You are on page 1of 10

Kagawaran ng Edukasyon

Music 5
Ang mga Scale sa Musika
Ikalawang Markahan – Ika-2 Linggo

Jonalwin M. Bausa
Manunulat

Olivia G. Elloso
Marlene S. Rongavilla
Tagasuri

Maria Hazel B. Hernandez


Evangeline M. Aman
Edison C. Enerlas
Pangdibisyong Katiyakan sa Kalidad

Schools Division Office – Muntinlupa City


Student Center for Life Skills Bldg., Centennial Ave., Brgy. Tunasan, Muntinlupa City
(02) 8805-9935 / (02) 8805-9940
Sa tulong ng SLeM na ito, ikaw ay inaasahang:
 Nakikilala ang mga nota sa C-major scale
 Natutukoy ang range na wide at narrow sa isang halimbawa ng musika

Panuto: Isulat ang so-fa silaba na naaayon sa mga nota batay sa key
signature.

C-Major

so fa la ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___

Panuto: Punan ang tsart sa pamamagitan ng paglalagay ng tamang uri ng


melodic interval.

Bilang ng Agwat Melodic Interval


walang pagkakaiba ang agwat 1.
may agwat na tatlo 2.
may agwat na lima 3.
may agwat na pito 4.
may agwat na walo 5.

Ang melody ay isa sa mga pangunahing elemento ng musika na madali nating


nakikilala o naaalala. Ito ay binubuo ng iba’t ibang nota at tono na sunod-sunod at

1
maayos na pinagsama-sama upang makabuo ng kaaya-ayang tunog. Kadalasan ang
isang melody ay nabubuo ayon sa isang scale.
Ang scale ay pangkat ng mga nota na nakaayos mula sa pinakamababa
hanggang pinakamataas na nota o mula sa pinakamataas hanggang sa
pinakamababa. Mayroong iba’t ibang uri ng scale sa musika na may iba’t ibang
katangian.
Ang C-major scale ay walang simbolo na sharp o flat. Ito ay tinutugtog gamit
ang mga puting tiklado ng piyano o keyboard. Ito ay binubuo ng mga pitch name na
C-do, D-re, E-mi, F-fa, G-so, A-la, B-ti, C-do.

Isa pang mahalagang aspekto ng melodiya ay ang range. Ito ay natutukoy sa


pamamagitan ng pagkilala sa pinakamataas at pinakamababang nota ng isang awit.
Kung ang distansiya ng pinakamababa at pinakamataas na nota ay maikli lamang,
ang musika ay sinasabing narrow range. Kung minsan, ang distansiya ng
pinakamababa at pinakamataas na nota ay sadyang malaki ang agwat, ang range
nito ay tinuturing na wide.

A. Panuto: Awitin ang kantang Ili-Ili Tulog Anay. Sabihin ang range sa
pamamagitan ng pagsuri ng distansiya ng pinakamataas at pinakamababang tono
nito. Kung hindi alam ang awit, maari mo itong panoorin sa youtube kung ikaw ay
may connection sa internet: Ili-Ili Tulog Anay-Pinoy BK Channel 🇵🇭
https://www.youtube.com/watch?v=dSTv_Ehv82c

2
B. Panuto: Gamit ang buong nota, iguhit ang katumbas ng mga so-fa silaba sa C-
Major scale.

fa la do mi so re ti

Ang melody ay binubuo ng iba’t ibang nota at tono na nabubuo ayon sa scale.
Ang scale ay pangkat ng mga nota na nakaayos mula sa pinakamababa hanggang
sa pinakamataas na nota o pinakamataas hanggang sa pinakamababang nota.
Ang C-Major ay isang uri ng scale na walang sharp o flat. Ito ay binubuo ng
mga pitch name na C-do, D-re, E-mi, F-fa, G-so, A-la, B-ti, C-do.
Ang range ng isang awit ay natutukoy sa pamamagitan ng pagkilala sa
pinakamataas at pinakamababang nota ng isang awit. Kung ang distansiya ng
pinakamababa at pinakamataas na nota ay maikli lamang, ang musika ay
sinasabing narrow range. Kung ang distansiya ng pinakamababa at pinakamataas
na mga nota ay sadyang malaki ang agwat, ito ay tinuturing na wide range.

