You are on page 1of 43

Yunit 2:Pakikipagkapwa-Tao

Saang bahagi ng kuwento ito matatagpuan?


Basahan pa ang mga bata ng iba pang maikling talata.
Ipatukoy sa mga bata ang pangunahing diwa ng bawat talata.
Paano naipakita ng mag-anak na Reyes ang pakikipagkapwa-tao?
Kasanayang Pagpapayaman
Ipagawa ang “Gawin Natin”at“Sanayin Natin” sa LM, pahina 148.
Paglalahat
Ano ang pangunahing ideya?
Ipabasa ang “Tandaan Natin” sa LM, pahina 149.
Paglalapat
Ipagawa ang “Linangin Natin” sa LM, pahina 150.

IKALAWANG ARAW
Layunin
Napagsasama-sama ang mga pantig upang mabasa ang mga salitang may
dalawang pantig
Paksang-Aralin
Pagbasa ng mga Salitang may Dalawang Pantig
Kagamitan
flashcard na may nakasulat na mga salitang may dalawang pantig
Tukoy-Alam
Ipabasa ang mga salitang may dalawang pantig.
- walis - tasa - baso
- isda - aso - relos
Ano ang napansin ninyo sa mga salita?
Ipalakpak ang mga ito.
Ilang pantig ang bumubuo sa bawat salita?
Paglalahad
Hayaang magmasid ang mga bata sa kanilang silid-aralan.
Ano-ano ang makikita sa inyong paligid?
Magbigay ng mga ngalan na may dalawang pantig.
(Isulat ang mga ito sa pisara)
Basahin ang mga salita.
Ipapantig ang mga ito.
Basahin muli ang kuwentong “Ang Matulunging Mag-anak na Reyes.”
Pagtuturo at Paglalahad
Ipasagot ang“Sagutin Natin”sa LM, pahina 150.
Piliin sa kuwentong binasa ang mga salitang may dalawang pantig.
Ipalakpak ang mga salita nang papantig.
bigas tao tatay bata
kapwa gulat nanay lata
Pumili ng isang salita sa mga ibinigay ng mga bata.
Ano-ano ang pantig na bumubuo dito?
Ano-ano ang bumubuo sa isang pantig?
Ano ang nangyayari kapag pinagsasama-sama ang mga pantig?

60
Paano naipakita ng mga bata ang pakikipagkapwa- tao?
Kasanayang Pagpapayaman
Ipagawa ang “Gawin Natin” sa LM, pahina 151.
Ipangkat ang klase. Bigyan ng manila paper o sulatang papel upang dito
isulat ang mga salitang mabubuo sa pamamagitan ng mga pantig na makikita
sa malaking kahon sa “Sanayin Natin” sa LM, pahina 151.
Paglalahat
Ano ang natutunan mo sa aralin?
Karagdagang Gawain
Pasagutan ang “Linangin Natin” sa LM, pahina 152.

IKATLONG ARAW
Layunin
Nagagamit ang mga panghalip panao bilang pamalit sa pangngalan
Paksang Aralin
Panghalip Panao
Kagamitan
tsart ng rap “Ako sa Paaralan”
Tukoy-Alam
Paano mo ipakikilala ang iyong sarili sa klase? Ang iyong kaibigan?
Paglalahad
I-rap ang “Ako sa Paaralan”
Ako, ako, ako (ikaw, siya) sa paaralan (3X)
Ako sa paaralan
Sumulat nang sumulat
At bumasa-basa
Sumulat-sulat katulad
ng dagat (2X)
Basahin ito sa mga bata.
I-rap muli.
Ituro sa mga bata ang rap sa pamamagitan ng echoing .
Ipa-rap ito sa mga bata.
Ipabasa ang teksto sa “Basahin Natin”na makikita sa LM, pahina 152.
Pagtuturo at Paglalarawan
Pasagutan ang “Sagutin Natin”sa LM, pahina 152.
Kailan ginagamit ang ako? Siya?Ikaw?
Ano ang pinalitan ng ako? Ikaw? Siya?
Paano naipakita ng magkakapatid ang pakikipagkapwa-tao?
Ipabasa ang “Pahalagahan Natin” sa LM, pahina 153.
Kasanayang Pagpapayaman
Ipagawa ang “Gawin Natin”at “Sanayin Natin”sa LM, pahina 153.
Paglalahat
Kailan at paano ginagamit ang panghalip panao?
Ipabasa ang “ TandaanNatin” sa LM, pahina 154.

61
Karagdagang Pagsasanay
Pasagutan ang “Linangin Natin” sa LM, pahina 154.

IKAAPAT NA ARAW
Layunin
Nakasusulat ng mga salita sa paraang kabit-kabit na may tamang laki at layo
sa isa’t isa
Paksang-Aralin
Pagsulat ng mga Salita
Tukoy-Alam
Magkaroon ng pagsasanay sa pagsulat ng mga bata ng mga letra sa paraang
kabit-kabit.
Paglalahad
Ano ang dapat tandaan sa pagsulat?
Ipabasa ang “Basahin Natin” sa LM,pahina 155.
Pagtuturo at Paglalarawan
Talakayin ang binasa sa pamamagitan ng mga tanong na makikita sa
“Sagutin Natin” sa LM, pahina 155.
Hayaang pumili ang mga bata ng isang salita mula sa binasa.
Ipasulat ito sa papel.
Paano mo ito isinulat?
Alin-aling letra ang nagsimula sa asul na linya? Sa pulang linya?
Ipakita sa mga bata ang tamang pagsulat ng kanilang napiling salita.
Hayaang ikumpara ng mga bata ang kanilang sinulat sa ipinakita ng guro.
Bakit kailangang maayos at malinis ang ating pagsulat?
Kasanayang Pagpapayaman
Ipagawa ang“Gawin Natin” sa LM, pahina 156.
Paglalahat
Ano ang mga dapat tandaan sa pagsulat ng salita?
Basahin ang “Tandaan Natin” sa LM, pahina 156.
Karagdagang Pagsasanay
Pasagutan ang “Linangin Natin”at “Sulatin Natin”sa LM, pahina 156.

IKALIMANG ARAW
Layunin
Nakasusunod nang wasto sa mga panuto
Panimulang Gawain
Gabayan ang mga mag-aaral ng mga dapat tandaan bago magsimula ang
pagsusulit.
Ipahanda sa mga mag-aaral ang mga kagamitan sa pagsusulit.
Ipabasa at ipaliwanag ang mga panuto.
Pagtataya
A. Tukuyin ang pangunahing ideya ng talata at sagutin ang mga tanong.
Isulat ang letra ng wastong sagot.

62
Si Elena ay matulunging bata. Minsan sa kaniyang paglalakad ay
nakakita siya ng matandang babae na tatawid ng kalsada. Inakay niya
ito upang itawid ng kalsada. Nakasalubong din siya ng batang pulubi at
binigyan niya ng tinapay. Karapat-dapat gayahin si Elena.
1.Ibigay ang pangunahing ideya ng talata.
a. Mabait si Elena. c. Matulungin si Elena.
b. Mahiyain si Elena. d. Mapagbigay si Elena.
c. Matulungin si Elena.
d. Mapagbigay si Elena.
2. Sino-sino ang nasalubong niya sa paglalakad?
a. batang pulubi at matandang lalaki
b. matandang lalaki at babaeng pulubi
c. matandang babae at batang pulubi
d. lalaking pulubi at matandang babae
B. Pagsamahin ang mga pantig upang makabuo ng salita na may dalawang
pantig.
wa lis la pa pu
ba nga sa yo tu
wal ta bo bu pi
C. Isulat ang panghalip panao na kukumpleto sa pangungusap.
10.“___ ang magpapakain ng mga aso,” wika ni Tina.
11.“___ ang maglilinis ng kulungan,” sabi ni Tina kay Ben.
12.“___ang magpapaligo kay Bantay at kay Maymay,” sabay turo nina Ben
at Tina sa kanilang kuya.
D. Isulat ang a kung hayop, b kung pagkain at c kung laruan.
13. mangga
14. daga
15. bola
16. manika
17. tinapay
18. isda
19. saging
20. manok

Aralin 2: Pangunahing Direksiyon, Susi sa Lokasyon


Lingguhang Layunin
Wikang Binibigkas
Nakapagbibigay ng maikling panuto gamit ang mga pangunahing direksiyon
Kamalayang Ponolohiya
Napapantig ang mga salita
Gramatika
Nagagamit ang panghalip panao bilang pamalit sa pangngalan

63
Kaalaman sa Aklat at Limbag
Natutukoy kung paano nagsisimula at natatapos ang isang pangungusap
Estratehiya sa pag-aaral
Nakasusunod nang wasto sa panuto
Tatas
Nababasa ang mga salita/pangungusap na may tamang bilis, diin,
ekspresyon at intonasyon
Pagsulat
Nakasusulat ng mga parirala sa paraang kabit-kabit na may tamang laki
at layo sa isa’t isa

UNANG ARAW
Layunin
Nakapagbibigay ng maikling panuto gamit ang mga pangunahing direksiyon
Nakasusunod nang wasto sa panuto
Paksang-aralin
Pagbibigay at Pagsunod sa Panuto
Kagamitan
compass, mapa
Paunang Pagtataya
Pasagutan ang “Subukin Natin” sa LM, pahina 157.
Tukoy-alam
Patayuin ang mga bata at ipagawa ang sumusunod.
Ipataas ang kanang kamay.
Paharapin sa likod.
Ipataas ang kaliwang kamay.
Nasunod mo ba ang mga panutong ibinigay?
Bakit? Bakit hindi?
Paglalahad
Ipalaro ang “Ang Utos ni Simon.”
Ipagawa sa mga bata ang lahat ng sasabihin ng “it” na si “Simon.”
Ang hindi makasusunod ang siyang magiging “it.”
Gamit ang semantic web, alamin kung saan ano ang kaalaman ng mga bata
sa salitang nasa loob ng kahon.

direksiyon

Ipabasa ang “Masaya ang Tumulong sa Kapwa” sa LM, pahina 157.


Pagtuturo at Paglalarawan
Pasagutan ang “Sagutin Natin”sa LM, pahina 158.
Nasaan ang hilaga? Timog ? Silangan? Kanluran ?

