You are on page 1of 10

Cruz, Angelica B.

BSEFIL-4

Masusing Banghay Aralin sa Filipino


(Alamat ng Pinya)

I. Layunin:

Sa pagtatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. Nailalahad ang mga elemento ng alamat


b. Napagsusunud-sunod ang mga pangyayari sa alamat
c. Naipapakita ang pagpapahalaga sa mga katutubong panitikan tulad ng alamat

II. Paksang Aralin:

Pamagat: Alamat ng Pinya


Uri ng Akdang Pampanitikan: Alamat
Sanggunian: https://buklat.blogspot.com/2017/10/ang-alamat-ng-
pinya_20.html
Kagamitan: Libro, laptop, larawan at panturong biswal
Estratehiya: Pasaklaw na paraan

III.Pamamaraan:
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Paunang Gawain
 Panalangin
Magsitayo ang lahat para sa panalangin.

(Magtatawag ang guro ng isang mag-aaral


upang pangunahan ang panalangin)

Sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo.


Amen. Panginoon, maraming salamat po sa araw
na na ito na ipinagkaloob niyo sa amin. Maraming
salamat sa mga biyayang inyong ibinibigay sa
pang-araw-araw. Nawa’y patuloy niyo po kaming
gabayan. Patawad po sa lahat ng aming
pagkakasala. Nawa’y punuin niyo po ng kabutihan
ang aming puso’t isipan. Gabayan niyo po ang
aming guro na maituro nang maayos ang mga
paksang aming tatalakayin. Maraming salamat po.
Amen.

 Pagbati
Magandang araw mga bata. Kumusta kayo?
Nawa’y maayos ang pakiramdam ng bawat isa.
Magandang araw Bb. Angelica! Ayos lamang po
kami, ganoon din po sana sainyo.

 Pagsasaayos ng silid-aralan
Pagtsetsek ng liban at hindi liban

Bago kayo umupo, maaari niyo bang pulutin ang


mga kalat na nasa ilalim ng inyong mga lamesa
at paki-ayos
(Magpupulot ng mga kalat ang mag-aaral at
aayusin nila ang kanilang upuan)

Maaari na kayong maupo.

May lumiban ba sa kalse ngayong


araw?

Wala po, Bb. Cruz.


B. Pagsasanay
Inyong nakikita ang mga letra na nakadikit sa
pisara. Sa pagbuo nito matutukoy niyo kung ano
ang paksang ating tatalakayin para sa araw nito.
Ang lahat ay maaaring sumagot kung
gugustuhin. Mangyaring itaas lamang ang kamay
ng gustong sumagot.

1. T A L A A M
2. A B T A
3. Y A N N A
4. N I Y A P
5. A T M A
(Inaasahang sagot)

1. ALAMAT
2. BATA
3. NANAY
4. PINYA
5. MATA
C. Balik-Aral: Kahulugan ng Alamat

Bilang pagbabalik-aral. Dito natin masusubukan


kung nakinig nga ba kayo sa ating talakayan na
naganap kahapon.

Ano ang kahulugan ng panitikan base sa napag-


aralan natin kahapon?
Alliya, maaari mo bang ibigay ang kahulugan
panitikan?
Ang panitikan ay ang mga panulat o pagsulat ng
tuwiran o tuluyan at patula na nag-uugnay sa
isang tao.

Mahusay, Alliya! Maraming salamat sa iyong


wastong kasagutan.

May gusto pa bang magbahi ng kanyang


kasagutan?

Ma’am, ako po.

Sige, Alvin. Maaari ka nang tumayo.


Ang panitikan ay nagpapahayag ng mga kaisipan,
damdamin, karanasan, hangarin at diwa ng mga
tao. Ito rin ay pinakapayak na paglalarawan lalo
na sa pagsulat ng tuwiran, tuluyan, at patula ng
may akda.

Magaling, Alvin. Kuhang-kuha mo ang eksaktong


kahulugan ng panitikan.

Ngayon naman ay ibahagi niyo ang dalawang uri


ng panitikan.
Chezka, maaari mo bang ibahagi ang dalawang uri
ng panitikan?
Ang dalawang uri ng panitikan ay patula at
tuluyan o prosa
Ang galing! Salamat sa pagsagot.

Ngayon naman ay magbahagi kayo ng isang


halimbawa ng akdang patula
Bryan, gusto mo bang sumagot?
Ma’am, korido po.

Tama! Salamat sa iyong kasagutan.

