You are on page 1of 5

Masusing banghay Aralin sa Filipino 2

I. Layunin

Pagkatapos ng klase, ang mga mag aaral ay inaasahan na;

a. nalalaman ang kahulugan ng salitang “magkasalungat”,

b. nakakapagbigay ng mga halimbawa ng salitang magkasalungat,

c. nakikilala ang mga salitang magkasalungat sa pangungusap at,

d. nagagamit ang mga salitang magkasalungat sa pangungusap.

II. Paksang Aralin

Paksa: Mga salitang magkasalungat

Sanggunian: Learner’s Material p.205 – 206

Kagamitan: Kahon, mga larawan, colored paper, cartolina.

III. Pamamaraan

Gawaing Guro Gawaing Mag – aaral


A. Paghahanda

1. Panalangin
Tumayo ang lahat. Ahmad maaari mo bang Opo, Ma’am
pangunahan ang ating panalangin? (Tatayo ang lahat ng mag aaral at mananalangin)

2. Pagbati
Magandang umaga mga bata! Magandang umaga din po Bb. Janisah.

3. Pagtatala ng lumiban sa klase


Bago tayo magsimula, tingnan muna kung sino sa
inyong mga kaklase ang lumiban ngayong araw. Wala po Ma’am.

Mabuti.

B. Balik – Aral
Mga bata, ano ang ating huling pinag-aralan sa (Magtataas ng kamay ang mga mag – aaral)
Filipino?

Yes, Analia? Ang ating huling tinalakay ay ang amg


magkasingkahulugan na mga salita.

Mahusay!

Sino naman ang makapagbiigay ng halimbawa ng (Magtataas ng kamay ang mga mag-aaral)
salitang magkasing-kahulugan.

Aina? Maganda – Marikit

Magaling! Ako’y natutuwa dahil naaalala niyo pa


ang ating huling aralin.
C. Pagganyak

(Maglalagay ang guro ng dalawang kahon sa


ibabaw ng mesa)

Ngayon mga bata, ano ang nasa ibabaw ng mesa? Kahon po Ma’am.
May dalawang kahon ako dito sa harap. Sa tingin
niyo class, ano kaya ang laman ng mga kahon na
ito? (Magbibigay ng iba’t – ibang opinion or hula ang
mga mag – aaral)
Okay! mga bata ag laman ng mga kahong ito ay
mga hugis na may makasulat na mga salita. Pero
ang mga hugis sa bawat kahon ay kalahati lang.
Hahanapin niyo ang kalahati sa kabilang kahon
upang mauo ang mga hugis at pares ng mga salita.

Naintindihan ba?

Ngayon, kailangan ko ng sampong bata dito para Opo Ma’am.


magbunot/kumuha sa dalawang kahon pagkatapos
hanapin ninyo ang inyong mga kapareho upang
mabuo ang mga hugis.

(Pipili ang guro ng mga mag – aaral)

Ngayon, maaari niyo bang idikit sa pisara ang mga (Kukuha ng mga kalahating hugis ang mga mag –
hugis na inyong hawak – hawak? aaral at hahanapin ang kanilang kapareho)

Opo Ma’am.
(Magdidikit ang mga mag-aaral sa pesara)

Malawak

Masikip

Duwag

Matapang
Natalo

Nanalo

Payat Mataba

Matangkad

Mababa

Halina’t basahin natin ng sabay sabay ang mga


pares ng salitang nakasulatsa mga hugis.
(Magbabasa ng sabay sabay ang mga mag – aral)

D. Pagtatalakay

Ayon sa inyong ginawa, ano kaya ang ating bagong


aralin ngayong umaga? (Magtataas ng kamay ang mga mag-aaral)

Jalil?
Satingin kop o, ang ating bagong aralin ay tungkol
sa mga salitang magkabaliktad ang kahulugan
Magaling Jalil.

