You are on page 1of 11

ARALIN __

GRADE 1 to 12
DAILY LESSON PLAN IN EPP V
Fourth Quarter

SPREADSHEET

School: KANLURANG MAYAO ELEM.SCH. Grade Level GRADE V


Teacher: AIZEL R. MUNI Subject EPP V-ICT and Entrepreneur
Teaching Dates: March ____,2019 (50 minutes) Quarter FOURTH
I.Layunin
A. Pamantayang Naipamamalas ang kaalaman at kakayahan sa paggamit ng productivity tools sa
Pangnilalaman paggawa ng diagram at sa paglalagom ng datos.

B. Pamantayan Nailalagom ang impormasyong numerical gamit ang mga basic function at formula sa
sa Pagganap electronic spreadsheet tool.

C. Mga Nakagagamit ng mga basic function at formula sa electronic spreadsheet


Kasanayan sa upang malagom ang datos. (Paggamit ng Autosum at Paglalagay ng Basic
Pagkatuto Formula)
( Learning EPP5IE-0f-
Competencies)
II.Nilalaman
A.Sanggunian
1.Mga Pahina sa CG
Gabay ng Guro:
2. Mga Pahina sa
Kagamitang Pang-
mag-aaral:
3.Mga pahina sa Kaalaman at Kasanayan Tungo sa Kaunlaran pp.33-35
Teksbuk
4.Karagdagang
Kagamitan mula sa
portal ng Learning
Resource
5. Iba pang Laptop,tarpapel,larawan,Activity Sheets
Kagamitang
Pangturo
III.Pamamaraan
A.Balik-Aral sa Magbibigay ang guro ng ilang katanungan tungkol sa nakaraang aralin.
Nakaraang
aralin/Pagsisimula ng
bagong aralin
B.Paghahabi sa TAGLAY MO NA BA? (2minutes)
layunin ng aralin
Taglay mo na ba ang sumusunod na kaalaman at kasanayan?Itaas ang Icon
ng thumbs up kung taglay mo na ang kaalaman / kasanayan o thumbs down
icon kung hindi pa.
Kaalaman / Kasanayan

1. Naiisa-isa ang mga basic functions at formula sa


spreadsheet application.
2.Nagagawa ang simpleng pagtutuos gamit ang formula
(AUTOSUM) sa spreadsheet application.
3.Nagagawa ang simpleng pagtutuos gamit ang mano
manong paggawa ng formula sa spreadsheet application.
4.Nagagamit ang mga basic function at formula sa
electronic spreadsheet upang malagom ang mga marka.
5.Nagagamit ang mga basic function at formula sa
electronic spreadsheet upang malagom ang puhunan,
benta at tubo.
C.Pag-uugnay ng RELAY GAME (3 Mins.)
halimbawa sa bagong
aralin “Taos Puso”

Bumuo ng limang grupo. Bawat isang miyembro ay tutulong magtuos at isusulat ang
sagot sa meta card na hugis puso. Sa loob ng tatlong minuto ay kailangang maipaskil
ng bawat grupo ang kanilang sagot. Ang may pinakamaraming tamang sagot na may
pinakamaikling oras ang siyang mananalo.

Tuusin ang mga sumusunod:

1. 115 + 800 + 910 + 856 = 2,681


2. 364 258 – 356 192 = 8066
3. 288 X 172 = 49,536
4. ( 45 ÷ 5 ) X 4 = 36
5. ( 80 + 86 + 96 + 94 ) ÷ 4 = 89

Sagutin ang mga sumusunod na tanong:


1. Naging mabilis ba ang inyong pagtutuos? Ipaliwanag ang karanasan.
2. Kung kayo ay nahirapan, magbigay ng mga gamit o tools na pwedeng
makatulong mapabilis ang pagtutuos?

