You are on page 1of 17

PANDISTRITONG

TELEKUMPERENSYA SA FILIPINO
HALIMBAWA NG LINGGUHANG
PASULIT
PLANO SA PAGTATASA BILANG 1
UNANG MARKAHAN

Asignatura Baitang
Filipino Ikasampung Baitang
Pamagat ng Gawain  
Sagutin Mo’t Bigyang Kahulugan
Pamantayang Pangnilalaman Pamantayang Pagganap
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at Ang mag-aaral ay nakabubuo ng kritikal na pagsusuri sa mga
pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan. (Panitikang isinagawang critique tungkol sa alinmang akdang
Mediterranean) pampanitikang Mediterranean.
Mga Code ng Kasanayan Mga Kasanayang Pampagkatuto
F10PB-Ia-b-62  Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa akda sa
nangyayari sariling karanasan, pamilya, pamayanan,
  lipunan at daigdig.
   Natutukoy ang mensahe at layunin ng napanood na cartoon
F10PD-la-b-61 ng isang mitolohiya.
I. PANGKALAHATANG-IDEYA NG GAWAING PAMPAGKATUTO
 
Bago ang pagtataya, kailangang naituro na at natutunan na ng mga mag-aaral ang mga sumusunod: Pagsagot sa mga
tanong sa nabasa/napakinggang teksto, pag-uugnay ng mga kaisipang napapaloob sa akda sa nangyayari sa sariling
karanasan, pamilya, pamayanan lipunan at daigdig,paghahambing sa katangian ng pangunahing tauhan sa mitolohiya,
paghahambing ng mga katangian ng mga tauhan sa dalawang mitolohiyang nabasa, pagtutukoy sa mga mensahe at
layunin ng nabasa/napapanood na cartoon ng isang mitolohiya. Ang mga ito ang ilalapat ng mga mag-aaral sa mga
Gawaing Pagtataya.
 
II. KAHINGIAN NG PAGTATAYA
KAALAMAN
Naunawaan ng mga mag-aaral ang ;
pagsagot sa mga tanong sa nabasa/napanood na cartoon o teksto, pag-uugnay ng mga kaisipang napapaloob sa akda
sa nangyayari sa sariling karanasan, pamilya, pamayanan, lipunan at daigdig, pagsusuri sa katangian ng
pangunahing tauhan sa mitolohiya, paghahambing ng mga katangian ng mga tauhan sa dalawang mitolohiyang
nabasa
 
 
KASANAYAN
Nagagawa ng mga mag-aaral na;
Nasasagot ang mga katanungan sa napakinggang teksto
Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa akda sa nangyayari sa sariling karanasan, pamilya, pamayanan, lipunan, at
daigdig
Naihahambing ang mga katangian ng mgat tauhan sa dalawang mitolohiya
Naipapaliwanag ang mensahe at layunin ng nabasa/napapanood na mitolohiya
 
___ Obserbasyon __ pagsusuri ng output ng mga mag-aaral
X Pagsusulit X pakikipanayam sa mga mag-aaral

AWAING PAGTATAYA
 
utin ng mga mag-aaral ang pasulit sa pamagitan ng pagsulat ng letra ng tamang sagot at pagsagot sa mga tanong
ipanayam

ARAAN NG PAGTATALA ( Markahan ng X ang espasyo ng angkop na tugon)


 
X Paggamit ng tseklist X Paglalagay ng marka
Paggamit ng class grid __ Anecdotal pagtatala
X Pagbibigay ng grado __ pagbibigay- komento sa gawa ng mga mag-aaral

__ Portfolyo __ Tala para sa pansariling pagtataya o ebalwasyon


__ Pagrerecord ng audio o video __ Pagkuha ng larawan
VI. PAGKAKAROON NG KONSISTENT SA PAGMAMARKA ( Markahan ng X ang espasyo ng
may angkop na tugon)

 
__Pagkakaugnay ng Rubrik sa kahingian ng pagtataya ( Tingnan ang kalakip na Rubrik)
X Pagkakaugnay ng paraan ng pagbibigay ng marka sa kahingian ng pagtataya
 