64
Magkaroon ng pagsasanay sa pagtukoy ng mga bata sa pangunahing
direksyon.
Ipaturo ang mga pangunahing direksyon sa isang mapa.
Gamit ang mapa, hayaang magbigay ang mga bata ng mga panuto gamit ang
mga pangunahing direskyon sa pagpunta sa ilang mga lugar na makikita dito.
Paano mo tutulungan ang iyong kapwa? Basahin ang “Pahalagahan Natin.”
Kasanayang Pagpapayaman
Ipagawa “Gawin Natin”at “Sanayin Natin” sa LM, pahina 159.
Paglalahat
Ano ang natutunan mo sa aralin?
Ipabasa ang “Tandaan Natin” sa LM, pahina 160.
Karagdagang Gawaim
Ipagawa ang “Linangin Natin” sa LM pahina 160.
Kasunduan
Gumuhit ng bahay. Ilagay sa loob nito ang sumusunod na bahagi gamit ang
mga direksyon na ibinigay.
1. silid-kainan (hilaga) 4. kusina (gitna)
2. silid-tulugan (silangan) 5. Palikuran (timog)
3. silid-tanggapan (kanluran)

IKALAWANG ARAW
Layunin
Napapantig ang mga salita
Paksang-Aralin
Pagpapantig ng mga Salita
Kagamitan
flashcard na may nakasulat na mga salita
Tukoy-alam
Ipabasa ang salitang nagbago.
Linangin ang salitang ito.
Pantigin ang salitang ito.
Magbigay pa ng iba pang mga salita at isagawang muli ang mga ginawang
hakbang.
Paglalahad
Magsagawa ng paligsahan sa pagbabaybay ng mga salita. Maaaring ito ay
isahano pangkatang gawain.
Muling ipabasa ang “ Masaya ang Tumulong sa Kapwa”.
Pagtuturo at Paglalarawan
Pasagutan ang “Sagutin Natin”sa LM, pahina 161.
Isulat pisara ang bawat sagot.
Ipabasa ang mga salita.
Linangin ang bawat salita.
Pumili ng isang salita upang pantigin.
Hayaang pantigin ng mga bata ang ibang salita.

65
Kasanayang Pagpapayaman
Pasagutan ang “Gawin Natin”sa LM, pahina161.
Ipagawa ang “Sanayin Natin” sa LM, pahina 162.
Paglalahat
Ano ang natutunan sa aralin?
Ipabasa ang “Tandaan Natin.”
Karagdagang Pagsasanay
Pasagutan ang“Linangin Natin” sa LM, pahina 162.

IKATLONG ARAW
Layunin
Nagagamit ang panghalip panao bilang pamalit sa pangngalan
Paksang-aralin
Paggamit ng Panghalip Panao
Kagamitan
tsart ng “Kami sa Pamayanan”
Tukoy-alam
Pumili ng isang kaibigan.
Ilarawan siya sa klase.
Paglalahad
I-rap ang “Kami sa Pamayanan”
Kami, kami, kami (tayo, kayo, sila)
sa pamayanan (3X)
Kami sa pamayanan
Maglinis-linis at Magtanim-tanim
Magwalis-walis upang luminis (2X)
Talakayin ang mensahe ng rap.
Ipabasa ang “Ang Magkaibigan,” sa LM pahina 162.
Pagtuturo at Paglalarawan
Pasagutan ang “Sagutin Natin”sa LM, pahina 163.
Ano-ano ang pangngalan na ginamit sa kuwento?
Paano ito pinalitan?
Ano-ano ang ipinalit sa mga pangngalang ito?
Paano ginamit ang bawat isa?
Ano ang kabutihang maidudulot ng pagtutulungan?
Kasanayang Pagpapayaman
Ipagawa ang “Gawin Natin”sa LM, pahina 163.
Ipagawa ang “Sanayin Natin”sa LM, pahina 164.
Paglalahat
Kailan ginagamit ang kami, kayo, sila at tayo?
Ipabasa ang “Tandaan Natin” sa LM, pahina 164.
Karagdagang Gawain
Pasagutan ang “Linangin Natin” sa LM, pahina 164.

66
IKAAPAT NA ARAW
Layunin
Nababasa ang mga salita/pangungusap na may tamang bilis, diin,
ekspresyon at intonasyon
Natutukoy kung paano nagsisimula at nagtatapos ang isang pangungusap
Nakasusulat ng mga parirala sa kabit-kabit na paraan na may tamang laki at
layo sa isa’t isa
Paksang-aralin
Simula at Katapusan ng Pangungusap
Tukoy-alam
Magkaroon ng pagsasanay gamit ang ilang mga salitang natutunan sa
nakaraang mga aralin.
Ipabasa ang mga ito.
Pagtuturo at Paglalarawan
Basahin ang sumusunod na salita.
Aray! Hmmp!
Ano? Ha! Ha! Ha! Hu! Hu! Hu!
Ano ang ipinahihiwatig ng bawat isa?
Ipabasa ang mga pangungusap na nasa kahon sa LM, pahina 165.
Ipasagot ang “Sagutin Natin”, pahina 165.
Paano ito dapat basahin?
Paano nagsimula ang pangungusap? Nagtapos?
Pagtalakayan ang “Pahalagahan Natin”, pahina 165.
Kasanayang Pagpapayaman
Pasagutan ang“Gawin Natin”at “Sanayin Natin” sa LM, pahina 165.
Paglalahat
Ano ang natutunan sa aralin?
Ipabasa ang “Tandaan Natin” sa LM,165.
Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang “Linangin Natin” at “Sulatin Natin” sa LM, pahina 166.

IKALIMANG ARAW
Layunin
Nakasusunod sa mga panuto
Paksang Aralin
Sabayang Pagbasa
Panimulang Gawain
Hatiin ang klase sa limang pangkat.
Ipaliwanag ang gagawing sabayang pagbasa.
Ibigay rin ang pamantayan sa sabayang pagbasa.
4 - kung ang pagbasa ay naririnig nang malinaw, naiintindihan at
maytamang bilis
3 - kung may katamtamang lakas at naiintindihan naman at may
tamang bilis
2 - kung may kaayusang lakas at bilis pero naiintindihan naman

67
paminsan-minsan
1 - kung nagbabasa nang sobrang hina o sobrang lakas o kaya
naman ay sobrang bilis o sobrang bagal
*Bigyan ang bawat pangkat ng sapat na oras para magsanay bago ipagawa
anggawain.

Pangungusap sa sabayang pagbasa


1. Bakit huli ka na naman sa klase?
2. Naku, nakatatakot naman dito!
3. Pasensiya na po, hindi napo mauulit.
4. A, alam ko na bibili ako ng bagong laruan.
5. Sana naman ay pumasa ako.

Aralin 3: Napakinggang Teksto, Ipahahayag Ko


Lingguhang Layunin
Pag-unawa sa Pinakinggan
Nakapagbibigay ng sariling hinuha sa napakinggang teksto
Pag-unlad ng Bokabularyo
Natutukoy ang kahulugan ng di pamilyar/bagong salita batay sa paggamit ng
kasingkahulugan
Kamalayang Ponolohiya
Nababasa ang mga salitang may kambal katinig – dr
Gramatika
Nagagamit ang panghalip pamatlig
Estratehiya sa Pag-aaral
Naibibigay ang kahulugan ng mga bar graph at table
Nasasagot ang mga tanong tungkol sa bar graph at table
Pagsulat
Nakasusulat ng mga pangungusap sa paraang kabit-kabit na may tamang
laki at layo sa isa’t isa
Kaalaman sa Aklat at Limbag
Natutukoy ang kahalagahan ng malaking letra sa isang salita/pangungusap

UNANG ARAW
Layunin
Nakapagbibigay ng sariling hinuha mula sa napakinggang teksto
Natutukoy ang kahulugan ng di pamilyar/bagong salita batay sa paggamit ng
kasingkahulugan
Paksang-Aralin
Pagbibigay ng Sariling Hinuha
Pagtukoy ng Kahulugan ng di- pamilyar na Salita

68
Paunang Pagtataya
Pasagutan ang “Subukin Natin” sa LM, pahina 168.
Tukoy-alam
Nakapunta na ba kayo sa isang manukan?
Ano-ano ang makikita dito?
Pagbabahagi ng sariling karanasan ng mga bata.
Paglalahad
Paano mo malalaman na nangitlog na ang manok?
Pagpapayaman ng Talasalitaan
Basahin ang mga pangungusap.
Ikahon ang tatlong salitang may katulad na kahulugan ng mga salitang may
salungguhit.
1. Si Mang Nardo ay madalas bumisita sa poultry farm.
pumasyal pumasok pumunta dumalaw
2. Nagpuputakan ang mga manok sa kaniyang pagbisita.
nagkakagulo nagtitilaukan
nagbabangayan nagkakaingay
3. Namangha ngunit tuwang-tuwa pa rin si Mang Nardo sa kaniyang
nakita.
natakot nabigla nagulat nagtaka
4. Maraming maibebentang itlog si Mang Nardo sa palengke?
maititinda maipamimigay
maipagbibili mailalako
5. Mapagkakalooban niya ng itlog ang mga kapitbahay.
mabibigyan mabebentahan
maabutan mabibiyayaan
Basahin ang kuwentong “Si Mang Nardo” sa LM, pahina 168.
Pagtuturo at Paglalarawan
Pasagutan ang “Sagutin Natin” sa LM, pahina 169.
Bigyang pansin ang tanong sa ika-apat, panlima, at ika-anim upang maitulay
ito sa pag-uusapang aralin.
Ipaliwanag na ang kanilang ginawa sa 4, 5, 6 ay pagbibigay hinuha.
Ipaliwanag ang paghihinuha.
Anong mga salita sa kuwento ang hindi pamilyar sa iyo?
Paano mo natutukoy ang kahulugan nito?
Pagyamanin ang kaalaman ng bata sa pagkuha ng kahulugan ng salita o
kasingkahulugan ng mga salita.
Pagpapahalaga
Nagbahagi ba nang nakuha niyang itlog si Mang Nardo?
Anong mabuting pag-uugali ang ipinakita niya?
Tingnan ang “Pahalagahan Natin”sa LM, pahina170.
Kasanayang Pagpapayaman
Pasagutan ang “Gawin Natin” sa LM, pahina 170.
Basahin ang panuto sa “Sanayin Natin”sa LM, pahina 170.

69
Paglalahat
Ano ang paghihinuha?
Ipabasa ang “Tandaan Natin” sa LM, pahina 171.
Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang “Linangin Natin”sa LM, pahina 171.