Magbigay ng isang halimbawa ng akdang tuluyan


o prosa
Monica?
Ma’am?

Magbigay ka ng isang halimbawa ng akdang


tuluyan na pamilyar sa’yo.

Ma’am, alamat po.

Pamilyar ‘to sa’yo, tama? Magbigay ka nga ng


isang halimbawa ng alamat.
Alamat ng saging po, ma’am.

Magaling. Ang halimbawang ibinigay ni Monica ay


isang halimbawa ng alamat.
Pamilyar ba kayo sa alamat na ito?

Opo, ma’am.

D. Panlinang na Gawain
Pagganyak:
Bago natin talakayin ang ating paksa para sa
araw na ito, may ipapakita akong larawan at
inyong huhulaan ang pangalan nito. Ang buong
klase ay hahatiin lamang sa dalawang pangkat.
Bawat pangkat ay magbibigay ako ng tig-isang
dilaw na watawat. Sa pagsagot ay itaas lamang
ang inyong watawat at tumayo ang isang
representatibo ng bawat grupo at sasabihin ang
kanyang sagot. Ang pangkat na makakakuha ng
maraming puntos ay magkakaroon ng
karagdagang puntos sa pagsusulit mamaya.
Magkakaroon tayo
Opo, ma’aaaaam.

Handa na ba ang lahat?

Kung gayon atin ng uumpisahan.

Unang larawan

(Nagtaas ng bandila ang ikalawang grupo)


Ano ang tamang sagot? Mata

Tama! Isang puntos para sa ikalawang grupo.

Yeheeeey! (sabay palakpak ng kanilang kamay)

Ikalawang larawan

(Nagtaas ng bandila ang unang grupo)

Ano ang tamang sagot?

Batang babae po.

Galing ah. Bata o batang babae. Isang puntos


para sa unang grupo.

Ikatlong larawan

(Halos magkasabay na nagtaas ng bandila ang


dalawang grupong magkatunggali)
Unang nagtaas ang unang grupo.
Ano ang wastong sagot?

Pinya

Mahusay! Dalawang puntos para sa unang


grupo.

Ika-apat na larawan
(Nagtaas ng bandila ang ikalawang grupo)

Ano ang wastong kasagutan?

Bakuran

Ang galing! Naku, pantay na ang iskor. Paunahan


na lang talaga sa pagsagot sa panghuling
larawan.

(Sigawan) Go, group 1!

Go, Group 2. Wuhooooo!

Sshhh! Tahimik na. Ito na ang panghuling


larawan.

(Nagtaas ng bandila ang unang grupo)

Ay parang alam na kung sino ang panalo. Unang


grupo ano ang wastong kasagutan?

Nanay

Tama! Pagbati sa unang grupo sapagkat sila ang


may pinakamaraming puntos. Maraming
salamat sa pakikipagpartisipasyon. Ayan! Ang
huhusay naman.
Palakpakan ng limang beses ang inyong sarili.

Clap! Clap! Clap! Clap! Clap!

May koneksyon ang ating ginawang paglinang na


mga gawain sa ating tatalakayin na paksa.
Ihanda ang sarili at makinig sa akin.
 Pagganyak na Tanong:

Basahin ang pagganyak na tanong sa pisara.


Bb. Santos, maaari mo bang basahin ang
naksaluta sa pisara?
Sige po, ma’am.
Ano ang alamat?
Saan nagmula ang alamat?

E. Paglalahad
Ang ating tatalakayin para sa araw
na ito ay patungkol sa alamat at
ang isang halimabawa nito na
pinamagatang Alamat ng Pinya.

Pamilyar ba kayo sa kwentong ito?

Opo.

Medyo po.

Opo, pero nakalimutan na ‘yong ibang


pangyayari.
Marahil ang iba sa inyo’y pamilyar na sa kwentong
ito, at ang iba’y hindi pa, o nakaligtaan na ang
ibang pangyayari. Ngayon aking ilalahad ang
buong kwento. Makinig at ipasok sa isip ang
maririnig.

Noong unang panahon may nakatirang mag-ina


sa isang malayong pook. Ang ina ay si Aling
Rosa at ang anak ay si Pinang. Mahal na mahal
ni Aling Rosa ang kanyang bugtong na anak.
Kaya lumaki si Pinang sa layaw. Gusto ng ina na
matuto si Pinang ng mga gawaing bahay, ngunit
laging ikinakatwiran ni Pinang na alam na
niyang gawin ang mga itinuturo ng ina. Kaya't
pinabayaan na lang niya ang kanyang anak.