VII. PAGTUGON ( Markahan ng X ang eapasyo ng angkop na tugon)


 
__ Pasalitang pagbibigay-puna mula sa kapwa mag-aaral/guro o iba
X Pasulat na pagbibigay-puna mula sa kapwa mag-aaral/guro o iba
__ Pansariling repleksyon
 
SUMMATIVE TEST I

TABLE OF SPECIFICATION
School : Poblacion Comprehensive NHS Subject and Grade Level: Filipino Baitang 10

District : Lake Wood Quarter: Unang Markahan


School Head: Rico B. Apao Teacher Isabel M. Liwagon
  # ng araw   Pag- Pag- Pag- Pag- Pag- Pag- Kinalalagyan
Ang mga mag-aaral ay ; ng % alaala unaw gamit susuri tataya bubuo Ng aytem
pagtuturo a
Naiuuggnay ang mga kaisipang                    
nakapaloob sa akda sa nangyayari sariling                
karanasan, pamilya, pamayanan, lipunan at 5 50   1 1 2 1 1, 2,3,4,5
daigdig.
(F10PB-Ia-b-62)
Natutukoy ang mensahe at layunin ng nabasa/                    
napanood na cartoon ng isang mitolohiya. 5 50 2 2 1 6,7,8,9,10
(F10PD-la-b-61)

KABUUAN 10 100%             10  
PAGKUHA NG BAHAGDAN AT BILANG NG TANONG

• BAHAGDAN (%)
BILANG NG KABUUANG
ARAW NG ÷ ARAW NG X 100%
PAGTUTURO PAGTUTURO
5 ÷ 10 X 100 = 0.5
BILANG NG TANONG
KABUUANG BILANG X BAHAGDAN
NG AYTEM
10 X .50 =5
LAGUMANG PAGSUBOK 1
FILIPINO 10
UNANG MARKAHAN
 

• Pangalan: __________________________________________ Iskor: _____________


• Paaralan: ________________________________ Guro: __________________________
Petsa:_____________

• Panuto: Basahing may pag-uunawa ang teksto at sagutin ang mga katanungan sa ibaba.
Piliin at isulat sa nakalaang espasyo ang titik ng tamang sagot.
CUPID AT PSYCHE
Hindi umibig si Psyche sa isang nakatatakot na nilalang, ngunit wala ring umibig sa kanya.
Kahit na sobra ang pagmamahal ng mga ginoo kay Psyche ay sapat na sa kanila ang nakikita
lang nila ang dalaga. Samantalang ang kanyang dalawang kapatid ay nakapag-asawa na ng hari.
Nagging malungkot si Psyche sa mga nangyayari. Kaya naglakbay ang amang hari ni Psyche
upang humingi ng payo kay Apollo upang makahanap ng mabuting lalaking makakabiyak ng
kanyang anak. Hindi alam ng amang hari na naunahan na siya ni Cupid upang hingin ang
tulong ni Apollo kaya sinabi ni Apollo sa hari na makapapangasawa ng isang nakatatakot na
halimaw ang kanyang anak at kailangan nilang sundin ang kanyang ipapayo. Ginawa ng amang
hari ang lahat ng ipinayo ni Apollo.
Naging Masaya naman ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa mahal na mahal nila ang
bawat isa ngunit may isang bagay ang hindi masilayan ni Psyche, ang mukha ng kanyang
kabiyak. Itinago ni Cupid kay Psyche ang tunay niyang pagkatao. Nangako si Psyche sa
kanyang kabiyak na kahit kailan ay hindi niya sasabihin sa mga kapatid na hindi pa niya
nasisilayan ang mukha ng kanyang asawa, ngunit ang mga kapatid pala ni Psyche ay may
masamang binabalak at sa pangalawang pagbisita ng mga ito kay Psyche sinulsulan nila ito na
suwayin ang kondisyon ng kanyang asawa sapagkat nalaman nilang halimaw ang asawa ng
kapatid.
Sa wakas, nang mahimbing nang natutulog ang lalaki, patiyad na naglakad si Psyche
patungo sa pinaglagyan niya ng punyal at lampara. Nasilayan niya ang mukha ng asawa.
Hindi halimaw ang kanyang nakita kundi pinakaguwapong nilalang. Sa pagnanais pang
masdan ang mukha ng asawa, natuluan ng mainit na langis ang balikat nito. Nalaman ng
asawa ang pagtataksil ni Psyche. Lumisan ang lalaki at nagsabing, “Hindi mabubuhay ang
pag – ibig kung walang tiwala”.