IKALAWANG ARAW
Layunin
Nababasa ang mga salitang may kambal katinig -dr
Paksang-Aralin
Salitang may Kambal Katinig
Kagamitan
larawan ng dram, drakula
Tukoy-alam
Hayaang magbigay ang mga bata ng mga salitang may kambal-katinig.
Tukuyin ang kambal-katinig sa bawat salita.
Paglalahad
Maglaro ng “Pinoy Henyo.”
Kumuha ng mga salita mula sa kuwentong babasahin.
Ipabasa “Si Mang Nardo.”
Pagtuturo at Paglalarawan
Pasagutan ang “Sagutin Natin” sa LM, pahina 172.
Basahin ang mga salitang may bilog.
Ano ang napapansin ninyo sa mga salitang ito?
Ano ang tawag sa mga letrang magkasunod sa isang salita at may iisang
tunog?
Hayaang magbigay ang mga bata ng mga salitang may-dr na kambal katinig.
Paano tayo makatitipid ng tubig?
Ipabasa ang “Pahalagahan Natin” sa LM, pahina 172.
Kasanayang Pagpapayaman
Ipagawa ang “Gawin Natin” at “Sanayin Natin” sa LM, pahina 173.
Paglalahat
Anong kambal-katinig?
Ipabasa ang “Tandaan Natin” sa LM, pahina 174.
Karagdagang Pagsasanay
Pasagutan ang “Linangin Natin” sa LM, pahina 174.

IKATLONG ARAW
Layunin
Nagagamit ang panghalip pamatlig
Paksang-Aralin
Paggamit ng Panghalip Pamatlig
Tukoy-alam
Hayaang magbigay ang mga bata ng mga gamit na makikita sa loob ng
silid-aralan. Sabihin angg lokasyon nito.

70
Paglalahad
Tumawag ng ilang bata. Ipaturo ang kanilang gamit.
Ipaturo kung ano ang
- gamit na hawak niya
- hawak ng kaniyang kamag-aral
- gamit na nasa loob ng silid-aralan.
Basahin muli ang kuwento ni Mang Nardo.
Pagtuturo at Paglalarawan
Ano-ano ang panghalip na ginamit sa kuwento?
Ano ang pinalitan ng mga salitang ito?
Ano ang tawag sa mga salitang ito?
Kailan ginagamit ang ito? Iyan? Iyon?
Magkaroon ng pagsasanay sa paggamit ng ito/iyan/iyon.
Ano ang dapat gawin sa ating mga personal na kagamitan?
Ipabasa ang “Pahalagahan Natin” sa LM, pahina 175.
Kasanayang Pagpapayaman
Ipasagot ang “Gawin Natin”at “Sanayin Natin”sa LM, pahina 175.
Paglalahat
Kailan ginagamit ang panghalip pamatlig?
Ipabasa ang “Tandaan Natin” sa LM, pahina 176.
Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang “Linangin Natin” sa LM, pahina 176.

IKAAPAT NA ARAW
Layunin
Naibibigay ang kahulugan ng mga bar graph at table
Nasasagot ang mga tanong na nasa bar graph at table
Nakasusulat ng mga pangungusap sa paraang kabit-kabit na may tamang
laki at layo sa isa’t isa
Paksang-Aralin
Pagbibigay Kahulugan sa Bar Graph at Table
Tukoy-alam
Itala ang mga marka ninyo noong unang markahan.
Papataas ba ito o pababa?
Paano mo ito ipakikita?
Paglalahad
Hayaang gumawa ng isang bar graph ang mga bata upang maipakita ang
mga marka sa unang markahan. Gabayan ang mga bata sa gawaing ito.
Paano mo ito nagawa?
Ipabasa ang “Basahin Natin” sa LM, pahina 177.
Tungkol saan ang graph?
Ano-anong impormasyon ang makukuha sa graph?
Pasagutan ang “Sagutin Natin” sa LM, pahina 177.
Ipasulat sa paraang kabit-kabit ang mga impormasyong nakuha sa graph.
Ano-ano ang dapat tandaan sa pagsulat ng isang pangungusap?

71
Anong katangian ni Mang Nardo ang nakatulong upang makakuha siya ng
maraming itlog mula sa mga manok?
Kasanayang Pagpapayaman
Ipagawa ang “Gawin Natin” at “Sanayin Natin”sa LM, pahina 178.
Paglalahat
Ano ang natutunan sa aralin?
Ipabasa ang “Tandaan Natin” sa LM, pahina 179.
Karagdagang Pagsasanay
Pasagutan ang “Linangin Natin” sa LM, pahina 180.
Ipagawa ang “Sulatin Natin” sa LM, pahina 180.

IKALIMANG ARAW
Layunin
Nakasusunod nang wasto sa mga panuto
Panimulang Gawain
Gabayan ang mga mag-aaral ng mga dapat tandaan bago magsimula ng
pagsusulit.
Ipahanda sa mga mag-aaral ang mga kagamitan sa pagsusulit.
Ipabasa at ipaliwanag ang mga panuto.
A. Bilugan ang tamang sagot.
1. Malakas ang ulan. Nalimutan ni Ding na magdala ng payong.
Sumugod siya sa ulan. Kinabukasan hindi nakapasok si Ding sa
paaralan.
a. Nagkasakit siya.
b. Tinanghali ng gising.
c. Nalimutan niyang may pasok.
2. Katanghaliang tapat nang biglang lumakas ang hangin. Biglang
nagdilim ang kalangitan. Kumulog at kumidlat nang malakas. Malalim
ang tubig sa mga kalsada. Kinabukasan sinabi sa radyo na walang
pasok.
a. may ulan
b. may habagat
c. may low pressure area (LPA)
3. Nagtanim ng halaman si Ella. Dinidiligan niya ito araw-araw.
Nilalagyan rin niya ito ng pataba. Isang araw nakawala ang alaga
niyang manok. Nagpunta ito sa kanyang halamanan. Pagdating niya,
nagulat siya sa kaniyang nakita.
a. Natuyo ang halaman.
b. Nasira ang halaman.
c. Nagsilakihan ang mga halaman.
B. Isulat sa patlang ang angkop na panghalip pamatlig sa pangungusap.
4. Hawak ni Cora ang kaniyang bagong bag.
__________ ay bigay sa akin ni Nanay.
5. Nakita niya ang bag ni Cora.
__________ ba ay bigay sa iyo?

72
6. Nakita nila ang bagong bag ni Helen sa di kalayuan.
__________ ay katulad ng bag mo.
C. Suriin mabuti ang bar graph sa loob ng kahon. Sagutin ang mga tanong
hinggil dito. Isulat ang letra ng wastong sagot.

7. Anong prutas ang pinakagusto ng mga bata?


a. makopa b. mangga c. saging
8. Ilang bilang ng mag-aaral ang may gusto ng makopa?
a. 5 b. 15 c. 25
9. Anong mga prutas ang may parehong bilang sa graph?
a. saging at makopa c. mansanas at peras
b. manga at bayabas
10. Ilang uri ng prutas ang makikita sa graph?
a. walo b. anim c. tatlo
D. Bilugan ang salitang may wastong baybay.
11. koliglig kuliglig kolegleg
12. kobo kobu kubo
13. baso basu baaso
14. buku boko buko
15. kalapati kalapate kapalati
E. Ikahon ang dalawang salitang magkasingkahulugan.
16. bata paslit lalaki
17. maganda madikit marikit
18. mapurol matalas matalim
19. sariwa lanta bago
20. maliit mataas matangkad

73
Aralin 4: Sinabi Mo, Ramdam Ko
Lingguhang Layunin
Wikang Binibigkas
Nakikinig nang mabuti sa nagsasalita upang matukoy ang damdaming
ipinahihiwatig
Kamalayang Ponolohiya
Nababasa ang mga salitang may kambal katinig
Gramatika
Natutukoy ang mga panghalip panao na paari
Pag-unlad ng Bokabularyo
Natutukoy ang kahulugan ng di-pamilyar/bagong salita batay sa paggamit
ng mgapalatandaang nagbibigay ng kahulugan
Palabigkasan at Pagkilala sa Salita
Nasasabi ang pagkakatulad ng mga pantig
Pagsulat
Nasisipi nang wasto at maayos ang malalaking letra sa paraang kabit-kabit

UNANG ARAW
Layunin
Nakikinig nang mabuti sa nagsasalita upang matukoy ang damdaming
ipinahihiwatig
Paksang Aralin
Pagtukoy ng mga Damdamin
Tukoy-Alam
Paano mo ipinakikita o sinasabi kung masama ang iyong loob?
Paglalahad
Sino ang iyong kaibigan sa klase?
Ano ang madalas ninyong pinag-uusapan?
Pagpapayaman ng Talasalitaan
Piliin sa loob ng pangungusap ang kahulugan ng salitang may salungguhit.
1. Magkatoto sina Ben at Lino. Sila ay magkaibigan.
2. Dala-dala niya ang laruangpadala sa kanya ng ama.
Bitbit niya ang laruang bigay ng ama
Basahin ang kuwentong “Ang Magkaibigan” sa LM, pahina 181.
Pagtuturo at Paglalarawan
Pasagutan ang “Sagutin Natin”sa LM, pahina 182.
Ano ang damdaming ipinahihiwatig sa bawat talata?
Paano ito ipinakita?
Ano ang dapat gawin mo sa iyong mga laruan?
Ipabasa ang “Pahalagahan Natin.”
Kasanayang Pagpapayaman
Pasagutan ang “Gawin Natin” sa LM, pahina 183.
Ipakita ang mga damdaming isinagot sa pamamagitan ng facial expression
habang binabasa ang mga pangungusap.

74
Pasagutan ang “Sanayin Natin” sa LM, pahina 183.
Paglalahat
Ano ang natutunan mo sa aralin?
Ipabasa ang “Tandaan Natin” sa LM, pahina 184.
Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang “Linangin Natin” sa LM, pahina 184.

IKALAWANG ARAW
Layunin
Nababasa ang mga salitang may kambal katinig na -pr
Paksang-Aralin
Kambal Katinig na –pr
Kagamitan
larawan ng nasalanta ng bagyo
Tukoy-Alam
Ano ang ginawa mo nang magkaroon ng kalamidad sa bansa? Sa lugar
ninyo?
Paglalahad
Magpakita ng larawan ng mga nasalanta ng bagyo.
Paano mo sila tutulungan?
Gamit ang semantic web ibigay ang kahulugan ng pagtulong.
Basahin ang kuwentong “Ang Batang si Prado”, sa LM, pahina 185.
Pasagutan ang “Sagutin Natin”, pahina 186.
Pagtuturo at Paglalarawan
Talakayin ang kuwento.
Ano-anong salita ang may kambal katinig sa kuwento?
Anong kambal katinig ang narito?
Linangin ang bawat salita.
Paano naipakita ang pakikipagkapwa?
Kasanayang Pagpapayaman
Pasagutan ang “Gawin Natin” sa LM, pahina 186.
Ipagawa ang “Sanayin Natin” sa LM, pahina 187.
Paglalahat
Ano ang kambal katinig?
Karagdagang Pagsasanay
Pasagutan ang “Linangin Natin” sa LM, pahina 187.

