You are on page 1of 7

SELF-LEARNING MODULE

GRADE 5

QUARTER 2
WEEK 5
MUSIC
• Determines the range of a musical example
wide, narrow
MOST ESSENTIAL • Reads notes in different scales: Pentatonic scale, C major scale,
LEARNING G major scale
COMPETENCIES • Creates simple melodies
• Performs his/her own created melody
• ATING TUKUYIN: RANGE NG MELODIYA
• HALINA AT MAGBASA: PENTATONIC SCALE, C MAJOR AT G MAJOR
TOPICS •
SCALE
KAYA NATING LUMIKHA NG MELODIYA!
• HALINA AT UMAWIT: ATING LIKHANG MELODIYA

INAASAHAN

Ang modyul na ito ay ginawa para sa mga batang mag-aaral na nasa Ika-
limang Baitang. Inaasahan na sa pagtatapos ng modyul na ito ang mga mag-
aaral ay:

1. matutukoy ang range o lawak ng antas ng mga note sa musika;


2. makabasa ng nota sa magkakaibang Iskala: Iskalang Pentatoniko, C Major Scale at
G Major Scale;
3. makalikha ng simpleng melodiya;
4. maka-aawit ng awiting dandansoy ng may damdamin; at
5. makalikha ng sariling melodiya.
PAGPAPAKILALA NG ARALIN
RANGE NG MELODIYA

Tingnan ang so-fa syllable ayon sa


C D E F G A B C
senyas-kamay ng Kodaly
.
Ano ang napansin mo sa mga agwat
ng note sa mga so-fa syllable?
Mayroon bang maikli o malaking
agwat?
Ano ang range ng boses kung
malapit ang pagitan?
Kapag malaki naman ang pagitan,
ano ang range nito?
Nakaya mo bang awitin ang
pinakamataas na tono?
Paano mo ito inawit?

(Awitin ang “Inday sa Balitaw” at ang “Salidommay”.)


Sa pamamagitan ng score ng mga awit tukuyin mo ang nota na may pinakamataas at
pinakamababang tono.

Sa awiting Inday sa Balitaw ang pagitan o range ay 3,G-B -. Ito ay maikling range.
Sa awiting “Salidommay”, ang pagitan ay mahigit walo. Ito ay may malawak na range.
Ngayon, tukuyin mo , kung saan makikita ang pinakamataas at pinakamababang range ng
awit.
Ano ang kailangan upang maihatid ang range sa pinakamataas at pinakamababang antas? (
Maawit ito sa wastong tono.
Ang pagkakasunod-sunod ng tonong pataas o pababa ang bumubuo sa eskala. Ang salitang
Scale ay nagmula sa bansang India na ang ibig sabihin ay hakbang o hagdanan. Kaya ang isang
awitin ay may mga tonong pataas at pababa kaya nabubuo ang isang melodiya.

• Ang Pentatonic ay binubuo ng limang nota: do,re,mi,so,at la

• Ang C- Major scale – ay walang simbolo na # sharp o at may walong nota at ang una at
huling nota ng scale nato ay may pitch name na C.

• Ang G Major Scale – ay may walong nota ang unang nota ng scale nato ay matatagpuan sa
guhit na G at nagtatapos sa puwang o espasyo na G sa taas ng staff. At may isang nota na
may sharp sa scale nato.

Pinakasimple at madaling batayan sa paglikha ng melodiya ay ang C Major Scale, dahil hindi ito
ginagamitan ng sharp at flat. Ito ay binubuo ng walong notes na sunud-sunod na nakaayos pataas
sa staff.

Kung nais mong lumikha ng sarili mong melodiya na simple lamang, ay wala kang gagawin kundi
pindutin lamang ang anumang puting tiklado o keys na kasapi ng C Major Scale. Tumingin sa
larawan ng piano sa itaas. Lahat ng keys na may shade na blue ay maaring gamitin sa naibigang
melodiya.

Halimbawa: Pinindot ko ang C – D – F – G – C. Palitan natin ito ng so-fa syllables na

DO – RE – FA – SO – DO. Ibatay sa chart sa ibaba.


GAWAIN 1
Panuto: Suriin ang mga note at tukuyin ang range ng pinakamataas at pinakamababang note. Isulat
din kung malawak o maikli ang pagitan ng bawat note.