Ano ang pangalan ng mag-ina bilang pangunahing


tauhan?
Aling Rosa at Pinang

Base sa iyong narinig, Sophia. Anong klaseng bata


o anong katangian mayroon si Pinang?

Tamad po.
Tama. Si Pinang isang mapagkatwiran at tamad
na bata.

Isang araw nagkasakit si Aling Rosa. Hindi siya


makabangon at makagawa ng gawaing bahay.
Inutusan niya si Pinang na magluto ng lugaw.
Isinalang ni Pinang ang lugaw ngunit
napabayaan dahil sa kalalaro. Ang lugaw ay
dumikit sa palayok at nasunog. Nagpasensiya na
lang si Aling Rosa, napagsilbihan naman siya
kahit paano ng anak.

Ano ang ginawa ni Pinang bakit napabayaan niya


ang lugaw na kaniyang niluluto?

Dahil siya po ay naglalaro.


Nagtagal ang sakit ni Aling Rosa kaya't napilitang
si Pinang ang gumagawa sa bahay. Isang araw,
sa kanyang pagluluto hindi niya makita ang
posporo. Tinanong ang kanyang ina kung
nasaan ito. Isang beses naman ay ang sandok
ang hinahanap. Ganoon nang ganoon ang
nangyayari. Walang bagay na ‘di makita at agad
tinatanong ang kanyang ina. Nayamot si Aling
Rosa sa katatanong ng anak kaya´t nawika nito:
" Naku! Pinang, sana'y magkaroon ka ng
maraming mata upang makita mo ang lahat ng
bagay at hindi ka na tanong nang tanong sa
akin.

Ano ang nasabi ni Aling Rosa kay Pinang dahil


sa inis nito sa kanya?
Na sana magkaroon siya nang maraming mata
upang makita niya ang lahat ng bagay at hindi na
ito magtanong pa.
Dahil alam niyang galit na ang kanyang ina ay di
na umimik si Pinang. Umalis siya upang hanapin
ang sandok na hinahanap. Kinagabihan, wala si
Pinang sa bahay. Nabahala si Aling Rosa.
Tinatawag niya ang anak ngunit walang
sumasagot. Napilitan siyang bumangon at
naghanda ng pagkain.

Pagkaraan ng ilang araw ay magaling-galing na si


Aling Rosa. Hinanap niya si Pinang. Tinanong
niya ang mga kapitbahay kung nakita nila ang
kanyang anak. Ngunit naglahong parang bula si
Pinang. Hindi na nakita ni Aling Rosa si Pinang.

Isang araw, may nakitang halaman si Aling Rosa


sa kanyang bakuran. Hindi niya alam kung
anong uri ang halamang iyon. Inalagaan niyang
mabuti hanggang sa ito'y magbunga. Laking
pagkamangha ni Aling Rosa ng makita ang anyo
ng bunga nito. Ito'y hugis-ulo ng tao at
napapalibutan ng mata. Biglang naalala ni Aling
Rosa ang huli niyang sinabi kay Pina, na sana'y
magkaroon ito ng maraming mata para makita
ang kanyang hinahanap. Tahimik na nanangis si
Aling Rosa at laking pagsisisi dahil tumalab ang
kanyang sinabi sa anak. Inalagaan niyang
mabuti ang halaman at tinawag itong Pinang, Sa
palipat-lipat sa bibig ng mga tao ang pinang ay
naging pinya.

Pumasok sa isipan ng kanyang ina na baka si


Pinang nga ang pumalit sa isang halamang
tumubo sa bakuran nila. Animo’y hugis-ulo na
napapaligiran nang maraming mata. At
pinaniniwalaan ito na dito nagmula ang alamat
ng Pinya. Sa kasalukuyan ang pinya ay isang uri
ng prutas na medyo maasim at manamis-namin.
Medyo matinik ang balat nito dala ng mga
tusok-tusok sa parang mga nito. Isa itong
masustansyang prutas sapagkat nakabibigay ito
ng Vitamin C.
Sige nga kung nakinig talaga kayo. Maaari niyo
bang ibahagi ang aral na napulot ninyo base sa
kwnetong inilahad. Mangyaring itaas lamang
ang kamay sa pagsagot.

(Nagtaas ng kamay si Juanito)

Oh, Juanito. Maaari kang tumayo at ibahagi ang


iyong kasagutan sa ating klase.