IKATLONG ARAW
Layunin
Natutukoy ang mga panghalip panao na paari
Paksang-Aralin
Panghalip Panao na Paari
Tukoy-Alam
Ano ang madalas ninyong gawin ng iyong kaibigan?

75
Paglalahad
Paglalaro ng “Magtanungan Tayo”
Humanap ng kapareha.
Magpakita ng isang gamit sa kapareha.
Magtanungan tungkol sa mga dala-dalang gamit.
Ipabasa muli ang kuwentong “Ang Magkaibigan.”
Pagtuturo at Paglalarawan
Anong mga salita ang may salungguhit?
Ano ang pinalitan ng mga salitang ito?
Ano ang tawag sa mga salitang ito?
Kailan ginagamit ang mga salitang ito?
Kailan ito isahan? Maramihan?
Paano mo napasasaya ang iyong kaibigan?
Kasanayang Pagpapayaman
Pasagutan ang “Gawin Natin”at“Sanayin Natin”sa LM, pahina 188.
Paglalahat
Ano ang panghalip panao na paari?
Ipabasa ang “Tandaan Natin” sa LM, pahina 189.
Paglalapat
Pasagutan ang “Linangin Natin” sa LM, pahina 189.

IKAAPAT NA ARAW
Layunin
Nasisipi nang wasto at maayos ang malalaking letra sa paraang kabit-kabit
Paksang Aralin
Pagsipi ng Malalaking Letra
Tukoy-alam
Ipasulat sa mga bata ang letrang ididikta ng guro.
(Pumili ng mga letra na napag-aralan na ang pagsulat).
Paglalahad
Ano-ano ang letra sa alpabetong Filipino?
Ipabasa ang Dapat Tandaan sa Pagsulat sa “Basahin Natin” LM, pahina
190 .
Pagtuturo at Paglalarawan
Talakayin ang mga sagot sa “Sagutin Natin” sa LM, pahina 190.
Ipakita sa mga bata kung paano isulat ang malalaking letra.
(Isa-isang letra muna)
Bilangan habang ginagawa ito upang mas masundan ng mga bata.
Ipasulat ito sa hangin/ sa palad/sa likod ng kaklase.
Ipabakat ito sa pisara.
Pasulatin nito ang mga bata sa sulatang papel.
Gawin muli ang mga hakbang gamit naman ang ibang letra.
Bakit kailangang sumunod sa mga panuto?
Kasanayang Pagpapayaman
Ipagawa ang“Gawin Natin” sa LM, pahina 191.

76
Ipagawa ang “Sulatin Natin” at “Sanayin Natin” sa LM, pahina 191 at 192.
Paglalahat
Ano ang natutunan sa aralin ?
Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang “Linangin Natin” sa LM, pahina 192.

IKALIMANG ARAW
Layunin
Natutukoy ang panghalip panao na paari sa pamamagitan ng diyalogo
o pagsasakilos
Paksang Aralin
Pagtukoy sa mga Panghalip Panao na Paari
Paglalahad
Paglalaro ng “Acting Mo Premyo Mo”
Pagtalakay ng mga panuto na dapat sundin sa paglalaro.
1. Dapat na malinaw ang pagbigkas at nagagamit ang mga panghalip
panaona paari sa pagsasalita man o pag-arte.
2. Tiyaking ang mga salitang gagamitin sa diyalogo ay angkop o ang kilos
na isasagawa upang maging maayos ang daloy ng gawain.
3. 3-5 minuto lamang ang itatagal ng diyalogo o pag-arte.
4. Sinuman ang makasunod sa tatlong alituntunin ang makakukuha
namataas na marka.

Aralin 5: Kuwento Mo, Pakikinggan Ko!


Lingguhang Layunin
Wikang Bininigkas
Naikukuwento nang pabigkas ang nabasang teksto sa pamamagitan ng
graphic organizer
Estratehiya sa Pag-aaral
Nakagagamit ng graphic organizer sa pagtatala ng mga impormasyon mula
sa tekstong napakinggan
Kamalayang Ponolohiya
Nababasa ang mga salitang may kambal katinig na -kr
Gramatika
Natutukoy ang panghalip pananong
Pagsulat
Nasisipi nang wasto at maayos ang maliliit na letra sa paraang kabit-kabit
Pag-unlad sa Bokabularyo
Naiintindihan na ang ibang salita ay magkasingkahulugan at ang iba naman
ay magkasalungat

77
UNANG ARAW
Layunin
Naikukuwento ang nabasang teksto sa pamamagitan ng graphic organizer
Paksang Aralin
Pagkukuwentong Muli ng Nabasang Teksto
Paunang Pagtataya
Pasagutan ang “Subukin Natin” sa LM, pahina 193.
Tukoy-alam
Hayaang magsalaysay ang mga bata ng isang napakinggang kuwento.
Naisalaysay mo ba ito nang wasto at buong husay? Paano mo nasabi?
Paglalahad
Ano ang madalas ninyong gawin ng iyong kaibigan?
Pagpapayaman ng Talasalitaan
Bilugan ang kasingkahulugan at ikahon naman ang kasalungat ng nasa
unahang salita.
1. nakaugalian nakasanayan nakalimutan
natapos
2. tutuklawin kakainin kakagatin
kukurutin
3. iminulat pumikit kumindat
kumurap
4. tumibay nagpalayo nagpadikit
nagpatatag
5.pagmamalasakitan pagmamahalan pagmamasid
panloloko
Basahin ang kuwentong “Si Carlos at Si Felix.”
Pagtuturo at Paglalarawan
Pasagutan ang Sagutin Natin sa LM, pahina 194.
Talakayin ang mga bahagi ng kuwento sa pamamagitan ng graphic organizer.

Pamagat

Tagpuan

Mga
Tauhan

Mga
Pangyayari

Problema

Solusyon

* Maaaring gumamit ng ibang uri ng graphic organizer.

78
Isalaysay muli ang napakinggang kuwento sa tulong ng natapos na graphic
organizer.
Kasanayang Pagpapayaman
Pasagutan ang “Gawin Natin” sa LM, pahina 195.
Ipagawa ang “Sanayin Natin” sa LM, pahina 196.
Talakayin ang “Pahalagahan Natin.”
Paglalahat
Ano ang natutunan mo sa aralin?
Karagdagang Pagsasanay
Pasagutan ang “Linangin Natin” sa LM, pahina 197.

IKALAWANG ARAW
Layunin
Nababasa ang mga salitang may kambal katinig na kr
Paksang-Aralin
Kambal Katinig –kr
Tukoy-alam
Hayaang magbigay ang mga bata ng mga salitang may kambal katinig.
(Magsagawa ng isang pangkatang paligsahan. )
Paglalahad
Ano ang naiisip mo kapag naririnig ang salitang Pasko? Bakit?
Ipabasa ang kuwento tungkol kay Lea sa “Basahin Natin” sa LM, pahina
198.
Pagtuturo at Paglalarawan
Ipasagot ang mga tanong sa “Sagutin Natin” sa LM, pahina 198.
Ano-anong salita sa kuwento ang may kambal katinig?
Ano ang kambal katinig na ito?
Ano ang tunog nito?
Paano mo maipapakita ang pakikipagkapwa-tao?
Kasanayang Pagpapayaman
Pasagutan ang pagsasanay sa “Gawin Natin” sa LM, pahina 199.
Ipagawa ang “Sanayin Natin” sa LM, pahina 199.
Paglalahat
Ano ang kambal katinig?
Ipabasa ang “Tandaan Natin” sa LM, pahina 200.
Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang “Linangin Natin” sa LM, pahina 200.

IKATLONG ARAW
Layunin
Natutukoy ang panghalip pananong
Paksang-Aralin
Panghalip Pananong
Tukoy-alam

79
Ilan na ang nakarating sa palengke?
Ano-ano ang makikita dito?
Pagbabahaginan ng sariling karanasan ng mga bata.
Paglalahad
Maglaro ng “Magtanungan Tayo”
Hayaang magtanungan ang mga bata tungkol sa kanilang mga paborito.
Ipabasa ang usapan sa “Basahin Natin” sa LM, pahina 200.
Pagtuturo at Paglalarawan
Pasagutan ang “SagutinNatin” sa LM, pahina 201.
Talakayin ang mga salitang ginamit sa pagtatanong.
Kailan ginagamit ang mga salitang nabanggit?
Paano mo maipapakita ang paggalang sa mga matatanda kapag
nagtatanong?
Kasanayang Pagpapayaman
Pasagutan ang “Gawain Natin” sa LM, pahina 20.
“Sanayin Natin” sa LM, pahina 202.
Paglalahat
Ano-ano ang salitang ginamit sa pagtatanong?
Ipabasa ang “Tandaan Natin” sa LM, pahina 202.
Paglalapat
Ipasagot ang “Linangin Natin” sa LM, pahina 203.
Karagdagang Gawain
Gamitin sa pangungusap ang mga panghalip na pananong.

IKAAPAT NA ARAW
Layunin
Naiintindihan na ang ibang salita ay may kasingkahulugan at may kasalungat
Nasisipi nang wasto at maayos ang maliliit na letra sa paraang kabit-kabit
Paksang Aralin
Mga Magkasalungat at Magkasingkahulugang Salita
Tukoy-alam
Pagawain ng isang malaking bilog ang mga bata.
Bawat bata sa loob ng malaking bilog ay magbibigay ng isang salita.
Ang nasa kanan ng nagbigay ng salita ay ibibigay ang kasingkahulugang
salita nito.
Ang nasa kaliwa naman ay magbibigay ng kasalungat na salita.
Paglalahad
Ano ang ugali/katangian mo na katulad/kaiba sa iyong kapatid?
Nagkakasundo ba kayo sa mga bagay na magkaiba o magkapareho
kayo?Bakit? Bakit hindi?
Ipabasa ang kuwento sa “Basahin Natin” sa LM,pahina 203.
Pagtuturo at Paglalarawan
Punan ang graphic organizer sa “Sagutan Natin”sa LM, pahina 204 upang
maipakita ang pagkakaiba ng katangian ng mga tauhan sa teksto.

80
Talakayin ang mga salitang magkakapareho o magkasingkahulugan at mga
salitang kabaliktaran ang ibig sabihin o salitang magkasalungat.
Ano ang dapat ugaliin kapag nakikipaglaro?
Kasanayang Pagpapayaman
Ipagawa ang “Gawin Natin”at “Sanayin Natin”sa LM, pahina 205.
Paglalahat
Kailan nagiging magkasalungat ang mga salita? Magkasingkahulugan?
Karagdagang Gawain
Psagutan ang “Linangin Natin” sa LM, pahina 206.
Ipagawa ang “Sulatin Natin” sa LM, pahina 206.

