You are on page 1of 7

Banghay Aralin sa Filipino

I. Layunin:

a. Mababatid ang kahulugan ang Metatesis

b. Makapagbibigay ng halimbawa ng mga salitang Metatesis

c. Makagagawa ng sariling pangungusap na gamit ang Metatesis

II. Paksang Aralin

Paksa:Metatesis

Sanggunian: https://kapitolyohs.files.wordpress.com/2011/09/modyul-13.pdf

Kagamitan: Powerpoint presentation

III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng mag-aaral


I. Paghahanda
A. Panimulang Gawain

1. Pagbati

“Magandang Umaga mga bata” - “Magandang umaga po Ma’am”

2. Panalangin
- “Amen”
“Para sa panalangin ay pangunahan mo Jane”

“Bago kayo umupo, pulutin nyo muna ang mga


basura sa inyong paligid at ayusin ang inyong mga
upuan.”

3. Pagtala ng Liban

“May lumiban ba sa ating klase ngayon?” - “Wala po ma’am”

“Mabuti naman”

B. Pagbabalik-aral

“ Ngayon, bago tayo magsimula ng bagong aralin,


sino ang makapagsasabi kung ano ang itinalakay
natin kahapon?” - “Tungkol po sa Asimilasyon po.”

“Tama! Ano nga ulit ang Asimilasyon?”

- “Ang asimilasyon po ang pagbabagong


nagaganap sa (n) dahil sa impluwensiya
ng ponemang kasunod nito”
“Magaling”

“Bigyan ninyo ng palakpak ang inyong mga sarili


dahil talagang may natutunan kayo sa aralin - (papalakpak)
kahapon”

C. Pagganyak

“Bago tayo magsimula sa bagong aralin,


magkakaroon muna tayo ng isang aktibidad. Handa
na ba kayo?”

“Ang inyong gagawin ay punan ang mga blanko ng - “handa na po ma’am.”


sa tingin nyo ay angkop sa bawat pangungusap.
Pumili kayo sa mga salitang nasa ibaba”
“Ngayon ay basahin ninyo ang mga pangungusap.”

a. Niyakap b. Niyaya c. Nilipad

1. ______ ni Jose si Maria dahil ito ay malungkot.


- (babasahin)
2. ______ ang lobo ni Juan sa langit
3. ______ ni Ben si Jason na pumunta sa parke.

“Ano ang inyong napapansin sa mga


pangungungusap at sa mga salitang may
salungguhit?”
- “Nagpapalitan po ng posisyon ang mga
tunog sa isang salitang nilalapian po.”
“Tama! Magaling!”

“Ngayon, ano kaya an gating bagong aralin?”

II. Paglalahad

“Ang bagong aralin sa umagang ito ay tungkol sa


Metatesis”

“Maaari nyo bang basahin ang kahulugan?”

- kapag ang salitang-ugat na nagsisimula


“Maraming salamat” sa ponemang /l/ o /y/ ay ginitlapian ng [-
in-], nagkakapalit ng pusisyon ang mga
ponemang /i/ at /n/ at nagiging [ni-].
(babasahin)

“Ito ay isang uri pagbabagong morpoponemiko na


ang pagpapalit ng posisyon ng letra sa loob ng
isang binuong salita ay tinatawag na metatesis”

Dito makikita natin na naiiba o nagkakroon ng


pagkakaiba sa posisiyon ng mga letrang ito na
inyong nabasa.

Ang paglilipat ng posisyon ng mga ponema.


Halimbawa, kapag nagsimula sa letrang l o y at may
gitlaping -in- ay nagpalit ang n at i sa unlaping ni-.

Meron ako ditong halimbawa:


in+ yakap= yinakap = niyakap
in+ layo = linayo = nilayo

Sa metatesis ikinakabit muna ang panlaping in sa


gitna.

Kaya nagkaroon tayo ng salitang “niyakap”

Pero meron iba na gumamgamit ng salitang yinakap


o kaya linayo, hindi naman ito mali pero mas
makikita o mas madalas natin makita o marinig ang
salitang yinakap at nilayo.

Meron din ibang halimbawa katulad ng

Tanim+an= taniman = tamnan

Talab+an= talaban= tablan

“Sino ang makapagbibigay ng iba pang halimbawa


ng Metatesis.”

- “Nilangoy po”
“Tama! Ano pa?”

“Tumpak! Lahat ng inyong ibinigay ay mga


halimbawa ng Metatesis.” - “Niluto po”

“Ngayon, may katanungan tungkol sa metatesis?”

D. Paghahambing at Paghahalaw

Hahatiin ang klase sa dalawang grupo. Kada grupo


gagawa ng tiglilimang pangugusap na may mga
salitang gamit ang metatesis.

Pamantayan sa pangkatang Gawain

Pagkakaisa- 20%

Katahimikan – 20%

Malinis na pagkasulat – 30%

Presentasyon- 30%

Kabuuan: 100%

IV. Paglalahat

“Maraming salamat sa inyong kooperasyon sa ating


ginawang pangkatang gawain, palakpakan ninyo
ang inyong mga sarili.”

“Ngayon, sino ang makapagpaliwanag sa buong


tinalakay natin ngayong umagang ito?”
- ““Ang ating tinalakay ay tungkol sa
metatesis, ito ay isang uri pagbabagong
morpoponemiko na ang pagpapalit ng
posisyon ng letra sa loob ng isang
“Maraming salamat, bigyan ng limang bagsak si binuong salita.
Jan”

“Ngayon, dahil alam nyo na at naiintindihan talaga - .”


ninyo ang ating aralin ay magkakaroon tayo ng
maikling pagsusulit.”

IV. Paggamit

Panuto: Sa sangkapat na papel, isulat ang tamang


sagot.
1. Ito ay ang paglilipat ng posisyon ng mga
ponema.. (Metatesis) (Kumuha ang mga estudyante ng papel at
2. Magbigay 3 halimabawa ng salitang metatesis. ballpen,sasagutan nila ang tanong na inilagay ng
3. Gumawa ng 2 pangugusap gamit ang mga kanilang guro sa biswal aid)
halimbawa ng mga salitang metatesis.

Bibigyan lamang ng limang minute ang mag-aaral


sapagsagot ng gawain.
(Ipapasa ng mag-aaral ang kanilang papel sa
guro)

V. Takdang Aralin

Panuto: Sa isang buong papel ay gumawa ng isang


deskriptibong sanaysay tungkol sa iyong ina.

Iyan lamang sa araw na ito. Magandang Umaga!


-“ Paalam po Ma’am

You might also like