You are on page 1of 7

LEARNING ACTIVITY SHEETS

Edukasyon sa Papapakatao 5
Quarter 4 Week 3

Isinasaalang-alang Ko ang Kapuwa Ko

Layunin

Pagkatapos ng mga gawaing ito, ikaw ay inaasahang:


1. mailalarawan ang mga batang nagmamahal sa kapuwa at sa Diyos;
2. maipapakita ang kabutihan at tunay na pagmamahal sa kapuwa, at;
3. mailalahad ang mga paraan ng pakikiisa sa pagbibigay ng pag-asa sa pagharap ng mga
suliranin sa buhay.

Pag-aralan

Ang mabuting pakikipag-ugnayan sa kapwa ay isang gawaing ipinagmamalaki ng mga


Pilipino. Ipinakikita nito na bawt nilalang ng Diyos ay may tungkuling isaalang-alang ang
kapakanan ng kaniyang kapwa. At dahil lahat tayo ay nilalang ng Diyos, marapat lamang na
tayo ay magmahalan na para bang miyembro tayong lahat ng iisang pamilya. Isang pamilya
na nagmamalasakit sa kapamilya, nagmamahal sa kapuwa miyembro, at nagbibigay ng pag-
asa sa pagharap sa mga suliranin sa buhay ng isa’t isa. Walang taong nabubuhay para sa
sarili lamang. Ang isa sa mga nangungunang dahilan kung bakit tayo nabubuhay ay para
maglingkod sa ibang tao at sa Diyos.

0
Basahin ang mga pahayag tungkol sa pagiging matulungin. Pumili ng isang pahayag at
saguting ang tanong na: “Ano ang kahulugan ng binasa?”

 Kadalasan, binabalewala natin ang lakas ng isang haplos, isang ngiti, isang
magandang salita, pakikinig, isang tapat na papuri, o ng pinakamaliit na kilos ng
pagdamay, gayong lahat ito ay may kakayahang magpabago ng buhay ng isang tao.
– Leo Buscaglia

 Kung gusto mo ng kaligayahang pang-isang oras, umidlip ka. Kung gusto mo ng


kaligayahang pang-isang araw, mangisda ka. Kung gusto mo ng kaligayahang pang-
isang taon, magmana ka ng yaman. Kung gusto mo ng kaligayahang panghabang-
buhay, tumulong ka sa iba. - Salawikaing Tsino

Mga Gawain

Gawain 1: Lagyan ng ( ) puso ang patlang kung tama ang pangungusap ay nagpapakita
ng pagtulong o pagmamahal sa kapwa at ( ) buwan naman kung hindi. Isulat sa sagutang
papel ang iyong mga sagot.

______ 1. Binigyan ng regalo ang kaibigan sa kanyang kaarawan.


______ 2. Magbigay ng donasyon sa mga taong napinsala ng baha .
______ 3. Huwag pansinin ang pulubi na nanghihingi sayo.
______ 4. Bigyan ng pagkain ang kaklase na walang dalang baon.
______ 5. Makipag-away sa kapitbahay.
______ 6. Patuluyin sa bahay niyo ang pamilya ng kaibigan mong nasunugan.
______ 7. Aalalayan ang matanda sa pagtawid sa kalsada .

1
______ 8. Tulungan ang kaklaseng may kapansanan.
______ 9. Tumutulong sa iyong magulang sa mga gawaing bahay.
______10. Pagtsismisan ang kapitbahay na may anak na nalulong sa druga.
Gawain 2: Ano ang gagawin mo sa sitwasyong inilahad sa ibaba para maipakita ang
pagsasaalang-alang sa kapakanan ng kapuwa. Isulat sa sagutang papel ang iyong mga
sagot.

1. Binigyan kayo ng inyong guro ng mga materyales para sa paggawa ng dekorasyon sa


silid aralan. Kailangang matapos ito sa loob ng dalawang oras lamang ngunit may ibang
ginagawa ang iyong mga kaklase.
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

2. Tapos ka nang gumawa ng proyekto sa Arts nang napansin mong mayroon kapang
sobrang materyales at nakita mong kulang ang sa iyong kaklase.

______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
3. May matandang babae na gustong tumawid sa kalsada ngunit nakita mong wala siyang
kasama
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
4. Maraming pagkain ang ipinabaon sayo ng nanay mo at napansin mong may isang batang
matamlay na nakatingin sayo.
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
5. Galing ka sa panaderya para bumili ng tinapay at nakita mong may batang palaboy na
nanghihingi ng pagkain o pera sa daanan.
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

Gawain 3:

Panuto: Isulat ang tsek ( / ) sa patlang kung wasto ang pahayag at nagpapakita ng
pagsasaalang-alang sa kapuwa at, at isulat ang ekis ( x ) kung hindi. Gamtin ang sagutang
papel para sa mga sagot.

