You are on page 1of 10

Department of Education

National Capital Region

9
SC HOO LS DIVISIO N OFF IC E
MARIKINA CITY

FILIPINO
Ikalawang Markahan-Modyul 12:
Pagsulat ng Sariling Akda
(Nagpapakita ng Pagpapahalagang Asyano)

May-akda: Mark Ryan V. Canimo


Tagaguhit: Paolo N. Tardecilla

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Alamin
Ang modyul na ito ay binubuo lamang ng isang aralin.

● Aralin – Pagsulat ng Sariling Akda

(Nagpapakita ng Pagpapahalagang Asyano)

Sa pag-aaral ng modyul na ito, inaasahang maisasagawa mo ang


sumusunod:
A. naisusulat ang sariling akda na nagpapakita ng pagpapahalaga sa
pagiging Asyano; at
B. nagagamit ang lingguwistikong kahusayan sa pagsulat ng sariling akda
na nagpapakita ng pagpapahalaga sa pagiging isang Asyano

Subukin
Bago ka mag-umpisa ng aralin, subukan mo munang sagutin ang
gawain sa ibaba.

PANUTO: Isulat sa patlang ang T kung Tama at M kung Mali ang ipinapahayag ng
bawat pangungusap.

______________1. Ang sanaysay ay isang akdang pampanitikan na nasusukat sa


anyong tuluyan na maaaring magtagalay ng pagpuna, opinyon,
impormasyon at obserbasyon hinggil sa paksa o usaping
panlipunan.
______________2. Sumasalamin sa mga akdang pampanitikan ang kultura,
tradisyon, gawi at paniniwala ng rehiyyon bansang pinagmulan
nito.
______________3. Palagiang may sukat at tugma ang isang tula.
______________4. Bahagi ng pagsulat ng maikling kuwento ang mga elementong
tauhan, tagpuan, banghay at tunggalian.
______________5. Ang dula ay naglalayong makapagtanghal sa pamamagitan ng
pananalita, kilos, galaw at kaisipan ng may-akda.

City of Good Character 1


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Pagsulat ng Sariling Akda
Aralin (Nagpapakita ng Pagpapahalagang Asyano)

Sa araling ito ay pag-aaralan mo ang paggamit ng lingguwistikong


kahusayan sa pagsulat ng sariling akda na nagpapakita ng
pagpahalaga sa pagiging Asyano. Upang ito ay malinang, kailangan
mong gawin nang matapat ang lahat ng gawain.

Balikan
Balik-aralan mo ang mga natutuhan sa pagbibigay ng kahulugan sa mga
salita sa iba’t ibang paraan. Isulat sa loob ng speech balloon ang iba’t ibang
pamamaraan na ito.

Tuklasin
A. Panimula
Pag-aralan ang larawan sa ibaba. Isulat sa patlang ang pinaka-angkop na
bansang maiuugnay sa mga ito.

____________________ ____________________ ____________________

TANONG: Batay sa iyong napag-aralan o napanood, paano mo maipapakita


ang pagpapahalaga at paggalang sa kultura ng ibang bansa sa Asyano?

City of Good Character 2


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
B. Panonood

Panoorin ang bidyo sa link sa ibaba. Bigyang – pansin ang ang mga
dapat mong ipagmalaki bilang isang Pilipino at Asyano.
https://www.youtube.com/watch?v=WJH2iFVTgwc
(Maaari ring manood ng anomang bidyo o magbasa ng mga teksto na
tumatalakay sa turismo, kagawian, kultura at paniniwala ng mga
Asyano.)

C. Pag-unawa sa Pinanood: (Isulat ang sagot sa hiwalay na papel)

1. Paano mo mailalarawan ang Pilipinas bilang bahagi ng Asya?


2. Paano nakatulong ang turismo ng bansa upang mabago ang buhay ng
mga mamamayan?
3. Ano – ano ang mga bagay ang ipinakita sa bidyo na maipagmamalaki mo
bilang isang Filipino at Asyano?
4. Bukod sa turismo, ano pa ang maaari mong maipagmalaki bilang isang
Asyano? Bakit?
5. Bilang isang mag-aaral, paano mo maipagmamalaki na ikaw ay isang
mamamayang Asyano?

Suriin
Ayon kay Dr. Paquito Badayos, ang pasulat ay isang multidimesyonal
na proseso na binubuo ng sumusunod:

A. Bago Sumulat - Ito ay binubuo pagpili ng paksa at pagbuo ng ideya.


B. Pagsulat - Sa prosesong ito nagaganap ang pagbuo ng draft, pagtanggap ng
puna o feedback, pagsangguni at pagrerebisa ng naisulat.
C. Paglalathala - Sa pagkakakataong ito naililimbag o naididisplay ang
komposisyon o sulatin.