D.Pagtatalakay ng Ang Microsoft, isa sa pinaka kilalang lumilikha ng software may electronic spreadsheet,
bagong konsepto at ito ay ang Microsoft Excel na binubuo ng maraming mga cells.
paglalahad ng bagong Maaari itong gamitin kung nais pagsama-samahin ang mga datos na nakalap sa internet
kasanayan #1 man o saan mang maaaring pagmulan ng impormasyon. Maaari ding gamitin ang Excel sa
accounting o pagtutuos ng mga gastos at pera na pumasok. Naglalaman din ito ng marming mga
formula upang makamit ang iba pang pakinabang nito.

Kung gumagamit ng Microft Excel 2007, ganito ang larawang makikita kapag binuksan
ang excel.
Maaaring maglagay ng halaga o numero mula sa alinman sa mga cell. Maglagay ng halaga mula

sa A2-A6 cells.

 Kung nais kunin ang sum o kung gustong pagsama-samahin ang halaga, maaaring

gumamit ng dalawang paraan. Una, maaaring i-click at idrag lamang ang mouse upang

pagsama-samahin ang mga halaga at i-click ang “Autosum” na matatagpuan sa itaas ng

spreadsheet.

Spreadsheet ang tawag sa pahina sa Excel. Pagkatapos mapindot ang “Autosum” lalabas na

ang resulta. Siguraduhing pasobrahan ang cell na ida-drag kung saan awtomatikong mailalagay

ang pinagsama-samang halaga. Ikalawa, maaaring gamitin ang mano-manong paggawa ng

formula sa isang cell, kagaya ng nasa larawan sa ibaba:

Katulad nang ipinapakita sa larawan sa itaas, makikitang may equal sign (=) bago

magsimula ang formula, pagkatapos ay sinusundan ito ng parenthesis (). Sa loob ng parenthesis

matatagpuan ang mga cell na nais pagsama-samahin. Maaaring ilagay ang mga cell nang mano-

mano o ilagay ito sa pamamagitan ng pag-click sa cell na nais ilagay pagkatapos ay sundan ito

ng plus sign +. Kung higit sa dalawa ang cells na nais pagsamahin kailangan ilagay ang plus

sign + sa pagitan ng mga cell katulad ng ipinapakita sa larawan sa itaas. Pagkatapos ilagay ang

mga cell, pindutin lamang ang “Enter” o i-click lamang ang mouse o cursor saan man sa

spreadsheet at lalabas na ang resulta ng pinagsamang mga numero.


 Ang ganitong uri ng paraan ng pagtutuos o paggamit ng function at formula ay nag-iiba

lamang sa gamit. Halimbawa, kung may nais mag-subtract, gagamit lamang ng minus

sign (-) sa pagitan ng mga cell na nais pagbawasin.

 Samantala, ginagamit naman ang asterisk * kapag nais i-multiply ang dalawang numero

o higit pa.

 Kapag nais namang i-divide ang dalawang numero ginagamit ang slash /.

Ang nasa itaas ay ilan lamang sa mga basic functions at formula na maaaring gamitin.

(3mins.)

E.Pagtalakay ng
bagong konsepto at
PANGKATANG GAWAIN (15minutes)
paglalahad ng bagong MAGTUOS TAYO!
kasanayan #2
Pangkat 1 ( #Smiley)

A. PAGLALAGOM NG MGA DATOS GAMIT ANG FORMULA ( AUTOSUM )


1. Magbukas ng electronic spreadsheet at ipasok ang mga datos. Gamit ang
AUTOSUM kuhanin ang kabuuan ng score ng bawat mag-aaral.
A B C D E F G

Student Test Test Test Test Test


1 Total
no. no.1 no.2 no.3 no.4 no.5

2 1 20 23 22 25 24

3 2 17 15 17 19 20

4 3 16 19 12 19 25

5 4 12 16 18 20 21

6 5 16 17 22 23 21

7 6 18 19 20 17 22

8 7 20 20 24 18 23

9 8 23 21 23 25 20

10 9 19 22 21 24 18

Note: I-highlights ang cell pa column at magpasobra ng 1 cell upang lumabas ang
Autosum.
Simply just click this Icon
Pangkat 2 ( #Wow !)

