You are on page 1of 6

DE LEON, MA.

ERICA; TOMAS, KRISTAL GALE; BATARA, KRISHNA KEITH ~ BEED 3


MASUSING BANGHAY SA FILIPINO 2
Ikaapat na Markahan - Bahagi ng Pangungusap

I. LAYUNIN
 Nakapagtatamo ng bagong kalaman hingil sa pangungusap at mga bahagi nito.
 Nasusuri ang pagkakaiba ng paksa at panaguri.
 Nakakagawa ng pangungusap na may paksa at panaguri.
II. PAKSANG ARALIN
PAKSA: Bahagi ng Pangungusap
SANGUNIAN: Pinagyamang Pluma, Marasigan Emily V., pp 329 - 331
KAGAMITANG PANTURO: Laptop, Projector/TV, at ilang nakasulat na kagamitang panturo.
PAGPAPAHALAGA: Pagpapahalaga sa pakikipagtulungan
III. PROSESO NG PAGKATUTO
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL
Magandang araw mga bata.
Magandang araw po teacher.
[Magtatawag ng mag-aaral upang pangunahan
ang panalangin]
Tayo ay manalangin, sa ngalan ng Ama, ng
Anak, ng Espiritu Santo, Amen….
Muli magandang umaga mga bata.
Magandang umaga din po ma’am. Praise be
Jesus Christ Mary and Joseph.
Now and forever.
Amen.
Maari niyo bang pulutin ang mga kalat na papel
sa ilalim ng inyong mga silya. Matapos ang inyong
pagpupulot, inyo namang ayusin ang inyong mga
upuan.
[Magpupulot ang mga mag-aaral ng mga kalat
at aayusin ang kanilang mga upuan.]
Maari na kayong umupo sa inyong mga upuan.
Maraming salamat po teacher
Mayroon bang lumiban sa klase ngayon?
Wala pong lumiban ngayon teacher
Mabuti kung ganon.

A. PAGGANYAK
Ngayon may inihanda akong mga larawan.
Inyong tutukuyin kung ano ang ginagawa ng mga
bata sa larawan. Paalala mga bata, kung gustong
sumagot, magtaas lamang ng kanang kamay, hindi
kinakailangang sumigaw, dahil nakikita ko kayong
lahat, maliwanag ba?
Opo, teacher.
Kung sino ang makasasagot sa aking mga
katanungan ay bibigayan ko ng papremyo.
Tandaan mag taas lang ng kanang kamay, ang
maingay ay hindi ko tatawagin. Maliwanag ba mga
bata? Opo, teacher.

Ano ang ginagawa ng babae sa larawan?


DE LEON, MA. ERICA; TOMAS, KRISTAL GALE; BATARA, KRISHNA KEITH ~ BEED 3
Ang babae ay naglilinis.
Magaling, Ang babae ay naglilinis. [Isusulat ng
guro ang pangungusap sa ibaba ng larawan.]

Dito naman sa susunod na larawan. Ano ang


ginagawa ni Tatay Bert at Miguel?

Nagatatanim po.
Maari mo ba itong gawing isang pangungusap?
Sina tatay Bert at Miguel ay nagtatanim.
[Isusulat ng guro ang pangungusap sa ibaba ng
larawan]

Ngayon dito sa unang pangungusap, nasaan


dito ang pinag-uusapan?
Ang babae po teacher.
Maari mo bang salunguhitan.
[Sasalunguhitan ang pakasa]
Tama ba siya?
Opo teacher.
Tama, magaling. Maari kanang maupo. Base ulit
dito sa unang pangungusap, ano ang ginagawa ng
bata o ang babae?
Naglilinis po, teacher.
Maari mo ba itong ikahon.
[ikakahon ang naglilinis]
Tama ba ang kanyang kinahunan?
Opo, teacher.
Magaling. Maari kanang umupo. Sino ang
gustong sumalungguhit sa pinag-uusapan sa
panagalawang pangungusap?
[Sasalunguhitan ng bata ang mga paksa]
Tama ba ang kanyang sinalungguhitan?
Opo, teacher.
Tama, ang pinag-uusapan ay sina tatay Bert at
Miguel. Maari kanang maupo. Ano ang ginagawa
nina tatay Bert at Miguel?
Sila ay nagtatanim po, teacher.
Maaari mo ba itong ikahon.
[Ikakahon ang nagtatanim]
Tama ba siya?
Opo, teacher.
Magaling, maari kanang umupo. Ngayon, ano sa
inyong palagay ang tawag sa mga salitang
nakasalunguhit at nakakahon? May ideya ba kayo
kung ano ang tawag sa mga ito?
Wala po tecaher.
Mayroon akong puzzle rito. Sino ang gustong
bumuo upang malaman natin kung ano ang tawag
sa salitang nakasalunguhit.