Ang aral na napulot ko sa kwentong alamat ng


pinya ay huwag basta-basta magsasalita nang
hindi ito pinag-iisipan. Ugaliing isipin muna ang
magiging resulta o kung ano ang madudulot nito
sa damdaming ng ibang tao.

Mahusay, Juanito. Meron pa ba?

Ma’am, ako po.

Oh sige, Paulo.

Matuto po tayong sumunod sa ating magulang sa


tuwing sila po ay may iniuutos sa’tin.

Magaling, Paulo. Salamat sa inyong pagbahagi ng


aral na inyong napulot sa kwentong ating
tinalakay. Nawa’y tumatak ito sa inyong isipan
at isabuhay ang mga ito.
 Pagpapalawak ng Kaalaman:

Tukuyin ang 7 elemento ng alamat. At ibahagi ito


sa klase. Ang buong klase ay papangkatin sa 7
grupo. Ang bawat grupo ay magkakaroon ng
limang miyembro.

(Inaasahang sagot)

Mga Elemento ng Alamat


Ito ay may pitong elemento. Basahin ang mga
sumusunod:

1. Tauhan
Ito ang mga nagsiganap sa kwento at kung ano
ang papel na ginagampanan ng bawat isa.

2. Tagpuan
Inilalarawan dito ang lugar na pinangyarihan ng
mga aksyon at insidente, gayundin ang panahon
kung kailan ito nangyari.

3. Saglit na kasiglahan
Ito ay naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng
mga tauhang masasangkot sa suliranin.

4. Tunggalian
Ito naman ang bahaging nagsasaad sa
pakikitunggali o pakikipagsapalaran ng
pangunahing tauhan laban sa mga suliraning
kakaharapin na minsan ay sa sarili, sa kapwa, o
sa kalikasan.
5. Kasukdulan
Ito ang pinakamadulang bahagi kung saan
maaaring makamtan ng pangunahing tauhan ang
katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.

6. Kakalasan
Ito ang bahaging nagpapakita ng unti-unting
pagbaba ng takbo ng kwento mula sa maigting na
pangyayari sa kasukdulan.

7. Katapusan
Ito ang bahaging maglalahad ng magiging
resolusyon ng kwento. Maaaring masaya o
malungkot, pagkatalo o pagkapanalo.

 Pagpapahalaga:

Bakit mahalagang pag-aralan ang


alamat?
(Ang mga mag-aaral ay may ibat-ibang sagot)

Sapagkat sa murang edad ng mga batang


tagapakinig ay marami silang kapupulutang aral
na maaari nilang isabuhay.

Upang malaman ang mga kwneto sa likod ng mga


bagay-bagay

Naintindihan niyo ba ang kwentong ating tinalakay


para sa araw na ‘to?

Opo, Bb. Cruz.

Wala ba kayong mga tanong?


Wala na po, Bb. Cruz.

 IV. Pagtataya:

Kumuha ng isang pirasong papel at


sagutan ang mga tanong. Punan
ng patlang at tukuyin ang tamang
kasagutan base sa pangungusap.
Ang mga posibleng kasagutan ay
nasa loob ng kahon.

Malungkot Aling Rosa Alamat


Tamad Alamat ng Pinya Pinang
Mata Tao laban sa tao
Bahay’Bakuran Ilong Lugaw
Sopas

1. Pamagat ng kwentong (Inaasahang sagot)


alamat na inilahad.
2. Pangalan ng batang
pangunahing tauhan. 1. Alamat ng Pinya
3. Pangalan ng ina ng batang 2. Pinang
tauhan. 3. Aling Rosa
4. Tagpuan ng kwento 4. Bahay/Bakuran
5. Ano ang niluluto ng batang 5. Lugaw
tauhan na kanyang napabayaan? 6. Mata
6. Parte ng katawan na 7. Alamat
inihahanlitulad sa pinya sapagkat 8. Tao laban sa tao
marami itong 9. Tamad
7. Uri ng kwento ang 10. Malungkot
inilahad?
8. Uri ng tunggalian ang
mayroon sa kwento
9. Katangian ng batang
tauhan
10. Himig/emosyon ng
kwento

V. Takdang-Aralin
Sanaysay

Sa isang malinis na papel, gumuhit ng dalawang mata ng tao at isulat ang kahalagahan ng
pagkakaroon nito. Kinakailangang makikita ang 3 bahagi ng sanaysay na simula, gita at wakas.

You might also like