IKALIMANG ARAW
Layunin
Nakasusunod nang wasto sa mga panuto
Nasasagot nang wasto ang mga tanong
Panimulang Gawain
Gabayan ang mga mag-aaral ng mga dapat tandaan bago magsimula ang
pagsusulit.
Ipahanda sa mga mag-aaral ang mga kagamitan sa pagsusulit.
Ipabasa at ipaliwanag ang mga panuto.
Pagtataya
A. Basahin ang mga pangungusap. Isulat ang angkop na salitang
pananong sa bawat salitang may salungguhit.
1. Mamasyal kami sa Rizal Park.
______ kami mamasyal?
2. Isasama kami ni Nanay sa palengke.
____ ang kasama namin?
3. Kaming apat ay pupunta doon.
__________ kaming pupunta doon?
4. Magdadala kami ng pagkain sa paaralan.
_________ ang dadalhin namin?
5. Manghihiram si Tatay kay Tiyo Jose ng sasakyan.
________ manghihiram ng sasakyan si Tatay.
B. Basahin ang kuwento at isulat ang sagot sa bawat katanungan.
Nang Maiwan si Erica
Sabado, nagpaalam si Aling Marta kay Erica upang dumalo sa
meeting. Ibinilin niya kay Erica na magsaing at huwag umalis ng
bahay.
Nang isasalang na niya ang kaldero ng “rice cooker”, biglang
nawalan ng kuryente. Tinawag niya si Tiya Belen upang magpatulong
sa pagsasaing.
Pinuntahan siya ni Tiya Belen at tinuruan.Tuwang- tuwa si
Nanay sapagkat nakita niya si Erica na binabantayan ang niluluto
niyag sinaing.

81
6. Ano ang pamagat?
7. Saan nangyari ang kuwento?
8. Sino-sino ang tauhan?
9. Ano ang suliranin?
10. Ano ang naging solusyon?
11. Ano ang gagawin ni Erica?
12. Bakita natuwa si Nanay?
C. Sabihin kung ang bawat pares ng mga salita ay magkasingkahulugan o
magkasalungat.
13. maliit – malaki
14. matalim – matalas
15. magulo – maingay
16. tahimik – payapa
17. maaraw - maulan
D. Punan ang patlang ng kasingkahulugan o kasalungat na salita na babagay
sa pangungusap.
18. Ang batang matalino ay nakasasagot sa tanong ng guro.
Siya ay ______ sa lahat ng asignatura.
19. Ang langgam ay kilala sa kasipagan
Samantalang ang tipaklong ay kilala sa ________.
20.Sa araw ay maliwanag, sa gabi ay ______.

Aralin 6: Komunikasyon
Daan Sa Pagbabago Ng Edukasyon
Lingguhang Layunin
Pang-unawa sa Binasa
Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari sa kuwento
Nagagamit ang mga pang-ugnay na salita tulad ng una, pangalawa,
sunod,pagkatapos at huli upang mailahad nang may pagkakasunod-sunod
ang nabasang kuwento
Gramatika
Natutukoy kung ang mga salita ay magkasingkahulugan
Nagagamit ang panghalip pamatlig na patulad
Kamalayang Ponolohiya
Nadadagdagan, nababawasan o napapalitan ng isang letra upang makabuo
ng isang bagong salita
Pagsulat
Nasisipi nang wasto at sa maayos ang mga salita sa paraang kabit-kabit

UNANG ARAW
Layunin
Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari sa kuwento

82
Nagagamit ang mga pang-ugnay na salita tulad ng una upang mailahad
nang may pagkakasunod-sunod ang nabasang kuwento
Paksang Aralin
Paggamit ng Salitang Pang-ugnay
Kagamitan
larawan ng batang nasugatan
Paunang Pagtataya
Pasagutan ang “Subukin Natin” sa LM pahina 207.
Tukoy –Alam
Naranasan ninyo na bang masugatan?
Paglalahad ng mga bata ng sariling karanasan.
Ano ibinigay sa iyong paunang lunas?
Paglalahad
Ipakita ang larawan ng isang batang nasugatan
Pag-usapan ang larawan.
Bakit kaya may sugat ang bata sa larawan?
Ano kaya ang ginawa niya upang gamutin ang sugat?
Pagpapayaman ng Talasalitaan
Linangin ang sumusunod na salita sa pamamagitan ng
- tunay na bagay
gamot na pula gasa
- kilos
hinikayat napalingon
Ipagamit sa sariling pangungusap ang mga bagong salita.
Basahin” Ang Magkakaibigan at Ang Pulubi” sa LM, pahina 207.
Pagtuturo at Paglalarawan
Pasagutan ang “Sagutin Natin”sa LM pahina 209.
Ano-ano ang pangyayari sa kuwento?
Aling pangyayari ang nauna? Sumunod? Pangatlo? Huli?
Paano mo nasabi kung paano ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
sa kuwento?
Ano-anong salita ang ginamit upang maipakita ang pagkakasunod-sunod ng
mga pangyayari?Ng pagkakaugnay-ugnay ng bawat isa?
Hayaang isalaysay muli ng mga bata ang napakinggang kuwento gamit ang
mga salitangpag-ugnay.
Paano maipapakita ang kabutihan sa kapwa?
Ipabasa ang “Pahalagahan Natin” sa LM,pahina 209.
Kasanayang Pagpapayaman
Pasagutan:
- “Gawin Natin” sa LM pahina 210
- “Sanayin Natin” sa LM,pahina 210

Paglalahat
Ano ang salitang pag-ugnay?
Ipabasa ang “Tandaan Natin” sa LM pahina 211.

83
Karagdagang Gawain
Pasagutan ang“Linangin Natin”saLM,pahina 211.

IKALAWANG ARAW
Layunin
Natutukoy ang mga salitang magkasingkahulugan
Paksang-Aralin
Magkakasingkahulugang Salita
Tukoy-alam
Paano mo babatiin ang isang kaibigan na may kaarawan?

Paglalahad
Ano ang pumapasok sa isipan kapag naririnig ang salitang malinis na
kapaligiran?
Ipabasa ang mga pangungusap sa “Basahin Natin” sa LM pahina 212.
Pagtuturo at Paglalarawan
Pasagutan ang “Sagutin Natin”saLM,pahina212.
Ano-ano ang salitang may salungguhit?
Ano ang kahulugan ng gusgusin? Marumi? Niyaya? Hinikayat?
Ano ang masasabi ninyo sa kahulugan ng mga salitang ito?
Hayaang magbigay pa ang mga bata ng mga salitang kasingkahulugan ng
marumi/niyaya.
Ipabasa ang “Pahalagahan Natin” sa LM,pahina 213.
Kasanayang Pagpapayaman
Ipagawa
- “Gawin Natin” sa LM pahina 213
- “Sanayin Natin” sa LM,pahina 213
Paglalahat
Kailan magkasingkahulugan ang mga salita?
Ipabasa ang “Tandaan Natin” sa LM, pahina 214.
Karagdagang Pagsasanay
Pasagutan ang Linangin Natin sa LM,pahina 215.

IKATLONG ARAW
Layunin
Nakikilala ang panghalip pamatlig na patulad
Nakasusulat ng kabit-kabit sa paraan na may tamang laki
Paksang Aralin
Panghalip Pamatlig na Patulad
Tukoy –alam
Ipakilala ang isang kaklase sa pamamagitan ng pagbibigay ng pangungusap.
Ipaturo ang isang bagay sa loobng silid-aralan.
Ilarawan ito ang lokasyon nito.
Ano-ano ang pangngalan na ginamit?

84
Ano-ano ang salitang ginamit upang hindi paulit-ulit ang ngalan na
nabanggit?
Ano ang tawag sa mga salitang ito?
Paglalahad
Muling balikan ang kuwentong” Ang Magkaibigan at ang Pulubi”
Pag-usapan ang larawan na makikita sa LM, pahina 207.
Ipabasa ang diyalogo mula sa kuwento.
Pagtuturo at Paglalarawan
“Sagutin Natin” sa LM pahina 215.
Pansinin ang mga binilugang salita sa kuwento,(Ganoon,Ganito,Ganyan)
Paano ginamit ang mga ito?
Ano ang tinutukoy ng ganoon? Ganito? Ganyan?
Kailan ginagamit ang ganoon? Ganito? Ganyan?
Ipagamit ang mga ito sa pangungusap.
“Pahalagahan Natin” sa LM,pahina 216.
Kasanayang Pagpapayaman
Ipagawa ang:
- “Gawin Natin” sa LM,pahina 216
- “Sanayin Natin” sa LM,pahina 217
Paglalahat
Ano ang panghalip pamatlig na patulad?
Ipabasa ang “Tandaan Natin” sa LM,pahina 217.
Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang “Linangin Natin” sa LM pahina, 217.
Ipagawa ang “Sulatin Natin”na makikitasa LM 218.
Ipakita sa mga bata kung paano isulat ang ilang mga salita.
Ipasulat ito sa hangin/ sa palad/sa likod ng kaklase.
Ipabakat ito sa pisara.
Pasulatin nito ang mga bata sa sulatang papel.

IKAAPAT NA ARAW
Layunin
Nadadagdagan,nababawasan o napapalitan ng isang letra upang makabuo
ng isang bagong salita
Paksang Aralin
Pagbuo ng mga Bagong Salita
Tukoy-alam
Ipagawa ang “Spot the Difference.”
* Maghanda ng mga larawan na gagamitin dito. Maaaring magpaguhit o
gumupit na lamang sa magasin.
Ano-ano ang pagkakaiba ng mga larawan?
Ano-ano ang nabawas? Nadagdag?
Paglalahad
Ipabuo sa mga bata ang puzzle ng larawan ng oso at aso.
Ano ang nabuong larawan?

85
Isulat ang sagot ng mga bata.
Ano ang napansin sa dalawang salita?
Basahin ang mga salita sa“Basahin Natin,”LM pahina 218.
Pagtuturo at Paglalarawan
Pasagutan ang mga tanong sa “Sagutin Natin” sa LM,pahina 219.
Ano ang napansin sa bawat pares ng salita?
Ano ang nangyari sa pagbabawas/pagpapalit ng ilang mga letra sa salita?
Ipabasa ang “Pahalagahan Natin” sa LM,pahina 219.
Kasanayang Pagpapayaman
Pasagutan
- “Gawin Natin” sa LM, pahina 219
- “Sanayin Natin” sa LM,pahina 220
Paglalahat
Ano ang natutunan mo sa aralin?
“Tandaan Natin” sa LM ,pahina 220.
Karagdagangg Gawain
Ipagawa ang “Linangin Natin” sa LM,pahina 221.