2. Kuhanin ang kabuuang kita ng Kantina bawat araw sa loob ng isang linggo gamit
ang AUTOSUM.

A B C D E F G

Section (Grade 3)
Araw Kabuuan
1 Narra Mahogany Yakal Maulawin Acacia

2 Lunes ₱745 ₱588 ₱645 ₱524 ₱574

3 Martes ₱798 ₱687 ₱665 ₱597 ₱687

4 Miyerkules ₱802 ₱725 ₱801 ₱782 ₱743

5 Huwebes ₱765 ₱621 ₱622 ₱675 ₱689

6 Biyernes ₱921 ₱685 ₱578 ₱688 ₱676

7 Kabuuan

Pangkat 3 (#Sad Face)

Gamitin ang spreadsheet tool sa paggawa ng isang linggong badyet ng perang pabaon
sa iyo. Gamitin ang formula at basic function upang malagom ang kabuuang halaga ng
iyong baon sa loob ng isang linggo.

A B C D E F G

1 Student no. Lunes Martes Miyerkules Huwebes Biyernes Total

2 1

3 2

4 3

5 4

6 5

7 6

8 7

9 8

10 9
B. PAGLALAGOM NG MGA DATOS GAMIT ANG MANO-
MANONG PAGGAWA NG FORMULA

Pangkat 4 (# Okay !)

1.Gumawa ng formula upang malagom ang mga sumusunod na datos, pagkuha ng


Gen.Ave.
Halimbawa: Gamitin ang =(B2+C2+D2+E2+F2)/5 para sa student no.1

A B C D E F G

Student Ave.
1 English Math Science Filipino MAKABAYAN
no. Grade

2 1 82 83 85 82 86

3 2 87 85 85 82 88

4 3 87 86 86 82 89

5 4 88 82 83 87 93

6 5 84 86 84 85 89

7 6 87 82 82 90 85

8 7 84 89 82 87 89

9 8 90 91 88 89 94

Note: Formula in Getting the Gen. Ave. Add all the Grades per Subject then divide it
how many subjects given.

Pangkat 5 (#Heart !Heart!)

2. Gumawa ng formula upang malagom ang mga sumusunod na datos, at makuha ang
Average Sales ng Grade V.
Halimbawa: Gamitin ang =(B2+B3+B4+B5+B6)/5 para sa Section V- Mt.Makiling.
A B C D E

Araw V- V- V- V-
1
Mt.Makiling Mt.Apo Mt.Mayon Mt.Banahaw

2 Lunes ₱745 ₱588 ₱645 ₱524

3 Martes ₱798 ₱687 ₱665 ₱597

4 Miyerkules ₱802 ₱725 ₱801 ₱782

5 Huwebes ₱765 ₱621 ₱622 ₱675

6 Biyernes ₱921 ₱685 ₱578 ₱688

Average
7
Sales

Note: Pagkatapos mag Hands-On Activity ng bawat pangkat, hayaang ang mga bata ang mag connect ng
kanilang laptop na ginamit sa TV upang makita ang kanilang Output. (Gagabayan ng Guro)

F. Paglinang sa Pagpapahalaga/Saloobin
kabihasnan (Tungo sa Pagiging matalino at mapanuri sa pagkalap ng impormasyon.
Formative Paano nakakatulong ang Spreadsheet?
Assessment) (2minute)

