You are on page 1of 8

Masusing Banghay Aralin sa Filipino

Ikalawang Baitang, Authenticity

I. Layunin

Sa pagtatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang;

a. Nalalaman ang kahulugan ng Salitang Magkatugma

b. Nakakapagbibigay ng mga halimbawa ng Salitang Magkatugma

c. Nakikilala ang mga Salitang Magkatugma sa Pangungusap

II. Paksang Aralin

Paksa: "Mga Salitang Magkatugma"

Sanggunian: Mga pahina sa Teksbuk, Learner's Material p. 205-206

Kagamitan: Larawan, Kahon, Printed Materials, Manila Paper, Pentelpen

III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. Panimulang Gawain

1. Panalangin Opo, Ma'am.

"Tumayo ang lahat. Myka, maaari mo bang (Tatayo ang lahat ng mag-aaral at
pangunahan ang ating panalangin? mananalangin)

2. Pagbati

"Magandang umaga mga bata"

"Magandang Umaga din po Ma'am Ruffa"

3. Pagtatala ng Lumiban sa klase

"Bago tayo magsimula, Mayroon po bang


lumiban sa inyong kaklase?
"Wala po ma'am"

"Mabuti"
4. Balik-Aral

Sino sainyo ang nakakaalala kung ano ang


inyong huling tinalakay o pinagawa sa
Filipino noong nakaraan? Maam, pagsulat po ng kabit kabit.

Magaling! Ito ay patungkol sa pagsulat ng


mga salita sa kabit kabit na paraan.

B. Pagganyak

(Maglalagay ang guro ng dalawang kahon sa


ibabaw ng mesa)

"Ngayon mga bata, ano ang nasa ibabaw ng


"Kahon po"
mesa?"

"May dalawang kahon ako dito sa harap. Ano


(Magbibigay ng ibat-ibang opinion o hula ang
kaya ang laman ng mga kahon na ito?"
mag-aaral)

Okay, mga bata, ang laman ng mga kahong ito


ay mga hugis na may nakasulat na mga salita.
Pero ang mga hugis sa bawat kahon ay kalahati
lang. Hahanapin niyo ang kalahati sa kabilang
kahon upang mabuo ang mga hugis at pares ng
mga salita.
"Opo, Ma'am"
Maliwanag?

"Ngayon, kailangan ko ng sampung bata dito


para magbunot/kumuha sa dalawang kahon
pagkatapos hanapin ninyo ang inyong mga
kapareha upang mabuo ang mga hugis."

Sino ang nais na magbunot ng mga hugis? (Kukuha ng mga kalahating hugis ang mga
mag-aaral at hahanapin ang kanilang kapareha)

Ngayon, maaari niyo bang idikit sa pisara ang


mga hugis na inyong hawak-hawak?

"Opo, ma'am"

(Magdidikit ang mga mag-aaral sa pisara)


"Halina't basahin natin ng sabay-sabay ang (Magbabasa ng sabay-sabay ang mga mag-
pares ng salitang nakasulat sa mga hugis" aaral

"Ayon sa inyong ginawa, ano kaya ang ating (Magtataas ng kamay ang mga mag-aaral)
bagong aralin ngayong araw?"
"Tungkol po sa mga kalahating hugis"
"James"
(Magtataas ng kamay ang mga mag-aaral)
"Okay, Ano pang ibang sagot?"
"Ang ating bagong aralin ay tungkol sa mga
"Bea" salitang magkatugma"

"Magaling Bea!" Palakpakan natin siya.

Ang pares ng mga salitang ito ay mga salitang


magkatugma.

C. Paglalahad ng Aralin

(Ipapaskil sa pisara ang layunin)

Halina't basahin natin ng sabay-sabay ang


layunin. I. Layunin

Sa pagtatapos ng aralin ang mga mag-


aaral ay inaasahang;

a. Nalalaman ang kahulugan ng Salitang


Magkatugma

b. Nakakapagbibigay ng mga halimbawa ng


Salitang Magkatugma

c. Nakikilala ang mga Salitang Magkatugma sa


Pangungusap

D. Pagtatalakay

Ngayon, magbabasa tayo ng isang tula. Bago


natin basahin may mga pamatayan tayong
dapat sundin.

-Maupo ng maayos

-Makinig mabuti

-Tumingin sa harapan

-Huwag magsalita kung hindi tinatawag

-Itaas ang kamay pag gustong sumagot

-Huwag malikot
“ANG AKING KAIBIGAN”

Ang aking kaibigan ay maasikaso


Mahilig siya sa malaking laso.
Siya ay may alagang pusa
Palagi silang naglalaro sa ilalim ng mesa.
Mahal ko ang kaibigan kong si LIta
Dahil siya ay mabait na bata.