Mga Hakbang sa Pagsulat

Bago Sumulat- Namimili ang awtor ng paksa at nangangalap ng


impormasyon para sa kanyang isusulat na akda.

Habang Sumusulat- Ito ang pagsulat ng borador/draft.

Muling Pagsulat- Sa prosesong ito nirerebisa, winawasto ang inaayos ang


hanay ng ideya o lohika ng akda.

City of Good Character 3


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Mahalaga ring isaalang-alang sa pagsulat ang mga kasanayang
panglinggwistiko gaya ng:

1. Paggamit ng malalaking letra sa mahahalagang salita sa pamagat, simula ng


bawat salita ng bawat pangungusap at unang letra ng mga pangngalang
Pantangi.

2. Paggamit ng Tamang Bantas


a. Tuldok (.) – inilalagay sa pagtatapos ng mga pangungusap na paturol
at pautos, sa mga salitang dinaglat o pagkatapos ng mga letra o tambilang.
b. Tandang Pananong (?) – ginagamit katapusan ng pangungusap na
patanong.
c. Tandang Padamdam (!) – inilalagay sa katapusan ng salita o
pangungusap na nagpapahayag ng masidhing damdamin
d. Kuwit (,) – ginagamit sa paghihiwalay ng magkakasunod na salita o
lipon ng magkakauring salita
e. Kudlit ( ‘ ) – ginagamit na panghalili sa letrang kinaltas

Mahalaga rin ang paggamit ng mga bantas na Panipi (“ “), Gitling ( -),
Tutuldok (:), Panaklong at ellipsis.

3. Paggamit ng salitang may wastong pagbabaybay.


4. Paggamit ng mga pananda
a. Naghuhudyat ng Pagkakasunod-sunod (Kinabukasan, Pagkatapos,
Nang, Una, Ikalawa)
b. Pagbabagong-lahad (Sabagay, kung iisipin)
c. Paglalahat (Sa madaling sabi, Bilang pagtatapos)
d. Pananaw (Sa aking palagay, para sa akin)

Pagyamanin
Sa pagkakataong ito, palawakin mo pa ang iyong kaalaman sa pagsulat ng
sariling akda na nagpapakita ng pagpahalaga sa pagiging Asyano. Sumulat ng
isang Haiku at isang tula na may dalawang taludtod na nagpapapahayag ng iyong
pagpapahalaga sa pagiging Asyano batay sa sa ibinigay na paksa.

Haiku Tula
Paksa: Turismo Paksa: Musika

City of Good Character 4


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Pamantayan sa Pagmamarka
 Mahusay na naipapahayag ang pagpapahalaga sa
pagiging Asyano 40%
 Kakikitaan ng kahusayang panglingguwistiko sa pagsulat ng
genre o uri ng panitikan 40%
 Mahusay na pagsasagawa ng kabuong Gawain 20%
Kabuoan 100

Isaisip

Mahalagang matutunan ang wastong hakbang sa


pagsulat ng genre o uri ng panitikan upang mas maging
malinaw ang paglalahad ng pagpapahalaga sa kultura,
paniniwala, kaugalian, turismo, talento at tradisyon ng
bansa o lugar na pinagmulan nito.

Isagawa
Kasama ang iyong kaibigan o miyembro ng pamilya, pumili ng paksa
sa loob ng kahon at pag-usapan inyong maipagmamalaki bilang isang
Asyano batay sa napiling paksa. Sumulat ng anomang genre o uri ng
panitikan na nagpapahayag ng iyong pagpapahalaga sa pagiging Asyano.
Isulat ang Gawain sa isang malinis na papel. Gamiting pamantayan ang
rubrik sa bahaging “Pagyamanin.”

Musika Pagkain Pasyalan/Turismo

Paniniwala Pagdiriwang Kaugalian

City of Good Character 5


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Tayahin
Tiyak na naunawaan mo na ang paksa. Oras na para sukatin ang
iyong natutuhan. Gawin ang mga gawain sa ibaba.

A. Bilugan ang letra ng pinakaangkop na sagot sa mga sumusunod na


aytem.