Panuto: Pag-aralan ang awiting Counting-Out Song at subukin itong awitin.


Sagutin ang mga tanong.
1. Ano ang palakumpasan ng awit?__________________________
2. Ano ang scale ng awit?____________________________
3. Ano ang unang nota ng awitin?____________________
4. Ano ang huling nota ng awitin?____________________
5. Isulat ang so-fa silaba ng awit katumbas ng mga nota ayon sa scale nito.

Counting-Out Song

___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___
Or - y - mor- y - muz-zen, I’m count-ing by the doz- en,

3
___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___
Then I turn and turn a- bout; Point,Pol - ly, you are out!

A. Panuto: Piliin at bilugan ang letra ng tamang sagot.

1. Ito ay isa sa pangunahing elemento ng musika.


A. C- Major C. Pitch name
B. Melody D. Scale

2. Ano ang tawag sa distansiya ng awitin na sadyang malaki ang agwat?


A. Melody C. Scale
B. Narrow D. Wide

3. Ito ay isang uri ng scale na walang sharp at flat.


A. C-Major C. F-Major
B. D-Major D. G-Major

4. Ito ay tumutukoy sa pinakamataas at pinakamababang nota o pinakamababa at


pinakamataas na nota sa isang awitin.
A. Melody C. Scale
B. Range D. Wide

5. Ano ang tawag sa distansiya ng awitin na sadyang maikli lamang ang agwat?
A. Melody C. Scale
B. Narrow D. Wide

B. Panuto: Isulat ang pitch name ng mga sumusunod na mga nota sa bawat scale.
Basahin ang mga nota gamit ang mga so-fa silaba.

4
Sanggunian
HazelP. Copiaco, Emilio S. Jacinti Jr., Halinang Umawit at Gumuhit (Vibal Group Inc.)
Karapatang-sipi 2016 ng Vibal Group Inc.
Alicia M. Zagala, Ignacia A. Capul Sanayang Aklat sa Musika 6 ( Cultural Publisher )
Karapatang-sipi ng Pilipinas ng Cultural Publisher

Pinoy BK Channel🇵🇭
Ili-Ili Tulog Anay-https://www.youtube.com/watch?v=dSTv_Ehv82c
Susi ng Pagwawasto:

5. B
4. B
G G G C/G E C/G G G C/G E 3. A
5. G G G C / G E C / G G G C / G E 2. D
3. C-Major 1. B
2. 4/4 4. G-so E-mi Pangwakas na Pagsusulit
Pag-alam sa Natutuhan

5. octave
4. seventh
3. fifth
2. third
1. prime
Gawain B. Balik Tanaw

Sa tulong ng SLeM na ito, ikaw ay inaasahang:


 Nababasa ang mga nota sa iba’t ibang scale ( Pentatonic,C-Major,G-Major)
 Nakagagawa ng simpleng melodiya
 Nagagampanan ang nagawang melodiya

Panuto: Basahin ang mga nota sa limguhit ayon sa scale nito. Isulat ang so-fa
syllables sa patlang:

1.___ 2.___ 3.___ 4.___ 5.___ 6.___ 7.____ 8.____

5
Panuto: Gamit ang buong nota, iguhit ito na katumbas ng so-fa syllable hango sa
mga larawang nakaguhit sa kaliwa.

1.

_________________________________

2,

__________________________________

3.

__________________________________

4.

____________________________________

5.

