You are on page 1of 10

Kagawaran ng Edukasyon

Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan


(EPP) 5
Entrepreneurship at ICT
Nakagagamit ng mga Basic Function at Formula sa
Electronic Spreadsheet upang Malagom ang Datos
Ikalawang Markahan – Ikapitong Linggo

Myrna R. Teope
Writer

Jessa B. Ables Ernah T. Diaz Elizabeth D. Limson


Validators

Virginia P. Cagampang,
Dr. Jane May C. Valbuena at Dr. Antonio C. Gagala
Quality Assurance Team

Schools Division Office – Muntinlupa City


Student Center for Life Skills Bldg., Centennial Ave., Brgy. Tunasan, Muntinlupa City
(02) 8805-9935 / (02) 8805-9940
Sa tulong ng SLeM na ito, inaasahang:
1. naiisa-isa ang mga basic function at formula sa electronic spreadsheet na
ginagamit sa paglalagom ng mga datos;
2. nakagagamit ng mga basic function at formula sa electronic spreadsheet
upang malagom ang datos napapahalagahan ang produkto at serbisyo; at
3. naipamamalas ang speed at accuracy gamit ang mga basic function at
formula sa electronic spreadsheet.

Panuto: Tukuyin kung anong mga bahagi ng isang spreadsheet. Piliin ang
sagot sa loob ng kahon.

formula toolbars worksheet formatting toolbar


cell column menu bar merge cell
row workbook

_______________1. Ginagamit ito para pag-ugnayin ang dalawa o higit pang


Menu Bar mga Cell cell. Table Exponentiation Formula
______________2. Binubuo ito ng mgaBar hilera o column at hanay o row.
______________3. Ito ay nasa gawing itaas ng spreadsheet na kinalalagyan
ang iba’t-ibang button, icon, menu, at iba pa.
______________4. Ito ay nagpapakita ng relasyon na ibat ibang variable sa
isang mathematical equation upang makalkula kaagad
ang isang resulta.
______________5. Ito ay kadalasang may drop down menu kung saan
maaaring pumili ng file o application.
______________6. Dito inilalagay ang impormasyong tekstuwal o numero.
______________7. Ito ang hilera na may titik sa itaas.
______________8. Ito ay karaniwang makikita sa itaas ng workbook,
nakakatulong sa pagsasaayos ng mga text tulad ng
pagpili ng font, pagpapalaki sa mga titik, gawing bold ang
salita o italic.
______________9. Ito ang hanay na may numero sa kaliwa.
_____________10. Ito ay isang grupo ng spreadsheet na naka-save sa isang
file, kadalasan ito ay may tatlong worksheet.

2
Panuto: Taglay mo na ba ang sumusunod na kaalaman at kasanayan?
Lagyan ng tsek ( ̷ ) ang hanay ng thumbs up icon kung taglay mo na o thumbs
down icon kung hindi pa.

Kaalaman / Kasanayan

1. Naiisa-isa ang mga basic functions at formula sa


spreadsheet application.
2. Nagagawa ang simpleng pagtutuos gamit ang formula
(AUTOSUM) sa spreadsheet application.
3. Nagagawa ang simpleng pagtutuos gamit ang mano-
manong paggawa ng formula sa spreadsheet application.
4. Nagagamit ang mga basic function at formula sa
electronic spreadsheet upang malagom ang mga marka,
edad at timbang
5. Nagagamit ang mga basic function at formula sa
electronic spreadsheet upang malagom ang puhunan,
benta at tubo.

Ang Kabuuang Bilang ng mga Mag-aaral sa Paaralang Elementarya


ng Sucat Zone 3 sa Panuruang Taon 2020 – 2021
Baitang Lalake Babae Kabuuan
Kinder 32 26
Baitang 1 47 50
Baitang 2 63 65
Baitang 3 49 53
Baitang 4 44 52
Baitang 5 37 35
Baitang 6 56 43
Kabuuan

Nais malaman ni Gng. Limson, punongguro ng paaralan ang kabuuang


bilang ng mga mag-aaral sa bawat baitang na nagpatala ngayong panuruang taon
2020-2021. Ilan ang kabuuang bilang sa Kinder? Ilan ang kabuuang bilang sa
Baitang 1 hanggang sa Baitang 6? Ilan ang kabuuang bilang ng lahat ng mga
batang lalake at mga batang babae? Anong software ang dapat gamitin upang
mabilis malaman ang datos ng paaralan?

