You are on page 1of 9

Department of Education

9
National Capital Region
SC HOO LS DIVISIO N OFF ICE
MARIKINA CITY

FILIPINO
Ikalawang Markahan-Modyul 6:
Paghahambing ng Kultura
(Iba’t Ibang Bansa sa Silangang Asya)

May-akda: Mark Ryan V. Canimo


Tagaguhit: Paolo N. Tardecilla

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Alamin
Ang modyul na ito ay binubuo lamang ng isang aralin.

● Aralin – Paghahambing ng Kultura

(Iba’t Ibang Bansa sa Silangang Asya)

Sa pag-aaral ng modyul na ito, inaasahang maisasagawa mo ang


sumusunod:
A. nakikilala ang kultura at mga katangian nito;
B. naiisa-isa ang mga kultura ng ilang bansa sa Silangang Asya
batay sa pinanood na bahagi ng teleserye o pelikula; at
C. napaghahambing ang mga kultura ng ilang bansa sa Silangang
Asya batay sa pinanood na bahagi ng teleserye o pelikula

Subukin
Bago ka mag-umpisa ng aralin, subukan mo munang sagutin ang
gawain sa ibaba.

TAMA O MALI: Isulat ang T kung Tama ang ipinapahayag ng bawat


pangungusap at M kung Mali ang pahayag.

________1. Ang China, Japan at South Korea ay matatagpuan sa Silangang


Asya.
________2. Walang kinalaman ang kultura at tradisyon sa pagbuo ng isang
akdang pampanitikan o paggawa ng mga palabas sa telebisyon.
________3. Marapat na pairalin ang paggalang sa bawat kultura ng iba’t
ibang bansa.
________4. Ang pagtangkilik sa mga pelikula o teleseryeng mula sa ibang
bansa sa Asya ay makatutulong upang makilala ang kultura ng
bansang pinagmulan nito.
________5. Panatilihin pa rin ang paggalang at matalinong pagpapasya sa
tuwing maghahambing ng mga pelikula o teleserye.

City of Good Character 1


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Paghahambing ng Kultura
Aralin (Iba’t Ibang Bansa sa Silangang Asya)

Sa araling ito ay pag-aaralan mo ang paghahambing ng kultura ng iba’t


ibang mga bansa sa Silangang Asya batay sa napanood na pelikula o teleserye.
Upang ito ay malinang, kailangan mong gawin nang matapat ang lahat ng gawain.

Balikan
Balik-aralan mo ang mga natutuhan sa pagbibigay-kahulugan sa mga
imahe at simbolo sa binasa. Ibigay ang karaniwang isinisimbolo ng sumusunod:
1. puso - _____________________________
2. kalapati - _____________________________
3. araw - _____________________________
4. ilaw - _____________________________
5. unos - _____________________________

Tuklasin
A. Panimula

Pag-aralan ang larawan at sagutin nang pasalita ang mga tanong.

1. Sa anong bansa sa Silangang Asya mo


maiuugnay ang nasa larawan?
2. Sa iyong palagay, may kaugnayan ba
ang kasuotan sa tradisyon at kultura
ng isang bansa?
3. May nakikita ka bang katulad o kahawig
ng ganitong kasuotan sa ibang bansa sa
Asya? Ano?

City of Good Character 2


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
B. Panonood

Panoorin ang bidyo ng teleserye mula sa mga bansang China na


Meteor Garden 2018. Puntahan ang link sa ibaba.
https://www.youtube.com/watch?v=z2jA437xuDk
Maaari ring manood ng iba pang teleseryeng Asyano sa
telebisyon o anomang digital platforms. Pagkatapos nito, sagutin nang
pasalita ang mga tanog sa ibaba.

C. Pag-unawa sa Pinanood

1. Ano ang paksa ng bidyo ng teleserye na iyong pinanood?


2. Anong naramdaman mo matapos mapanood ang mga palabas?
3. Makatotohanan ba ang mga pangyayari sa pinanood? Bakit?
4. Ano-anong pangyayari sa pinanood ang nagpapakita ng kultura ng
bansang pinagmulan ng teleserye?
5. Isa-isahin ang kultura ng bansang pinagmulan ng bansang pinagmulan
ng teleseryeng pinanood.
6. Paano ipinakita ang kultura ng bansang pinagmulan ng teleseryeng
pinanood?
7. May pagkakaiba o pagkakatulad ba ng kultura ng bansang pinagmulan
ng teleserye sa ibang bansa sa Asya batay sa iyong pinanood? Patunayan.
8. Sa iyong palagay, may mga kultura ba ang mga bansang pinamulan ng
mga teleseryeng pinanood na may pagkakatulad sa ating bansa?

Suriin

Kinahihiligan ngayon ng mga Pilipino ang mga palabas, pelikula


man o teleserye (drama) na nagmula sa mga bansa sa Silangang Asya.
Nandiyan ang “Meteor Garden” ng China noong taong 2018, Hana Yori
Dango ng bansang Japan, “Crash Landing On You” ng South Korea at
marami pang iba.

Gaya ng ibang akdang pampanitikan ang mga palabas na ito ay


nagtatanghal din ng kultura ng bansang pinagmulan nito. Sa
pamamagitan nito, natutuklasan ng mga manonood ang kultura ng
bansa at nakagagawa ng matalinong pagpapasya at paghahambing sa
kultura ng mga bansa sa Asya o hindi kaya ay sa iba pang panig ng
mundo. Sa pagkakataong ito, mas napagbubuti ang pagkaunawa at
Pagyamanin
paggalang sa kultura, paniniwala at gawi ng mga bansa sa Asya.