IKALIMANG ARAW
Layunin
Nasasagot nang wasto ang mga inihandang katanungan
Nakasusunod nang wasto sa mga panuto
Panimulang Gawain
Gabayan ang mga mag-aaral ng mga dapat tandaan bago magsimula ng
pagsusulit.
Ipahanda sa mga mag-aaral ang mga kagamitan sa pagsusulit.
Ipabasa at ipaliwanag ang mga panuto.
A. Isulat sa patlang ang tamang panghalip pamatlig na patulad.
1. Naglalaba si Aling Zeny.Katulong niya ang kaniyang anak na si Zel.
Habang naglalaba,itinuturo niya sa kaniyang anak ang tamang
pagkusot ng damit.“Anak, ________ang tamang paglalaba ng damit.
2. Nag-uusap ang mag- amang Juan at Joseph nang makita nila ang
isang binatang nagpapalimos.Sabi ni Juan,”Anak mag-aral kang
mabuti kung hindi ________ ang mangyayari sa iyo.”(Itinuturo ang
batang namamalimos)
3. Nakita ni Susan na nagbabasa ng aklat sina Sally, “_________ang
gagawin ko upang ako ay makapasa sa ating pagsusulit”sabi ni Susan.
B. Isulat ang kasingkahulugan ng mga sumusunod na salita.
4. panauhin
5. masarap
6. malusog
7. mabango
8. makislap
C. Palitan ang letra ayon sa sinasabi.Isulat nang wasto ang bagong salita
na mabubuo.

86
9. sako (unahan)
10. busog (unahan)
11. kasal (unahan)
12. lasap (unahan)
13. tulog (hulihan)
D. Basahin sa mga bata. Lagyan ng bilang 1 – 5 ang mga pangungusap
ayon sa wastong pagkakasunod-sunod ng mga ito.
Isang araw maagang nagising si Nora.Inayos niya ang kaniyang
higaan.Pumunta siya sa kusina upang maghilamos.Nagsepilyo din siya
ng ngipin.Pagkatapos ay nagsimula na siyang maglinis ng bahay.

Nagsepilyo din siya ng ngipin.


Isang araw maagang nagising si Nora.
Pagkatapos ay nagsimula na siyang maglinis ng bahay.
Pumunta siya sa kusina upang maghilamos.
Inayos niya ang kanyang higaan.

Aralin 7: Karanasan Ko, Iuugnay Ko

Lingguhang Layunin
Wikang Binibigkas
Naiuugnay ang sariling karanasan sa nabasang teksto
Pag-unlad ng Bokabularyo
Naiintindihan na ang mga salita ay may kasingkahulugan
Kasanayang Ponolohiya
Napapantig ang mga salitang may kambal katinig na -br
Gramatika
Natutukoy ang kailanan ng panghalip panao
Palabigkasan at Pagkilala sa Salita
Nagagamit ang palabigkasan upang mabigkas ang mga hindi kilalang salita
Pagsulat
Nasisipi nang wasto at maayos ang mga salita sa paraang kabit-kabit

UNANG ARAW
Layunin
Naiuugnay ang binasa sa sariling karanasan
Naiintindihan na ang mga salita ay may kasingkahulugan
Paksang Aralin
Mga Salitang Magkakasingkahulugan
Paunang Pagtataya
Pasagutan ang “Subukin Natin” sa LM, pahina 222.
Tukoy-Alam
Ano ang huli mong natanggap na regalo?Inasahan mo ba ito?

87
Ano ang naramdaman mo nang makatanggap ng isang bagay na hindi
naman inaasahan?
Paglalahad
Bigyan ng kaugnay na salita ang salitang sorpresa ayon sa karanasan.
Pagpapayaman ng talasalitaan
Hanapin ang mga salitang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit
sasumusunod na pangungusap.
1. Maligayang umuwi ng tahanan si Sophia galing sa paaralan at
dinatnan niyang masayang naglalaro ang kaniyang mga kapatid.
2. Nakita niya ang kaniyang nanay na nakatanaw sa kaniya.
3. Palaging umiiyak si Sophia kaya madalas siyang pinapagalitan ng
kaniyang nanay.
4. Magandang bag ang nakita niyang nakapatong sa mesa sa kaaya-
aya nilang sala.
5. Inilapag niya ang kaniyang paboritong libro kasama ang iba pang
aklat.
Basahin ang kuwentong “Sorpresa kay Sophia” sa LM, pahina 222.
Pagtuturo at Paglalarawan
Pasagutan ang“SagutinNatin” sa LM, pahina 223.
Ano ang karanasan na ipinakita sa kuwento?
May karanasan ka bana katulad nito?
Paglalahad ng mga bata ng sariling karanasan na katulad ng karanasan sa
kuwento.
Balikan ang kuwento.
Anong salita sa kuwento ang nangangahulugan ng paligsahan?
Ano pa ang ibang salita na kasingkahulugan ng paligsahan?
Ano ang maidudulot ng pagiging mabait at masunuring bata?
Ipabasa ang “Pahalagahan Natin” sa LM, pahina 223.
Kasanayang Pagpapayaman
Ipagawa
- “Gawin Natin” na makikita sa LM, pahina 223
- “Sanayin Natin” na makikita sa LM, pahina 224
Paglalahat
Ano ang natutunan mo sa aralin?
Basahin ang “Tandaan Natin” sa LM, pahina 225.
Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang “Linangin Natin” sa LM, pahina 225 .

IKALAWANG ARAW
Layunin
Napapantig ang mga salitang may kambal katinig na - br
Paksang Aralin
Kambal Katinig na br
Kagamitan
bronseng medalya

88
Tukoy-alam
Hayaang magbigay ang mga bata ng mga salitang may kambal katinig.
Ipatukoy sa ibang bata kung anong kambal katinig ang makikita sa ibinigay
na salita ng kaklase.
Paglalahad
Magpakita ng bronseng medalya.
Ipalarawan ito.
Hayaang magbahagi ang ilang mga bata ng kanilang karanasan sa
pagkakatanggap ng ganito.
Basahin muli ang “Sorpresa kay Sophia”.
Pagtuturo at Paglalarawan
Pasagutan ang “Sagutin Natin” sa LM, pahina 225.
Ano ang kambal katinig?
Ano-anong salita ang ginamit sa kuwento na may kambal katinig?
Ano ang kambal katinig na ginamit?
Linangin ang salitang bronse.
Ipapantig ito.
Ilang pantig mayroon ito?
Kilalanin ang salitang may kambal katinig sa bawat pangungusap.
1. Nakasuot ng sombrero ang magsasaka.
2. Maraming mamamayan ang nakiisa sa brigada eskuwela.
3. Bronse ang natanggap niyang medalya.
4. Setyembre nang umuwi siya sa lalawigan.
5. Tumulay sa alambre ang madyikero.
Ano ang dapat mong gawin kung makatanggap ka ng isang sorpresang
regalo?
Talakayin ang “Pahalagahan Natin” sa LM, pahina 226.

Kasanayang Pagpapayaman
Gabayan ang mga bata sa pagsagot
- “Gawin Natin”na makikita sa LM,pahina 226
- “Sanayin Natin” na makikita sa LM, pahina 226
Paglalahat
Ano ang kambal-katinig?
Tingnan ang “Tandaan Natin” sa LM, pahina 226.
Karagdagang Gawain
Pasagutan ang “Linangin Natin” sa LM, pahina 227.
Basahin ang pangungusap. Sipiin sa sagutang papel/kuwaderno ang mga
salitang may kambal-katinig at pagkatapos pantigin ito.
1. Noong nakaraang Disyembre, nagbigay kami ng pagkain at damit sa
mga batang ulila.
2. Maraming miyembro ng pangkat ang hindi nakikiisa.
3. Magandang kostumbre ng mga Pilipino ang pagiging magalang.
4. Masakit na ang braso ko sa paghahalo ng ube.
5. Ginamit ni nanayang alpombra niyang tsinelas.

89
IKATLONG ARAW
Layunin
Natutukoy ang kailanan ng panghalip panao
Paksang Aralin
Kailanan ng Panghalip Panao
Kagamitan
larawan ng paaralan
Tukoy-Alam
Ano ang panghalip? Panghalip Panao?
Ipagamit ang mga ito sa sariling pangungusap upang higit na makita kung
naunawaan ng mga mag-aaral. Kung hindi pa masyado, magkaroon ng mga
pagsasanay tungkol sa panghalip at sa pangkalip panao.
Paglalahad
Ipakita at pag-usapan ang larawan ng paaralan.
Ano ang ginagawa sa paaralan?
Basahin nang may tamang ekspresyon at lakas ng boses.
1. Inay, inay, heto na ako!
2. Para sa iyo ito, Inay!
3. Nanguna ako sa klase!
4. Mabuti kang mag-aaral, anak.
5. Matagal ko nang gustong magkaroon nito, Inay.
Basahin ang tulang “Kasiyahan sa Paaralan” sa LM, pahina 227.
Pagtuturo at Paglalarawan
Pasagutan ang “Sagutin Natin”
Ano-ano ang salitang may salungguhit?
Ano ang tinutukoy ng bawat salita?
Paano ito ginamit?
Ano ang tawag natin sa mga salitang ito.
Ano ang maaaring ibunga ng pagiging masipag ng isang bata sa pag-aaral?
Kasanayang Pagpapayaman
Ipagawa
- “Gawin Natin” na makikita sa LM, pahina 228
- “Sanayin Natin”sa LM,pahina229
Paglalahat
Ano-ano ang kailanan ng panghalip panao?
Ipabasa ang “Tandaan Natin” sa LM, sa pahina 230.
Karagdagang Pagsasanay
Pasagutan ang “Linangin Natin”sa LM, pahina 231.
Isulat sa kuwaderno ang salitang may salungguhit sa pangungusap at
kilalanin ang kailanan nito.
1. Kaniya ang nawawalang aklat.
2. Sa amin ang natatanaw mong bahay sa dulo.
3. Dumating na ang magandang kapalaran sa kanila.
4. Hindi na nila binalikan ang naiwang tsinelas.
5. Tayo ang magtutulungan sa paggawa ng proyekto.