3
Ang Microsoft Excel
Ang Microsoft, isa sa pinakakilalang lumikha ng software na electronic
spreadsheet na tinatawag na Microsoft Excel na binubuo ng maraming mga cells.
Maaari itong gamitin kung nais pagsama-samahin ang mga datos na nakalap sa
internet man o saan mang maaaring pagmulan ng impormasyon. Maaari ding
gamitin ang Excel sa accounting o pagtutuos ng mga gastos at pera na pumasok.
Naglalaman din ito ng maraming mga formula upang makamit ang iba pang
pakinabang nito.
Kung gumagamit ng Microsoft Excel 2010, ganito ang larawang makikita
kapag binuksan ang excel.

Ilagay ang halaga o numero mula sa alinman sa mga cell. Kung nais kunin
ang sum o kung gustong pagsama-samahin ang halaga, maaaring gumamit ng
dalawang paraan. Una, maaaring i-click at i-drag lamang ang mouse upang
pagsama-samahin ang mga halaga at i-click ang “formulas” na matatagpuan sa
itaas ng spreadsheet at i-click ang Auto Sum.
Spreadsheet ang tawag sa pahina sa Excel. Pagkatapos mapindot ang
“Autosum” lalabas na ang resulta. Siguraduhing pasobrahan ang cell na ida-drag
kung saan awtomatikong mailalagay ang pinagsama-samang halaga. Ikalawa,
maaaring gamitin ang mano-manong paggawa ng formula sa isang cell, kagaya ng
nasa larawan sa itaas.

Paggamit ng Basic Function at Formula sa Electronic Spreadsheet


Maraming iba’t ibang klaseng basic functions ang maaari mong gamitin sa
electronic spreadsheet. Ilan sa mga ito ay ang sumusunod:

Sum Function – kinuha nito ang kabuuang bilang ng mga numerical na


datos sa mga piniling cells.
Gumawa ng formula na nag-uumpisa sa equal sign, pagkatapos ay
sinusundan ito ng parenthesis ( ). Sa loob ng parenthesis matatagpuan ang mga
cell na nais pagsama-samahin. Maaaring ilagay ang mga cell ng mano-mano o
ilagay ito sa pamamagitan ng pag-click sa cell na nais ilagay pagkatapos ay sundan
ito ng plus sign +. Kung higit sa dalawa ang cells na nais pagsamahin, kailangan
ilagay ang plus sign + sa pagitan ng mga cells katulad ng ipinapakita sa larawan sa
itaas. Pagkatapos ilagay ang mga cells, pindutin lamang ang “Enter” o i-click

4
lamang ang mouse o cursor saan man sa spreadsheet at lalabas na ang resulta ng
pinagsamang mga numero.

Ang ganitong uri ng paraan ng pagtutuos o paggamit ng function at


formula ay nag-iiba lamang sa gamit. Halimbawa, kung may nais mag-subtract,
gagamitan lamang ang minus sign (-) sa pagitan ng mga cells na nais pagbawasin.

Samantala, ginagamit naman ang asterisk (*) kapag nais i-multiply ang
dalawang numero o higit pa.

5
Kapag nais namang i-divide ang dalawang numero, ginagamit ang slash /.

Ang nasa itaas ay ilan lamang sa mga basic functions at formula na


maaaring gamitin. Ganunman, marami pang makikitang mga formula sa “Formula
Tab” ng Excel.

Gawain A. Paglalagom ng datos gamit ang Auto Sum.


1. Magbukas ng electronic spreadsheet tool. Gamit ang AUTOSUM, kuhanin ang
kabuuang halaga at ang kinita ni Aling Mely sa kaniyang tindahan na school
supplies store.