PAKSA
[Bubuoin ang puzzel]
Maari mo bang basahin ang iyong na buo?
DE LEON, MA. ERICA; TOMAS, KRISTAL GALE; BATARA, KRISHNA KEITH ~ BEED 3
Paksa po.
Magaling, paksa. Ano nga ulit ang tawag sa mga
salitang nakasalunguhit?
Paksa po.
Tama, ngayon naman sino ang nais tumuklas at
bumuo sa susunod na puzzle.

PANAGURI
[Aayusin ang puzzel]
Ano ang iyong nabuo?
Panaguri po teacher.
Magaling. Ang mga salitang nakakahon ay
tinatawag na panaguri. Alam na ba ninyo kung ano
ang ating aralin ngayong araw?
Paksa at panaguri po teacher.

B. PAGLALAHAD
Ang pag-aaralan natin ngayon ay ang bahagi ng
pangungusap, ang paksa at panaguri.

Bago natin alamin kung ano ang paksa at


panaguri. Atin munang bigyang pakahulugan kung
ano ang pangungusap. Sino ang gustong bumasa?
Ang pangungusap ay salita o pangkat ng mga
salitang may buong diwa o kaisipan.
Maraming salamat. Ang pangungusap ay salita
o pangkat ng salitang may buong diwa o kaisipan.
Ito ay nagsisimula sa malaking letra at nagtatapos
ito sa angkop na bantas. Ang mga ito ba ay
halimbawa ng pangungusap? [ituturo ang mga
pangungusap na ibinigay ng mga bata kanina]
Opo, teacher.
Tama, ito ay halimbawa ng isang pangungusap.
Nagsisimula ba siya sa malaking letra?
Opo teacher.
Tama, nagsisismula ang mga ito sa malaking
letra, at parehong may angkop na bantas na tuldok.

Sino ang makapagbibigay ng halimbawa ng


pangungusap?
Ang lamesa ay matibay.
Magaling. Sino pa ang magkapagbibigay ng
pangungusap?
Ang aking bag ay pula.
Magaling.

C. PAGTLAKAY
Ngayon atin ng talakayin ang bahagi ng
pangungusap. Ang paksa at panaguri. Sino ang
gustong bumasa kahulugan ng paksa?
Ang paksa o simuno ay ang pinag-uusapan sa
pangungusap.
Base sa unang pangungusap na ibinigay ninyo
nasaan dito ang paksa o ang pinag-uusapan?
Ang lamesa po, teacher.
Tama, “Ang lamesa” ang pinag-uusapan kaya
ito ang ating paksa. Naintindihan niyo ba kung ano
ang paksa?
Opo teacher.
Magaling! Sa unang pangungusap, ano ang
DE LEON, MA. ERICA; TOMAS, KRISTAL GALE; BATARA, KRISHNA KEITH ~ BEED 3
sinasabi tungkol sa paksa na “Ang lamesa”?
Matibay po, teacher.
Tama ang panaguri ay matibay. Dahil ito ang
naglalarawan sa paksa.

Sa pangungusap na ito nasaan ang paksa at


panaguri?

“Ang kalabasa at malunggay ay masustansiya.”

Salunguhitan ang paksa at ikahon ang


panaguri.
“Ang kalabasa at malunggay ay masustansiya.”
Tama ba siya?
Opo teacher.
Tama, maari kanang umupo. Kung inyong
napapansin dalawa ang ating paksa. Ngunit iisa ang
ating panaguri sa halimbawa naman na ito tingnan
nga natin kung ilan ang paksa at ilan ang panaguri.

“Ang kalabasa at malunggay ay mga pagkaing


pampalakas at pampasustansiya.”

