You are on page 1of 20

Department of Education

9 National Capital Region


SCHOOL S DIVISION OFFICE
MARIK INA CITY

FILIPINO
Unang Markahan-Modyul 1:
Pagsusuri sa mga Pangyayari sa Akda
at ang Kaugnayan sa Lipunang Asyano

May-akda: Adelwisa P. Mendoza

Tagaguhit: Paolo N. Tardecilla

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Alamin
Ang modyul na ito ay binubuo lamang ng isang aralin.

• Aralin 1 – Pagsusuri sa mga Pangyayari sa akda at ang Kaugnayan


sa Lipunang Asyano

Sa pag-aaral ng modyul na ito, inaasahang maisagawa mo ang


sumusunod:

A. natutukoy ang mga pangyayari sa binasa na may kaugnayan sa


mga pangyayari sa lipunang Asyano sa kasalukuyan; at
B. nasusuri ang mga pangyayari sa akda at ang kaugnayan ng mga
ito sa kasalukuyang lipunang Asyano.

Subukin
Bago ka magpatuloy, subukang sagutin ang sumusunod na mga tanong na
may kinalaman sa aralin. Piliin ang letra ng pinakawastong sagot.

1. Ang mga sumusunod na salita ay mayroong kaugnayan sa “banghay”,


maliban sa isa.
a. pangyayari b. sunod-sunod c. suliranin d. daloy
2. Kung ang maikling kuwento ay nakapokus sa mga pangyayari, ito ay
maaring tawaging _____________.
a. kababalaghan b. katutubong kulay
c. makatauha d. makabanghay
3. Ang batas na “The Anti Violence against Women and Their Children Act of
2004,” ay ukol sa:
a. kababaihan at mga sanggol na inaabandona ng ama.

1
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
b. kababaihan at mga batang mula sampu pababa na inabandona ng
ama.
c. kababaihan at mga kabataan na nakararanas ng pisikal na pang-
aabuso.
d. kababaihan at kabataan na nakararanas ng alinmang uri ng pang-
aabuso.
4. Ang sumusunod ay mga suliraning panlipunan sa akdang ang “Ang Ama”
maliban sa isa:
a. pisikal na pang-aabuso b. kahirapan
c. pagkakaroon ng ibang minamaha d. kawalan ng trabaho
5. “Tinuyo ng nagdadalamhating ama ang kaniyang mga luha at saka
tumayo. Mayroon siyang naisip. Mula ngayon, magiging Mabuti na siyang
ama. Dinukot niya sa bulsa ang perang ibinigay ng kaniyang amo sa
asawa( na kiming iniabot naman ito agad sa kanya, tulad ng nararapat.”
Mahihinuha na ang ama ay magiging ________.

a. Matatag b. Mabuti c. Matapang d. Masayahin

Aralin Pagsusuri sa mga Pangyayari

1 sa Akda at ang Kaugnayan nito


sa Kasalukuyan sa Lipunang Asyano

Sa araling ito ay pag-aaralan mo ang pagsusuri sa mga pangyayari sa


akda at ang kaugnayan nito sa mga pangyayari sa kasalukuyan sa lipunang
Asyano. Malilinang ito kung matapat mong maisasagawa ang mga gawain.

2
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Balikan
Magbalik-aral tungkol sa Lipunang Asyano. Ano ang ibig sabihin ng
Lipunang Asyano? Ilahad ang iyong karanasan sa kasalukuyan bilang isang
Asyano.

Sa aking
pananaw, ang
Lipunang Asyano
ay…

Ang aking
karanasan
bilang Asyano
ay . . .

3
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Tuklasin
A. Panimula
Pamilyar ka ba sa bansang Singapore? Ano ang masasabi mo sa bansang
ito? Ano-anong kultura sa nasabing bansa ang may pagkakakawig sa ating
kultura sa usaping pamilya? Ipaliwanag.

