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VII - Central Visayas
SCHOOLS DIVISION OF BOHOL

PROTOTYPE LESSON PLAN


(DepEd Order 42, s 2016)

Subject and Grade Level: EPP AGRI4 Quarter: 1 Week: 3 Day: 2

Most
Essential
Learning Naipakikita ang wastong pamamaraan sapagpili ng itatanim na halamang
Competency ornamental Code: EPP4AG0d-6 1.4.1
- (MELC)
Content Wastong Pagpili ng Halamang Ornamental na itatanim
Learning EPP 4 Kagamitan ng Mag-aaral pp.343-346
Resources Mga larawan, laptop, tsart o PPT Presentation, TV
Procedures A. Panimulang gawain (Preparatory Activities)
Balik aral:Tingnan maigi ang mga letra na nakadikit sa pisara para makabuo ng salita.
(Bigyan ng puntos ang bata na makabuo ng tama)
1. S R H B E

2. N I S E V

3. R U I T A W N

4. N W T R U I A I D

B. Pagsusuri (Analysis)
Kung ikaw ay papipiliin, alin sa dalawa ang iyong nagustuhan? Bakit ito ang iyo/inyong
napili? Ibahagi ang sagot

C. Paghahalaw at Pagtatalakay (Abstraction and Discussion)


Ano nga ba ang dapat isaalang-alang sa pagpili ng halamang ornamental na
itatanim?
Hindi basta-basta ang pagpili ng itatanim kung nais nating maging maganda at
kaya-ayang tingnan ang bakuran ng ating tahanan.Bago pipili ng itatanim ay may mga
bagay na dapat nating tandaan gaya ng: lawak ng lugar, gamit ng halaman sa
kapaligiran, kaangkupan sa panahon at anyo ng lupang taniman.

Ang mga halamang ornamental ay may iba’t-ibang katangian, ito ay ang mga
halaman/punong ornamental na may mataas at may mababa, namumulaklak at di
namumulaklak, madali at mahirap palaguin, may nabubuhay sa lupa at sa tubig.

Ang mga sumusunod ay dapat alalahanin sa pagsasagawa ng pagtatanim


halaman/punong ornamental sa bakuran ng tahanan:
● Ang mga punong ornamental na mataas ay itatanim sa gilid, sa kanto, o sa gitna ng
ibang mababang halaman.
● Ang mga halamang ornamental na mabababa ay itatanim sa mga panabi o paligid
ng tahanan, maaaring sa bakod sa gilid ng daanan o pathway.
● Ang mga namumulaklak ay inihahalo o isinasama sa mga halamang di
namumulaklak
● Ang mga madaling palaguin ay maaaring itanim kahit saan ngunit ang mahirap
palaguin ay itinatanim sa lugar na maaalagaan nang mabuti.
● Ang mga lumalago sa lupa ay maaaring itanim sa tamang makakasama nito at ang
lumalago sa tubig ay maaari sa mga babasaging sisidlan sa loob ng tahanan o sa fish
pond sa halamanan

D. Paglalahat (Generalization)
Sa pagpili ng mga halaman/punong ornamental na itatanim dapat bigyan
pansin ang mga bagay na makatutulong para sa ika-uunlad ng gagawing proyekto.
Dapat iaayon sa kayusan ng tahanan at kapaligiran ang gamit nito ay
nakapagpapaganda sa halamanan,maaaring makaani para gawing pagkain,
nakapagbibigay ng sariwang hangin at higit sa lahat matibay sa anumang panahaon
tag-init man o tag-ulan.

E. Paglalapat (Application)
Pangkatin ang mga bata sa tatlo.Bigyan ang bawat grupo ng bonpaper at pentel pen
para maisagawa ang inaatas sa kanila.Bigyan ng kaukulang puntos ang bawat pangkat
na madaling makagawa.

Pangkat 1-Tig- limang (5)halimbawa ng halaman/puno na matatas at mabababa


Pangkat 2-Tig-limang (5)halimbawa ng halaman/puno na namumulaklak at di
namumulaklak
Pangkat 3- Tig-limang (5) halimbawa ng halaman/puno na madali at mahirap
palaguin
F. Pagtataya (Evaluation)
Panuto: Punan ang dayagram na nasa ibaba.

Mga Dapat Tandaan


sa Pagpili ng Itatanim
na Halamang
Ornamental

G. Kasunduan/Takdang Aralin (Agreement/Assignment)


Magdala ng kahit limang halamang ornamental na makikita sa inyong bakuran.
Remarks

Reflection

Prepared by:
IRYNE C. AMPOLOQUIO
Teacher III
Cadapdapan Elemenntary School

Reviewed by:

RHODORA C. AMORA
Master Teacher II
Candijay Central School

You might also like