You are on page 1of 7

I.

Layunin
 Nakikilala ang pagkakaiba at tinutukoy ang mg uri ng pangungusap ayon sa kayarian.
 Nakakatamo ng kasiyahan sa paglinang ng mga salita sa paraan ng pagbubuo ng mga
letra.
 Nakakagawa ng sariling halimbawa ng mga uri ng pangungusap ayon sa kayarian.
II. Paksang Aralin
A. Paksa: Uri ng Pangungusap ayon sa kayarian
B. Sanggunian: www. Academia. edu
C. Kagamitang Pagtuturo: mga ginupit na larawan, kartolina, dekulay na papel, pentel pen
III. Pamamaraan
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral
A. Panimulang Gawain

1. Panalangin
Magsitayo ang lahat para sa
ating Panalangin. Bb. Tamayo
maaari bang pangunahan moa Opo.
ng ating panalangin? Tayo ay yumuko at manalangin …
Ama salamat po sa araw na ito … Amen.

Maraming salamat Bb. Tamayo.


2. Pagbati
Magandang araw mga bata! Magandang araw din po Bb. Julie!

Kumusta kayong lahat? Mabuti naman po!

Mabuti kung ganun.


Maaari na kayong umupo. Maraming salamat po!
3. Pagtala ng liban sa klase
Mayroon bang liban sa klase
mga bata? Wala po!
Mabuti, ngayon balikan natin
ang ating tinalakay nung
nakaraang lunes.
May nakakaalala pa ba sa ating
nileksyon? (magboboluntaryo ang mga mag aaral na
sumagot)
Bb. Rizal? Tungkol po sa ganap at di ganap na
pangungusap.
Salamat Bb. Rizal maaari ka
nang umupo. Salamat po!
Ano nga ulit kapag sinabing
ganap na pangungusap, klase? (magboboluntaryo ang mga mag aaral na
sumagot)
G. Alejo?
Ang ganap na pangungusap po ay mayroong
simuno at panaguri, kumpleto po.
Mahusay, salamat G. Alejo
maaari ka nang umupo

Kapag naman sinabing Di-


ganap na pangungusap ...
Bb. Layag? Hindi masisino kung alin ang panaguri ngunit
buo ang diwa.
Tama, may makapagbibigay ba
ng halimbawa ng di-ganap na
pangungusap?
(magboboluntaryo ang mga mag aaral)
Bb. Tamayo, sige.
Umuulan! Atsaka tabi!
Tama! Ngayong hapon na ito
maglalaro muna tayo, gusto
niyo bang maglaro?
Opo!
B. Pagganyak
Mayroon akong hawak na apat na
salitang pinagbali-baliktad ang mga
letra na kailangan niyong buuin. Pero
bago ‘yon kailangan niyong bumuo ng
tatlong grupo na may tig lilimang
miyembro.
Sige mag-grupo na kayo.
(nagrupo na ang klase)
Ngayon, pumila ng isang linya kada
grupo. Paunahang buuin ang mga salita
sa loob lamang ng labinlimang
Segundo. Kapag nabuo na ang salita,
itaas lamang ang kamay. Malinaw ba
mga bata?
Opo!
Malinaw po!
(nakapila na ang mga bata)
Hakbang paharap ang unang kinatawan
ng bawat grupo.

Unang salita “ k p a y a”
Isa , dalawa, tatlo apat …
(nagtaas ng kamay ang unang grupo)
“ y a p a k”
Mali, baba ulit.
Labing tatlo , labing apat labing lima. (nagtaas ang ikalawang grupo?)
“p a y a k “
Tama! Nakuha ng ikalawang grupo ang
tamang sagot payak!
Sunod na salita “h u g y a n a n”
Isa , dalawa, tatlo …
(nagtaas ang ikalawang grupo)
“h a g y u n a n “
Mali anak, baba ulit .
Pito , walo …
(nagtaas ang ikatlong grupo)
“h u g n a y a n”
Mahusay! Hugnayan nga!
Ikatlong salita “t a m l a b a n”
Isa , dalawa …
(nagtaas ang unang grupo)
“t a m b a l a n”
Tama! Napakahusay!
At ang huling salita ay … “ l a n g p a
kan“
(nagtaas ang ikalawang grupo)
“l a n g k a p a n”
Mahusay mga bata! Ang nanalo sa
ating laro ay ang ikalawang grupo!
Bigyan natin ng limang palakpak ang
nanalong grupo.
(nagpalakpakan ang klase)
At bigyan naman natin ng tatlong
palakpak ang unang grupo at ikatlong
grupo.
(nagpalakpakan ang klase)
C. Paglalahad
a

d u b

 u – uri ng pangungusap ayon sa


kayarian.
 a – Payak – ito ang pangungusap na
may iisang paksang pinag uusapan na
kumakatawan sa ibat ibang anyo.
Bagamat payak, may inihahatid itongh
mensahe.
 b– Hugnayan – ito ay pangungusap na
binubuo ng isang sugnay na makapag
iisa at isang sugnay na di-makapagiisa.
Ang diwa ng dalawang sugnay ay
magkarugtong at pinaguugnay o
pinagsama-sama ng pangatnig gaya ng
kung, upang,dahil, sapagkat, habang,
kapag, kasi, kaya, at para.
 c – Tambalan – ito ay pangungusap na
nagtataglay ng dalawang kaisipan o
sugnay na makapag-iisa o higit pa.
Ginagamitan ito ng pangatnig na
magkatimbang gaya ng ay, pati, o, ni ,
maging, saka, ngunit, habang, subalit.
 d – Langkapan – ito ay pangungusap
na binubuo ng dalawa o higit pang
sugnay na makapag-iisa at isa o higit
pang sugnay na di makapag-iisa

D. Pagtatalakay
Base sa ating laro, ano ano ang mga uri
ng pangungusap ayon sa kayarian? Mam! Payak , tambalan, hugnayan, at
langkapan po!

