You are on page 1of 12

9 Department of Education

National Capital Region


SCHOOL S DIVISION OFFICE
MARIK INA CITY

FILIPINO
Unang Markahan-Modyul 4:
Paghahambing ng mga Pangyayari
sa Telenobela sa Lipunang Asyano

May-akda: Leonor F. Alonzo

Tagaguhit: Paolo N. Tardecilla

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Alamin
Ang modyul na ito ay binubuo lamang ng isang aralin.

• Aralin 1 – Paghahambing ng mga Pangyayari sa Telenobela


sa Lipunang Asyano

Sa pag-aaral ng modyul na ito, inaasahang maisagawa mo ang


sumusunod:

A. naiisa-isa ang mga piling pangyayaring nagaganap sa lipunang


Asyano; at
B. naihahambing ang mga piling pangyayaring nagaganap sa
lipunang Asyano sa kasalukuyang sa mga pangyayari sa pinanood
na telenobela.

Subukin
Bago ka magpatuloy, panoorin ang bidyo sa link na
https://www.youtube.com/watch?v=9MS3RzuEAWs na nagpapakita ng mga
pangyayari at ilang suliraning panlipunang Asyano. Matapos mapanood, sagutin
ang mga tanong sa ibaba na kaugnay nito.

1
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Lagyan ng tsek (√) ang pahayag kung tumutukoy ito sa kalagayan ng
lipunang makikita sa kasalukuyan at ekis (X) kung hindi.

_____1. Pagdami ng nahahawaan sa kumakalat ng virus dahil sa wala pa ring


lunas sa sakit na ito.
_____2. Makikita sa video ang pagbibigayan ng mga tao upang maging maayos ang
lahat.
_____3. Mga hospital na hindi na tumatanggap ng iba pang pasyente dahil puno ito
ng mga may sakit na nakahahawa.
_____4. Ang sakit na nakahahawa ay walang pinipili, maging bata man o matanda
ay puwedeng kapitan ng sakit na ito.
_____5. Takot at pangamba ng isang ina para sa kaniyang anak na nahawaan ng
virus.

Aralin
Paghahambing ng mga Pangyayari
1 sa Telenobela sa Lipunang Asyano

Sa araling ito ay pag-aaralan mo ang paghahambing ng mga piling


pangyayari sa pinanood na telenobela sa mga pangyayari sa kasalukuyan sa
lipunang Asyano. Malilinang ito kung matapat mong maisasagawa ang mga
gawain.

Balikan
Magbalik-aral ka sa nakaraang aralin. Kumpletohin ang mga pahayag sa
ibaba ayon sa iyong natatandaan.

• Natutuhan ko na
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

• Nakintal sa aking isipan na


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
• Napahahalagahan ko ang
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Tuklasin
A. Panimula

Sa pagsisimula ng aralin, tuklasin muna kung gaano na kalawak ang


iyong kaalaman tungkol sa pandemya na nararanasan ng mga taga-Timog-
Silangang Asya at sa iba pang panig ng mundo. Isaayos ang pagkakasunod-
sunod ng mga pangyayari na makikita sa larawan sa ibaba. Lagyan ng bilang 1
hanggang 5 ang tamang pagkakasunod-sunod. Sagutin ang tanong sa ibaba.

3
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Tanong: Saan-saang bansa sa Aysa ang masasabing nangyayari din ang mga nasa
larawan sa itaas? Bakit mo nasabi? Ipaliwanag.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

B. Panonood

Panoorin ang piling bahagi sa palabas na The Flu mula sa bansang Korea
kung saan isang Filipino ang gumanap sa pinakamahalagang bahagi ng kuwento sa
link na https://www.youtube.com/watch?v=QkWvL0BAaiw&t=214s. Gamitin ang
mga gabay na tanong sa pagsagot ng mga katanungan mula na pinanood.

A. Pag-unawa sa Pinanood:

1. Tungkol saan ang iyong pinanood?


2. Anong pangunahing isyu ang tinatalakay ng Filipinong lalaki sa pananood?
3. Paano mo maiuugnay ang iyong mga karanasan sa mga pangyayaring naganap
mula sa pinanood?
4. Paano ka makakaiwas o mag-iingat sa sakit na kumakalat ngayon?
5. Kung isa ka sa mga tauhan sa napanood, anong pinakamainam na magagawa
mo?
6. Ano-anong mga pangyayari sa pinanood ang may kaugnayan sa mga
pangyayari sa Pilipinas at iba pang mga bansa sa Asya? Ihambing ang mga
pangyayari sa pinanood sa mga pangyayari sa ibang bansa.

