You are on page 1of 4

Asignatura Homeroom Guidance Baitang Anim

W4 Markahan Ika-apat Petsa


I. PAMAGAT NG ARALIN Pahalagahan kung paano tutugunan ang pangangailangan ng kapuwa
at ng pamayanan
II. MGA PINAKAMAHALAGANG Value how the needs of others and community are addressed
KASANAYANG PAMPAGKATUTO HGIPS-IVc-8
(MELCs) Nagpapakita ng pagpapahalaga sa kapwa at sa komunidad
III. PANGUNAHING NILALAMAN Napahahalagahan kung paano tutugunan ang pangangailangan ng
kapuwa at ng pamayanan
IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO
I. Panimula (Mungkahing Oras: 5 minuto)

Bawat isa sa atin ay may kanya-kanyang pangangailangan na nais makamit. Likas sa ugali ng bawat tao
ang pagkakaroon ng mga hilig at kagustuhan ng walang hangganan. Ito ang natural na gawi ng bawat
indibidwal na hindi natin maitatanggi sa ating lipunan.
Katulad ng ating napag-usapan sa naunang aralin, ang mga pangangailangang ito ang nagbibigay at
nagsisilbing kalakasan at kaginhawahan sa araw-araw nating pamumuhay. Subalit may mga pagkakataon na
nawawalan tayo ng pagpapahalaga sa kung anong meron tayo, dahil sa paghahangad pa ng kung ano ang
wala sa atin. Gayunpaman, dapat nating gawin ay suriin, pag-aralan at pag-isipang mabuti ang mga
pangangailangang lubos na mahalaga at kinakailangan.
Sa araling ito ay maipakitakita,maipaliliwanag at mabibigyang-linaw sa mga kabataang tulad mo na
malaki ang inyong papel at ambag sa pagtugon sa mga pangangailangan ng kapuwa man at pamayanang
inyong kinabibilangan.
Sa linggong ito ay iyong matututunan ang aralin patungkol sa pagpapahalaga kung papaano tutugunan
ang pangangailangan ng kapuwa at ng pamayanan.
D. Pagpapaunlad (Mungkahing Oras: 15 minuto)

Tingnan at suriin ang mga larawan. Ang mga ito ay ilan lamang ito sa ating mga pangangailangan.

pagkain tirahan damit

edukasyon hanapbuhay tahimik at malinis na pamayanan

Mga tanong:
1. Ano-ano ang mga nasa larawan?
2. Alin ang mayroon kayo dito sa inyong pamilya o pamayanang kinabibilangan?
3. Dahil sa banta ng COVID-19, naranasan ba ng iyong pamilya o ng inyong komunidad ang mahirapan
upang magkaroon ng mga ito?
4. Bilang isang kabataan, sa paanong paraan ka kaya makakatulong upang matugunan ang mga
pangangailangang ito ng iyong pamilya o ng pamayanan?
IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO

Ating bigyang linaw o ipaliwanag ang mga sagot sa mga katanungan.