___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

B. Pagbasa

Ngayon naman ay simulan mong basahin ang isang maikling kuwento mula
sa Timog-Kanlurang Asya, sa bansang Singapore. Pansinin ang mga pangyayari sa
akda na nangyayari sa lipunang Asyano. Sagutin ang mga tanong sa ibaba.

Ang Ama
(Isinalin sa Filipino ni Mauro R. Avena)

Magkahalo lagi ang takot at pananabik kapag hinihintay ng mga bata ang
kanilang ama. Ang takot ay sa alaala ngisang lasing na suntok sa bibig na
nagpapatulo ng dugo at nagpapamaga ng ilang araw sa labi. Ang pananabik ay sa
pagkain na paminsan-minsa'y inuuwi ng ama -malaking supot ng mainit na pansit
na iginisa sa itlog at gulay. Ang totoo, para sa sarili lang niya ang
iniuuwingpagkain ng ama, lamang ay napakarami nito upang maubosniya nang
mag-isa; pagkatapos ay naroong magkagulo satira ang mga bata na kanina pa
aali-aligid sa mesa. Kundi sa pakikialam ng ina namabigyan ng kaniya-kaniyang
parte ang lahat - kahit ito'y sansubo lang ng masarapna pagkain, sa mga
pinakamatanda at malakas na bata lamang mapupunta anglahat, at ni katiting ay
walang maiiwan sa maliliit.

Anim lahat ang mga bata. Ang dalawang pinakamatanda ay isang lalaki,
doseanyos, at isang babae, onse; matatapang ang mga ito kahit na payat,
atnagagawang sila lang lagi ang maghati sa lahat ng bagay kung wala ang ina,
upangtiyaking may parte rin ang maliliit. May dalawang lalaki, kambal, na nuwebe
anyos,isang maliit na babae, otso anyos at isang dos anyos na paslit pa, katulad

4
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
ng iba, aymaingay na naghahangad ng marapat niyang parte sa mga pinag-
aagawan.
Natatandaan ng mga bata ang isa o dalawang okasyon na sinorpresa sila
ngama ng kaluwagang-palad nito - sadyang nag-uwi ito para sa kanila ng
dalawangsupot na puno ng pansit guisado, at masaya nilang pinagsaluhan ang
pagkain nahirap nilang ubusin. Kahit na ang ina nila'y masayang nakiupo sa
kanila't kumain ngkaunti.
Pero hindi na naulit ang masayang okasyong ito, at ngayo'y hindi nag-
uuwi ngpagkain ang ama; ang katunaya'y ipinapalagay ng mga batang mapalad
sila kunghindi ito umuuwing lasing at nanggugulpi ng kanilang ina. Sa kabila
niyo'y umaasapa rin sila, at kung gising pa sila pag-uwi sa gabi ng ama, naninipat
ang mga matangtitingnan nila kung may brown na supot na nakabitin sa tali sa
mga daliri nito. Kungumuuwi itong pasigaw-sigaw at padabog-dabog, tiyak na
walang pagkain, at angmga bata'y magsisiksikan, takot na anumang ingay na
gawa nila ay makainis sa amaat umakit sa malaking kamay nito upang pasuntok
na dumapo sa kanilang mukha.Madalas na masapok ang mukha ng kanilang ina;
madalas iyong marinig ng mgabata na humihikbi sa mga gabing tulad nito, at
kinabukasan ang mga pisngi at mataniyon ay mamamaga, kaya mahihiya itong
lumabas upang maglaba sa malalakingbahay na katabi nila. Sa ibang mga gabi,
hindi paghikbi ang maririnig ng mga batamula sa kanilang ina, kundi isang uri
ng pagmamakaawa at ninenerbiyos na pagtawa at malakas na bulalas na pag-
ungol mula sa kanilang ama at sila'ymagtatanong kung ano ang ginagawa nito.

