You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
National Capital Region
Schools Division Office of Quezon City
NOVALICHES HIGH SCHOOL
Lakandula St. T.S. Cruz Subdivision, Novaliches, Quezon City

ARALING PANLIPUNAN 10
Kontemporaryong Isyu

Pangalan _______ ________ Lebel: ____Baitang 10____


Seksyon: _______________________________ Petsa: _________________

GAWAING PAGKATUTO
(KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL NG KONTEMPORARYONG ISYU)

Panimula (Susing Konsepto)


(Pagpapabasa ng Teksto)
Mabilis ang takbo ng kasalukuyang panahon.Dahil dito, higit na masalimuot ang pamumuhan ng
tao sa araw-araw kung ihahambing noong sinaunang panahon.Marami ang dapat isipin gaya ng pagkain
sa araw-araw,pag-aaral,paghahanap ng maayos na trabaho at marami pang iba.Idagdag pa sa mga
isiping ito ang mga pagdating ng mga kalamidad at sakuna gayundin ang mga isyung pampolitika,
pang-ekonomiya at panlipunan. Sa dami ng mga alalahaning ito ay dapat piliin kung alin ang
pinakamahalaga at alin ang dapat unahin na bigyan ng pansin.
Ano ba ang kahulugan ng Kontemporaryong Isyu at bakit mahalagang pag-aralan ito?
Ngayon basahin natin ang maikling teksto tungkol sa kahulugan at kahalagahan ng pag-aaral ng
Kontemporaryong Isyu.Nawa’y inyong maunawaan at iugnay ito sa inyong sariling karanasan.

Kahulugan ng Kontemporaryong Isyu

a. Ang kahulugan ng Kontemporaryong Isyu o Contemporary Issue ay mula sa salitang Latin na


contemporarius sa pagsasama ng con na nangngahukugang “kasabay ng” (together with) at
tempus o tempor na ang ibig sabihin namayn ay “panahon” (time). Nangangahulugan na ang
Kontemporaryong Isyu ay kasabayang panahon o living or occurring at the same time.
Maituturing na kasingkahulugan din ng kontemporaryong panahon sa kasalukuyan
(simultaneously current, present time) ang mga terminolohiyang current affairs o current events.
b. Ayon sa Oxford Dictionary, ang isyu ay mahalagang paksa o problem na pinagtatalunan (debate)
pinagtatalakayan, pinaguusapan at pinagiisipan ng mga tao.
c. Sa Merriam Webster Dictionary binibigyang kahulugan nito ang Isyu bilang mga bagay o paksa
na may di pagkakasundo at pagtutunggali sa pagitan ng dalawa o higit pang mga partido o panig.

Nalaman natin na ang mga iba’t ibang isyu ay mahalagang malaman natin upang mabatid kung
ano ang dapat nating gawin sa oras na may iba’t ibang pangyayari na nagaganap sa ating paligid at
ito ang dahilan kung bakit dapat tayong mag-aral ng kontemporaryong isyu. Marami pang maaring
makuha sa pag-aaral ng paksang ito gaya ng mga sumusunod na kahalagahan:

 Pagharap at pagiging handa sa hamon at oportunidad ng globalisasyon.


Ang pag-unawa sa mga kontemporaneong isyu sa harap ng globalisasyon ay maaaring
makatulong sa sinuman na maging ligtas, maging handa sa panganib at oportunidad, at
makabuo ng matalinong pasiya para sa sarili, komunidad, at bansa. At sa huli ay upang
maging matagumpay at produktibong mamamayan ng bansa at daigdig.
 Paglinang ng twenty-first century skills upang maging matagumpay.
Napakahalaga ang pag-aaral ng kontemporaneong isyu upang magkaroon ng
kamulatan sa kung ano ang trends sa iba’t ibang larangan at iba’t ibang panig ng daigdig,
maging handa sa mga darating na suliranin at oportunidad, at upang makagawa ng mga
hakbang bilang pag-aangkop (adaptation) at inobasyon sa mga bagong pangangailangan
(demands) at pagbabago ng sirkunstansiya (circumstances) o mga kaugnay na pangyayari.
Sa pag-aaral ng kontemporaneong isyu, kabilang sa mga pangunahing life skills na nalilinang
ang kritikal na pag-iisip (critical thinking), pagsisiyasat (inquiry), pananaliksik (research),
pagpapasiya (decision-making), paglutas ng problema (problem solving), at komunikasyon.
 Paglinang ng global awareness at social and cross-cultural skills.
Nagkakaroon ang mga mag-aaral ng pag-unawa at apresyasyon (appreciation) sa
dibersidad ng politika, ekonomiya, kultura, relihiyon, wika, estrukturang panlipunan, at
kapaligiran ng iba’t ibang mamayan, lahi, komunidad, at bansa sa daigdig. Bunga nito,
nalilinang sa mga mag-aaral ang pagpapahalaga ng iba. Sa kanyang trabaho, pangingibang-
bansa, at pagpapasiya sa pang-araw-araw na pamumuhay, inaasahang ang mga mag-aaral
ay mas madali ang pagkakaroon ng epektibong inter-aksiyon at kooperasyon sa iba’t ibang
indibidwal at pangkat na mula sa ibang kultura at lipunan, relihiyon, wika, ideolohiya, at estilo
ng pamumuhay; at

 Paghubog ng aktibo at mapanagutang mamamayan.


