You are on page 1of 2

Pintig, Ligalig at Daigdig

Jet Oria Gellecanao

“Sadyang mabilis ang paglipas ng panahon. Ang bawat araw ay

nagiging mga oras, ang bawat oras ay nagiging minuto, ang bawat minuto ay

nagiging mga segundo na lamang. Kaya naman, maging ang pintig ng bawat

sandali, ng bawat puso, ng bawat bagay at nilalang sa mundo ay sumasabay

rin sa isang maligalig na daigdig.”

Sa umpukan ng mga nakatatanda ay madalas marinig ang mga

usapang ito “Talagang sang-ayon ako sa mga pahayag na ito,” wika ng isang

lola. “Kakaiba na ang panahon sa ngayon, mas higit na mapanganib!” Mas matigas na rin ang ulo ng mga
kabataan!” sambit naman ng isa. Sumagot

naman itong si lolo: “Hindi ako sang-ayon riyan, mas marurunong at mas

maabilidad na ang mga bata sa ngayon.” Kaya, kabataan, sino ka sa mga

nabanggit nila? Paano mo pinatunayan sa iyong sarili ang taglay mong mga

talento at taglay na kaalaman?

Madalas rin silang magpayo sa atin: “Mag-ingat ka sa iyong paglakad,

at baka ika’y madapa, mas malalim ang sugat.” Dapat lamang na pakinggan

natin ang mga payong ito sabay sambitin ang mga katagang “Taos-puso po

naming tinatanggap ang inyong mahalagang mga paalaala at mga gintong

kaisipan.” Kaisipang nagpapaalala sa atin na nawa’y tahakin natin ang tama

at tuwid na landas.

Sa kabilang panig, tanggapin natin ang katotohanan na may mga

pagbabagong nagaganap sa kasalukuyang panahon. Tunay ngang kakaiba

na talaga sa ngayon ang takbo ng buhay. Makikita ito sa uri at istilo ng

pamumuhay ng bawat isa. Sa paraan ng kanilang mga pananalita at gawi at


lalo na sa kanilang mga pananaw, paniniwala at paninindigan sa buhay. Isa

sa mga higit na nakakaimpluwensiya sa mga tao ngayon ay ang pag-usbong

ng modernong teknolohiya. Idiniriin sa atin ang konsepto ng “Globalisasyon”

at ang paglitaw ng teoryang “Global Village” kung saan ang mundo, ang

bawat bansa at bayan na naririto ay wala nang anumang mga hadlang o

tagapamagitan lalo na sa larangan ng pakikipagtalastasan. Nariyan ang

Internet, Facebook, Twitter, Youtube, Skype at iba pa upang mas higit na

mapadali at mapabilis ang komunikasyon.

Kasabay ng pag-unlad ng teknolohiya, ay ang paniniwala ng

karamihan na dahil sa labis na ang kasamaan ng tao,sandali na lamang at

magugunaw na ang mundo. Maaari kayang mangyari ang iba’t ibang mga

hula ng mga tao tungkol dito? Tandaan natin, nilikha ng Diyos ang tao at ang

daigdig hindi upang gunawin at sirain lamang ito. Sa halip, ang mga bagay na

hindi karapat-dapat manirahan dito ang siya lamang niyang aalisin. Tanging

siya lamang at wala nang iba pa ang nakaaalam kung kailan niya mangyayari ang pagpuksa sa mga
masasama at sa sumisira ng kanyang mga nilikha.

Kaya mga kapwa ko kabataan, panahon na upang ikaw ay magbulaybulay.

Ano na ang nagawa ko para sa aking sarili? Para sa aking kapwa? Higit sa lahat, ay ang iyong magandang
kaugnayan sa Diyos. Kaya’t ito ang

tamang panahon upang harapin ang mga bagong hamon sa buhay.

Magpatuloy ka, upang minsan sa isang araw ng iyong buhay ay hindi mo

masambit ang mga katagang “Sayang, kung ginawa ko lamang sana iyon.”

Sadyang mabilis ang paglipas ng panahon, ang bawat araw...nagiging

oras, nagiging minuto hanggang maging segundo. Ang bawat pintig,

pintig...at pintig sadyang may ligalig sa ating daigdig... Kabataan! Panahon na

upang tanggapin mo ang hamon sa iyo.

You might also like