You are on page 1of 35

Edukasyon sa Pagpapakatao

5
Yunit 4
Week 6
Layunin:Nakapagpapakita ng
iba’t-ibang paraan ng
pasasalamat sa Diyos
(EsP5PD - IVe-i - 15)
Unang Araw

Balik-aral:
Paano mo pangangalagaan
ang buhay na kaloob sa atin
ng Lumikha?
Ang paggawa ng kabutihan ay isang
paraan ng pasasalamat sa Diyos.
Alamin Natin
Mag-isip tayo: Isa, Dalawa, Tatlo...

Buuin ang kaisipan sa pamamagitan ng paglalagay ng


titik sa kahon sa ibabaw ng bilang. Gamitin ang
alpabetong may katumbas na bilang sa ibaba upang
mabuo ang kaisipan. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
A B C DE F GHI J K L M
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13

N O P Q R S T U V WX Y Z
14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26
9 11 9 14 1 12 21 12 21 7 15 4

14 7 4 9 25 15 19 1 14 7

16 1 7 7 1 23 1 14 7

11 1 2 21 20 9 8 1 14
Paano mo maipapakita
ang kabutihan mo sa iyong
kapwa?
Pagtataya:
Ipasagot ang mga tanong sa
Alamin Natin na nasa Kagamitan
ng Mag-aaral. Hikayatin ang mga
mag-aaral na magbigay ng iba’t-
ibang sagot. Magkaroon ng
talakayan sa sagot ng mga mag-
aaral.
1.Ano ang iyong nabuong
kaisipan?
2.Sumasang-ayon ka ba sa
nabuong kaisipan? Ipaliwanag
ang iyong sagot.
3.Magtala ng mga kabutihang
gawain mo bilang isang mag-
aaral.
Ikalawang Araw

Balik-aral:
Naniniwala ba kayo na
kinalulugdan ng Diyos
kapag tayo ay gumagawa ng
mabuti?
Pagganyak:Magpakita ng larawan na
nagpapakita ng kabutihan sa kapwa.

Ano ang iyong masasabi sa larawan?


Pag-araan at suriin ang islogan.

Ang paggawa ng mabuti ay


kinalulugdan,
Ng Diyos na dapat nating
pasalamatan.
Anong kaisipan ang ipinapakita ng
islogann?
Sumasang-ayon ka ba sa islogan?
Bakit?
Paglalapat:
Sa araw araw ng ating buhay,
napakahalaga na tayo ay mabuhay
nang naaayon sa kalooban ng Diyos
kaya nararapat lang na tato ay
gumaga ng mabuti sa ating kapwa.
Isagawa Natin

Ipaliwanag sa maikling
talata ang islogan.
Gawin ito sa iyong
kuwaderno.
Ikatlong Araw

Balik-aral:
Magbigay ng halimbawa ng
kabutihan na kinalulugdan ng
Diyos.
Ipaliwanag ang ipinapakita ng
nasa larawan.
Sa iyong palagay, ang
paggalang o pagbibigay ban
g respeto sa nakatatanda ay
isa din sa gawaing
kalulugdan ng Diyos?
Magbigay pa ng ibang
halimbawa na nagpapakita
ng pasasalamat sa
Maykapal.
Pangkatin ang klase. Hayaan
silang magsadula ng dula-
dulaan na nagpapakita ng
kabutihan sa kapwa.
Paglalapat:
Paano mo ipapakita ang
pasasalamat sa Diyos sa
pamamagitan ng paggawa
ng kabutihan?
Tandaan Natin:
Ang pagsunod at paggalang sa
nakatatanda, pagrespeto at paggawa
ng kabutihan sa kapwa ay isang
magandang gawain para sa kabataang
tulad mo. Ang paggawa ng mabuti ay
ikinalulugod ng Diyos. Ito ay isang
paraan ng pagpapakita ng pasasalamat
sa Kanya.
Isapuso Natin

Sa bond paper, magpagawa ng isang simpleng


tula tungkol sa pasasalamat sa Diyos sa
pamamagitan ng paggawa ng kabutihan.
_______________

_____________________________

_____________________________

__________________________________________________________
Ikaapat na Araw
Balik-aral:
Ano ang inyong natutuhan
mula sa mga tulang nabuo
ninyo kahapon?
Muling tumawag ng mag-
aaral upang basahin ng
may damdamin ang tulang
nagawa kahapon.
Paano mo maipapakita
ang kabutihan sa mga
nasalanta ng bagyo?
Pasulatin ang mga mag-aaral
ng maikling sanaysay tungkol
sa kanilang saloobin sa
nagdaang lindol sa Surigao
City. Ano ang maaari mong
gawin upang kalugdan ka ng
Diyos?
Isabuhay Natin

Pangkatang Gawain
Bumuo ng tatlong pangkat. Kayo ay
magkakaroon ng lima hanggang
sampung minuto upang pag-usapan sa
bawat pangkat ang mga sitwasyong
igagawa ng dula-dulaan. Pumili ng
lider na siyang magpapadaloy ng
talakayan sa pangkat.
Pangkat 1 - Paggawa ng
kabutihan sa loob ng silid-
aralan.
Pangkat 2 - Paggawa ng
kabutihan sa pamilya.
Pangkat 3 - Paggawa ng
kabutihan sa mga kaibigan.
Ikalimang Araw
Balik-aral:
Bakit mahalaga ang paggawa ng
kabutihan sa kahit saan mang
dako ng mundo?
Magpanood ng maikling
video clip tungkol
sa“ANG PAGTULONG SA
KAPWA”
https://www.youtube.co
m/watch?v=qopg54dKjdo
Ano ang iyong natutuhan sa
iyong napanood?
Kaya mo rin bang gawin ang
katulad ng ipinakitang
pagtulong sa video?
Paglalapat:
Ang lahat ng kabutihang ating
ginagawa sa ating kapwa ay hini lingid
ito sa ating Maykapal. Ang lahat ng ito
ay kanyang nakikita at tayo ay
kinalulugdan Niya, kaya’t patuloy
lamang natin gawin ang nararapat
para sa ating kapwa.
Subukin Natin
Ipasagot sa mga mag-aaral ang
Subukin Natin sa pamamagitan ng
paglalagay ng √ kung ang
pangungusap ay nagpapakita ng
paggawa ng kabutihan at × kung
hindi.
_____ 1. Pagbibigay ng tulong sa mga
nasunugan ng tirahan.
_____2. Magpahiram ng gamit sa
taong nangangailangan ngunit
walang pambili.
_____ 3. Pagtatapon ng basura sa
harap ng bahay ng kapitbahay.
_____ 4. Hindi pagsasabi ng totoo.
_____ 5. Paggalang sa opinyon ng
iba.

You might also like