You are on page 1of 3

Aralin

Broadcast Media
3
Nakapaloob sa mass media ang larangan ng broadcast na
kinapapalooban ng radyo at telebisyon; print na binubuo naman ng pahayagan
at limbagan; advertising tulad ng commercial ads at patalastas; posters, Sa
billboards, streamers; pelikulaa; at maging video technology. Ang mga
nabanggit na midyum ng mass media ay nagsisilbing instrumento o lakas na
kumokontrol sa utak ng mga tagatanggap(receiver) ng mensahe mula sa
tagapagsalita (source o sender).

Malaki ang ginagampanan ng media sa pagpapakalat ng mga advisories o


babala sa kapag may kalamidad o anumang sakuna at anumang aktibidad o
pangyayari na nagaganap o magaganap saan mang parte ng mundo. Sa pang
araw-araw na pamumuhay, nabibigyan ng mass media ng tuwa o
“entertainment” ang mga tao. Sa pamamagitan nito, nalalaman ng bawa’t isa
kung ano o “in” o “trending” na nakakatulong sa mga negosyo sa mga
komunidad. Ang patalastas o mga “advertisement” tungkol sa makabagong
produkto ay idinadaan din sa mass media. Kung kaya’t ang media ay
sinasabing “powerful tool” para sa kasalukuyang panahon ng komersyalismo.

Broadcast Media

Ito ang dalawang paraan kung saan maipapahatid ang mensahe sa


publiko. Ito ay may dalawang klasipikasyon: radyo at telebisyon.

Radyo- ginagamit ng mga kabatirang panlipunan na ginagamitan ng


tainga para marinig ang broadcast at isipan para mabuo ang pahayag. Sa
pamamagitan ng “radio waves”, nakapaghahatid ito ng impormasyon, musika,
drama at usapan na hindi nakikita sa lawak na milyon milyong kilometro. May
kapangyarihan itong isulong ang anumang ideya, kawsa at produkto. Sa
pamamagitan din nito, maaaring hubugin ang pagpapahalaga, panlasa at
paniniwala ng buong bansa.

Telebisyon- midyum ng telekumunikasyon na naghahatid o tumatanggap


ng mga gumagalaw na imahe na maaaring mochrono o colored. Ginagamit sa
pagbibigay ng kaalaman na ginagamitan ng mata para makita ang pagyayari o
palabas at mga tainga para marinig ang pahayag. Ito ay isang midyum na
maaaring mapaghanguan ng kaalaman at karunungan. Sinasabi din na
“human beings are visual spies” na ang ibig sabihin ay mas magugustuhan ng
tao ang bagay na nakikita nila kaysa sa naririnig. Isa rin itong
makapangyarihang instrumento sa pagkatuto.

pagbuo ng mga impormasyong ibabahagi sa mass media, kailangang nasusuri rin ang
nilalaman nito lalo na ang paraan ng paglalahad ay nararapat na akma at buo. Ito ay
maaaaring positibo o negatibong paglalahad.

 Positibong pagpapahayag- mga pahayag na may diwang positibo at


magandang kahulugan kahit na gumagamit ng negatibong salita.

Halimbawa:
Ang hindi pagpapatuloy ng face to face classes ay nakakatulong
upang maiwasan ang pagkalat ang paglobo ng virus sa bansa.

 Negatibong Pahayag- Mga pahayag na may diwang negatibo o


salungat o indi pagkiling sa diwa ng nakararami.

Halimbawa:
Hindi maganda ang naidudulot ng mga pasaway na Pilipino sa
pagsugpo at pag-iwas sa pagkalat ng virus sa bansa.

Maliban sa positibo at negatibong pahayag ay nararapat na pagtuunan din natin ng


pansin ang mga paraan ng pagbibigay ng katotohanan(facts), hinuha (inferences),
opinyon at personal na interpretasyon sa alinmang pagpapahayag.

 Katotohanan (facts)- ay kadalasang sinusupurtahan ng pinagkunan.


Ang katotohanan ay mga impormasyon na maaaring mapatunayang
totoo. Bihira itong magbago mula sa isang pinagmumulan ng
impormasyon sa iba pa. Ginagamitan ito ng mga salita o parirala tulad
ng: batay sa, resulta ng, pinatutunayan ng, pinatutunayan ni, sang-ayon
sa, mula kay, tinutukoy na, mababasa na atbp.

Halimbawa:
 Sang-ayon sa pamunuan ng gobyerno, itinanggi ng Malacanang
na balik sa simula ang pakikipaglaban ng bansa kontra Covid 19.
 Ayon kay, Sec. Galvez, 1.4M Doses ng SINOVAc at 900, 0000
doses ng ATRAZENECA ang darating ngayong buwan ng Marso.

 Paghihinuha (inferencing) – nangangahulugang isang hula o palagay


na walang kasiguraduhan at di-tiyak ang isang pangyayari. Ito ay
tinatawag na guess, infer o inference sa wikang Ingles. Pagbibigay
kahulugan o paliwanag sa tulong ng mga pahiwatig at ng sariling
kaalaman sa isang larawan, pamagat o pangyayari sa akda. Ang
manunulat at tagapagsalita ay nagpapahiwatig o nagbibigay ng
implikasyon; ang mambabasa o tagapagsalita ang nagpapalagay o
bumubuo ng hinuha. Epektibong maipapahayag kung gagamitin ang
mga panandang: siguro, marahil, baka, waring, tila, sa aking palagay,
sa tingin ko, maaaring at iba pa.

Halimbawa:
 Sa tingin ko, sa susunod na taon ay babalik na ang face to face
classes.
 Waring hindi mapupuksa ang Covid19 kung patuloy tayong
magiging kampante at pasaway.

 Opinyon- ang mga pahayag mula sa mga paliwanag lamang batay sa


mga totoong pangyayari. Ang opinyon ay batay sa saloobin o
damdamin ng tao. Nag-iiba ang mga ito sa magkakaibang pinagmulan
ng impormasyon at hindi maaaring mapatunayan kung totoo o hindi.
 Ginagamitan ito ng mga salita o parirala tulad ng: sa aking palagay, sa
nakikita ko, sa pakiwari ko, kung ako ang tatanungin, para sa akin, sa
ganang akin atbp.

Halimbawa:
 Sa aking palagay, nahihirapan ang mga mag-aaral na pagtuunan
ng pansin ang kanilang pag-aaral sa bahay dahil nahahati ang
kanilang atensyon sa mga ibang gawain.

 Personal na interpretasyon- ay ang pagpapaliwanag, pagsasalin ng


kahulugan o pagbibigay ng sariling pananaw o kaisipan sa isang teksto
o pahayag. Ito ay maaaring nagpapahiwatig ng bago. Bagong ideya o
pagpapaliwanag.
Halimbawa:
 “Ayon sa mga eksperto, matatagalan pa bago mawala ang
Covid19.”
-Ang pahayag na ito ay interpretasyon ng mga eksperto batay sa
pandemya. Kung susuriin, ito ay papgpapakahulugan ng mga sa
senaryong nagaganap dahil sa sakit na Covid19.

You might also like