_____________________________________

Ang G-Major scale ay nagtataglay ng isang sharp o sustinido na makikita sa


ikalimang guhit ng limguhit. Ang scale na ito ay nagsisimula sa ikalawang guhit ng
limguhit.

do re mi fa so la ti do

6
Ang C-Major scale ay walang nakalagay na sharp o flat . Ang
mababang do ay nasa maikling guhit at ang mataas na do ay nasa ikatlong
puwang.

do re mi fa so la ti do

Ang Pentatonic scale ay binubuo ng limang nota, do, re, mi, so at la na


maaaring pataas o pababang tono, paulit, palaktaw. Ang scale na ito ay kadalasang
ginagamit sa mga awiting bayan.

C D E G A
do re mi so la

A. Panuto: Iguhit ang tamang uri ng nota sa tamang lugar ayon sa scale at
palakumpasan nito.

O, Nanay Ko

mi mi mi so do do do mi so so so mi mi re

re re re fa ti ti ti re so so so mi re do

7
B. Panuto: Isulat ang so-fa syllable ng mga nota sa C-Major scale.

C. Panuto: Lumikha ng sariling awitin na may simpleng melodiya. Lapatan ito ng


tamang nota batay sa scale na inyong gagamitin. Sanayin ito sa pag awit. Irekord
ang iyong awit at ipadala sa iyong guro sa pamamagitan ng inyong group chat.

Ang G-Major scale ay nagtataglay ng isang sharp na makikita sa ikalimang


guhit. Ang scale na ito ay nagsisimula sa ikalawang guhit ng limguhit.

Ang C-Major scale ay walang nakalagay na sharp o flat. Ang mababang do ay


nasa maikling guhit at ang mataas na do ay nasa ikatlong puwang.
Ang Pentatonic scale naman ay binubuo ng limang nota do, re, mi, so at
la na maaaring pataas o pababang tono, paulit at palaktaw. Ang scale na ito ay
kadalasang ginagamit sa mga awiting bayan.

A. Panuto: Sa isang papel, lumikha ng tatlong staff. Isulat nang wasto ang mga
nota ng sumusunod na mga scale.
1. Pentatonic scale
2. C-Major scale
3. G-Major scale

Panuto: Basahin at isulat ang so-fa silaba ng mga nota sa eskala sa sunod na pahina.

8
1.____ 2. ____ 3. ____ 4. ____ 5. ____

6. ____ 7. ____ 8. ____ 9._____ 10.____

Sanggunian
Hazel P. Copiaco, Emilio S. Jacinti Jr., Halinang Umawit at Gumuhit (Vibal
Group Inc.) Karapatang-sipi 2016 ng Vibal Group Inc.
Alicia M. Zagala, Ignacia A. Capul Sanayang Aklat sa Musika 6 ( Cultural
Publisher ) Karapatang-sipi ng Pilipinas ng Cultural Publisher

https://www.google.com/search?q=pictures+of+gclef+staff+with+4%2F4&tbm=isch&ved=2a
hUKEwj--YfI4Y3sAhUHR5QKHbJiDccQ2-
cCegQIABAA&oq=pictures+of+gclef+staff+with+4%2F4&gs_lcp=CgNpbWcQAzoHCCMQ6gIQJ
zoECCMQJzoECAAQQzoFCAAQsQM6AggAOgcIABCxAxBDOgQIABAYULmAtAFYy_K0AWD8_
rQBaAFwAHgDgAGxAYgBoSCSAQQ1MC40mAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWewAQrAAQE&
sclient=img&ei=hNdyX_4nh47RBLLFtbgM&bih=608&biw=1366#imgrc=91LTHwcUsiOQeM

Susi ng Pagwawasto:

Unang Pagsusulit.

1. So 2. Fa 3. Mi 4. Re 5. Do 6. Ti 7. Do 8. Ti

10. Mi 9. Re 8. Ti 7. La 6. Do

5. So Mi 4. 3. La 2. Do 1. So

Pangwakas na Pagsusulit:

5.BED
4.EGG
3.BEE
2.FACE
1.BAG
Balik Tanaw

You might also like