Kapag umuuwi ang ama ng mas gabi kaysa dati at mas lasing kaysa
dati,may pagkakataong ilalayo ng mga bata si Mui Mui. Ang dahila'y si Mui Mui,
otsoanyos at sakitin at palahalinghing na parang kuting, ay madalas kainisan ng
ama.Uhugin, pangiwi-ngiwi, ito ay mahilig magtuklap ng langib sa galis na
nagkalat sakaniyang mga binti, na nag-iiwan ng mapula-pulang mga patse,
gayong pauli-ulitsiyang pinagbabawalan ng ina. Pero ang nakakainis talaga ay ang
kaniyanghalinghing. Mahaba at matinis, iyon ay tumatagal ng ilang oras, habang
siya aynakaupo sa bangko sa isang sulok ng bahay, namamaluktot nang pahiga
sa banigkasama ang ibang mga bata, na di-makatulog. Walang pasensiya sa
kaniya angpinakamatandang lalaki at babae, na malakas siyang irereklamo sa ina
napagagalitan naman siya sa pagod na boses; pero sa gabing naroon ang
ama,napapaligiran ng bote ng beer na nakaupo sa mesa, iniingatan nilang mabuti
nahindi humalinghing si Mui Mui. Alam nila na ang halinghing niyon ay
parangkudkuran na nagpapangilo sa nerbiyos ng ama at ito'y nakabubulahaw na
sisigaw, atkung hindi pa iyon huminto, ito'y tatayo, lalapit sa bata at hahampasin
iyon nangbuong lakas.

Pagkatapos ay haharapin nito at papaluin din ang ibang bata na satingin


nito, sa kabuuan, ay ang sanhi ng kaniyang kabuwisitan.

5
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Noong gabing umuwi ang ama na masamang-masama ang timpla
dahilnasisante sa kaniyang trabaho sa lagarian, si Mui Mui ay nasa gitna ng
isangmahahabang halinghing at hindi mapatahan ng dalawang pinakamatandang
batagayung binalaan nilang papaluin ito.
Walang ano-ano, ang kamao ng ama aybumagsak sa nakangusong mukha
ng bata na tumalsik sa kabila ng kuwarto, kungsaan ito nanatiling walang
kagalaw-galaw. Mabilis na naglabasan ng
bahay angibang mga bata sa inaasahang gulo. Nahimasmasan ng ina ang bata
sapamamagitan ng malamig na tubig.
Pero pagkaraan ng dalawang araw, si Mui Mui ay namatay, at ang ina
lamang
ang umiyak habang ang bangkay ay inihahandang ilibing sa sementeryo ng
nayonmay isang kilometro ang layo roon sa tabi ng gulod. Ilan sa taganayon
nanakatatanda sa sakiting bata ay dumating upang makiramay. Sa ama na buong
arawna nakaupong nagmumukmok ay doble ang kanilang pakikiramay dahil alam
nilangnawalan ito ng trabaho. Nangolekta ng abuloy ang isang babae at pilit niya
itonginilagay sa mga palad ng ama na di-kawasa, puno ng awa sa sarili, ay
nagsimulanghumagulgol. Ang balita tungkol sa malungkot niyang kinahinatnan
ay madalingnakarating sa kaniyang amo, isang matigas ang loob pero mabait na
tao, na noondi'y nagdesisyong kunin siya uli, para sa kapakanan ng kaniyang
asawa at mgaanak. Dala ng kagandahang-loob, ito ay nagbigay ng sariling
pakikiramay, kalakipang munting abuloy (na minabuti nitong iabot sa asawa ng
lalaki imbes sa lalakimismo). Nang makita niya ang dati niyang amo at marinig
ang magaganda nitongsinabi bilang pakikiramay sa pagkamatay ng kaniyang
anak, ang lalaki ay napaiyakat kinailangang muling libangin.
Ngayo'y naging napakalawak ang kaniyang awa sa sarili bilang isang
malupitna inulilang ama na ipinaglalamay ang wala sa panahong pagkamatay ng
kaniyangdugo at laman. Mula sa kaniyang awa sa sarili ay bumulwak ang wagas
napagmamahal sa patay na bata, kaya madalamhati siyang nagtatawag, "Kaawa-
awakong Mui Mui! Kaawa-awa kong anak!" Nakita niya ito sa libingan sa tabi ng
gulod -payat, maputla, at napakaliit - at ang mga alon ng lungkot at awa na
nagpayanig samatipuno niyang mga balikat at brasong kayumanggi ay
nakakatakot tingnan. Pinilitsiyang aluin ng mga kapit-bahay, na ang iba'y lumayo
na may luha sa mga mata atbubulong-bulong, "Maaring lasenggo nga siya at
iresponsable, pero tunay na mahalniya ang bata".
Tinuyo ng nagdadalamhating ama ang kaniyang mga luha at saka
tumayo.Mayroong siyang naisip. Mula ngayon, magiging mabuti na siyang ama.
Dinukot niyasa bulsa ang perang ibinigay ng kaniyang amo sa asawa (na kiming
iniabot namanito agad sa kaniya, tulad ng nararapat). Binilang niya ang papel-de-