4
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Suriin

Ang paghahambing ay paraan ng paglalahad sa pagbibigay-linaw


pamamagitan ng pagpapakita ng pagkakatulad o/at pagkakaiba ng
dalawang tao, bagay, ideya, pangyayari at iba pa na pinaghahambing.
Dalawang uri ang paghahambing:

• Magtatulad- kung pinaghahambing ang paherong antas o katangian.


Karaniwang ginagamitan ito ng mga salitang kasing, sing, kapwa, at
magkapareho.
• Hindi-Magkatulad- kung ginagamit sa paghahambing ay magkaibang antas
o katangian. Maaring itong :
a. Pasahol- ginagamit kapag ang inihahambing ay mas maliit kaysa
pinaghahambingan. Ginagamit ang mga salitang: lalo, di-gaano, di-
gasino, di-lubha, di-totooo.
b. Palamang- paghahambing na mas malaki o nakahihigit sa
pinaghahambingan. Ginagamit ang mga salitang: di-hamak, higit, at
labis.

Sa pinanood mong kuwento, malinaw na tinalakay rito ang mga pangyayari


sa lipunang Asyano tungkol sa nakakahawang sakit sa kasalukuyan. Subukan
mong paghambingin ito sa pamamagitan ng Venn Diagram sa ibaba.

Epidemya sa Tagpuan sa
Epidemya kasalukuyang Tagpuan sa kasalukuyang
sa pinanood lipunang pinanood lipunang
Asyano Asyano

Pagkakapareho Pagkakapareho

5
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Pagyamanin
Ngayon naman ay pagyamanin mo ang iyong natutuhan at kakayahan.
Isagawa ang isa sa sumusunod na mga gawain.

GAWAIN A: Gumanap ka bilang isang reporter sa telebisyon at mag-ulat ng tungkol


sa mga pangyayari ngayon sa ating lipunan. Ihambing ito sa lipunan ng ibang bansa
sa Asya na kakikitaan ng epekto sa kanilang pang-araw-araw na gawain,
hanapbuhay, o maging sa ekonomiya ng kanilang bansa.

GAWAIN B: Maliban sa pagkakaroon ng epidemya, humanap ng iba pang


pangyayaring nagpapakita ng suliranin sa isang telenobela. Ihambing ito sa piling
pangyayari sa lipunang Asyano sa kasalukuyan at sa iyong sariling karanasan.
Punan ang talahanayan sa ibaba.

Pangyayari sa pinanood Mga pangyayaring Sariling karanasan na


na telenobela maihahambing sa ating maiuugnay sa nasabing
lipunan pangyayari

GAWAIN C: Kung may masamang naging epekto ang Covid-19 sa lipunang Asyano,
mayroon din itong naging magandang epekto sa ating kalikasan. Sa pamamagitan
ng pagguhit paghambingin ang maganda at masamang epekto nito sa lipunang
Asyano. Lagyan ng maikling paglalarawan ang iyong iginuhit.

Mga Pamantyan Puntos Marka


Malinaw na naipakita ang paghahambing ng mga
pangyayari sa lipunang Asyano 10
Wastong paggamit ng mga salita sa paghahambing 5
Orihinalidad at maayos na presentasyon 5
Kabuoang Puntos 20

6
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Isaisip

Pagkakapareho

Tandaan: Ang paghahambing ay mahalaga upang maiagapay natin ang isa


sa iba. Sa araling ito ay inihambing ang mga pangyayari sa isang bansa sa iba pang
mga bansa sa Asya. Sa pamamagitan ng paghahambing ay nagkakaroon tayo ng
mas malawak na pagtingin at pag-unawa sa mga pangyayari.
Ang mga sumusunod ay ilan sa mga bagay na maaaring tingnan sa
paghahambing:
a. paksa
b. tauhan / gumaganap
c. pangyayari
d. mensahe at iba pa

Isagawa
Manood ng isang telenobela. Ihambing ang mga pangyayari (pagkakaiba) sa
pinanood sa mga pangyayari sa ilang bansa sa Asya (Malaya kang mamili ng 2 bansa
na ihahambing)

7
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Paghahambing sa ibang mga bansa sa Asya

Mga Pangyayari sa (Pagkakaiba sa Pinanood)


Pinanood na
Pilipinas
Telenobela

Tayahin
Ngayong naunawaan mo na ang aralin, oras na para sukatin ang iyong
kakayahan kaugnay sa aralin.

A. Pag-aralan ang graph sa ibaba na nagpapakita ng tala tungkol sa mga


bansa sa Asya sa usapin ng Covid-19. Gamit ang mga datos, sagutin ang ilang mga
tanong tungkol dito. Piliin ang letra ng wastong sagot.

