You are on page 1of 2

Sadyang mabilis ang paglipas ng panahon.

Ang bawat araw ay


nagiging mga oras, ang bawat oras ay nagiging minuto, ang
bawat minuto ay nagiging mga segundo na lamang. Kaya naman,
maging ang pintig ng bawat sandali, ng bawat puso, ng bawat
bagay at nilalang sa mundo ay sumasabay rin sa isang maligalig
na daigdig. Sa umpukan ng mga nakatatanda ay madalas
marinig ang mga usapang ito Talagang sang-ayon ako sa mga
pahayag na ito, wika ng isang lola. Kakaiba na ang panahon sa
ngayon, mas higit na mapanganib! Mas matigas na rin ang ulo
ng mga kabataan! sambit naman ng isa. Sumagot naman itong si
lolo: Hindi ako sang-ayon riyan, mas marurunong at mas
maabilidad na ang mga bata sa ngayon. Kaya, kabataan, sino ka
sa mga nabanggit nila? Paano mo pinatunayan sa iyong sarili ang
taglay mong mga talento at taglay na kaalaman? Madalas rin
silang magpayo sa atin: Mag-ingat ka sa iyong paglakad, at baka
ikay madapa, mas malalim ang sugat. Dapat lamang na
pakinggan natin ang mga payong ito sabay sambitin ang mga
katagang Taos-puso po naming tinatanggap ang inyong
mahalagang mga paalaala at mga gintong kaisipan. Kaisipang
nagpapaalala sa atin na naway tahakin natin ang tama at tuwid
na landas. Sa kabilang panig, tanggapin natin ang katotohanan
na may mga pagbabagong nagaganap sa kasalukuyang
panahon. Tunay ngang kakaiba na talaga sa ngayon ang takbo
ng buhay. Makikita ito sa uri at istilo ng pamumuhay ng bawat isa.
Sa paraan ng kanilang mga pananalita at gawi at lalo na sa
kanilang mga pananaw, paniniwala at paninindigan sa buhay. Isa
sa mga higit na nakakaimpluwensiya sa mga tao ngayon ay ang
pag-usbong ng modernong teknolohiya. Idiniriin sa atin ang
konsepto ng Globalisasyon at ang paglitaw ng teoryang Global
Village kung saan ang mundo, ang bawat bansa at bayan na
naririto ay wala nang anumang mga hadlang o tagapamagitan
lalo na sa larangan ng pakikipagtalastasan. Nariyan ang Internet,
Facebook, Twitter, Youtube, Skype at iba pa upang mas higit na
mapadali at mapabilis ang komunikasyon. Kasabay ng pag-unlad
ng teknolohiya, ay ang paniniwala ng karamihan na dahil sa labis
na ang kasamaan ng tao,sandali na lamang at magugunaw na
ang mundo. Maaari kayang mangyari ang ibat ibang mga hula ng
mga tao tungkol dito? Tandaan natin, nilikha ng Diyos ang tao at
ang daigdig hindi upang gunawin at sirain lamang ito. Sa halip,
ang mga bagay na hindi karapat-dapat manirahan dito ang siya
lamang niyang aalisin. Tanging siya lamang at wala nang iba pa
ang nakaaalam kung kailan niya mangyayari ang pagpuksa sa
mga masasama at sa sumisira ng kanyang mga nilikha. Kaya
mga kapwa ko kabataan, panahon na upang ikaw ay
magbulaybulay. Ano na ang nagawa ko para sa aking sarili? Para
sa aking kapwa? Higit sa lahat, ay ang iyong magandang
kaugnayan sa Diyos. Kayat ito ang tamang panahon upang
harapin ang mga bagong hamon sa buhay. Magpatuloy ka, upang
minsan sa isang araw ng iyong buhay ay hindi mo masambit ang
mga katagang Sayang, kung ginawa ko lamang sana iyon.
Sadyang mabilis ang paglipas ng panahon, ang bawat
araw...nagiging oras, nagiging minuto hanggang maging
segundo. Ang bawat pintig, pintig...at pintig sadyang may ligalig
sa ating daigdig... Kabataan! Panahon na upang tanggapin mo
ang hamon sa iyo!

You might also like