6
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
bangko. Isa mandito ay hindi niya gagastusin sa alak. Hindi na kailanman.
Matibay ang pasiya nalumabas siya ng bahay. Pinagmasdan siya ng mga bata.
Saan kayo pupunta, tanongnila. Sinundan nila ito ng tingin. Papunta ito sa bayan.
Nalungkot sila, dahil tiyak nilana uuwi itong dalang muli ang mga bote ng beer.
Pagkalipas ng isang oras, bumalik ang ama. May bitbit itong malaking
supotna may mas maliit na supot sa loob. Inilapag nito ang dala sa mesa.
Hindimakapaniwala ang mga bata sa kanilang nakita, pero iyon ba'y kahon ng
mgatsokolate? Tumingin silang mabuti. May supot ng ubas at isang kahon yata
ngbiskwit. Nagtaka ang mga bata kung ano nga ang laman niyon. Sabi ng
pinakamatandang lalaki'y biskwit; nakakita na siyang maraming kahon tulad
niyon satindahan ni Ho Chek sa bayan. Ang giit naman ng pinakamatandang
babae ay kendi,'yong katulad ng minsa'y ibinigay nila ni Lau Soh, na nakatira roon
sa malakingbahay na pinaglalabhan ng nanay. Ang kambal ay nagkasiya sa
pandidilat atpagngisi sa pananabik; masaya na sila ano man ang laman niyon.
Kaya nagtalo atnanghula ang mga bata. Takot na hipuin ang yaman na walang
senyas sa ama. Inipsilang lumabas ito ng kaniyang kuwarto.
Di nagtagal ay lumabas ito, nakapagpalit na ng damit, at dumiretso sa
mesa.Hindi dumating ang senyas na nagpapahintulot sa mga batang ilapat ang
mgakamay sa pinag-iinteresang yaman. Kinuha nito ang malaking supot at
mulinglumabas ng bahay. Hindi matiis na mawala sa mata ang yaman na wari'y
kanila nasana, nagbulingan ang dalawang pinakamatanda nang matiyak na hindi
silamaririnig ng ama. "Tingnan natin kung saan siya pupunta." Nagpumilit na
sumamaang kambal at ang apat ay sumunod nang malayo-layo sa ama. Sa
karaniwangpagkakataon, tiyak na makikita sila nito at sisigawang bumalik sa
bahay, perongayo'y nasa isang bagay lamang ang isip nito at hindi man lang sila
napuna.
Dumating ito sa libingan sa tabing gulod. Kahuhukay pa lamang ng puntod
nakaniyang hinintuan. Lumuhod at dinukot ang mga laman ng supot na dahan-
dahanginilapag sa puntod, habang pahikbing nagsalita, "Pinakamamahal kong
anak, walangmaiaalay sa iyo ang iyong ama kundi ang mga ito. Sana'y tanggapin
mo."
Nagpatuloy itong nakipag-usap sa anak, habang nagmamasid sa
pinagkukublihang mga halaman ang mga bata. Madilim na ang langit at ang
maitim na ulap ay nagbabantang mapunit anumang saglit, pero patuloy sa
pagdarasal at pag-iyak angama. Naiwan sa katawan ang basang kamisadentro. Sa
isang iglap, ang kaninapang inip na inip na mga bata ay dumagsa sa yaman. Sinira
ng ulan ang malakingbahagi niyon, pero sa natira sa kanilang nailigtas nagsalo-
salo sila tulad sa isangpiging na alam nilang ‘di nila mararanasang muli.

