You are on page 1of 3

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 1

I. Mga Layunin

1. Matutukoy ang iba’t ibang uri ng liham


2. Maibibigay ang katangian ng bawat uri ng liham
3. Maibibigay ang iba’t ibang bahagi ng liham
4. Makakasulat/Makalilikha ng orihinal na liham pangkaibigan

II. Paksang Aralin

Paksa: Aralin 8 Pagsulat ng Liham-Pangkaibigan


Sanggunian: Batikan I, Paz Rebollido et al, pp.99-102
Kagamitang Pampagturuto: Manila Paper, Kartolina, Pisara, Yeso, Pentel pen
Halagang Pangkatauhan:
Kasanyang Nalilinang:

III. Pamamaraan

A. Balik-Aral
Malayang pagpapalitan at pagbabahagi ng kaalaman ukol sa
nagdaang aralin na “Ang Kabayo at ang Usa”.

B. Pagtalakay sa Aralin
1. Pagganyak- Ipaskil sa pisara ang mga piraso-pirasong part eng
liham. Ipabasa sa bawat mag-aaral ang mga nakasaad sa mga
piraso ng kartolina.Tanungin ang klase kung ano ang kanilang
binasa batay sa mga nakapaskil sa pisara.Subukang isaayos ang
liham ayon sa tamang anyo nito.
2. Paglinang ng Talasalitaan- Sagutin ang mga sumusunod na
mga katanungan, p. 100
3. Paglalahad ng Aralin
a. Basahin ang teksto sa pahina 99 Iba’t ibang uri ng
liham.
b. Talakayin ang mga sumusunod na mga katanungan:
1. Alin sa mga uri ng liham na nabanggit ang mga
naisulat mo na?
2. Alin sa mga uri ng liham ang natanggap mo na?
3. Alin sa mga uri ng liham ang sa tingin mo ay
madaling sulatin?

4. Pag-unawa sa Nilalaman ng Aralin


a. Balikan ang liham na nasa pisara. Tukuyin kung anong
uri ito ng liham.
b. Tukuyin ang katangian ng bawat bahagi ng liham at
ibigay ang katawagan sa bawat isa. Siguraduhing
mailapat ang tamang pangalan na nasa kartolina sa
bawat bahagi na nasa pisara.

Pamuhatan
Bating Pambungad
Katawan ng liham
Simula
Gitna
Wakas
Bating Pangwakas
Lagda

c. Paglalapat

Pangkatang Gawain
1. Kumuha ng partner.
2. Gumawa ng mga listahan ng mga katangian, hilig at
mga iba pang impormasyon na nais mong ibahagi sa
iyong partner at ito ay sa pamamagitan ng liham.
3. Isaalang-alang ang lahat ng mga natalakay ukol sa
mga bahagi ng liham.
4. Sa isang papel isulat ang liham.Ipabasa sa partner
ang iyong liham at ibahagi ito sa klase.

d. Paglalagom
Talakayin ang mga uri ng liham, mga bahagi ng liham
at ang silbi nito bilang uri ng komunikasyon.

e. Pagsisintesis
Balikan ang liham ng kapareha.Suriin at iwasto ang
liham batay sa mga sumusunod na panuntunan.
1. Kumpleto ba ang mga bahagi ng liham?
2. Kawili-wili ba ang unang pangungusap?
3. Sapat ba ang mga impormasyong nabanggit?
4. May pagkakaugnayba ang mga pangungusap na
nabuo sa katawan ng liham?
5. Wasto ba ang baybay, bantas, istruktura at
gramatika ng komposisyon?
6. Positibo ba ang tono ng huling pangungusap?

F. Ebalwasyon
1. Batay sa pagwawasto ng kapareha. Muling sulatin ang
liham.
2. Pagsasaayos ng liham. Batay sa wastong anyo ng liham.
Tandaan ang mga sumusunod.

 Indented ba ang mga talata?


 Kumpleto ba ang mga pangungusap?
 Gumamit ka ba ng tamang bantas?
 Tama ba ang baybay ng mga salitang
ginamit?
 Maganda ba at malinis ang pagkakasulat?

4. Isabmit sa guro ang liham

IV. Takdang Aralin

Subukang gumawa ng isang liham paanyaya (maaaring kaarawan o salu-


salo.

You might also like