You are on page 1of 5

PANGALAN: BAITANG AT PANGKAT:

PANGALAN NG GURO: MODULE CODE:

DEPARTMENT OF EDUCATION
NATIONAL CAPITAL REIGION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA EPP V – ICT at ENTREPRENEUR


A. LAYUNIN:
Nakagagamit ng mga basic function at formula sa electronic spreadsheet upang malagom
ang datos. (Paggamit ng Autosum at Paglalagay ng Basic Formula)

B. 1. Panimula:

Ang Microsoft, isa sa pinaka kilalang lumilikha ng software may electronic spreadsheet, ito ay ang
Microsoft Excel na binubuo ng maraming mga cells.
Nakatutulong ang spreadsheet sa pagsusuri ng impormasyon, paggawa ng mga talungguhit (graph at
tsart), paggawa ng mga formula para sa pagtutuos, at pag-aayos ng mga impormasyon. Ito rin ay
ginagamit ng isang entrepreneur sa bookkeeping o ang pagtatala sa aklat hingil sa kalakal.

Ganito ang larawang makikita kapag binuksan ang Microft Excel.

https://www.excelhowto.com/wp-content/uploads/2014/05/Excel-2010-User-interface.png
Paggamit ng Basic Function at Formula sa Electronic Spreadshe
Ang formula ay nagpapakita ng relasyon ng ibat’t ibang variable sa mathematics expression. Sa
electronic spreadsheet, ang formula ay isang pahayag ng user sa kung paano niya nais makuwenta ang
mga datos sa worksheet. Ito ay nagsisimula sa equal sign at kalimitan naglalaman ng values, cell
references, cell names at functions.
A4 = (A5+A6+A7) – A8

Ang functions ay formula na nakahanda na magamit sa pagkuwenta. Ito rin ay nagsisimula sa equal
sign at naglalaman ng function name at arguments.
A4=SUM(A5:A7)

Ang mga basic functions ang maaari mong gamitin sa electronic spreadsheet. Ito ang mga
sumusunod:
1. Sum Function – kinukuha nito ang kabuuang bilang ng mga numerical na datos sa mga pinipiling
cells.
2. Average Function – kinukuha nito ang ang average o karaniwang halaga ang mga piniling
numerical datos.
3. Max Function – ibinigay nito ang pinakamalaking bilang mula sa mga piniling numerical na datos.
4. Min Function – ibinibigay nito ang bilang ng mga tinalang halaga sa mga piniling cells.
PANGALAN: BAITANG AT PANGKAT:
PANGALAN NG GURO: MODULE CODE:

Ating Subukan:
Gamitin ang formula at basic function sa paggawa ng ng “Ulat ng Kita ng Pamilya Dela Cruz”.
Sundin ang mga sumusunod na hakbangin.

1. Buksan ang electronic spreadsheet tool.


2. I-type ang mga tekswtuwal at numerical na datos na makikita sa table sa ibaba. I-format ang
table upang maging maayos.
3. Upang makuha ang netong kita, kailangan ay makuha muna ang kabuuang gastusin
(expenses). Upang makuha maari nating gamitin ang isang basic function na SUM.

4. I-click ang Cell C4. I-type ang basic function at cell range sa loob ng saknong:
=SUM(C5:C14), o kaya ay i-click ang Insert Function button . Piliin ang SUM function at
i-click ang [OK].

5. Magbubukas ang Function Argument dialog box.


6. I-highlight ang Cell C5 hanggang C14.
7. I-press ang [Enter] sa keyboard.
8. Maaari na nating malaman ang netong kita sa pamamagitan ng pagbawas ng mga gastusin
sa kabuuang benta (sales).
9. I-click ang Cell C15 at i-type ang formula (=C3-C4) upang makuha ang netong kita.
10. I-save ang spreadsheet bilang income_statement.

Reference for Further Enhancement:


1.) Book: Makabuluhang Gawaing Pantahan at Pangkabuhayan 5, pahina 33-35
2.) Book: Kaalaman at kasanayan Tungo sa Kaunlaran 5, pahina 25 -27
3.) https://www.coursehero.com,
4.) https://www.youtube.com/watch?v=zXdvcJXES_I
PANGALAN: BAITANG AT PANGKAT:
PANGALAN NG GURO: MODULE CODE:

2. Gawin Natin:
Pagsasanay:
Gawain 1: Gumawa ng formula upang makita ang kabuuang kita ng Kantina bawat araw sa
loob ng isang linggo .

Halimbawa: = B3+B4+B5+B6+B7

Gawain 2: Gumawa ng formula upang malagom ang mga sumusunod na datos, at makuha ang
Average Sales ng Grade V.

Halimbawa: Gamitin ang =(B2+B3+B4+B5+B6)/5 para sa Section V- Opal

Integrated the Development of the Following Learning Skills:

COMMUNICATION Critical Thinking Character


Reading to process and Organize new Honestly in answering
critically use information from knowledge the test
a written material.
PANGALAN: BAITANG AT PANGKAT:
PANGALAN NG GURO: MODULE CODE:

C. Alam Niyo Ba?

Spreadsheet ang tawag sa pahina sa Excel. Ang paggamit ng electronic


spreadsheet ay nakatutulong upang mapadali at mapabilis ang pagbuo ng mga datos gamit
ang mga function at formula.
Maaaring gumamit ng dalawang paraan sa paglalagom ng datos:
• Una, ang “Autosum” na matatagpuan sa itaas ng spreadsheet.
• Ikalawa, ang mano-manong paggawa ng formula sa isang cell.

1. Magbukas ng electronic spreadsheet.


2. Ipasok ang mga datos.
3. Gumamit ng basic function at formula. Maaaring gumamit ng autosum o mag mano mano
sa pagtutuos ng mga datos.

D. Pagtataya

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ito ang tawag sa spreadsheet ng Microsoft.
a. Word b. Excel c. Power Point d. Publisher

2. Ano ang ibig sabihin ng icon na ito? 


a. Formula b. Function c. Average d. Autosum
3. Ano ang ilalagay sa unahan ng formula?
a. (=) equal b. (+) plus c. (*) asteris d. (/) slash
4. Ito ang ginagamit kung nais i-divide ang isang cell sa isa pa.
a. (*) asteris b. (=) equal c. (/) slash d. (+) plus
5. Ito naman ang ginagamit upang mag-multiply na isang cell sa isa pa o higit pa
a. (*) asteris b. (=) equal c. (+) plus d. (/) slash

E. Subukan mo ito!
Panuto: Gamitin ang spreadsheet tool sa paggawa ng isang linggong badyet ng pera . Gamitin ang
formula at basic function upang malagom ang kabuuang halaga ng gastusin sa bahay at kung
magkano pa ang natira bilang ipon.

INIHANDA NI:
OLIVER B. DIZON
PADRE BURGOS ELEMENTARY SCHOOL
TEACHER II
PANGALAN: BAITANG AT PANGKAT:
PANGALAN NG GURO: MODULE CODE:

Key to correction:
Gawain 1
=C3+C4+C5+C6+C7 o =SUM (C3:C7)
=D3+D4+D5+D6+D7 o =SUM (D3:D7
=E3+E4+E5+E6+E7 o =SUM (E3:E7)
=F3+F4+F5+F6+F7 o =SUM (F3:F7)

Gawain 2
=(C2+C3+C4+C5+C6)/5 o =SUM (C2:C6)/5
=(D2+D3+D4+D5+D6)/5 o =SUM (D2:D6)/5
=(E2+E3+E4+E5+E6)/5 o =SUM (E2:E6)/5

Pagtataya
1. B
2. D
3. A
4. C
5. A

You might also like