7
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
A. Pag-unawa sa Binasa
1. Ano-ano ang mga salitang di-pamilyar sa binasa? (Gumamit ng diskyunaryon
at iba pa para mabatid ang kahulugan ng mga ito.)
2. Tungkol saa ang binasang akda?
3. Isa-isahin ang mga tauhan at ibigay ang kanilang mga katangian. Gamitin
ang speech balloon o grapikong pantulong sa ibaba upang makapagpakilala ang
bawat tauhan at ibigay ang kani-kanilang mga katangian.

4. Isalaysay ang naging dahilan ng pagbabago ng ama, mula sa di-mabuting


katangian nito.
5. Ipaliwanag ang aspektong pangkultura ng mga taga-Singapore ang nakita sa
akda.
6. Sa usaping panlipunan, anong mga pangyayari o isyung panlipunan ang
nakita sa bahagi ng akda ang nangyayari pa rin sa kasalukuyan?
ipaliwanag at bigyan ng solusyon gamit ang balangkas.

2. Punan ng mga sumusunod na impormasyon ang kahon. Gamitin ang balangkas.

8
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
_____________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

7. Ano-ano ang kaugnayan ng mga pangyayari sa binasa sa mga pangyayari sa


Pilipinas? Ipaliwanag.
_____________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Suriin

Alam mo ba?

Ang isang akda tulad ng maikling kuwento ay binubuo ng mga pangyayari. Ang mga
pangyayaring ito ay maaaring repleksyon ng mga naganap o nagaganap sa isang lipunan lalo
na ng lipunan kung saan nagsimula ang isang kuwento o akda, tulad ng akdang binasa na isang
maikling kuwento mula sa bansang Singapore. Sa madaling salita, anomang mga pangyayari
na nakapaloob sa akda ay salamin ng mga pangyayari at kultura sa bansang Singapore.
Sa modyul na ito ay kailangang matukoy mo ang mga pangyayari sa akda na may
kaugnayan sa mga pangyayari sa lipunang Asyano. Samakatuwid, kailangang malawak ang
kaalaman mo sa kultura at mga pangyayari sa mga bansa sa Asya, ngunit bago ka magtungo
sa ibang mga bansa sa Asya ay unahin mong iugnay ang mga pangyayayri sa binasa sa mga
pangyayari sa bansang Pilipinas bilang bahagi ng lipunang Asyano.

Mahalaga ang papel na ginagampanan ng isang haligi ng tahanan sa kanyang pamilya.