City of Good Character 3


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Sa pagkakataong ito, palawakin mo pa ang iyong kaalaman sa
paghahambing ng kultura ng iba’t ibang mga bansa sa Silangang Asya batay sa
napanood na pelikula o teleserye. Manood ng isang pelikula o teleserye mula sa
bansang South Korea o iba pang bansa sa Silangang Asya. Suriing mabuti ang
teleserye at ihambing ito sa pinanood na bahagi ng teleserye o pelikula sa
pamamagitan ng graphic organizer sa ibaba.

Meteor Garden 2018 Pamagat: __________________


(China) Bansa: _____________________

Pagkakatulad ng Kultura
________________________________
________________________________
________________________________
________________________________
________________________________
________________________________
________________________________

Pagkakaiba ng Kultura Pagkakaiba ng Kultura


___________________________________ ___________________________________
___________________________________ ___________________________________
___________________________________ ___________________________________
___________________________________ ___________________________________
___________________________________ ___________________________________
___________________________________ ___________________________________

Pamantayan sa Pagmamarka
Mahusay na naihahambing ang kultura ng mga bansa sa Asya 40
Mahusay na nakikilala ang kultura ng bansa sa Asya sa pinanood na 30
teleserye o pelikula
Mahusay na naisagawa ng kabuoan ng gawain 30
KABUOAN 100

City of Good Character 4


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Isaisip
Ibuod ang aralin sa pamamagitan ng diyagram sa ibaba.

Pagsusuri
at
Panonood Pag-unawa at
paghaham-
ng Teleserye paggalang sa
bing ng
mula sa kultura,
kultura ng
bansa sa tradisyon,
bansa sa
Silangang paniniwala ng
Silangang
Asya bawat bansa
Asya mula
sa Asya.
sa pinanood
na teleserye

Isagawa
Kasama ang iyong kaibigan o miyembro ng pamilya, manood ng isang
teleserye o pelikula mula sa isang bansa sa Silangang Asya. Humingi ng tulong sa
kaibigan o miyembro ng pamilya upang maghambing ng kultura ng Pilipinas at
bansang pinagmulan ng pinanood na teleserye sa pamamagitan ng pagbuo ng
Akronim na ASYA. Idokumento ito sa pamamagitan ng pagkuha ng larawan o bidyo
at ipadala sa guro. Gawing pamantayan ang rubrik sa bahaging “Pagyamanin” ng
modyul na ito.

A–
S–
Y–
A–

City of Good Character 5


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Tayahin
Tiyak na naunawaan mo na ang paksa. Oras na para sukatin ang iyong
natutuhan. Gawin mo ang sumusunod na gawain sa ibaba.

A. Lagyan ng tsek (√) ang patlang kung ang pahayag ay nagsasaad ng


paghahambing sa kultura ng mga bansa sa Asya.
_______1. Ang paghingi ng basbas sa magulang bago ikasal sa China at kagaya rin
ng nakagawian sa ating bansa.
_______2. Magandang mamasyal sa South Korea tuwing Disyembere.
_______3. Ipinagdidiwang din ng mga taga-Korea ang kanilang kaarawan sa aktwal
nitong araw tulad ng sa ibang asyano ngunit may tradisyon din silang
ipagdiwang ito tuwing Bagong Taon.
_______4. Kakikitaan ang lahat ng bansa sa Asya ng malalim na pagmamahal sa
pamilya.
_______5. Masayang mag-aral ng kultura ng iba’t ibang bansa.

B. Panoorin ang bahagi ng teleseryeng “Legend of the Blue Sea” ng South Korea sa
link na ito: https://www.youtube.com/watch?v=RPkWQuxQSwI. Ihambing ang
kulturang ipinakita sa teleserye sa iba pang teleserye na may katulad na paksa sa
pamamagitan ng Venn Diagram.

Legend of the Blue Sea Pamagat: _____________


(South Korea) (Bansa: ________)
Pagkakaiba Pagkakatulad Pagkakaiba

Karagdagang Gawain
Manood ng isang teleserye mula sa ibang bansa sa Asya. Sumulat ng
sanaysay na naghahambing sa kulturang napanood sa teleserye sa
kulturang taglay ng ating bansa. Gamitin ang rubrik sa bahaging
“Pagyamanin” ng modyul na ito.

City of Good Character 6


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Susi ng Pagwawasto

5. T
4. T
3. T
2. M
1. T
Subukin

PERALTA, ROMULO N. et al, Panitikang Asyano 9 Modyul Ng Mag-Aaral Sa


Filipino. PASIG, PHILIPPINES: Department of Education – Instructional
Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS), 2014.

Bidyo:

https://www.youtube.com/watch?v=z2jA437xuDk

https://www.youtube.com/watch?v=RPkWQuxQSwI

Larawan:
https://pixabay.com/illustrations/idol-korea-doyoung-3641576/

City of Good Character 7


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Bumubuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Mark Ryan V. Canimo (Guro, NHS)


Mga Editor: Adelwisa P. Mendoza (Guro, CISSL)
Lawrence Dimailig (Guro, MSHS)
Tagasuri Panloob: Galcoso C. Alburo (EPS, Filipino)
Tagasuri Panlabas:
Tagaguhit: Paolo N. Tardecilla (Guro, KNHS)

Tagalapat: Jee-jay B. Canillo (Guro, NHS)

Tagapamahala:
Sheryll T. Gayola
Pangalawang Tagapamanihala
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala

Elisa O. Cerveza
Hepe – Curriculum Implementation Division
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang
Tagapamanihala

Galcoso C. Alburo
Superbisor sa Filipino

Ivy Coney A. Gamatero


Superbisor sa Learning Resource Management Section

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE

You might also like