You are on page 1of 10

Lesson PLAN Final Sanhi AT Bunga-2

Law on Sales (Baliwag Polytechnic College)

Studocu is not sponsored or endorsed by any college or university


Downloaded by Grace Olivar (mgraceolivar@gmail.com)
REPUBLIC OF THE
PHILIPPINES DEPARTMENT
OF EDUCATION
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN
DISTRICT OF BALIWAG SOUTH
MAKINABANG ELEMENTARY
SCHOOL

BANGHAY-ARALIN SA PAGTUTURO NG FILIPINO


4

I. Layunin:

Sa loob ng 60 minutong aralin sa FILIPINO IV, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. Nakasasabi sa sanhi at bunga ng mga pangyayari.


b. Nakagagawa ng mga gawain na nagpapakita ng sanhi at bunga.
c. Napag-uugnay ang sanhi at bunga ng mga pangyayari sa binasang teksto.

II. Nilalaman:
 Paksa: Sanhi at Bunga ng mga Pangyayari
 Sanggunian:https://youtu.be/5vX_BEgfHyU
https://www.youtube.com/watch?v=YzB6sQpTOPM
 Kagamitan: Laptop, TV, Power Point presentation, Manila Paper (Visual Aids)

III. Pamamaraan:

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral


A. Panimulang gawain

1. Panalangin

Maari bang magsitayo ang lahat para sa ating


panalangin
Iyuko natin ang ating mga ulo at damhin
ang presensiya ng ating Panginoon.
Panginoon, maraming salamat po sa
panibagong araw na ito at sa biyayang
pinagkaloob niyo po sa amin. Bigyan niyo
po kami at aming guro na sapat na talino
at kalakasan. Ito lamang po ang aming
dalangin sa pangalan ni Hesus. Amen.

2. Pagbati

Magandang umaga Grade 4-SSES!

Magandang umaga din po titser Carla!

Downloaded by Grace Olivar (mgraceolivar@gmail.com)


3. Pagtala ng liban

Ngayon, nais kong malaman kung sino-sino ang


mga lumiban ngayong araw. Tinatawagan ko ng
pansin ang sekretarya at iulat kung sino-sino ang
mga lumiban.
Titser Carla, kinagagalak kong iulat sa lahat
na wala pong lumiban sa araw na ito.

Nakagagalak naman at walang lumiban sa araw na


ito.

B. Pagbabalik-Aral

Ano ang huling tinalakay sa nakaraang tagpo sa sa


Filipino?
Ang tinalakay naming noong nakaraang
tagpo sa Filipino ay .

Napakahusay at natatandaan niyo ang huling


tinalakay!

C. Panlinang ng Gawain

1. Pagganyak

Ngayon ay may larawan ako dito, ano kaya ang


napansin niyo sa larawan?

Ang bata po ay naliligo sa ulan titser.

Ano kaya ang posibleng kalabasan o maging


epekto nito?

Maaring po siyang magkasakit.

Downloaded by Grace Olivar (mgraceolivar@gmail.com)


Magaling!

Ngayon ay mayroon akong inihadang kwento.


Handa naba kayong marinig ang kwento?

Opo

Ang kwento ay pinamagatang,

“Ang Batang si Juan”


Isang araw si Juan ay sinabihan ng
kanyang ina na mag dala ng payong sapagkat
nagbabadya ang ulan dahil sa makulimlim na
kalangitan ngunit dahil sa pagmamadali ni Juan
ay hindi niya inintindi ang bilin ng kanyang ina,
at dali-daling nagtungo palabas. Habang
naglalakad si Juan, mga ilang metro na ang
nilakad mula sa kanilang bahay ay biglang
bumuhos ang malaking ulan at nabasa siya. Wala
siyang dalang payong panangga ng ulan kaya
naman dali dali itong tumakbo palayo at
sumilong. Sa huli matapos ang araw umuwi si
Juan ng nilalagnat dahil siya ay nabasa ng ulan.

Ngayon sagutin natin ang ilan sa mga


katanungan sa kwento.

 Sino- sino ang mga tauhan sa kwento?

Si Juan po at kanyang ina.

Magaling!

 Ano ang sabi ng nanay ni Juan sa kanya?

Magdala po ng payong.

Tama!

 Bakit nabasa ng ulan si Juan?

Dahil wala po siyang dalang payong.

Tama!

 Ano ang kinalabasan ng nangyari


kay Juan?

Si Juan po ay nagkasakit.

Mahusay!

Downloaded by Grace Olivar (mgraceolivar@gmail.com)


2.Paglalahad

Ngayon ay basahin ninyo ang mga pangungusap


mula sa kwento.

 Sinabihan si Juan ng kanyang Ina na


magdala ng payong, sapagkat
nagbabadya ang ulan dahil sa
makulimlim na kalangitan.
 Dahil sa pagmamadali ni Juan ay hindi
niya na inintindi ang bilin ng kanyang
ina.
 Bumuhos ang malakas na ulan at nabasa
siya dahil wala siyang dalang payong.
 Matapos ang araw umuwi si Juan ng
nilalagnat dahil siya ay nabasa ng ulan.