Ngayon, kayo naman ang magbabasa sa ating


“ANG AKING KAIBIGAN”
tula.
Ang aking kaibigan ay maasikaso
Mahilig siya sa malaking laso.
Siya ay may alagang pusa
Palagi silang naglalaro sa ilalim ng mesa.
Mahal ko ang kaibigan kong si LIta
Dahil siya ay mabait na bata.

Ngayon, mayroon akong kunting


katanungan sainyo.

Handa na bang sumagot? “opo”

Ano ang pamagat ng ating tula? -Ang aking kaibigan

Ano ang katangian ng kaibigan mo sa tula? -maasikaso

Ano naman ang kaniyang hilig? -mahilig siya sa malaking laso

Ano naman ang kaniyang alaga? -pusa


Tama!

Saan palagi naglalaro ang kaniyang


kaibigan? -sa ilalim ng mesa

Ano ang ugali ni Lita? -Mabait na bata

Sa una at ikalawang talata,ano ang mga -Maasikaso at Laso


salitang nasalungguhitan?

Anp ang napansin ninyo sa mga salita?


-Magkaparehas ang tunog sa hulihan

Tama!

Dadako naman tayo sa ikatlo at ikaapat na -Pusa at mesa


talata. Ibigay ang mga nasalungguhitang
salita.
Magkaparehas ba ang tunog sa hulihan Bea? -Opo

Sa ikalima at ikaanim na saknong ibigay -Lita at Bata


ang mga salitang nasalungguhitan.

Basahin ng sabay-sabay ang mga pares ng


salita sa tula.

Maasikaso-Laso Maasikaso-Laso
Pusa-Mesa Pusa-Mesa
Lita-Bata Lita-Bata

Mahusay mga bata!

Àno nga ba ang Salitang Magkatugma?

(Ipapaskil sa pisara ang ibig sabihin ng Salitang


Magkatugma).

Basahin natin ng sabay-sabay

Salitang Magkatugma- Ang salitang Salitang Magkatugma- Ang salitang


magkatugma ay mga salitang magkatunog ang magkatugma ay mga salitang magkatunog ang
bigkas sa dulo o hulihan. bigkas sa dulo o hulihan.
Naiintindihan? Opo
Mayroon ako ditong mga halimbawa ng mga
pares ng salita na magkatugma basahin natin
ito ng sabay-sabay.

1.

MAIS-IPIS MAIS-IPIS

2.

GULAY-PALAY GULAY-PALAY

3.

MATA-LATA MATA-LATA

4.
LANGKA-BANGKA LANGKA-BANGKA

5.

ALAK-BULAKLAK ALAK-BULAKLAK
Ang mga pares ng mga salitang ito ay mga
salitang magkatugma.

Naiintindihan? Opo

E. Paglalapat

Ngayon, Hahatiin ko kayo sa tatlong pangkat.


Magbilang tayo mula isa hanggang tatlo.

(Paalala sa pamantayan)

1. ✓

2. ✓

3.❌

4. ❌

5. ✓

1. Mata-Lata

2. Dahon-Kahon

3. Talong-Gulong

4. Lapis- Walis

5. Buto-Bato

1.A

2.A

3.A

4.B

5.B
F. Paglalahat

Ano ang ibig sabihin ng Salitang Magkatugma?


Ang salitang magkatugma ay mga salitang
magkatunog ang bigkas sa dulo o hulihan.

Magaling! Tandaan, Ang salitang magkatugma


ay mga salitang magkatunog ang bigkas sa
dulo o hulihan.

G. Pagtataya

(Magbibigay ng indibidwal na pagsusulit ang


guro)

Lagyan ng tsek (✓) sa loob ng kahon kung ang


pares ng larawan ay magkatugma at ekis (×)
naman kung hindi magkatugma.

1.
1.✓

2.✓

3.✓
BOLA-PALA
4.✓

5.❌
2.

GULAY-TINAPAY

3.

SABON-IBON

4.

ASO-BASO

5.
MATA-SALAMIN

IV.

Takdang-Aralin:

Gumuhit ng isang bagay na makikita sa loob o


labas ng bahay. Isulat ang pangalan nito.

Ruffa Mae J. Espayos

BEED-4A

Pre-Service Teacher

Irma B. Ansus

Grade-2 Adviser

Cooperating Teacher

You might also like