G. Paglalapat ng aralin 1.Paano nakatulong sa inyo ang paggamit ng Excel?


sa pang araw-araw na 2.Anu-ano ang dapat nating isaalang-alang sa Paggamit ng Excel?
buhay 3.Bilang isang mag-aaral mahalaga ba na malaman ninyo ang basic function ng Excel?
Bakit?
Note: Importante pa din na marunong tayong gumamit ng iba’t-ibang technique sa
pagkukwenta kahit hindi gumagamit ng Excel, Autosum. Kasi hindi naman lahat sa atin
ay may sariling makabagong kagamitan tulad ng laptop, internet at iba pa.
(3minutes)

H. Paglalahat ng Spreadsheet ang tawag sa pahina sa Excel. Ang paggamit ng electronic


aralin spreadsheet ay nakatutulong upang mapadali at mapabilis ang pagbuo ng mga
datos gamit ang mga function at formula.

Maaaring gumamit ng dalawang paraan sa paglalagom ng datos:

• Una, ang “Autosum” na matatagpuan sa itaas ng spreadsheet.


• Ikalawa, ang mano-manong paggawa ng formula sa isang cell.

1. Magbukas ng electronic spreadsheet.


2. Ipasok ang mga datos.
3. Gumamit ng basic function at formula. Maaaring gumamit ng autosum
o mag mano mano sa pagtutuos ng mga datos.

(2minutes)

I. Pagtataya ng aralin Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Bilugan ang titik ng tamang sagot sa
inyong papel. (3minutes)
1. Ito ang tawag sa spreadsheet ng Microsoft.
a. Word b. Excel c. Power Point d. Publisher

2. Ano ang ibig sabihin ng icon na ito?


a. Formula b. Function c. Average d. Autosum
3. Ano ang ilalagay sa unahan ng formula?
a. (=) equal b. (+) plus c. (*) asteris d. (/) slash
4. Ito ang ginagamit kung nais i-divide ang isang cell sa isa pa.
a. (*) asteris b. (=) equal c. (/) slash d. (+) plus
5. Ito naman ang ginagamit upang mag-multiply na isang cell sa isa pa o higit
pa
a. (*) asteris b. (=) equal c. (+) plus d. (/) slash

J.Karagdagang MAGTUOS TAYO! (2minutes)


gawain para sa
takdang aralin at Si Yuri ay nasa huling taon na niya sa sekondarya. Sa kanyang huling buwan ng
remediation
pagpasok sa paaralan ay inilista niya ang kanyang nagagastos araw-araw. Nais kasi
niyang makaipon upang makatulong sa kanyang magulang sa bayarin sa paaralan.
Tulungan natin si Yuri na tuusin ang kanyang nagastos at ang kanyang naipon!

A B C D E F G

Kabuuang
1 Week Lunes Martes Miyerkules Huwebes Biyernes Natira
nagastos

2 1 86 82 85 82 83

3 2 88 87 85 82 85

4 3 89 87 86 82 86
5 4 93 88 83 87 82

6 Kabuuan

1.Magbukas ng electronic spreadsheet.


2.Ipasok ang mga datos.
3.Gumamit ng basic function at formula. Maaaring gumamit ng autosum
o mag mano mano sa pagtutuos ng mga datos.

1. Sagutin ang mga sumusunod na tanong:


 Magkano ang kabuuang gastos ni Yuri noong Unang lingo?
Ikalawa? Ikatlo? Ikaapat? Buong buwan?
 Magkano ang natira kay Yuri noong Unang lingo? Ikalawa?
Ikatlo? Ikaapat? Buong buwan?
2. Ibahagi ang inyong nagawa sa klase.

IV.MGA TALA (Remarks)

V.PAGNINILAY

A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya

B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan
ng remedial

C. Nakatulong ba ang remedial?


Bilang ng mag-aaral na
nakaunawa sa aralin

D. Bilang ng mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation.

E. Alin sa mga estratehiyang


pagtuturo ang nakatulong
nang lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking
naranasang solusyunan sa
tulong ng aking punong
guro/superbisor?

G. Anong kagamitang panturo


ang aking nadibuhong nais
kong ibahagi sa mga kapwa
ko guro?

You might also like