You are on page 1of 20

Paggawa ng

Kabutihan, Isang
Pasasalamat sa
Diyos
Ang paggawa ng
kabutihan ay isang
paraan ng pasasalamat
sa Diyos
Mag-isip tayo: Isa,
Dalawa, Tatlo...
Buuin ang kaisipan sa pamamagitan
ng paglalagay ng titik sa kahon sa
ibabaw ng bilang. Gamitin ang
alpabetong may katumbas na bilang
sa ibaba upang mabuo ang kaisipan.
Gawin ito sa iyong kuwaderno.
                       

9 11 9 14 1 12 21 12 21 7 15 4
                   

14 7 4 9 25 15 19 1 14 7
16 1 7 7 1 23 1 14 7
11 1 2 21 20 9 8 1 14
Sagutin ang mga tanong:

1. Ano ang iyong nabuong kaisipan?


2. Sumasang-ayon ka ba sa nabuong
kaisipan? Ipaliwanag ang iyong sagot.
3. Magtala ng mga kabutihang gawain
mo bilang isang mag-aaral.
Gawain 1
Pag-aralan at suriin ang
islogan.
1.Anong kaisipan ang
ipinapakita ng islogann?
2. Sumasang-ayon ka ba sa
islogan? Bakit?
Ipaliwanag sa maikling
talata ang islogan.
Gawin ito sa iyong
kuwaderno.
Isapuso Natin
Paano mo ipapakita ang pasasalamat sa
Diyos sa pamamagitan ng paggawa ng
kabutihan?
Sumulat ng isang tula na nagpapakita ng
pasasalamat sa Diyos sa pamamagitan
ng paggawa ng kabutihan.
Tandaan Natin
Ang pagsunod at paggalang sa
nakatatanda, pagrespeto at paggawa ng
kabutihan sa kapwa ay isang magandang
gawain para sa kabataang tulad mo. Ang
paggawa ng mabuti ay ikinalulugod ng
Diyos. Ito ay isang paraan ng
pagpapakita ng pasasalamat sa Kanya.
Isabuhay Natin
Pangkatang Gawain

Bumuo ng tatlong pangkat. Kayo ay magkakaroon ng


lima hanggang sampung minuto upang pag-usapan sa
bawat pangkat ang mga sitwasyong igagawa ng dula-
dulaan. Pumili ng lider na siyang magpapadaloy ng
talakayan sa pangkat.
Pangkat 1 - Paggawa ng kabutihan sa loob ng silid-
aralan.
Pangkat 2 - Paggawa ng kabutihan sa pamilya.
Pangkat 3 - Paggawa ng kabutihan sa mga kaibigan.
Subukin Natin
Lagyan ng √ ang patlang
kung ang pangungusap ay
nagpapakita ng paggawa ng
kabutihan at × kung hindi.
_____ 1. Pagbibigay ng tulong sa mga
nasunugan ng tirahan.
_____ 2. Magpahiram ng gamit sa taong
nangangailangan ngunit walang pambili.
_____ 3. Pagtatapon ng basura sa harap ng
bahay ng kapitbahay.
_____ 4. Hindi pagsasabi ng totoo.
_____ 5. Paggalang sa opinyon ng iba.

You might also like