Sila ang nagiging pundasyon upang mas lalong tumatag ang pagsasama ng mga anak at asawa
bilang pamilya. Ang pamilya naman ang itinuturing na pinamaliit na yunit ng lipunan.
9
City of
Kaugnay Good
nito, Character
inaasahang magiging pundasyon ng bawat isang kabataan ang kanilang mga
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
magulang upang mas lalong guminhawa ang kanilang buhay. Gayunpaman isa sa mga
suliraning namamayani hanggang sa kasalukuyan ay ang pang-aabuso mismo ng mga
Pagkatapos matukoy ang mga pangyayari, mahalangang masuri ang mga
pangyayaring ito sa paraang pagsagot sa sumusunod na mga tanong:
1. Paano nagkakaiba at nagkakapareho ang mga pangyayari sa binasa sa mga
pangyayari sa Pilipinas at sa iba pang mga bansang Asyano?
2. Ano ang kaugnayan ng mga pangyayari sa binasa sa kasalukuyang mga
pangyayari sa Pilipinas at sa iba pang mga bansang Asyano?
3. Ano-anong suliraning panlipunan mayroon ang lipunang Asyano?
4. Paano nilulutas ng lipunang Asyano ang mga suliraning panlipunan lalo na ang
may kaugnayan sa pamilya?

Mahalaga ang papel na ginagampanan ng isang haligi ng tahanan sa kanyang


pamilya. Sila ang nagiging pundasyon upang mas lalong tumatag ang pagsasama ng mga
anak at asawa bilang pamilya. Ang pamilya naman ang itinuturing na pinamaliit na yunit
ng lipunan. Kaugnay nito, inaasahang magiging pundasyon ng bawat isang kabataan ang
kanilang mga magulang upang mas lalong guminhawa ang kanilang buhay. Gayunpaman
isa sa mga suliraning namamayani hanggang sa kasalukuyan ay ang pang-aabuso mismo
ng mga magulang sa kanilang mga anak. Gaya na lamang ng pang-aabusong pisikal na
maaaring mayroong iba’t ibang kadahilanan gaya ng labis na pagdidisiplina sa kanilang
mga anak, pagkainis, pagkawala sa katinuan at iba pang dahilan ng pananakit.
Ayon sa datos ng DSWD noong 2016, umabot sa 3,857 bata ang kanilang
natulungan ang dumanas ng iba’t ibang uri ng pang-aabuso. Umabot naman sa 230 sa
mga ito ang nakaranas ng pisikal na pang-aabuso o di kaya’y pangmamaltrato.
Sa ating bansa, isa sa mga batas na ipinatutupad kontra sa pang-aabuso sa mga
kababaihan at sa kanilang mga anak ay ang Republic Act 9262 na kilala rin sa tawag na
“The Anti Violence against Women and Their Children Act of 2004.” Isa itong batas
na maaring maikaso sa sinomang mapapatunayang nang-aabuso sa mga kababaihan at
kabataan.

10
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Pagyamanin

Pagyamanin ang iyong kaalaman at kakayahan kaugnay sa paksa.


Isagawa ang sumusunod na gawain:

A. Sa isang pamilya, malaki ang gampanin ng iyong mga magulang o


tagapangalaga sa pagpapalaki ng mga anak. At sa pamilyang ito, Malaki rin
ang gampaning nakaatang sa ama bilang haligi ng tahanan na magbubukod at
magtataguyod sa kaniyang sambahayan. Bilang isang anak sagutin ang mga
sumusunod na tanong tungkol sa iyong ama.

B. Ang sumusunod na pangyayari sa akdang “Ang Ama” ng bansang


Singapore ay maiuugnay sa ilang kasalukuyang isyung panlipunan sa ating
bansa, maging sa ibang bansang Asyano. Basahin ang bawat pangyayari at
ipakita ang iyong naging damdamin gamit ang hastag (#). Ipaliwanag ang iyong

11
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
reaksyon/damdamin at ilahad ang kalagayan ng suliraning namamayani sa
kasalukuyang lipunan.

1. Dahil sa kaingayan, walang ano-ano ay bumaksak ang kamao ng ama sa


nakangusong mukha ng batang si Mui-Mui

2. Minsan ay umuwi ang ama, masama ang kanyang timpla sapagkat


natanggal siya sa trabahong pinapasukan.

3. Anim lahat ang magkakapatid. Natatandaan ng mga bata ang isa o


dalawang okasyon na sinorpresa sila ng ama ng kaluwagang-palad nito,
gayunpaman ay hindi na naulit ang ganitong okasyon.