(Binasa ng mga mag-aaral sa Grade 4-


SSES)

Mahusay!

3. Pagtatalakay

Ano ba nag sanhi at bunga? Meron bang


nakakaalam?

Sanhi- Tumutukoy sa pinagmulan o dahilan ng


isang pangyayari.

Bunga- ang resulta, epekto, kinalabasan o dulot


ng pangyayari.

Ngayon ay balikan natin ang mga binasa ninyong


pangungusap at alamin dito kung alin ang sanhi
at bunga.

1. Sinabihan si Juan ng kanyang ina na magdala


ng payong, sapagkat nagbabadya ang ulan
dahil sa makulimlim na kalangitan.

Alin ang sanhi at alin nag bunga?

1.
Sanhi- Sapagkat nagbabadya ang ulan
dahil sa makulimlim na kalangitan.
Bunga- Sinabihan si Juan ng kanyang ina
na magdala ng payong.

Mahusay!

Downloaded by Grace Olivar (mgraceolivar@gmail.com)


2. Dahil sa pagmamadali ni Juan ay hindi niya na
inintindi ang bilin ng kanyang ina.

Alin ang sanhi at alin nag bunga?


2.
Sanhi- Dahil sa pagmamadali ni Juan
Bunga- hindi niya na inintindi ang bilin ng
kanyang ina.

Tama!

3. Bumuhos ang malakas na ulan at nabasa siya


dahil wala siyang dalang payong.

Alin ang sanhi at alin nag bunga?

3.
Sanhi- Dahil wala siyang dalang payong
Bunga- Bumuhos ang malakas na ulan at
nabasa siya.

Mahusay!

4. Matapos ang araw umuwi si Juan ng nilalagnat


dahil siya ay nabasa ng ulan.

Alin ang sanhi at alin nag bunga?

4.
Sanhi- Dahil siya ay nabasa ng ulan.
Bunga- Matapos ang araw umuwi si Juan
ng nilalagnat.

Magaling! tama ang inyong mga sagot.

Downloaded by Grace Olivar (mgraceolivar@gmail.com)


Narito pa ang ilan sa mga

halimbawa, Sanhi Bunga

Downloaded by Grace Olivar (mgraceolivar@gmail.com)


4. Paglalapat

Gawain 1:
Panuto: Magsulat ng maikling karanasan sa iyong
buhay na mayroong sanhi at bunga.

KARANASAN

SANHI BUNGA

Gawain 2:
Basahin at unawain ang mga sumusunod. Isulat
ang S kung ang pahayag ay sanhi at B naman
kung Bunga.

1. Gutom na siya
Hindi kumain ng agahan si Vince.

2. Nagtulungan kami.
Madali naming natapos ang gawain.

3. Tumingin ako sa kanan at kaliwa


ng daan.
Nakatawid ako ng ligtas.

4. kinansela ang mga klase.


Napakalakas ng bagyo.

5. Tinapos ni Mika ang kanyang


mga Takdang- Aralin.’
Pinayagan siyang makapaglaro sa
labas ng banghay.

Downloaded by Grace Olivar (mgraceolivar@gmail.com)


1. B
S

2. S
B

3. S
B

4. B
S

5. S
B

5. Paglalahat

Muli tungkol saan nga ang naging aralin para sa


araw na ito?
Ang atin pong aralin ay tungkol sa sanhi at
bunga.

Mahusay!

Base sa inyong pagka-unawa, ano ang kahulugan


ng sanhi?
Ito po ay tumutukoy o dahilan ng isang
pangyayari.

Mahusay!

Ano naman ang kahulugan ng bunga?

Ito po ang resulta, kinalabasan o dulot ng


pangyayari.

Mahusay! Tama ang inyong mga sagot.


Lagi nating tatandaan na ang mga pangungusap
na nagpapakita ng dahilan ng mga pangyayari ay
tinatawag na “SANHI” at kapag ang pangungusap
naman ay nagpapakita ng ng kinalabasan o
resulta ng pangyayari ito ay tinatawag na
“BUNGA”

Naunawaan ba ang ating aralin?

Opo!

Magaling!

Downloaded by Grace Olivar (mgraceolivar@gmail.com)


IV. Pagtataya:

Panuto: Tukuyin kung sanhi o bunga ang pahayag


na may salungguhit.

1. Ang batang masinop sa salapi, may maaring


maipambili
2. Ang batang may paggalang, dangal ang
kaniyang magulang.
3. Nag-iingat makasakit sa salita, pagkat
napaaalalahanan sa tahanan
4. Ang batang maagang gumising, hindi
nagagahol sa mga gawain.
5. Ang batang mahusay sa oras, tunay na may
magandang bukas

Bunga
Bunga
Bunga
Sanhi
Sanhi

Prepared by:

CARLA M. COLINDON
Student Teacher

Noted:

JACQUELINE C. PAULINO
Critic Teacher

Approved:

ANA MARIA S. PAHATI


Principal II

Downloaded by Grace Olivar (mgraceolivar@gmail.com)

You might also like