Tama! May ideya ba kayo kung anong


kahulugan ng payak? (boluntaryong sumagot ang mag aaral)
Mam! Ang payak na pangungusap po ay may
simuno at panag uri.

Pupwede.
(tatanggalin ng guro ang nakatakip na dekulay
na papel sa bilog ng a- payak)

Kung ang payak ay may isang simuno at


panaguri , ano kaya ang pinagkaiba nito sa
tambalan? Mam, ang tambalan po ay may tig dalawang
simuno at panag uri .

Maaari, salamat iho! May iba pa bang may


sagot? Mam kapag tambalan po nagtitimbagan ng
dalawang sitwasyon sa isang pangungusap.
Pupwede, tama din naman ‘yon!
(tatanggalin ng guro ang nakatakip na dekulay
na papel sa bilog ng c – tambalan)

Sa palagay inyong palagay, ano ang kahulugan


ng hugnayan? Idinurugtong po ang dalawang pangungusap sa
pamamagitan ng pangatnig.

Mahusay! Ano kayang pinagkaiba ng


pangatnig na ginagamit sa tambalan at
pangatnig na ginagamit sa hugnayan?

May nakakaalam ba?


Bb. Ramos?

Mam! Sa aking opinyon po, kapag tambalan


ang ginagamit na pangatnig ay mga
panimbang, kapag sa hugnayan naman po ang
ginagamit na pangatnig at ugnayang sanhi at
Mahusay! Bb. Ramos! Saan mo natutunan ang bunga.
bagay na iyan?

Ipagpatuloy mo yan iha. Mam nagpaunang basa napo ako.


(tatanggalin ng guro ang nakatakip na dekulay
na papel sa bilog na b- hugnayan)

At panghuli ay langkapan , sinong


makakapagbigay ng kahulugan ng langkapan?

Ang langkapan po ay maraming sugnay.


Dalawa o higit pang Sugnay na makapag iisa at
Tama! Aba mukhang nagbasa ang mga isa o higit pang sugnay na di makapagiisa.
estudyante ko. Nakakatuwa naman kung
ganon.

(tatanggalin ng guro ang nakatakip na dekulay


na papel sa bilog na d- langkapan)

Naintindihan niyo baa ng ating leksyon?

(sagot ng klase)
Sige nga, magbigay ng tig iisang halimbawa ng Opo!
payak , tambalan, langkapan at hugnayan. Taas
ang kamay kung gusting sumagot.

(boluntaryong nag taas ang mga magaaral)


Payak – Si nelson mandela ay lumaban sa
diskriminasyon.
Tambalan – Payat na lumaki si aries ngunit
mataba naming lumaki si rina.
Hugnayan- Makakaalis tayo ngayong umaga
kung maagang darating si itay.
Langkapan – Hindi siya mabubuhay nang
mag-isa dahil sa minanang problema at mga
Mahusay mga bata! Ngayon ay alam kong ilang bagay na binabalikat nya.
natuto kayo sa ating leksyon ngayong araw.

E. Paglalagom
Para sa kabuuan, sino ang makakapagbigay ng
ideya tungkol sa ating talakay?

(magboboluntaryo ang klase)


G. Victorio, maaari mo bang ibahaging muli
ang ating tinalakay?

May apat na uri ng uri ng pangungusap ayon sa


kayarian, ito ay ang payak, tambalan,
langkapan at hugnayan. Ang payak ay may
isang pokus ng pinaguusapan. Ang tambalan
ay may dalawang kaisipan na timbang, ang
langkapan ay may dalawang sugnay na
makapag-iisa at isa o higit pang sugnay na di-
makapagiisa at ang hugnayan ay dalawang
sugnay na pinagdurugtong ng mga pangatnig
Salamat G. Victorio! na pang sanhi at bunga.
May mga katanungan ba klase? Paglilinaw?

Siguradong naintindihan? Wala na po!

Mabuti! Ngayon … Opo!

F. Paglalapat
Kumuha ng kalahating papel at bigyan ng tig-
iisang halimbawa ang mga uri ng pangungusap
ayon sa kayarian.

IV. Pagtataya
Panuto: Tukuyin kung payak, langkapan,
tambalan, o hugnayan ang mga ss:

P 1. Ang bagyo ay paparating na.


T 2. Nagtaasan ang mga bilihin ngunit
hindi naman tumaas ang sweldo.
L 3. Tumataas ang presyo ng bilihin kaya
ang mga mamamayan ay lalong naghihirap
dahil sa pangyayaring ito.
P 4. Ang likas na yaman natin ay unti- unti
nang nauubos.
H 5. Uunlad ang Pilipinas kung lahat ng
tao ay magsisikap.

V. Gawaing bahay
Magsaliksik ng impormasyon tungkol sa
kayarian ng pangungusap batay sa layon.

Inihanda ni:
Desierto, Julie Ann C.

You might also like