A B
1 Ang School Supplies Store ni Kuya Jethro
2 Ulat ng Kinita ( Income Statement)
3 Puhunan (investment) P416.00
4 Netong Kita (net income)
5 4 pcs. Grade 1Pad Paper 96.00
6 4 boxes Crayons 16’ 160.00
7 7 pcs. Panda Ballpen 49.00
8 7 pcs. Mongol Pencil 56.00
9 8 pcs. White Glue 80.00
10 3 rims of Yellow Pad Paper 72.00
11 5 pcs 1/8 Illustration Board 40.00
12 Kabuuang halaga Benta (Sales)

6
2. I-type ang mga tekstuwal at numerical na datos na makikita sa table sa itaas.
3. Kuhanin ang kabuuang halaga ng benta(sales) gamit ang basic function na
SUM.
4. I-click ang Cell B10. I-type ang basic function at cell range sa loob ng saknong:
= SUM (B5:B9), o kaya ay I-click ang Insert Function button
Pillin ang SUM function at I-click ang (OK)
5. Magbubukas ang Function Arguments dialog box.
6. I-highlight ang Cell B5 hanggang B9
7. I-press ang (Enter) sa keyboard.
8. Maaari nang malaman ang netong kita. Ibawas ang
gastusin o puhunan sa kabuuang halaga ng benta
(Sales).
9. I-Click ang Cell B10 at i-type ang formula (=B10-
B3).
10. I-save ang spreadsheet bilang income_statement.

Gawain B. Kuhanin ang kabuuang kita ng kantina sa bawat araw mula sa bawat
pangkat ng mga mag-aaral. Gamitin ang AUTOSUM.

A B C D E F G
Section
Araw Kabuuan
1 Marcelo Melchora Rizal Aguinaldo Bonifacio
2 Lunes 687 669 745 724 774
3 Martes 695 667 789 710 687
4 Miyerkules 689 634 795 780 743
5 Huwebes 675 665 712 715 689
6 Biyernes 650 620 765 720 696
Kabuuang
7
Halaga

Gawain C: Paglalagom ng mga datos gamit ang mano-manong paggawa ng formula.


1. Gumawa ng formula upang malagom ang kabuuang Gen. Average ng bawat
mag-aaral, gamit ang mano-manong paggawa ng formula.
Halimbawa: Gamitin ang formula na =(B2+C2+D2+E2+F2/5) para kay
Student No. 1. Gawin ito hanggang sa Student No.5.

A B C D E F G
Student
1 English Math Science Filipino AP General Ave.
No.
2 1 86 84 82 89 92
3 2 88 86 84 90 94
4 3 84 88 85 89 92
5 4 86 89 82 92 90
6 5 87 84 87 88 83

7
Spreadsheet ang tawag sa pahina sa Excel.
Ang paggamit ng electronic spreadsheet ay nakatutulong upang
mapadali at mapabilis ang pagbuo ng mga datos gamit ang mga
function at formula.
Maaaring gumamit ng dalawang paraan sa paglalagom ng datos:
Una, ang “Autosum” na matatagpuan sa itaas ng spreadsheet.
Ikalawa, ang mano-manong paggawa ng formula sa isang cell.

Panuto: Gawin ang mga sumusunod:


1. Magbukas ng electronic spreadsheet o Microsoft Excel.
2. Itala ang mga datos.
3. Gumamit ng basic function at formula. Maaaring gumamit ng
autosum o mano-mano sa pagtutuos ng mga datos.
pinagbilhan – puhunan = kabuuang tubo
kabuuang tubo – mga gastos = netong tubo

Si Mae ay nagboluntaryong magbantay sa kanilang sari-sari store. Nais


niyang makatulong sa kaniyang mga magulang habang nasa bahay lamang siya.
Sa bawat araw na kanyang kinikita ay iniipon niya ito, mula Lunes hanggang
Biyernes. Tulungan natin si Mae na tuusin ang kabuuang tubo at netong tubo sa
kanilang tindahan.
A B C D E F
Kabuuang Netong
Pinagbilhan Puhunan Mga Gastos
1 Araw
(Php) (Php)
Tubo
(Php)
Tubo
(Php) (Php)
2 Lunes 545.00 319.00 58.00
3 Martes 564.00 323.00 64.00
4 Miyerkules 678.00 424.00 76.00
5 Huwebes 563.00 316.00 53.00
6 Biyernes 553.00 324.00 58.00
Kabuuang
7
halaga
Sagutin ang mga sumusunod na tanong:
1. Magkano ang Kabuuang Tubo sa araw ng Lunes? Martes? Miyerkules?
Huwebes? at Biyernes?
2. Magkano ang netong tubo sa araw ng Lunes? Martes? Miyerkules?
Huwebes? at Biyernes?
3. Magkano ang kabuuang pinagbilhan, puhunan, kabuuang tubo, mga
gastos at netong tubo sa loob ng isang Linggo?