Ang kamulatan sa mga kontemporaneong isyu ay isa sa mga katangiang dapat taglayin at
pananagutan ng isang mabuting mamamayan. Ang kamulatan sa mga kontemporaneong isyu ay
magbibgay-daan sa paghubog ng kabataan at mamamayang mapanuri, mapagnilay, produktibo,
at makabayan na hindi lamang nagsusuri kundi aktibong nakikilahok sa pagharap sa mga isyung
panlipunan, nagpapanukala ng solusyon sa mga problemang kinakaharap ng sariling komunidad
at bansa, at gumagawa ng matalinong pasiya para sa kabutihan ng lahat (common good).

Kasanayang Pagkatuto at Koda


*Nasusuri ang kahalagahan ng pag-aaral ng Kontemporaryong Isyu AP10Q1LC1W1-2

Layunin:
1. Mailahad ang kahulugan ng salitang Kontemporaryong Isyu .
2. Mailalahad ang 2-3 na kahalagahan ng pag-aaral ng Kontemporaryong Isyu.
3. Masuri ang kahalagahan ng pag aaral ng kontemporaryong Isyu.

Paksa: Kahalagahan ng Pag-aaral ng Kontemporaryong Isyu


Pamaraan:
Panuto: Suriin ang mga halimbawa ng iba’t ibang isyu sa bansa sa ibaba.

COVID-19

SOCIAL DISTANCING

LOCKDOWN PANDEMIC

FAKE NEWS PANIC BUYING

ABS-CBN UNEMPLOYMENT

SHUTDOWN HOARDING

ONLINE LEARNING EARTHQUAKE

BLACKOUT

TYPHOON

SOCIAL

AMELIORATION

PROGRAM

COMMUNITY

QUARANTINE

VOLCANIC ERUPTION

Gabay na Tanong

1. Ano ang pagkakaunawa mo sa mga sumusunod na pahayag o salita?


________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
2. Masasabi mo ba na ang mga nakatalang salita ay mga isyu sa lipunan?
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
3. Bakit mo nasabi na ang mga ito ay isyu sa lipunan. Ipaliwanag ang mga sagot?
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

4. Anu- ano ang kahalagahan ng pag-aaral ng Kontemporaryong Isyu?


________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
5. Bilang isang mag-aaral, bakit mahalaga na malaman ang kahalagahan ng Kontemporaryong Isyu?
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

Pangwakas
A.Gumupit/sumulat ng isang napapanahong Isyu at bigyan ito ng reaksiyon. Bakit mo nasabi na
ito ay isang isyu? Ilagay sa iang oslo Paper.

B. Ebalwasyon : Panuto: Lagyan ng 😃 kung ang pahayag ay tama at ☹ naman kung mali.

________ 1. Magkaroon ng kamulatan sa kung ano ang trends sa iba’t ibang larangan sa iba’t
ibang panig ng mundo.

________ 2. Maging handa sa mga darating na suliranin st oportunidad upang makagawa ng


pag aangkop at inobasyon.

________ 3. Paglinang ng 21st century skills upang maging matagumpay.

________ 4. Magkaroon ng epektibong interaksyon at kooperasyon sa iba’t ibang indibidwal at


pangkat.

________ 5. Paghubog ng aktibo at mapanagutang mamamayan.

________ 6. Maging handa sa panganib at oportunidad at makabuo ng matalinong pagpapasya


para sa sarili, komunidad at bansa.

________ 7. Maging matagumpay at produktibong mamamayan ng bansa at daigdig.

________ 8. Pagkakaroon ng mamamayang may kamulatan upang manatiling maayos at


malusog ang bansa.

________ 9. Pagkakaroon ng kamulatan upang manatiling gising at tagapagbantay ng kanilang


mga karapatan at pananagutan.

________ 10. Nalilinang ang kritikal na pag-iisip at pagsisiyasat upang malutas o mabigyan ng
solusyon ang mga suliranin.

Mga Sanggunian
A. LEARNING MODULE Pahina. 6-8,
B. PADAYON Araling Panlipunan 10, Pahina 6-10, Pahina 16-18

Inihanda ni:

___Amelita D. Udtuhan ___


Pangalan ng May Akda

Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. Please include this in All Learning Activity
Sheets.

You might also like