GAWAIN 2
Panuto : Isulat sa patlang ang T kung ang pahayag ay Tama at M naman kung Mali ang pahayag.

____1. Ang C Major scale ay walang sharp o flat na nota.


____2. Ang Pentatonic scale ay binubuo ng walong nota.
____3. Ang G Major scale ay may limang nota lamang.
____4. Ang Scale ay pangkat ng mga nota na nakaayos mula sa pinakamababa
hanggang sa pinakamataas na nota o pinakamataas hanggang sa
pinakamababa.
___5. Ang una at huling nota ng scale na matatagpuan sa C Major ay ang pitch name
na G.
SURIIN ANG PIYESA NG AWIT
1. Sabihin kung anong sagisag kromatiko ang nasa unahang bahagi ng piyesa ng awit.
Saang linya ng limguhit ito nakalagay?
2. Ano ang tunugan (key) at lundayang tono (home tone) ng awitin?
3. Saang bahagi ng limguhit nakalagay ang home tone ng G Major?

GAWAIN 3
Panuto: A. Isulat ang pitch names ng mga sumusunod na notes sa loob ng staff.

B. Isulat ang mga sumusunod na so-fa syllables sa tama nitong tiklado sa keyboard.

1. DO – RE – SO – LA – TI 2. FA – DO – RE – MI - SO

3. RE – MI – SO – LA – TI 4. MI – FA- TI – RE – LA
GAWAIN 4
Pakinggan ang melodiya ng awiting Dandansoy. Maaari ito mapanuod at mapakinggan sa youtube.
https://www.youtube.com/watch?v=F3G5CKxen5U. Sundan ang awitin. Awitin ito nang may damdamin.

Ang “Dandansóy” ay isang awiting-bayan sa Kabisayaan partikular na sa isla ng Panay. Ang awiting
ito ay nása wikang Hiligaynon.

Reference: Filipinomusicsheets

Dandansoy, bayaan ta ikaw,


Pauli ako sa Payaw
Ugaling kung ikaw hidlawon
Ang Payaw, imo lang lantawon

Dandansoy, kung imo apason


Bisan tubig di magbalon
Ugaling kung ikaw uhawon
Sa dalan magbubon-bubon.

Convento, diin ang cura?


Municipio, diin justicia?
Yari si dansoy maqueja.
Maqueja sa paghigugma.

MGA DAPAT TANDAAN

Ang melodiya ay ang makahulugang pagkakahanay at pinagsama-samang tono o mga himig


na nakaaantig ng damdamin ng mga nakikinig sa pamamagitan ng makabuluhang pagpapahayag
ng kaisipan sa komposisyong musikal. Ang pagkakasunod-sunod ng mga himig sa isang komposisyon
ay naaayon sa eskalang musikal (music scale). Ang bawat tono o nota ay sunod-sunod na umaakyat
o tumataas at bumababa na may nakatakdang pagitan ng mga hakbang. Ang pagitan ng bawat
nota ay maaaring isang buong hakbang o kalahating hakbang.

Ang scale ay pangkat ng mga nota na nakaayos na pataas at pababa. Ang Pentatonic ay
binubuo ng limang nota ito ay ang do,re,mi,so,at la , binubuo naman ng walong nota ang C Major
scale at G Major scale . Ang C Major scale ang una at huling nota ng scale na ito ay parehong may
pitch name na C. Ngunit ang G Major scale naman ay ang nota ng scale na ito ay matatagpuan sa
guhit na G at nagtatapos sa puwang o espasyo na G sa taas ng staff.
Ang melodiya ay napakahalaga sa isang awit. Dito malalaman kung ang awit ay masaya o
malungkot. Ang paglikha ng melodiya ay nagpapakita ng iyong sariling istilo, kakayahan at
pakiramdam. Tandaan na kahit sinong tao ay maaaring lumikha ng sariling melodiya upang mas
mapaganda pa ang isang awitin.

PAG-ALAM SA MGA
NATUTUHAN

Panuto: Sundan ang mga nakasaad na salita batay sa iyong pagkakaalam.

Bago ako tumungo sa susunod na modyul, aking ssisiguraduhin na:

1. aking nauunawaan ang…


__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________

2. aking isasagawa ang mga natutuhan tulad ng…

__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________

3. aking sasanayin ang mga gawain upang…

__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________

You might also like