______1. Tabi nga! Nakaharang kasi kayo sa daan.


______2. Salamat sa Diyos, kailanman ay hindi Niya kami pinabayaan.
______3. Gusto mo ba sabay tayong mag-aaral sa Math para matulungan kita?
______4. Sorry po Mam, ako po ang nakabasag ng plorera kanina. Patawad po hindi ko
agad sinabi.
______5. Maraming salamat at tinulungan mo ako kahit ngayon lamang tayo nagkakilala
______6. Gagawin ko ang lahat kahit ang mangopya sa aking kamag-aral. Sayang ang
pangako ni Daddy na bibilhan niya ako ng bagong gadget kapag ako ay
nakakuha ng pinakamataas sa pagsusulit.
______7. Akala mo kasi ikaw ang pinakamagaling, ang yabang yabang mo kasi!

2
______8. Ako na po ang maglilinis ng bahay Nanay, para makapagpahinga naman kayo.
______9. Ang tagal naman ni nanay, kailangan ko ng dagdag na baon. Kukuha na lang
muna ako sa pitaka niya.
_____10. Napakasalbahe kasi ng mag-anak na iyan! Mabuti nga nasunog ang bahay nila.

Gawain 4:

Panuto: Basahin ng mabuti ang bawat sitwasyon. Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Bakit mahalaga ang pagtulong sa kapwa?

A. Dahil ito ay ikatutuwa ng Diyos.


B. Dahil hindi tayo nabubuhay para sa sarili lamang.
C. Dahil ito ang dapat nating gawin bilang isang tao sa ating kapwa.
D. Lahat ng nabanggit.

2. Biglang bumuhos ang ulan habang naglalakad kayo ng iyong kaklase pauwi. Napansin
mong wala siyang dalang payong. Ano ang nararapat mong gawin?

A. Iwanan siya sa daan.


B. Hayaan siyang maglakad sa daan.
C. Samahan siyang hintaying huminto ang ulan.
D. Anyayahan siyang makisukob sa iyong payong.

3. Paano natin maipapakita ang malasakit sa ating kapwa?

A. Ang pagtulong sa kapwa ng may inaasahang kapalit.


B. Ang pagtulong sa kapwa ay ginagawa kahit labag sa ating loob.
C. Ang pagtulong sa kapwa ay ginagawa para maipakita sa iba na tayo ay
matulungin.
D. Ang pagtulong sa kapwa ay ginagawa nang bukal sa loob at may pag-unawa sa
kanilang damdamin.

4. May kapitbahay kang humihingi ng gulay na inyong pananim. Ano ang tamang tugon mo
sa tuwing siya’y humihingi?

A. Kumuha lang kayo.


B. Hoy! Magtanim naman kayo.
C. Bakit hindi kayo magtanim ng gulay?
D. Kumuha lang po kayo at ingatan ang pagpitas ng gulay.

5.Alin sa mga sumusunod ang nararapat gawin kapag may humihingi ng pagkain?

A. Hindi pansinin.
B. Bigyan ng pagkain.
C. Turuang maghanapbuhay.
D. Sabihing pumunta sa kapitbahay.

3
Repleksyon

Panuto: Punan ang 3-2-1 tsart ng iyong mga natutunan hinggil sa Paggawa ng isang proyekto
gamit ang iba’t ibang multimedia at technology tools sa pagpapatupad ng mga batas sa
kalinisan, kaligtasan, kalusugan at kapayapaan . Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Ang mga bagay na natutunan ko....


3 bagay na 1. _________________________________
natutunan
2. _________________________________
3. _________________________________

Ang mga bagay na nakapukaw sa aking interes


ay…
2 bagay na
nakapukaw ng 1. _________________________________
interes
2. _________________________________

Kailangan ko pang matutunan ang...

1 bagay na 1. _________________________________
nakapagpalito

4
5
Gawain 1 Gawain 2 Gawain 4
1. Ang sagot ay maaaring 1. D
2. magkaiba 2. D
3. 3. D
4. 4. A
5. 5. B
6. Gawain 3
7.
8.
1. X
9.
2. /
10.
3. /
4. /
5. /
6. X
7. X
8. /
9. X
10. X
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Batayang Aklat: Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon Baitang 5


Pahina 158-165
*** Zenaida R. Ylarde
May-akda
*** Gloria A. Peralta, EdD
May-akda/Patnugot

Published by the Department of Education, Caraga Region


Schools Division Office of Surigao City
Schools Division Superintendent: Karen L. Galanida
Assistant Schools Division Superintendent: Laila f. Danaque

Bumuo sa Pagsusulat ng Learning Activity Sheets (LAS)

Manunulat : Ma. Gloselle A. Balacuit


Editor : Venessa C. Cantojos, Linda T. Geraldino
Tagasuri : Venessa C. Cantojos, Inday Robbie A. Cubillan
Linda Geraldino, Venus M. Alboruto
Tagalapat : Ma. Gloselle A. Balacuit
Tagapamahala : Karen L. Galanida
Laila F. Danaque
Carlo P. Tantoy
Elizabeth S. Larase
Noemi D. Lim
Linda A. Geraldino
Venus M.Alboruto
Inday Robbie A. Cubillan

Printed in the Philippines by the Schools Division Office of Surigao City


Office Address : M. Ortiz Street, Barangay Washington
: Surigao City, Surigao del Norte, Philippines
Telephone : (086) 826-1268; (086) 826-3075; (086) 826-8931
E-mail Address : surigao.city@deped.gov.ph

You might also like