12
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Isaisip

Laging isaisip na bago magsuri ay isaalang-alang ang pagtukoy sa mga


detalye tulad ng mga pangyayari sa isang akda. Ang mga tinukoy na pangyayari sa
aksa ay maaaring iugnay sa kasalukuyang mga pangyayari at karanasan sa ating
lipunan.

#Tala ng Pagkatuto

Larawan
1x1
Pangalan:_________________________ Petsa:__________
Mga pangyayari sa akda




Mga pangyayari sa akda na may kaugnayan sa lipunang Pilipino/Asyano




Pagsusuri sa mga pangyayari sa akda na may kaugnayan sa lipunang
Pilipino/Asyano





13
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Isagawa
Maraming suliraning panlipunan, pampamilya at pansarili ang namamayani
sa kasalukuyan na maaaring makita sa akdang binasa. Pumili ng isang isyung
panlipunan na nakita sa akda na maaaring iugnay sa kasalukuyang mga pangyayari
sa lipunang Asyano. Suriin at bigyan ng solusyon ang napiling suliraning
panlipunan. Maging malikhain sa iyong gagawin. Pumili lamang ng isa sa mga
paraan sa ibaba. Gawing batayan ang pamantayan na ibinigay. I-upload sa iyong
Facebook account ang nabuong output.

#IvlogMo!
Sa pamamagitan ng masining na pagba-vlog ay suriin at ilahad mo ang iyong
solusyon tungkol sa isyung panlipunang na nakita sa akda na maaaring iugnay sa
kasalukuyang mga pangyayari sa lipunang Asyano.

#IArteMo!
Gamit ang pag-arte at pagsasadula ay ipakita mo ang iyong pagsusuri at solusyon
tungkol sa isyung panlipunang na nakita sa akda na maaaring iugnay sa
kasalukuyang mga pangyayari sa lipunang Asyano.

#IguhitMo!
Sa pamamagitan ng pagguhit at pagsasalaysay, ilahad mo ang iyong pagsusuri at
solusyon tungkol sa isyung panlipunang na nakita sa akda na maaaring iugnay sa
kasalukuyang mga pangyayari sa lipunang Asyano.

#AwitinMo!
Sa pamamagitan ng paglikha ng isang awit, iparinig ang iyong pagsusuri at
solusyon tungkol sa isyung panlipunang na nakita sa akda na maaaring iugnay sa
kasalukuyang mga pangyayari sa lipunang Asyano.

14
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
PAMANTAYAN
Natutukoy ang mga pangyayari o isyung 40%
panlipunan sa akda na kaugnay sa lipunang
Asyano sa kasalukuyan
Maayos ang pagsusuri at makatotohanan ang 40%
ipinakitang solusyon sa suliraning
panlipunan na nakita sa akda
Orihinalidad ng ginawang presentasyon 20%
Kabuoan 100%

Tayahin
Dahil naunawaan mo na ang aralin, oras na para tayahin ang iyong
natutuhan. Isagawa ang sumusunod:

A. Sagutin ang sumusunod na mga tanong. Piliin ang letra ng tamang


sagot.

1. Kung susuriin ang simula ng banghay, matutukoy ang mga tauhan,


tagpuan, at suliranin bilang bahagi ng panimula pangyayari
a. Tama ang pahayag
b. Mali ang pahayag
c. Depende sa banghay kung saan ilagay at ipakilala ang mga tauhan,
tagpuan at suliranin
2. Ang mga sumusunod ay suliraning panlipunan Sa akdang ang “Ang
Ama” maliban sa isa:
a. kahirapan
b. pagkakaroon ng ibang minamahal
c. kawalan ng trabaho
3. Alin sa mga sumusunod na isyung panlipunan ang maaaring iugay sa
akda bilang pangkasalukuyang suliraning Asyano.
a.Pagpaplanong pampamilya o Family planning