Okay mga bata, ang ating bagong aralin ngayon ay


tungkol sa mga salitang magkabaliktad ang
kahulugan o mga salitang magkasalungat.

(Isusulat ng guro ang kahulugan ng salitang


magkasalungat)

MAGKASALUNGAT – mga salitang magkaiba o


magkabaliktad ang kahulugan.

Basahin natin ng sabay – sabay ang kahulugan ng (Magbabasa ang mga mag-aaral ng sabay-sabay).
magkasalungat.
Ilan sa mga halimbawa ng mga salitang
magkasalungat ang mga idinikit ninyo dito sa
pisara.
(magbabasa ang mga mag-aaral ng mga
Halina’t basahin natin ulit ang mga halimbawa. halimbawa)

Ngayon, maliban sa mga halimbawa na nasa pisara, (magtataas ng kamay ang mga mag-aaral)
sino pa ang makapagbibigay ng mga halimbawa ng
mga salitang magkasalungat?
Malayo – Malapit
Yes, Ahmad?

Magaling! Ang salitang malayo at malapit ay


magkasalungat.
(magtataas ulit ng kamay ang mga mag-aaral)
Sino pa ang makapagbibigay ng halimbawa?

Yes, Aliah? Malaki – Maliit

Magaling! Aliah

Ngayon, meron akong mga larawang ididikit sa


pisara. Ang gagawin ninyo ay ilarawan ang mga
bagay o ang nasa larawan. Naintindihan ba? Opo Ma’am.

(Ididikit ng guro ang mga larawan)

Sino ang makapag lalarawan ng unang larawan? (magtataas ng kamay ang mga mag-aaral)

Okay Mary Grace. Mainit po ma’am.

Pakisulat ang iyong sagot sa ibaba ng larawan kung (magsusulat si May Grace sa ibaba ng larawan)
saan ang kasalungat niya.

Sino naman ang makapaglalalarawan sa Ma’am?


pangalawang larawan?

Yes Ana? Malamig.

Mahusay! ngayon, basahin natin ang kanilang


isinulat sa ibaba ng mga larawan.

Ang mainit at malamig ay mga salitang kasalungat


ng kape at ang yelo.

(Ang guro ay patuloy na magtatanung hanggang sa (ang mga mag-aaral ay sasagot sa mga tanong ng
huling larawan) guro)

Basahin natin ang mga sagot ng inyong mga (magbabasa ang mga mag-aaral)
kaklase.

E. Paglalahat

Mga bata, naintindihan niyo ba ang ating aralin Opo, Ma’am.


ngayong umaga?

Titingnan ko kung naintindihan niyo nga ang ating


aralin. Mayroon pa tayong gagawin.

(Magbibigay ang guro ng name tag na ang


nakasulat ay mga salitang magkasalungat)

Pakidikit ang mga kapirasong papel sa inyong


dibdib. Ang gagawin niyo ay hanapin ang inyong
mga kapareha or hanapin ang kasalungat ng
salitang napunta sa inyo.

Habang hinahanap niyo ang inyong kasalungat,


magpapatugtog ako. Dapat matapos ang tugtog ay
nahanap niyo na ang inyong kapareha.

Naintindihan mga bata? Opo Ma’am.


(Gagawin ng mga bata ang gawain)
Ako’y lubos na natutuwa dahil naintindihan ninyo
ang ating aralin

IV. PAGTATAYA

Panuto: Sa loob ng 10 minuto, piliin sa kahon ang


kasalungat ng mga salita sa ibaba.

maalat tulog mahina

tahimik mababa

1. Matangkad ___________________________
2. Matamis ______________________________
3. Maingay ______________________________
4. Gising ____________________________
5. Malakas _____________________________

V. TAKDANG ARALIN

Panuto: Gumuhit ng mga magkasalungat na mga salita o bagay.

Inihanda ni:

JANISAH P. IMAM

BEED 3 C-1

You might also like