8
Panuto: Basahin nang may pang-unawa ang mga sumusunod. Isulat sa
iyong sagutang papel ang titik ng wastong sagot.

1. Ang = Sum (B1, B2, B3, B4) ay isang halimbawa ng ________


A. Cell B. Toolbar C. Formula D. Worksheet

2. Maaring ayusin ang mga datos sa excel ng alphabetical order sa pamamagitan


ng pag-click sa___________
A. autosum B. font size C. font style D. sort filter

3. Ano ang ilalagay sa unahan ng formula?


A. (=) equals B. (+) plus C. (*) asterisk D. (/) slash

4. Ano ang ibig sabihin ng icon na ito?


A. Formula B. Function C. Average D. Autosum

5. Ito naman ang ginagamit upang mag-multiply ng isang cell sa isa pa o higit pa.
A. (*) asterisk B. (=) equals C. (+) plus D. (/) slash

6. Ito ang ginagamit kung nais i-divide ang isang cell sa isa pa.
A. (*) asterisk B. (=) equals C. (/) slash D. (+) plus

7. Ito ay isang operasyon sa Matematika.


A. Name box C. Exponentiation
B. Merge cell D. Spreadsheet
8. Ginagamit kung nais magkaroon ng mathematical equation upang matuos
kaagad ang isang resulta.
A. Equal sign (=) B. Parentheses ( ) C. Addition (+) D. Formula

9. Mababasa din dito ang impormasyon na inilagay sa cell kung naka highlight ang
cell.
A. Formula B. Formula bar C. Row D. Table

10. Ang titik at numero na nagbibigay ng eksaktong lokasyon ng hilera at hanay ng


cell sa isang spreadsheet.
A. Cell B. Name box C. Merge cell D. Formula bar

9
10. B A 5.
9. B D 4.
8. B A 3.
7. C D 2.
6. C C 1.
Pangwakas na Pagsusulit

2,903 1,706 309 Kabuuang halaga


168 177 178 194 171 Netong kita
226 241 254 247 229 Kabuuang tubo
Pag-alam sa Natutunan

5. 85.8 5. 3,451
4. 87.8 4. 3,456
3. 87.6 3. 3, 64
2. 88.4 2. 3,548
1. 86.6 1. 3,599
C. B.
NETONG KITA- 137 (SALES)–553 A. BENTA
Gawain:

10.Workbook 5. Menu Bar


9. Row 4. Formula
8. Formatting toolbar 3. Toolbars
7.Column 2. Worksheet
6. Cell 1. Merge Cell
Unang Pagsubok
Susi ng Pagwawasto:

Sanggunian
1. Peralta, Gloria A. EdD, Mata, Marianne M. , De Guzman Jeffrey D.
Department of Education Bureau of Learning Resources ( DepEd-BLR)
Kaalaman at Kasanayan Tungo sa Kaunlaran 5 ( Vibal Group 2016)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig
City, Philippines 1600. Pahina 33 – 36.
2. Nicdao, Ruth Merilyn N. ( 2013 ). Computer @ Work 6. Neo Asia
Publishing Inc.
Andes, Mhery-Ann S, Andes, Antonio Sr. S. ( 2012 ). My Computer
Book 6. National Book Store.
Http//:quipperschool.com ( K-12 ICT - grade 5)
3. Leano, Marvin R., Garcia, Edison G., Neri, Alexander D. Ph.D.,
Samson, Ever M., Learning Material EPP 5 Enterpreneuship & ICT.
Pahina 84 - 92

10

You might also like