Ang mga larawang ipinakita ay ilan lamang sa mga pangangailangan ng bawat isa sa atin maging ng ating
komunidad. Upang mabuhay ang bawat tao, kinakailangan nating matugunan ang mga pangangailangang ito
lalo na ang tatlong pangunahing pangangailangan; ang pagkain, tirahan at damit. Una, kailangan natin ang
pagkain upang lumakas ang ating mga pangangatawan, para maging produktibo sa lahat ng ating ginagawa.
Pangalawa ay ang tirahan, ito ang nagbibigay sa atin ng proteksiyon sa lamig, ulan at init ng panahon. Ang
pagkakaroon ng kahit payak na uri ng tahanan ay napakahalaga para magkaroon tayo ng pahinga matapos
ang isang mahabang araw ng mga gawain. Pangatlo ay ang damit, hindi lamang ito suporta sa ating katawan,
bagkus ito rin ay tumutulong para maging malinis tayo at malayo sa anumang uri ng karamdaman. Ilan pa sa
mga pangangailangan na dapat tugunan ay ang edukasyon, hanapbuhay at ang tahimik at malinis na
komunidad. Ang edukasyon ay kailangan upang makalikha ng iba’t-ibang propesyon na makatutulong sa pag-
unlad ng komunidad. Ang hanapbuhay naman ay mahalaga dahil dito kinukuha ang pambili o panggatos
upang matugunan ang pangunahing pangangailangan ng pamilya sa pamamagitan ng salapi o pera na
nakukuha rito. Panghuli ay ang tahimik at malinis na komunidad. Mainam manirahan sa payapa at tahimik na
kapaligiran dahil nagdudulot ito namg maaayos na samahan at pagkakaisa. Kung nagkakaiisa ang mga tao sa
mga programa ng komunidad, magiging matagumpay ito at lahat ay pantay na makikinabang dito.
Ang bawat tao ay may mga pangangailangan para sa kanyang pangaraw-araw na gawain. Subalit may
mga pagkakataon na nawawalan tayo ng pagpapahalaga sa kung anong meron tayo, dahil sa paghahangad
pa ng kung ano ang wala sa atin. Gayunpaman, dapat nating gawin ay suriin, pag-aralan at pag-isipang mabuti
ang mga pangangailangang lubos na mahalaga at kinakailangan. Bilang isang kabataan ay malaki ang iyong
magagawa o maiaambag para matugunan ang mga pangngailangan ng iyong kapuwa at maging ng iyong
pamayanan.
E. Pakikipagpalihan (Mungkahing Oras: 10 minuto)

Gawain sa Pagkakatuto 1: Basahin at unawain ang bawat pahayag. Iguhit ang kung ang pangungusap ay
nagpapahayag ng pakikibahagi sa pagtugon sa mga pangangailangan ng kapuwa at ng pamayanan. Gawin
ito sa sagutang papel.

______________1. Sumali sa “Clean-Up Drive Campaign” na ipinatutupad ng inyong barangay.

______________2. Makilahok at mag-ambag sa isinasagawang “Community Pantry” ng mga kapuwa mo


kabataan.

______________3. Hikayating magpatuloy sa pag-aaral ang iyong kaklase na natatakot ng pumasok dahil sa
banta ng COVID-19.

______________4. Bumili ng mga bagay na hindi naman gaanong kailangan.

______________5. Magtapon ng mga basura sa ilog kung wala naming nakakita.

______________6. Tumulong sa pagtatanim sa inyong “Gulayan sa Paaralan”.

______________7. Magbigay ng mga pagkaing maaring isama sa gaganaping “Feeding Program” sa inyong
paaralan.

______________8. Magpatugtog nang malakas kahit alas-diyes na ng gabi.

______________9. Magpatuloy ng kapitbahay sa inyong tahanan lalo na sa panahon ng sakuna.

______________10. Ibigay na lamang sa mga batang lansangan ang mga pinaglumaang damit.
IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO
Gawain sa Pagkakatuto 2: Kapuwa ko! Minamahal ko!
Panuto: Bumuo ng sariling tula na may 3-5 taludtod patungkol sa pagpapahalaga sa pagtugon sa
pangangailangan ng kapuwa. Basahin ang rubrics sa ibaba bilang iyong gabay.\

Rubrics sa Pagsulat ng Tula 25 15 10


Pagkabuo Angkop at wasto ang Hindi gaanong angkop Hindi angkop at wasto
mga salitang ginamit sa at wasto ang mga ang mga salitang
pagbuo salitang ginamit sa ginamit sa pagbuo
pagbuo
Nilalaman Mabisang naipahayag Hindi gaanong Hindi mabisang
ang minsahe ng tula mabisang naipahayag naipahayag ang
ang minsahe ng tula minsahe ng tula
Orihinalidad Gimamit ang sariling Hindi gaanong gimamit Hindi guinamit ang
pamamaraan sa ang sariling sariling pamamaraan sa
pagbuo ng tula pamamaraan sa pagbuo ng tula
pagbuo ng tula
Epekto sa nagbabasa Pumukaw ng Hindi gaanong Hindi pumukaw ng
damdamin ng pumukaw ng damdamin ng
mambabasa damdamin ng mambabasa
mambabasa
A. Paglalapat (Mungkahing Oras: 20 minuto)

Gawain sa Pagkakatuto 3: Basahin ang tulang “Sama-Sama Laban sa Pandemya”, at sagutan ang mga tanong.