Nang malaman ito ni Venus ay lalo itong nagalit kay Psyche at ito’y pinahirapan niya ng
husto. Iba’t ibang mga pagsubok ang ipinagawa niya kay Psyche subalit hindi sumuko si
Psyche. Nalagpasan ni Psyche ang lahat ng pagsubok ni Venus. Humingi ng tulong si Cupid
kay Jupiter ang diyos ng mga diyos at tao. Pinakain ni Jupiter si Psyche ng ambrosia ang
pagkain ng mga diyos. Sa tulong ng mga diyos na sina Jupiter at Mercury naging imortal si
Psyche. Napanatag na rin si Venus na maging manugang si Psyche sapagkat nging ganap na
itong diyosa.
Ang pag-ibig (Cupid), at kaluluwa (Psyche) ay nagkatagpo sa likod ng mapapait na
pagsubok sa kanilang pagsasama ay hindi na mabubuwag kailanman.
  -Mula sa Panitikang Pandaigdig nina Vilma C. Ambat, 2015
____ 1. Alin sa sumusunod na pangyayari ang nagpapakita ng pagtitiwala?
 
A. Ginawa ni Psyche ang lahat ng pagsubok ni Venus para makita ang asawa
B. Iniwan ni Cupid si Psyche nang malaman na binali ni Psyche ang pangako nito
C. Sa paghahangad ng dagdag na ganda, binuksan ni Psyche ang kahon
D. Tinignan ni Psyche ang mukha ng asawa para mapatunayan ang sinabi ng Kapatid
 
____ 2. Alin sa sumusunod ang hindi kaugnay sa pahayag ni Cupid: “Hindi
mabubuhay ang pag-ibig kung walang tiwala.”
 
A. Ang pag-ibig at tiwala ay hindi mapaghihiwalay
B. Hindi wagas ang pag-ibig na ipinagkakatiwala
C. Titibay ang pag – ibig kung may pagtitiwala
D. Walang pag-ibig kung walang tiwala
 
_____ 3. Alin sa mga sumusunod na katangian ang hindi dapat taglayin ng isang tao o mamamayan?
 
A. Maalala sa pamilya, kaanak at sa kapwa.
B. Masunurin sa Diyos, pamilya at lipunan.
C. Mainggitin sa anomang mga bagay na nakikita.
D. Mapili sa mga bagay at kaibigan
____ 4. Bilang mag-aaral, anong magandang katangian mayroon si Psyche na dapat
tularan?
 
A. mapagmahal sa kapamilya
B. Mausisa sa mga bagay-bagay
C. matiisin sa pagharap sa mga hamon sa buhay
D. Matulungin sa pamilya at mga kaibigan
 
_____ 5. Alin sa mga pangyayari ang nagpapakita ng pagmamahal batay sa mitong Cupid
at psyche?

A. Ginawa ni Venus ang lahat para sa pagmamahal niya kay Cupid


B. Hinarap ni Psyche ang pagsubok ni Venus para sa pagmamahal niya kay Cupid
C. Nang nagkasala si Psyche kay Cupid binalak niyang magpakamatay sa labis na
pagsisisi.
D. Pinayuhan si Psyche ng kaniyang mga kapatid kung paano makaliligtas sa halimaw
na asawa.
 