90
IKAAPAT N A ARAW
Layunin
Nagagamit ang palabigkasan upang mabigkas ang mga hindi kilalang salita
Nasisipi nang wasto at maayos ang mga salita sa paraang kabit- kabit
Paksang Aralin
Pagkilala sa mga Hindi Kilalang Salita
Kagamitan
larawan ng lolo at lola
Tukoy-alam
Pagkukuwentuhan tungkol sa mga sariling lolo at lola.
Paano ninyo ipinapakita ang pagmamahal sa kanila?
Paglalahad
Pag-usapan ang larawan ng mga batang humahalik sa kamay ng
nakatatanda.
Ano ang nararamdaman ninyo kung kasama ninyo ang inyong lolo at lola ?
Basahin ang tulang “Si Lolo at Si Lola”na makikita sa LM, pahina 231.
Pagtuturo at Paglalarawan
Pasagutan ang “Sagutin Natin” sa LM, pahina 231.
Ano-anong salita ang hindi mo kilala sa tula?
Ano-anong letra ang bumubuo dito?
Ano ang tunog ng mga letra na bumubuo dito?
Ano-ano ang pantig na bumubuo dito?
Paano ito babasahin kapag pinagsama-sama na ang mga pantig?
Paano mo maipakikita ang pagmamahal sa inyong lolo at lola?
Kasanayang Pagpapayaman
Ipagawa
- “Gawin Natin” sa LM, pahina 232
- “Sanayin Natin” sa LM, pahina 233
Paglalahat
Ano ang natutunan sa aralin?
Palawakin ang pag-uusap sa ang “Tandaan Natin” sa LM, pahina 233.
Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang “Linangin Natin” sa LM, pahina 233.
Ipagawa ang “Sulatin Natin” sa LM, pahina 233.
Ipakita sa mga bata kung paano sumulat ng mga salita sa kabit-kabit na
paraan.
Ipasulat ito sa hangin/ sa palad/sa likod ng kaklase.
Ipabakat ito sa pisara.
Pasulatin nito ang mga bata sa sulatang papel.
Patnubayan ang mga bata sa pagsipi ng mga salita sa paraang kabit-kabit.

IKALIMANG ARAW
Layunin
Naiintindihan na ang mga salita ay may kasingkahulugan
Paksang Aralin

91
Mga Salitang Magkasingkahulugan
Panimulang Gawain
Bumuo ng apat na grupo.
Bawat grupo ay magbibigay ng salitang kasingkahulugan ng salitang ibibigay.

matanda mayaman

talino bayani

Pagtataya
A. Lagyan ng tsek (√) kung ang karanasan ay nagpapakita ng tamang
gawain at ekis (X) kung HINDI.
1. Nagtatanim ako ng puno sa aming bakuran
2. Nananalangin kami bago kumain at matulog.
3. Nagtatapon ako ng basura sa ilog.
4. Madalas akong mahuli sa klase.
5. Iniipon ko ang sobra kong baong pera.
B. Sipiin ang mga salitang magkasingkahulugan.
6. bansot mataba mataas matangkad
7. mabilis makupad mabagal malakas
8. mahirap marami mayaman pobre
9. maliwanag madilim maitim Malabo
10. kaibigan kaaway kalapit kasangga

Aralin 8: Nabasang Kuwento, Isasalaysay Ko


Lingguhang Layunin
Wikang Binibigkas
Naiuugnay ang sariling karanasan sa nabasang teksto
Naikukuwentonang pabigkas ang kuwentong nabasa
Kasanayang Ponolohiya
Napapantig ang mga salitang may kambalkatinig na -tr
Gramatika
Nasasabi ang panauhan ng panghalip panao
Pagsulat
Nasisipi nang wasto at sa maayos ang mga pangungusap sa paraang
kabit-kabit

92
UNANG ARAW
Layunin
Naikukuwento nang pabigkas ang nabasang kuwento
Paksang Aralin
Pagsasalaysay Muli ng Nabasang Kuwento
Kagamitan
larawan ng isang pamilya
Paunang Pagtataya
Pasagutan ang “Subukin Natin”sa LM, pahina 235
Tukoy-alam
Pag-usapan sa klase ang iba’t ibang sitwasyon na madalas makita sa
lansangan.
Paglalahad
Ipakitaat pag-usapan ang larawan ng isang pamilya.
Ipakumpara ang pamilya sa larawan sa sariling pamilya.
Pagpapayaman ng Talasalitaan
Paunlarin ang salitang nasa loob ng bilog sa pamamagitan ng pagbibigay ng
mga kahulugan nito.
Mapalad

Basahin ang tekstong “Mapalad Si Zyra”sa LM, pahina 234.


Pagtuturo at Paglalarawan
Ipagawa ang “SagutinNatin”sa LM, pahina 235.
Ano ang pamagat ng kuwento?
Saan naganap ang kuwento?
Sino-sino ang tauhan?
Ilarawan ang bawat tauhan.
Paano ito nagsimula?
Ano ang mga pangyayari dito?
Ano ang suliranin sa kuwento?
Paano ito nalutas?
Paano nagtapos ng kuwento?
Isalaysay muli ang kuwento gamit ang mga nabanggit na impormasyon?
Ano ang tunay na pagtulong sa kapwa?
Ipagawa ang “Pahalagahan Natin” sa LM, pahina 236.
Kasanayang Pagpapayaman
Ipagawa
- “Gawin Natin” sa LM, pahina 236
- “Sanayin Natin” sa LM, pahina 237
Paglalahat
Ano ang natutunan mo sa aralin?
Talakayin ang “Tandaan Natin”sa LM, pahina 237.
Karagdagang Pagsasanay
“Linangin Natin” sa LM, pahina 237.

93
IKALAWANG ARAW
Layunin
Napapantig ang mga salitang may kambal katinig na-tr
Paksang Aralin
Kambal Katinig –tr
Kagamitan
larawan ng trapo, trak, trumpo, troso
Tukoy-alam
Pantigin ang sumusunod na salita. Tukuyin ang letra/tunog na bumubuo sa
bawat pantig.
alambre Disyembre
bruha miyembro
brutal Nobyembre
Alin sa mga salita ang may kambal katinig? Walang kambal katinig?
Ipaliwanag ang sagot.
Paglalahad
Sabihin ang ngalan ng mga nasa larawan.
larawan ng larawan ng larawan ng larawan ng
trapo trak trumpo troso

Ipabasa ang mga sagot.


Ipapantig ang mga salita.
Ipabasa ang teksto sa LM, pahina 238.
Pagtuturo at Paglalarawan
Pasagutan ang “Sagutin Natin”sa LM, pahina 238.
Ano ang mga salitang may salungguhit?
Linangin ang mga ito.
Pantigin ang mga ito.
Ano ang kambal katinig sa mga salita?
Paano ito binibigkas?
Ano ang dapat nating gawin upang hindi dapuan ng sakit o karamdaman?
Ipabasa sa mag-aaral ang “Pahalagahan Natin” sa LM, pahina 238.
Kasanayang Pagpapayaman
Gabayan ang mga bata sa pagsasagawa ng
- “Gawin Natin” na makikita sa LM, pahina 239
- “Sanayin Natin” na makikita sa LM, pahina 239
Paglalahat
Anong kambal-katinig?
Karagdagang Gawain
“Linangin Natin”sa LM, pahina 240

IKATLONG ARAW
Layunin
Nasasabiang panauhan ng panghalip panao

94
Paksang Aralin
Panauhan ng Panghalip Panao
Kagamitan
larawan ng kagubatan
Tukoy-alam
Bigyanang mga bata ng kard na may nakasulat na mga letra.
H A A P NG P I L

Pagbigayin ang mga bata ng halimbawa ng nabuong salita.


Paglalahad
Ipakita at pag-usapan ang larawan ng isang kagubatan.
Ano ang dapat gawin sa mga punongkahoy?
Ano ang posibleng mangyayari kung hindi natin aalagaan ang mga puno sa
ating kapaligiran?
Ipabasa ang diyalogo sa“Basahin Natin” na makikita sa LM, pahina 240.
Pasagutan ang “Sagutin Natin” na makikita sa LM,pahina 241.
Ano-anong panghalip ang ginamit sa diyalogo?
Ano ang tinutukoy ng bawat panghalip?
Paano ito ginamit?
Ano ang ginawa ng panghalip sa pangungusap?
Paano mo mapangangalagaan angating kalikasan?
Kasanayang Pagpapayaman
Gabayan ang mga bata sa pagsagot
“Gawin Natin” sa LM, pahina 242
“Sanayin Natin”sa LM, pahina 242
Paglalahat
Ano ang panghalip panao?
Ipabasa ang “Tandaan Natin” sa LM pahina 242.
Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang “Linangin Natin”sa LM, pahina 242.

IKAAPAT NA ARAW
Layunin
Naiuugnay ang sariling karanasan sa tekstong nabasa
Tukoy-alam
Pag-usapan ang karanasan ng mga bata sa pagtulong sa kapwa.
Isulat sa pisara ang pangungusap na ibibigay ng mga bata tungkol sa
karanasang pinag-uusapan.
Basahin ang mga naisulat sa pisara. Gabayan ang mga bata na mabasa ang
mga ito.
Paglalahad
Basahin ang kuwento ni Zyra.
Ipagawa sa mga bata ang “Sagutin Natin”
Ilarawan si Zyra.
Ano-ano ang pangyayari sa kuwento?

95
Ano ang ginawa ni Zyra sa kuwento?
May ganito ka rin bang karanasan?
Pagbabahagi ng mga bata ng karanasang katulad ng kay Zyra.
Ano ang pakiramdam ng nakatutulong sa kapwa?
Bakit tayo tumutulong sa kapwa?
Buuin ang pahayag:
Tumutulong ako sa kapwa dahil___________________________.
Ipagawa ang “Gawin Natin”sa LM, pahina 243.
Kasanayang Pagpapayaman
Gabayan ang mga bata
“Gawin Natin”sa LM, pahina 244 at “Linangin Natin”, pahina 245.
Mula sa kuwentong “Ang Ulirang Magkapatid”magkuwento ng isang
karanasan na katulad ng nangyari sa binasang teksto.
Paglalahat
Paano natin naiuugnay angating karanasan sa binasang teksto?
Karagdagang Pagsasanay
Ipasipi ang pangungusap na nagpapakita ng paraan ng pagtulong sa kapwa.
Ako ay tumutulong kay Ina.
Pinulot niya ang nalaglag na panyo.
Ipagawa ang “Sulatin Natin” sa LM, pahina 245.