Sama-Sama Laban Sa Pandemya!


ni: Sylvia B. Benavente

O kay sarap ng buhay, lalo na kung makulay,


Sa isang pikit mata’y, ito’y mawawalang saysay,

Aking nasaksihan, ang takot ng karamihan,


Ito’y hindi inaasahan, hindi alam ang patutunguhan,

Ang panahon ng pandemya, ay panahon ng pamilya,


Huwag mawalan ng pag-asa, kalayaan ay matatamasa,

Mahalin ang iyong kapwa, simulan sa mabuting gawa,


Samahan din ng pananampalataya, upang sa bangungot ay makalaya,

Huwag ipagkait, ang biyayang nakamit,


Tumulong sa mga nangangailangan, upang mga kabataan ika’y tularan

Tayo ay magtulungan, tiyak ito’y kinakailangan,


Upang ang inaasam na matiwasay nabuhay, tiyak makakamit ng matagumpay.
Tanong:
1. Ano ang ipinahihwatig ng nabasa mong tula?
2. Anong aral ang nakuha mo sa binasa mong tula?
3. Ano ang ipinapahiwatig ng tula sa linya nitong “Mahalin ang kapuwa, simulan sa mabuting gawa”?
4. Bilang isang kabataan, paano mo matutugunan ang pangangailangan ng iyong kapuwa o ng
pamayanang kinabibilangan?
IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO
V. PAGNINILAY (Mungkahing Oras: 5 minuto)
• Ipabatid ang iyong personal na pagtatasa sa kard ayon sa lebel ng iyong performans.
Personal na Pagtatasa sa Lebel ng Performans Para sa Mag-aaral
Pumili ng isa sa mga simbolo sa ibaba na kakatawan sa iyong naging karanasan sa pagsasagawa ng
mga gawain. Ilagay ito sa Hanay ng LP o Lebel ng Performans. Basahin ang deskripsiyon bilang gabay sa
iyong pagpili:
 - Nagawa ko nang mahusay. Hindi ako nahirapan sa pagsasagawa nito. Higit na nakatulong ang gawain
upang matutuhan ko ang aralin.
✓ - Nagawa ko nang maayos. Nahirapan ako nang bahagya sa pagsasagawanito. Nakatulong ang gawain
upang matutuhan ko ang aralin.
? – Hindi ko nagawa o nahirapan ako nang labis a pagsasagawa nito. Hindi ko nauunawaan ang hinihingi sa
gawain. Kailangan ko pa ng paglilinaw o dagdag kaalaman upang magawa ko ito nang maayos o
mahusay.
Gawain Sa LP Gawain Sa LP Gawain Sa LP
Pagkatuto Pagkatuto Pagkatuto
Bilang 1 Bilang 2 Bilang 3
VI. SANGGUNIAN https://pdfcoffee.com/k-to-12-melcs-with-cg-codes-homeroom-guidance-
program1-pdf-free.html
https://www.slideshare.net/larahmaebpalapal/ang-pangangailangan-at-
kagustuhan-10
https://play.google.com/store/apps/details?id=com.aerotools.photo.sketch.maker

Inihanda ni: SYLVIA B. BENAVENTE Sinuri nina: Noruel M. Donato


Aplaya Elementary School Simonet P. Estopace
Nida C. Tagalag, EdD

MYRASOL D. BELTRAN
MA. LETICIA JOSE C. BASILAN, PhD
PHILIPS T. MONTEROLA

You might also like