You are on page 1of 7

Masusing Banghay Aralin

sa
Filipino

Kurso: Education Major sa Filipino Petsa: Ika-22 ng Mayo


Taon: Ikalawang taon Oras: 7:00-8:00 AM

I. Mga Layunin

Sa pagtatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:


a. Natutukoy ang iba’t-ibang uri ng antas ng wika
b. Nakapagbabahagi ng sariling halimbawa ng mga salita sa bawat uri ng antas ng
wika sa malikhaing paraan
c. Napapahalagahan ang bawat antas ng wika

II. Paksang Aralin

a. Paksa: Mga antas ng Wika


b. Sangunian: https://www.slideshare.net/Reyuher.Daypuyart/antas-ng-antas-ng-
wika-77091438 https://prezi.com/mv6cs39hhmg-/f7-antasng-wika/
c. Kagamitang pampaturo:Laptop, television, Biswal na mga material o mga
kagamitang papel

III. Pamamaraan

Gawain ng guro Gawain ng mag-aaral

A. Panimulang Gawain
a. Pagbati
-Magandang araw sa inyong lahat mga Mga mag-aaral: Magang araw din po
minamahal kong mag-aaral! Ma’am!
b. Panalangin
-Magsitayo ang lahat at tayo’y manalangin.
Maaari mo bang pangunahan ang ating
panalangin binibining_______________? Mag-aaral: Opo ma’am (Pumunta
sa harapan at pinangunahan ang
panalangin)

c. Pampasigla
-Manatiling nakatayo para sa ating
maikling ehersisyo o pampasigla. Sundan
lang ang nasa television.

Handa na ba kayo? Kung handa na’y


sumagot ng handang handa na po! Mag-aaral: Handang-handa na
po!
d. Pagsasaayos ng silid-aralan
-Bago tayo magsimula sa ating tatalakayin
ngayon ay ihanda muna ninyo ang inyong
mga sarili. Mga mag-aaral: Opo ma’am!

-Pakiayos ang inyong mga upuan at


pulutin ang mga basurang makikita
sa sahig. Mga mag-aaral: (Nasiayos ng
kanilang mga upuan)
e. Pagtatala ng liba
-Sino ba ang lumiban sa araw na ito? Mga mag-aaral: Wala po ma’am!
Mabuti, bigyan ng limang palakpak ang
ating mga sarili dahil tayo ay kompleto
sa araw na ito.
Mag-aaral: (Pumalapak)
F. Pagbabalik-aral
Sino ang nakakaalala sa paksang ating
tinalakay sa ating nakaraang pagkitkita.

Bb. Cabual? Cabual: Ang paksang ating


tinalakay sa nakaraang
pagkikita ay tungkol sa…
Tama! Maraming salamat!

g. Pagganyak
-Handa na ba kayong tuklasin ang topiko o
paksa ngayong araw! Mag-aaral: Opo, ma’am!

-Bago tayo dumako sa paksang ating


tatalakayin ay may inihanda muna ako
para sa inyo.

-Ngayon ay hahatiin ko kayo sa dalawang


grupo, unang pangkat (itinuro ang
kaliwang bahagi) at ikalawang pangkat
(itinuro ang kanang bahagi).
Ang gagawin n’yo lamang ay pumili
ng representante na hahanap at bibilog
sa mga salitang sa tingin ninyo ay may
kaugnayan sa paksang ating tatalakayin.
Hanapin n’yo ito sa loob lamang ng
tatlong (3) minuto.

Maliwanag po ba? Mag-aaral: Opo, ma’am!

Kung gayon, maaari na kayong mag-umpisa. (Pumunta sa pisara ang mga


Representante)
Mga salitang nabilogan:
Pormal
Di pormal
Pambansa
Pampanitikan
Lalawiganin
Kolokyal
Balbal
Pakibasa ng sabay-sabay ang mga nabilogang
salita. Mag-aaral: ( Binasa ang mga
nabilogang salita)

Basi sa mga nabilogang salita, ano kaya


ang paksang ating tatalakayin ngayon?
Magbibigay ako ng pabuya sa makasagot. Mag-aaral: Ang paksang ating
tatalakayin ngayon ay tungkol
sa Mga antas ng Wika

Tama! (Ibinigay ang pabuya)

B. Paglalahad
Ngayong umaga ay tatalakayin natin
ang tungkol sa mga antas ng wika.

May ideya ba kayo kung ano ang mga


antas ng wika? Mga mag-aaral: (Nagtataas ng
kamay)
Bb. Montecino? Bb. Montecino: Ang mga antas
ng wika ay… .

Tama!
Ang mga antas ng wika ay nahahati
sa dalawa, ito ay ang Pormal at Di-pormal.

Pakibasa ng sabay sabay….


Pormal
 Ginagamit sa paaralan, panayam,
seminar, aklat, at iba pa. Mga mag-aaral: (Binasa ang
mga pinabasa ng
guro)
1. Pambansa
 Ginagamit ng karaniwang manunulat
Sa aklat o mga salitang kabilang sa
wikang Filipino.
(Ipinaliwanag ng guro)
2. Pampanitikan
 Ginagamit pangkatha ng dula
at iba pang likhang pampanitikan.
(Ipinaliwanag ng guro)
Di-pormal
 Antas ng wika na ginagamit sa pang
araw-araw.
(Ipinaliwanag ng guro)
1. Lalawiganin/Panlalawigan
 Mga salitang karaniwang ginagamit sa
mga lalawigan o probinsya.
(Ipinaliwanag ng guro)
2. Kolokyal
 Ang pagsasama ng dalawang wika.
(Ipinaliwanag ng guro)
3. Balbal/Pabalbal
 Pinakamababang uri ng wika
(Ipinaliwanag ng guro)

Naintindihan lang po ba? Mga mag-aaral: Opo, ma’am!