 
ttp://www.youtube.com/watch?v=iMzNPENxcc&list

NAGKAROON NG ANAK SINA WIGAN AT BUGAN


Muling isinalaysay sa Ingles ni: Maria Luisa B. Aguilar – Cariño
Isinalin ni:Vilma C. Ambat
Noong unang panahon sa kaharian ng Kiyangan, nakatira ang mag-asawang Bugan at Wigan. Matagal nang
nagsasama ang dalawa ngunit kailanman ay hindi sila nagkaroon ng anak.
Bugan: Hay, ano ang saysay ng buhay? Hind man lang tayo magkaroon ng anak. Mukhang hindi pinakikinggan
ng mga Diyos an gating mga panalangin.
Wigan: OO, tama ka! Halika muna, magmomma tayo at saka natin isipin kung ano ang dapat nating gawin
upang tayo ay tuluyan nang magkaroon ng anak.
Matagal na nag-isip ang mag-asawa hanggang nakapagdesisyon si Bugan na maglakbay patungo sa tahanan ng
mga diyos sa Silingan.
Ipinagpatuloy ni Bugan ang kanyang paglalakbay patungo sa lugar ng mga diyos. Narating niya ang lawa sa
lagud. Nakita niya roon ang isang buwaya at tinanong siya nito
Buwaya: Tao, bakit ka naririto?
Bugan: Ako si Bugan ng Kiyangan at naghahanap ako ng lalamon sa akin. Wala kaming anak ng aking asawa.
Buwaya ( Naghikab): Hindi kita maaaring kainin sapahkat nakapaganda mo. Ipagpatuloy mo na lamang ang
iyong paglalakbay.
Inihatid ng mga diyos si Bugan kay Wigan. Tinurua nila ang mag-asawa ng panalanging dapat nilang sambitin
sa pagsasagawa ng ritwal na Bu-ad.
Isinagawa ni Wigan at Bugan ang ritwal at pinasalamatan ang kanilang mga diyos.
Pagkalipas ng ilang buwan, walang mapagsidlan ng kaligayahan ang mag-asawa dahil sa buhay na
tumitibok sa
 
____ 6. Sino sina Wigan at Bugan?
a. Magkaibigan.
b. magkapatid at mag-asawang gustong magkaanak.
c. Mga dios at diyosa
d. Magkaaway
 
____ 7. Anong gamit ng pandiwa kapag may actor o tagaganap ng
kilos?
a. Pangyayari c. Aksiyon
b. Karanasan d. Pandiwa

____ 8. Tumawa si Bumabbaker sa paliwanag ni Bugan. Ano ang gamit


na pandiwa ang ginamit sa sinalungguhitan?
a. Pangyayari c. Aksiyon
b. Karanasan d. Pandiwa
____ 9.Bakit gustong magpalamon sa igat, buwaya at pating si Bugan?
a. Dahil gusto niyang lumayo kay Wigan.
b.Tatapusin na niya ang kanyang buhay dahil nag away sila ni Wigan.
c. Dahil wala siyang silbing asawa.
d.Ayaw na niyang mabuhay kung hindi man siya magkaroon ng anak.

____ 10.Paano nagkaroon ng anak sina Wigan at Bugan?


a.Tinuruan ng diyos ang mag-asawang kung paano ang pagsasagawa
ng ritwal sa Bu-ad upang magkaroon ng anak.
b. Pinabaayan ng mga hayop si Bugan sa kanyang paglalakbay.
c. Pinatay si Wigan ng diyos at ng diyosa.
d. Sumayaw si Wigan at Bugan sa harap ng diyos at diyosa.
 
 
1. Anong dalawang kuwento o mitolohiya ang nabasa o napanood mo na?
2. Ihambing ang katangian ng pngunahing tauhan sa dalawang mitolohiyang nabasa/napanood mo.
3. Anu-ano ang suliraning kinakaharap ng pangunahing tauhan?
4. Paano niia ito nalutas
5. Bakit iyon ang kanilang ginawa?
MARAMING SALAMAT !!!
ISABEL M. LIWAGON

You might also like