1. Alin sa mga sumusunod na pangungusap gumamit na wastong bantas?


a. Dapat nating pagyamanin ang kultura ng mga bansa sa Asya sa kabila
ng mabilis na pagbabago ng panahon?
b. Dapat nating pagyamanin ang kultura ng mga bansa sa Asya sa kabila
ng mabilis na pagbabago ng panahon!
c. Dapat nating pagyamanin ang kultura ng mga bansa sa Asya sa kabila
ng mabilis na pagbabago ng panahon.
d. Dapat nating pagyamanin ang kultura ng mga bansa sa Asya sa kabila
ng mabilis na pagbabago ng panahon,
2. “Sumasalamin sa mga akdang pampanitikan ang kultura tradisyon, gawi
at paniniwala ng rehiyon o bansang pinagmulan nito.” Ano ang ginamit na
bantas sa pangungusap ang naghihiwalay sa mga magkakasunod na salita?
a. gitling b. kuwit c. panipi d. tuldok
3. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng pagpapahalaga
sa pagiging Asyano?
a. Ang kulturang asyano ay dapat makipagsabayan sa nauuso sa
ibang bansa sa mundo.
b. Dapat tangkilikin nating mga Asyano ang turismo at kultura sa
bansa sa Asya sa kabila ng mabilis na pagbabago ng teknolohiya.
c. Kahanga-hanga ang pagtatampok ng mga kilalang pagkain at
lugar sa mga teleseryeng Asyano.
d. Nagiging sagabal ang pagkakaiba ng wika sa mga rehiyon sa
Asya.
4. Ano ang dapat gawin ng manunulat bago sumulat ng akda?
a. Ilimbag ang naisulat na akda,
b. Mamili ng paksa at nangangalap ng impormasyon
c. Pagsulat ng borador o draft.
d. Pagtanggap ng mga puna o feedback.
5. Kailang nagaganap ang prosesong ng pagbuo ng draft, pagtanggap ng
puna o feedback, pagsangguni at pagrerebisa ng naisulat?
a. Bago Sumulat c. Paglalathala
b. Pagsulat d. Wala

City of Good Character 6


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
B. Panoorin ang bidyo sa link na ito:
https://www.youtube.com/watch?v=nlah-44v3-4
Tukuyin ang pagpapahalagang Asyano na inilalahad sa bidyo at
sumulat ng maikling sanaysay ukol dito. Gawing pamantayan ang rubrik sa
bahaging “Pagyamanin,” ng modyul na ito.

Karagdagang Gawain

Ilista ang mga pagpapahalaga na dapat taglayin ng isang Asyano.


Sumulat ng Slogan na nagpapahayag ng iyong pagpapahalaga bilang isang
kabataang Asyano. Gamitin ang rubrik sa bahaging “Pagyamanin” ng
modyul na ito.

City of Good Character 7


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Susi ng Pagwawasto

5. T
4. T
3. M
2. T
1. T
Subukin

PERALTA, ROMULO N. et al, Panitikang Asyano 9 Modyul Ng Mag-Aaral Sa Filipino.


PASIG, PHILIPPINES: Department of Education – Instructional Materials
Council Secretariat (DepEd-IMCS), 2014.

https://frontlearners.com/blended/pluginfile.php/7452/mod_resource/content/4
/index.html

Bidyo
https://www.youtube.com/watch?v=WJH2iFVTgwc
https://www.youtube.com/watch?v=nlah-44v3-4

Mga Larawan
https://pixabay.com/photos/one-address-based-korean-food-kimchi-4732816/

https://pixabay.com/illustrations/japan-flag-flag-japan-national-1332902/

https://pixabay.com/photos/china-great-wall-great-wall-of-china-4541239/

https://pixabay.com/vectors/book-draft-open-read-sketch-write-157851/

https://pixabay.com/illustrations/teacher-professor-profession-5319356/

City of Good Character 8


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Bumubuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Mark Ryan V. Canimo (Guro, NHS)


Mga Editor: Adelwisa P. Mendoza (Guro, CISSL)
Lawrence Dimailig (Guro, MSHS)
Tagasuri Panloob: Galcoso C. Alburo (EPS, Filipino)
Tagasuri Panlabas:
Tagaguhit: Paolo N. Tardecilla (Guro, KNHS)

Tagalapat: Jee-jay B. Canillo (Guro, NHS)

Tagapamahala:
Sheryll T. Gayola
Pangalawang Tagapamanihala
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala

Elisa O. Cerveza
Hepe – Curriculum Implementation Division
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang
Tagapamanihala

Galcoso C. Alburo
Superbisor sa Filipino

Ivy Coney A. Gamatero


Superbisor sa Learning Resource Management Section

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE

You might also like