Nakuha lang ba? Kung nakuha ay
sabihing kuhang kuha po! Mga mag-aaral: Kuhang kuha po!

Wala na ba kayong mga katanongan? Mga mag-aaral: Wala na po


Ma’am!
Mabuti!
C. Applikasyon
-Kung gayon, dahil wala na kayong mga
katanongan, sa puntong ito ay magkakaroon
tayo ng pangkatang gawain. Naipangkat ko na
kayo kanina kaya tayo’y magpapatuloy na.

Pakibasa ng sabay-sabay ang panuto. Mga mag-aaral: Magbahagi ng


sariling halimbawa ng
mga salita sa bawat uri
ng antas ng wika
(Pambansa, Pampanitikan,
Lalawiganin/Panlalawigan,
Kolokyal, Balbal/Pabalbal)
at ibahagi ito sa klase sa
malikhaing paraan.
Mayroon lamang kayong
limang minuto para gawin
ito.
Narito ang mga pamantayan,
maaari n’yo bang basahin? Mga mag-aaral:
Nilalaman 20%
Presentasyon 15%
Kooperasyon 15%
Maraming salamat, maaari na kayong
magsimula.
(Nagbabahagi ng kanilang mga
Presentasyon ang mga mag-aaral)

(Binigay ng guro ang kanilang


mga puntos)
May mga katanongan pa ba kayo? Mga mag-aaral: Wala na po!

D. Paglalahat
Kung gayon, ako ang magtatanong.
May inihanda akong mga lobo para sa inyo.
Sa loob ng mga lobong ito ay may mga
larawan, larawan ng mga maswerteng
mag-aaral. May pabuya ako sa
makasagot.

Babasahin ko muna ang katanongan


at pagkatapos ay pipili ako ng mag-aaral na
magpapaputok sa lobo na aking napili.

Maliwanag lang po ba? Mga mag-aaral: Opo, ma’am!


Handa na ba kayo? Kung handa na’y
Sabihing handang handa na po! Mga mag-aaral: Handang handa na
Po!

(Pumili ng lobo)
Ang tanong ay “Ito ang pinakamababang
uri ng antas ng wika, ano ito?”

Altesa maaari mo bang tusokin ng


ballpen ang hawak kong lobo? Altesa: Opo, ma’am!
(Pumunta sa harapan at tinusok ang
lobo)
Ayan! Sino ba ang nasa larawan? Mga mag-aaral: Si________________.
Mag-aaral: (Tumayo at sumagot) Ang
Pinakamababang uri ng antas ng wika
ang Balbal.

Tama! (Binigay ang pabuya)

(Pumili ng lobo)
(Binasa ang tanong)
“Ito ang karaniwang ginagamit sa
pagsulat ng akdang pampanitikan.”.

(Pinaputok ni Altesa ang lobo) Mag-aaral na nasa larawan:


Pampanitikan po ma’am.
Tama! (Binigay ang pabuya)

(Pumili ng lobo)
(Binasa ang tanong)
“Ito ang ginagamit ng karaniwang
manunulat sa aklat o mga
salitang kabilang sa wikang Filipino.”
(Pinaputok ni Altesa ang lobo) Mag-aaral na nasa larawan:
Pambansa po ma’am.

Tama! (Binigay ang pabuya)

(Pumili ng lobo)
(Binasa ang tanong)
“Ito ang mga salitang karaniwang
Ginagamit sa mga lalawigan o
Probinsya.”
(Pinaputok ni Altesa ang lobo) Mag-aaral na nasa larawan:
Lalawiganin po ma’am.

(Pumili ng lobo)
(Binasa ang tanong)
“Ibigay ang limang uri ng antas ng wika”
(Pinaputok ni Altesa ang lobo) Mag-aaral na nasa larawan:
Pambansa, Pampanitikan, Lalawiganin,
Kolokyal at Balbal.
E. Pagtataya
Panuto: Kumuha ng ¼ na papel at
sagutan ang mga sumusunod na
katanongan.

1. Anong uri ng antas ng wika ang


karaniwang ginagamit
sa pagsulat ng akdang pampanitikan?
2. Ano ang pinakamababang uri
ng antas ng wika?
3. Ginagamit ng karaniwang
manunulat sa aklat o mga
salitang kabilang sa wikang Filipino.
4. Salitang karaniwang ginagamit sa
mga lalawigan o probinsya.
5. Ibinigay ang limang uri ng
antas ng wika.
6-10. Bilang mag-aaral, paano mo
napalahalagahan ang bawat
antas ng wika?
IV. Takdang aralin
Panuto: Pag-aralan ang paksang itinalakay dahil magbibigay ako ng pagsusulit sa susunod
nating pagkikita.

INIHANDA NI:
Anna Mae M. Engreso BSED FILIPINO II

You might also like