IKALIMANG ARAW
Layunin
Nasasagot nang wasto ang mga inihandang tanong
Mga Gawain
Gabayan ang mga mag-aaral sa mga alituntuning dapat tandaan bago
magsimula ang pagsusulit.
Ipahanda sa mga mag-aaral ang gagamitin para sa pagtataya.
Ipabasa at ipaliwanag ang mga panuto.
Pagtataya
Piliin ang letra ng mensahe ng sumusunod na pahayag.
1. Hindi ko kinalilimutan ang magtungo sa pook dalanginan tuwing araw
ng pagsamba.
a. madasalin c. mabait
b. mapagpasalamat sa Diyos
2. Mahilig akong kumain ng gulay.Maaga akong natutulog at maaga ring
gumigising.
a. Ako ay malusog. c. Ako ay tamad.
b. Ako ay sakitin.
3. Ang mag-anak na Delfin ay naglilinis ng bahay at bakuran tuwing
walang pasok. Masarap ang inilulutong ulam ng nanay.Sama-sama
silang kumakain.
a.Mahirap ang kanilang pamilya.
b.Mahigpit na ama si Mang Delfin.
c.Masaya ang pamilya ni Mang Delfin.

96
4. Kapag may natira akong baong pera inihuhulog ko ito sa aking
alkansiya.
a. matipid b. masinop c.kuripot
5. Maaga akong pumapasok sa paaralan. Nagwawalis na ako at inaayos
ang mga upuan.
a. masipag mag-aral b. matulungin c. mabait

Piliin ang panghalip panao at kilalanin kung ang panauhan nito ay una,
ikalawa at ikatlo ng salitang may salungguhit.
6. Ako ay pupunta sa bayan.
7. Si Zyra ay nanirahan sa paanan ng bundok kasama ang kaniyang mga
magulang.
8. Binigyan niya ng panyo ang matandang babae.
9. May dumating na kawal sa kanilang tahanan.
10. Ikaw, gusto mo rin bang makatulong sa kapwa?
Piliin ang salitang may kambal-katinig sa pangungusap.
11. Uso ang trangkaso dahil sa pagbabago ng panahon.
12. Mawawala raw ang daloy ng elektrisidad mamayang hapon.
13. Nagrali ang mga mamamayan kontra dengue.
14. Hinipan ang trumpeta sa pag-uumpisa ng palaro.
15. Tren ang sasakyan namin patungong Bicol.
Lagyan ng tsek (/) kung nararapat ang karanasan batay sa pagtulong sa
kapwa.Lagyan ng ekis (X) kung hindi.
16. Pinanood ko ang matandang tumatawid sa daan.
17. Ako ang nagtataob samantalang ang ate ko ang naghuhugas ng
pinggan.
18. Naglilipit ako ng aking higaan.
19. Tumutulong ako sa paglilinis ng silid-aralan
20. Ako ang taga-tiklop ng sinampay .

Aralin 9: Katangian Mo, Aalamin Ko


Lingguhang Layunin
Wikang Binibigkas
Nasasabi ang katangian ng mga tauhan sa nabasang kuwento
Naibibigay ang mensahe ng kuwentong binasa
Kamalayang Ponolohiya
Napapantig angmga salitang may kambal-katinig na -pr
Pag-unawa sa Pinakinggan
Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari sa nabasang kuwento
Gramatika
Nagagamit ang panghalip na panlunan bilang pamalit sa pangngalan
Pagsulat
Nakasusulat ng maliliit na letra sa paraang kabit-kabit

97
UNANG ARAW
Layunin
Nasasabi ang mensahe ng tekstong nabasa
Nasasabi ang katangian ng mga tauhan sa nabasang kuwento
Paksang Aralin
Paglalarawan ng mga Tauhan sa Kuwento
Kagamitan
larawan ng mag-anak na nasa isang pasyalan
Paunang Pagtataya
Pasagutan ang“Subukin Natin”sa LM, pahina 246.
Tukoy-alam
Saan kayo nagbabakasyon?
Pagbabahaginan ng karanasan tungkol sa nagdaang bakasyon.
Paglalahad
Ipakita at pag-usapan ang larawan ng isang pamilya na nasa pook-pasyalan.
Pagpapayaman ng Talasalitaan
Pag-ugnayin ng guhit ang magkasalungat na kahulugan ng mga salitang
nasa Hanay A at Hanay B.
Hanay A Hanay B
1. karaniwan a. malungkot
2. marumi b. pribado
3. maaga c. bihira
4. publiko d. malinis
5. masaya e. tanghali
Ipagamit ang mga bagong salita sa sariling pangungusap.
Basahin ang “Pamilya Kung Saan Ako Masaya”sa LM, pahina 246.
Ipagawa ang “Sagutin Natin”.
Sino-sino ang tauhan sa kuwento?
Ibigay ang kanilang katangian.
Tungkol saan ang kuwento?
Ano ang nais nitong ipahayag sa atin?
Paano mo nasabing ito ang mensahe?
Paano magiging masaya ang isang pamilya?
Ano ang gagawin mo upang maging masaya ang iyong sariling pamilya?
Ipabasa ang “Pahalagahan Natin”sa LM, pahina 248.
Kasanayang Pagpapayaman
Pasagutan ang “Gawin Natin”sa LM, pahina 248.
Basahin ang panuto at ipagawa ang “Sanayin Natin”sa LM, pahina 248.
Paglalahat
Ano ang natutunan mo sa aralin?
Ipabasa ang“Tandaan Natin”na makikita sa LM, pahina 248.
Ipagawa ang “Linangin Natin”, pahina 249.

98
IKALAWANG ARAW
Layunin
Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari sa nabasang teksto
Nahahati ang salitang may kambal katinig na-pr
Paksang Aralin
Kambal Katinig na -pr
Tukoy-alam
Ano-ano ang nasaksihan mong pangyayari sa iyong pagpunta sa
paaralanmula sa iyong bahay?
Obserbahan kung paano magkuwento ang mga bata.
Paglalahad
Iayos ang mga pagdiriwang na nakasulat sa tsart ayon sa tamang
pagkakasunod-sunod nito.
Bagong Taon
Araw ng mga Puso
Pasko
Araw ng mga Patay
Paano mo isinaayos ang mga pagdiriwang na nabanggit?
Muling pagbasa sa kuwento. “Pamilya Kung Saan Ako Masaya”
Pasagutan ang “Sagutan Natin” sa LM, pahina 249.
Ano-anong salitang may kambal-katinig ang ginamit sa teksto?
Isulat ang sagot ng mga bata sa pisara.
Basahin ito.
Anong katinig ang kambal dito?
Ano ang tunog ng kambal katinig na ito?
Pantigin ang mga salitang may kambal katinig.
Ipalakpak ito.
Ilang pantig mayroon ang bawat salita na nakatala?
Bakit kailangang magkaroon ng masayang oras kasama ang pamilya?
Talakayin ang“Pahalagahan Natin” sa LM, pahina 249.
Kasanayang Pagpapayaman
Gabayan ang mga bata sa “Gawin Natin” sa LM. Pahina 250 at “Sanayin
Natin” sa LM, pahina 250.
Paglalahat
Ano ang natutunan mo sa aralin?
Ipabasa ang“Tandaan Natin” sa LM, pahina 251.
Karagdagang Pagsasanay
Pasagutan ang “Linangin Natin” sa LM, pahina 251.
Pantigin ang mga salita
1.presidente 4. prinsesa
2. problema 5. preno
3. presinto

99
IKATLONG ARAW
Layunin
Nagagamit ang panghalip panlunan bilang pamalit sapangalan ng lugar
Paksang Aralin
Paggamit ng Panghalip Panlunan
Tukoy-alam
Ano ang mga salitang ginagamit sa lugar o pook?
Paglalahad
Muling pagbasa sa kuwentong “Pamilya Kung Saan Ako Maligaya”
Pansinin ang mga salitang initiman o “bold print”
Ano ang tinutukoy ng mga salitang ito?
Ano ang pinalitan ng mga ito?
Paano ito ginamit sa pangungusap?
Talakayin kung paano napapalitan ng panghalip panlunan ang mga ngalan ng
lugar o pook.
Ano ang maaaring idulot ng pagsasama-sama ng pamilya anuman ang
sitwasyon?
Paglalahat
Kailan ginagamit ang doon? Dito?Diyan?
Ipabasa ang “Tandaan Natin” sa LM, pahina 254.
Kasanayang Pagpapayaman
Pasagutan ang “Gawin Natin”at“Sanayin Natin” sa LM, pahina 252 at 253.
Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang “Linangin Natin” sa LM, pahina 254.

IKAAPAT NA ARAW
Layunin
Naisusulat nang may wastong baybayang mga salitang maytatlo o apat
napantig
Nasusulat ang maliliit na letra sa paraang kabit-kabit
Paksang-Aralin
Pagsulat nang may Wastong Baybay
Kagamitan
flashcards ng mga salitang natutunan na sa mga naunang aralin at sa ibang
asignatura
Tukoy-alam
Basahin at pantigin ang mga salita na makikita sa flashcards na inihanda.
* Ito ay mga halimbawa lamang, maaaring gumamit ng iba pang salita.

pasukan lalawigan labasan malawak

Paglalahad
Hayaang magsulat ang bawat bata ng mga salitang natutunan sa mga
nakaraang aralin.
Ipabasa ang mga ito sa mga bata.

100
Alin sa mga salitang ibinigay ang mga tatlong pantig? Apat na pantig?
Basahin muli nang kuwentong “Pamilya Kung Saan Ako Maligaya.”
Pasagutan ang“Sagutin Natin” sa LM, pahina 255.
Ipabasa sa mga bata ang mga salitang nakasulat ng pahilig sa binasang
kuwento.
Tama ba ang pagkakabaybay ng mga ito?
Kung mali paano ito itatama?
Pantigin ang salita.
Kasanayang Pagpapayaman
Ipagawa ang “Gawin Natin” na makikita sa sa LM pahina 255.
“Sanayin Natin”sa LM, pahina 256.
Paglalahat
Ano ang natutunan mo sa aralin?
Paglalapat
Ipagawa ang pagsasanay sa “Linangin Natin” sa LM, pahina 257.
Karagdagang Pagsasanay
Ipasulat sa mga bata ang ilang mga maliliit na letra sa kabit-kabit na paraan.
Ipagawa ang “Sulatin Natin” sa LM, pahina 258.

IKALIMANG ARAW
Layunin
Nasasabi ang katangian ng isang kaibigan o kamag-aral
Nakapagbibigay ng mga sariling gawain nang may tamang pagkakasunod-
sunod
Paksang Aralin
Paglalarawan ng Tao
Mga Gawain
A. Iguhit sa kahon sa ibaba ang iyong matalik na kaibigan at isulat ang
kaniyang mga katangian.

B. Bumuo ng pang-araw-araw mong gawain mula umaga hanggang gabi.


Isulat ang gawain ayon sa pagkakasunod-sunod.

101

You might also like