Mga Bansa COVID-19 Kabuuang Kabuuang Mga naiulat na kaso


sa Asya Kategorya Bilang ng Bilang na ng COVID-19 sa
para sa Kaso ng namatay sa nagdaang 30 araw ,
buwan ng COVID-19 COVID-19 sa bawat 1,000
Hunyo papulasyon
Cambodia C 125 0 0
Indonesia C 28,818 1,721 0.069
Laos A 19 0 0
Malaysia C 8,247 115 0.066
Myanmar D 236 6 0.001
Pilipinas E 20,382 984 0.107
Singapore C 36,922 24 4,936
Thailand C 3,101 58 0.002
Vietnam B 328 0 0

8
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
_______1. Aling bansang ang may higit maliit na bilang ng kaso ng Covid19?
a. Vietnam b. Cambodia c. Myanmar d. Laos
_______2. Batay sa datos anong bansa ang may higit na malaking bilang ng kaso
ng Covid19?
a. Indonesia c. Singapore
b. Pilipinas d. Malaysia
_____ 3. Ano ang pinakamalubhang suliranin ng mga bansa sa Asya at maging sa
ibang bansa sa buong mundo?
a. problema sa polusyon
b. paglaki ng populasyon
c. paglaganap ng nakakahawang sakit
d. pagkaubos ng lahat na may buhay sa mundo
_____4. Anong bansa sa Asya ang may mas malaking bilang ng namatay dahil sa
Covid19?
a. Indonesia c. Singapore
b. Pilipinas d. Malaysia
_____5. Sa ipinakitang talahanayan, ano ang ibig ipakahulugan kung ang isang
bansa ay nasa kategoryang A?
a. may malaking kaso ng COVID-19
b. may malaking bilang ng gumaling
c. walang gaanong naapektohan ng pandemya sa kanilang bansa.
d. natuklasan agad ang gamot sa pandemya
B. Manood muli ng ibang telenobela. Ihambing ang mga pangyayari
(pagkakapareho) sa pinanood sa mga pangyayari sa ilang bansa sa Asya (Malaya
kang mamili ng 2 bansa na ihahambing)

Paghahambing sa ibang mga bansa sa Asya

Mga Pangyayari sa (Pagkakapareho sa Pinanood)


Pinanood na
Pilipinas
Telenobela

9
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Karagdagang Gawain

Paimbulogin ang iyong kakayahan kaugnay sa paksang tinalakay. Sumulat


ng isang sanaysay na naghahambing sa kalagayan ng bansa sa ilalim ng new
normal sa iba pang mga bansa sa Asya tulad ng Japan at Korea.

Pamantayan:

•Paggamit ang mga salita sa paghahambing 10 puntos

•Malaman at mabisang pamamahayag 10 puntos

•May pinanghahawakang katotohanan at patunay 5puntos

KABUUAN 25puntos

Susi ng Pagwawasto

A. Sagot sa “SUBUKIN”
1√ 2.X 3.√ 4.√ 5.√
B. Sagot sa “ TAYAHIN”
1. d 2. b 3. c 4. a 5. c

Sanggunian

Peralta , Romulo et al., 9 Panitikang Asyano ( Modyul ng Mag-aaral sa


Filipino )
Bulan , Helen G. et al ., Ang PITAK 9 ( BOLYUM 2 BLG 1)
JDJs e-Lerning Channel Knowedege Channel Foundation.
Marry Arr.D.Malirong & Cristina S. Sanio et al, Hiyas ng Lahi
Panitikan , Grmatika at Retorika By; Vival

ABS-CBN-Entertainment Channel hhtp//bit.ly/ABS…

10
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Bumubuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Leonor F. Alonzo (Guro, CISSL)


Mga Editor:
Adelwisa P. Mendoza (CISSL)
Lawrence Dimailig (MSHS)
Wilfredo Padua (School Head)
Dr. Josefino DL. Lu (PSDS)
Tagasuri Panloob: Galcoso C. Alburo (EPS-Filipino)
Tagasuri Panlabas:
Tagaguhit: Paolo N. Tardecilla (KNHS)

Tagalapat: Jee-jay B. Canillo (NHS)


Tagapamahala:
Sheryll T. Gayola
Pangalawang Tagapamanihala
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala

Elisa O. Cerveza
Hepe – Curriculum Implementation Division
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang Tagapamanihala

Galcoso C. Alburo
Superbisor sa Filipino

Ivy Coney A. Gamatero


Superbisor sa Learning Resource Management Section

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Schools Division Office- Marikina City


Email Address: sdo.marikina@deped.gov.ph

191 Shoe Ave., Sta. Elena, Marikina City, 1800, Philippines

Telefax: (02) 682-2472 / 682-3989

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE

You might also like