15
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
b. Pag-iimpok ng salapi o savings
c. Pagsuway sa mga magulang
4. Ang batas na“The Anti Violence against Women and Their Children Act of
2004.” ay ukol sa:
a. mga kababaihan at mga batang mula sampu pababa na inabandona
ng ama
b. mga kababaihan at mga kabataan na nakararanas ng pisikal na
pang-aabuso.
c.mga kababaihan at kabataan na nakararanas ng alinmang uri ng pang-
aabuso
5. “Tinuyo ng nagdadalamhating ama ang kaniyang mga luha at saka tumayo.
Mayroon siyang naisip. Mula ngayon, magiging Mabuti na siyang ama.
Dinukot niya sa bulsa ang perang ibinigay ng kaniyang amo sa asawa (na
kiming iniabot naman ito agad sa kanya, tulad ng nararapat).” Mahihinuhang
ang ama ay magiging
a. Matatag
b. Mabuti
c. matapang

B. Magtala ng limang pangyayari mula sa akda na masasabing kaugnay sa


mga nangyayari sa kasalukuyan sa lipunang Asyano.

C. Suriin ang akda sa pamamagitan ng pagsagot sa sumusunod na tanong:


1. Paano nagkakaiba at nagkakapareho ang mga pangyayari sa binasa sa
mga pangyayari sa Pilipinas at sa iba pang mga bansang Asyano?
2. Ano ang kaugnayan ng mga pangyayari sa binasa sa kasalukuyang mga
pangyayari sa Pilipinas at sa iba pang mga bansang Asyano?
3. Ano-anong suliraning panlipunan mayroon ang lipunang Asyano?
4. Paano nilulutas ng lipunang Asyano ang mga suliraning panlipunan lalo
na ang may kaugnayan sa pamilya?

16
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Karagdagang Gawain

Lalo pang palawakin ang iyong kasanayan sa paksa. Magsaliksik ng mga


batas sa lipunang Asyano na nagbibigay ng proteksyon sa pamilya, kababaihan at
mga bata. Ibahagi ito sa paraang informative vlog. Gamiting gabay ang nasa ibaba.

Pamagat ng batas

Mahahalagang tala sa batas


kaugnay sa p agibibigay ng
proteksyon sa pamilya,
kababaihan at mga bata
Paghahambing ng nasabing
batas sa ilang bansa sa
lipunang Asyano

Susi ng Pagwawasto

Sagot sa “Subukin”
1. C
2. D
3. D
4. C
5. B

Sagot sa “Tuklasin”
A. Depende sa sagot ng bata
C. Depende sa sagot ng bata

Sagot sa “Pagyamanin”
Depende sa sagot ng bata

Sagot sa “Isaisip”
Depende sa sagot ng bata

17
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Sagot sa “Isagawa”
1. A
2. B
3. A
4. C
5. B

Sanggunian

Peralta, R., Et al. (2014) Panitikang Asyano: Modyul ng Mag-aaral sa Filipino


https://www.youtube.com/user/gmanews

18
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Bumubuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Adelwisa P. Mendoza (Guro, CISSL)


Mga Editor:
Lawrence Dimailig (MSHS)
Wilfredo Padua (School Head)
Dr. Josefino DL. Lu (PSDS)
Tagasuri Panloob: Galcoso C. Alburo (EPS-Filipino)
Tagasuri Panlabas:
Tagaguhit: Paolo N. Tardecilla (KNHS)

Tagalapat: Jee-jay B. Canillo (NHS)


Tagapamahala:
Sheryll T. Gayola
Pangalawang Tagapamanihala
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala

Elisa O. Cerveza
Hepe – Curriculum Implementation Division
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang Tagapamanihala

Galcoso C. Alburo
Superbisor sa Filipino

Ivy Coney A. Gamatero


Superbisor sa Learning Resource Management Section

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE

You might also like