You are on page 1of 3

FILIPINO 8

ARALIN 8-MODYUL 8

PANGALAN:___________________________ ANTAS/SEKSYON:________________

GAWAIN 1
Basahin ang nilalaman ng sumusunod na sanaysay na kinakapalooban ng iba’t ibang
uri ng pagpapahayag.Pagkatapos ay sagutan ang mga sumusunod na pagsasanay.

Pintig, Ligalig at Daigdig


Jet Oria Gellecanao

“Sadyang mabilis ang paglipas ng panahon. Ang bawat araw ay nagiging


mga oras, ang bawat oras ay nagiging minuto, ang bawat minuto ay nagiging
mga segundo na lamang. Kaya naman, maging ang pintig ng bawat sandali,
ng bawat puso, ng bawat bagay at nilalang sa mundo ay sumasabay rin sa
isang maligalig na daigdig.”
Sa umpukan ng mga nakatatanda ay madalas marinig ang mga usapang
ito “Talagang sang-ayon ako sa mga pahayag na ito,” wika ng isang lola.
“Kakaiba na ang panahon sa ngayon, mas higit na mapanganib!” Mas matigas
na rin ang ulo ng mga kabataan!” sambit naman ng isa. Sumagot naman itong
si lolo: “Hindi ako sang-ayon riyan, mas marurunong at mas maabilidad na ang
mga bata sa ngayon.” Kaya, kabataan, sino ka sa mga nabanggit nila? Paano
mo pinatunayan sa iyong sarili ang taglay mong mga talento at taglay na
kaalaman?
Madalas rin silang magpayo sa atin: “Mag-ingat ka sa iyong paglakad, at
baka ika’y madapa, mas malalim ang sugat.” Dapat lamang na pakinggan
natin ang mga payong ito sabay sambitin ang mga katagang “Taos-puso po
naming tinatanggap ang inyong mahalagang mga paalaala at mga gintong
kaisipan.” Kaisipang nagpapaalala sa atin na nawa’y tahakin natin ang tama at
tuwid na landas.
Sa kabilang panig, tanggapin natin ang katotohanan na may mga
pagbabagong nagaganap sa kasalukuyang panahon. Tunay ngang kakaiba na
talaga sa ngayon ang takbo ng buhay. Makikita ito sa uri at istilo ng
pamumuhay ng bawat isa. Sa paraan ng kanilang mga pananalita at gawi at
lalo na sa kanilang mga pananaw, paniniwala at paninindigan sa buhay. Isa sa
mga higit na nakakaimpluwensiya sa mga tao ngayon ay ang pag-usbong ng
modernong teknolohiya. Idiniriin sa atin ang konsepto ng “Globalisasyon” at
ang paglitaw ng teoryang “Global Village” kung saan ang mundo, ang bawat
bansa at bayan na naririto ay wala nang anumang mga hadlang o
tagapamagitan lalo na sa larangan ng pakikipagtalastasan. Nariyan ang
Internet, Facebook, Twitter, Youtube, Skype at iba pa upang mas higit na
mapadali at mapabilis ang komunikasyon.
Kasabay ng pag-unlad ng teknolohiya, ay ang paniniwala ng karamihan
na dahil sa labis na ang kasamaan ng tao, sandali na lamang at magugunaw
na ang mundo. Maaari kayang mangyari ang iba’t ibang mga hula ng mga tao
tungkol dito? Tandaan natin, nilikha ng Diyos ang tao at ang daigdig hindi
upang gunawin at sirain lamang ito. Sa halip, ang mga bagay na hindi karapat-
dapat manirahan dito ang siya lamang niyang aalisin. Tanging siya lamang at
wala nang iba pa ang nakaaalam kung kailan niya mangyayari ang pagpuksa
sa mga masasama at sa sumisira ng kanyang mga nilikha.
Kaya mga kapwa ko kabataan, panahon na upang ikaw ay
magbulaybulay. Ano na ang nagawa ko para sa aking sarili? Para sa aking
kapwa? Higit sa lahat, ay ang iyong magandang kaugnayan sa Diyos. Kaya’t
ito ang tamang panahon upang harapin ang mga bagong hamon sa buhay.
Magpatuloy ka, upang minsan sa isang araw ng iyong buhay ay hindi mo
masambit ang mga katagang “Sayang, kung ginawa ko lamang sana iyon.”
Sadyang mabilis ang paglipas ng panahon, ang bawat araw...nagiging oras,
nagiging minuto hanggang maging segundo. Ang bawat pintig, pintig...at pintig
sadyang may ligalig sa ating daigdig... Kabataan! Panahon naupang tanggapin
mo ang hamon sa iyo!

Pagsasanay 1

Mula sa sanaysay na binasa, magtala ng ilan sa mga pahayag o pangungusap


at tukuyin ang uri ng komunikatibong pagpapahayag ito nauuri.

Uri ng komunikatibong
Pahayag mula sa teksto
pagpapahayag

1.

2.

3.

4.

5.

GAWAIN 2

Sa puntong ito ay pansinin ang mga sumusunod na mga salita.Gamit ang iyong
napag-aralan, ipaliwanag at ibigay ang mga dapat tandaan at isaalang alang sa mga ito
sa pagsasagawa ng isang social awareness campaign.

GAWAIN 3
Ngayon naman ay iyong sanayin ang iyong kaalaman sa komunikatibong pahayag.
Basahing mabuti ang isang pahayag na at punan ang mga patlang ng mga akmang
salitang makikita sa loob ng kahon. Suriin ng mabuti kung saang uri ng komunikatibong
pahayag napabilang ang mga salitang ito at isulat sa loob ng panaklong.

Ayaw Hindi maaari siguro tunay sumasang-


ayon

GAWAIN 4
Ngayong alam mo na ang mga hakbang sa pagbuo at mga dapat isaalang-alang
sa pagbuo ng isang kampanyang panlipunang kamalayan, isabuhay mo ito!

Rubrics o Pamantayan sa Pagbuo ng Awtput


5- Napakahusay 2-Medyo nangangailangan ng pagsasanay
4-Mahusay 1-Nangangailangan ng pagsasanay
3-Katamtaman

Pamantayan 5 4 3 2 1
Orihinalidad at Pagkamalikhain
Kalinawan ng kaisipan at detalye
Angkop na paggamit ng komunikatibong pahayag
Aplikasyong teknikal
KABUUAN

You might also like