You are on page 1of 2

BAHAGI NG LIHAM

1. Pamuhatan
Ang pamuhatan ay naglalaman ng address o petsa kung kailan isinulat ang liham.
Kadalasan, kung petsa lamang, ito ay makikita sa gawing kanan ng liham sa
pinaka-itaas na parte. Pero kung may lugar, narito ang halimbawa ng pagkasulat:
Barangay Alfonso, Lungsod ng Bacolod
Ika-24 ng Hunyo 2019
2. Bating Panimula
Ito ay maikling panimula patungo sa katawan ng liham. Dito binabati ng mag-akda
ang tatanggap ng liham.
Mahal kong Jojiet
Kung kanino ito maaaring alalahanin
3. Katawan ng Liham
Sa bahaging ito nakasulat ang mga nais iparating ng may-akda ng liham sa
bibigyan niya nito.
Kumusta ka na? Ang tagal na rin nating hindi nagkita. Lumipat na pala kami ng bahay
at nasa Barangay Kahel na kami ngayon nakatira. Sana sa susunod na pag-uwi mo sa
probinsya natin makadalaw ka sa amin. Miss na miss ka na namin.
4. Bating Pangwakas
Sa bahagi na ito ipinapahayag ang magalang na pamamaalam ng may sulat.
Nagtatapos ito sa kuwit at kadalasang makikita sa dakong kanan ng liham sa
ibabang bahagi bago ang lagda.
Lubos na gumagaling,
Nagmamahal,
5. Lagda
Sa lagda nakasaad ang pangalan ng nagpadala ng liham. Maaari ring may lagda sa
ibabaw ng pangalan.

Prepared by:
Lerma, Cristopher M.
Page 1|2
BAHAGI NG LIHAM

HALIMBAWA NG LIHAM

Prepared by:
Lerma, Cristopher M.
Page 2|2

You might also like