You are on page 1of 2

Ynigo Lhyndonn Mhar R.

Bermundo
S11-13

Ang wika ay isang napakahalagang elemento at sangkap ng isang matatag na


bansa. Ito ang nagsisilbing pagkakakilanlan ng isang bansa at mga mamamayan nito.
Hindi lamang pambansang pagkakaunawaan ang hatid ng wika kundi
pagkakabuklod-buklod ng bawat isa sa hangaring makamtan ang mapayapa at
progresibong pamayanan. Ang buwan ng Agosto ay ang Buwan ng Wika, ang napiling
tema ngayong taon ay “Wikang Katutubo: Tungo sa Isang Bansang Filipino” na ang ibig
sabihin ay ang ating sariling wika ay mainam lamang na gamitin sa ating mga
pagsasalik. Ang buong bansa ay nagdiriwang ng buwan ng wika upang iparating sa
bawat mag-aaral ang kahalagahan ng ating sariling wika. Ito din ay ang nagsisilbing
daan upang mas mapangalagaan at mahalin pa natin ang wikang Filipino. At bilang
pakikiisa ng ating institusyon ay nagsagawa ang SHS Filipino Department ng
akademikong huntahan na kung saan ay nag-imbita sila ng iba’t-ibang indibidwal upang
ibahagi ang kanilang iba’t-ibang wikang katutubo. Dahil sa iba’t-ibang impormasyon at
katuturan na aking nakalap sa kanila, aking napagtanto na ako, bilang isang
mamamayan ng bansang ito, ay may responsibilidad at nararapat lamang na
magkaroon ng kamalayan sa mga wikang katutubo na bumubuo ng ating Wikang
Filipino.

Ang pagkakaroon ng ganoong klase na aktibidad ay nakakatulong sa ating mga


kabataan upang mahubog ang kaalaman at katuturan natin sa mga wikang katutubo na
pinagpasa-pasa mula noon hanggang ngayon. At isa mga nagbahagi sa amin ay si
Ginang Danielle Guevarra, isang Ilocana. Ibinahagi niya sa amin ang kaniyang
obserbasyon ukol sa wikang ating ginagamit, ayon sa kaniya, mas marami ang mga tao
na nag-aaral mag salita ng lengwahe ng iba kaysa aralin ang dayalekto ng ating wika
na kung saan ay masasabi ko na ganoon nga tila ang nangyayari sa kasalukuyan. Hindi
maiikaila na bilang parte ng henerasyon na ito, ang mga salitang “kolokyal” at “ingles”
ay mas ginagamit ng mga kabataan kapag sila ay nagsasalita. Ito ay lumalabas na
lamang sa kanilang mga bibig na nagpapakita na dito na sila sa mga salitang ito
nasanay. Dito sa parteng ito ay napaisip ako at maraming tanong ang pumasok sa
isipan ko, “bakit nga ba mas inaaral sa paaralan ang lengwaheng ingles kaysa
pag-aralan ang sariling atin?”, iyan isa lamang sa mga tanong na gumugulo sa akin sa
ngayon.
Ang isa pa sa mga nagbahagi sa amin ay ang isang ginang na laking Batangas
tulad ko. Ibinahagi niya sa amin ang kaniyang buhay bilang isang batangueña sa
Maynila, na kung saan ay sa kabila ng kaniyang pag-aaral doon, ay hindi nawala ang
kaniyang pagiging bihasa sa pagsasalita ng mga salitang batangueño. Habang siya ay
nagsasalita, siya ay nagbigay ng mga iba’t ibang salitang Batangas at ako, sa sarili ko
ay napahiya sapagkat bilang isang laki dito ay hindi ko alam ang ilang salitang kaniyang
binanggit. Dito sa parteng ito ay napagtanto na kahit na laki ako dito sa Batangas ay
mayroon pa rin akong mga hindi nalalaman at ito ang magiging inspirasyon ko upang
mas aralin pa ang sariling atin.

At ang isa pang nakakalungkot na napulot ko sa aktibidad ay nagkaroon ako ng


kamalayan ukol sa unti-unting pagpanaw ng ating mga wika sapagkat wala ng
nagsasalita at pagpapasahan nito. Halimbawa na dito ang mga wika sa kabundukan na
“katabaga” at “agta”, ito marahil ay bago sa atin ngunit itong mga wikang ito ay nabuhay
ilang daang taon na ang nakakalipas. Bilang isang Pilipino, ang mga ganitong
pangyayari ay nakakabahala sapagkat hindi tayo nagiging “aware” sa mga pangyayari
sa ating kapaligiran, na nababawasan na pala tayo ng kultura natin.

Tunay na bilang isang mamamayan ng Pilipinas ay nararapat lamang na mas


bigyan natin ng pansin at mas pagyabungin ang sariling atin. Ang mga wikang katutubo
ay isang napakaimportanteng bahagi ng Wikang Filipino, hindi ito dapat nating
kalimutan ang ipasawalang bahala lamang. Kaysa mag aral ng mga salitang kolokyal o
ingles, maari namang aralin din ang ilang katutubong wika. Bilang isang Pilipino
nararapat lamang na sa atin ipasa ang sariling atin, hindi baga? At doon ay akling
napagtanto na bilang isang Pilipino, dapat ay patuloy kong suportahan ang sariling akin.

You might also like