Sino ang gustong sumalunguhit at kumahon sa


pakasa at panaguri?
[magtataas ng kamay]
[magtatawag ng bata]
“Ang kalabasa at malunggay ay mga pagkaing
pampalakas at pampasustansiya.”
Tama ba?
Opo ma’am.
Magaling, ngayon ilan na ang ating paksa.
Dalawa po.
Ilan ang ating panaguri?
Dalawa rin po.
Magaling, tandaan ang paksa ay ang bahagi ng
pangungusap na pinag uusapan, maaring gamitin
ang mga panggalan na pinagngungunahan ng mga
panandang, si, sina, ang o ang mga. Ginagamit ding
paksa ang mga panghalip gaya ng, siya, ako, kami,
sila at iba pang panghalip. Gaya ng mga nauna
nating mga halimbawa. Naintindihan ba?
Opo teacher.
Ang panaguri ay bahaging nagsasabi tungkol sa
paksa, kadalasang ginagamit na panaguri ang
pandiwa at pang-uri. Naintindihan niyo na ba mga
bata?
Opo teacher.
Mayroon pa akong huling pangungusap rito.
“Ang magkaibigang sina Berto at Berta ay
nagtutulungan.”
Sino ang nais sumalangguhit sa paksa at
kumahon ng panaguri?
“Ang magkaibigang sina Berto at Berta ay
nagtutulungan.”
Tama ba siya.
Opo teacher.
Magaling, ngayon sa inyong palagay mahalaga
ba ang pakikipagtulungan?
Opo teacher.
Magling dapat kung may pagkakataong
DE LEON, MA. ERICA; TOMAS, KRISTAL GALE; BATARA, KRISHNA KEITH ~ BEED 3
tumulong dapat tumulong tayo, maliwanag ba mga
bata?
Opo teacher.
May katanungan pa ba tungkol sa ating
talakayan?
Wala na po teacher.
D. PAGLALAPAT
Ngayon magkakaroon tayo ng pangkatang
gawain. Papangkatin ko kayo sa tatlo, ang hanay 1
at 2 kayo ang unang grupo, hanay 3 at 4
pangalawang grupo, hanay 5 at 6 kayo ang ikatlong
grupo. Bago kayo pumunta sa inyong mga grupo
ano ang mga dapat ninyong gawin kapag may
pangkatang gawain?
Makinig po teacher
Huwag mag-ingay teacher
Makipagtulungan po teacher
Ang grupong maingay at magulo ay babawasan
ko ng puntos, at ang grupong pinakamaayos ay
bibigyan ko ng karagdagang puntos. Ang pinaka
maraming puntos ay may tatanggap ng certipiko at
papremyo. Ano ang dapat gawin para magwagi?
Tumahimik at makipagtulungan po teacher.
Maari nakayong bumuo ng bilog kasama ang
niyong mga ka grupo.

Nasa kanya kanyang grupo na ba ang lahat?


Opo teacher
Eto ang inyong gagawin. Magbibigay si teacher
ng mga pangungusap tukuyin kung ang nakakahon
na salita ay paksa o panaguri. Itaas ang PK kung ito
ay paksa at PN naman kung ito ay panaguri.
Maliwanag ba?
Opo teacher.
Sabay sabay ang pag tataas maliwanag ba?
Pagnabasa na ni ma’am ang pangungusap, bibilang
siya ng 5, pagka bilang ng lima sabay sabay
ninyong itataas ang inyong mga sagot maliwanag
ba?
Opo teacher

Ang mga pangungusap: Tamang sagot:


1. Si Ana ay maganda. 1. PK
2. Matangkad at maputi si Alex. 2. PN
3. Sina Kit at Daisy ay parehong matalino. 3. PN
4. Siya ay magaling kumanta 4. PK
5. Si Sophia ay nagdidilig ng halaman. 5. PN

Dahil kayo ay mahuhusay mayroon kayong


certipiko at premyo. Palakpakan natin ang ating
mga sarili.
[papalakpak]

E. PAGLALAHAT
Ano na ulit ang pangungusap?
Ang pangungusap ay salita o pangkat ng mga
salitang may buong diwa o kaisipan.
Tama ang ang pangungusap ay salita o pangkat
ng mga salitang may buong diwa o kaisipan. Sino
makapagbibigay ng dalawang bahagi ng
pangungusap?
DE LEON, MA. ERICA; TOMAS, KRISTAL GALE; BATARA, KRISHNA KEITH ~ BEED 3
Paksa at panaguri.
Magaling! Ano na nga uli ang paksa?
Ang paksa o simuno ay ang pinag-uusapan sa
pangungusap.
Magiling! Ano naman ang panaguri?
Ang panaguri ay ang nagsasabi tunkol sa paksa.
Magaling! May katanungan pa ba kayo tungkol
sa bahagi ng pangungusap na ating tinalakay?

Wala na po teacher.
IV. PAGTATAYA
I. PANUTO: Basahing mabuti ang bawat pangungusap, salungguhitan ang paksa at ikahon ang panaguri.

1. Nagprapraktis ang mga bata.


2. Ang mga pagsasanay ay kailangan.
3. Si Ella ay nagsasanay upang maging mahusay.
4. Ang salamin ay makintab.
5. Ang kendi at keyk ay parehong matamis.

V. TAKDANG ARALIN
PANUTO: Gumawa ng tatlong pangungusap na mayroong paksa at panaguri. Isulat ito sa iyong
kwadernno.

PREPARED BY:
DE LEON, MA. ERICA
TOMAS, KRISTAL GALE
BATARA, KRISHNA KEITH
BEED 3

You might also like