You are on page 1of 2

Ano nga ba ang wika? Ayon kay Jimuel Naval na dalubhasa sa kultura, "Ang wika ay kaluluwa ng bansa.

At dito makikita ang identidad para malamang ikaw ay isang bansa na nagsasarili at may pagkakaisa,
dapat may sarili itong wika." Sabi nila, ang wika ang susi at daluyan ng mabuti at maayos na
pakikipagkomunikasyon, at iyon ay totoo. Ang Komisyon ng Wikang Filipino na itinatag noong 1936, ang
pumili sa Wikang Tagalog bilang pambansang wika ng Pilipinas na kalaunan di'y naging Wikang Filipino
na nakaayon rin sa Saligang Batas noong 1973. Mula noon, magpahanggang ngayon, wikang Filipino pa
rin ang madalas na ginagamit na wika ng sambayanan.

Gaano nga ba kahalaga ang wika?

Ang wika ang sumasalamin sa ating pagkatao maging sa ating pagkakakilanlan. Natutukoy ang ating
kultura at nasyonalidad at kung wala ang wika, paano na lang kaya tayo magkakaintindihan? Nararapat
lamang na dalubhasa ang bawat Pilipino sa paggamit at pagsasalita ng wikang ito. Ayon na rin kay
Virgilio Armalio na s'yang Taga-Pangulo ng Komisyon ng Wikang Filipino, "Ang wika ang repository ng
karunungan at ang bodega ng lahi." Ani rin n'ya na ang aktibong paggamit ng wika ay pagkakaroon ng
dangal sa iyong sarili.

Noong panahon ni President Corazon Aquino, inilathala ang Executive Order No. 335 na s'yang
naglalayon na gamitin ang wikang Filipino bilang wikang panturo alinsunod sa Saligang Batas noong
1987. Maging ang transakyon ng mga ahensya ng gobyerno, at mga pangalan ng mga ahensya ay
nakasalin rin sa wikang Filipino.

Ngunit sa paglipas ng panahon, masyado nang binabalewala ng mga tao ang paggamit ng wikang ito sa
araw-araw. Taong 2003 sa bisa ng Executive Order No. 201 na kapanahunan ni President Gloria Arroyo,
ginawa ang wikang Ingles bilang pangunahing wikang panturo. Magpahanggang ngayon, halos wikang
Ingles na ang madalas na ginagamit sa pagtuturo.

Ang wika ngayon ay parang s'ya yung may-ari ng bahay ngunit s'ya ay pinalayas at hinayaang mabasa ng
ulan, ayon yan Dr. David San Juan, ang Taga-Pangulo ng Tanggol Wika.

Sa bawat obserbasyon, mayroong iba't-ibang pagbabago. Sa paglipas ng bawat taon, mas bumababa ang
bilang ng mga gumagamit ng wikang Filipino sa mga paaralan bilang kanilang wikang panturo. At halos
wala ito sa kalahati ng dami ng mga gumagamit ng wikang Ingles.
Sa isinagawang test o pagsusubok sa kasanayan ng mga kabataan sa wikang Filipino, napatunayan sa
mas bihasa ang mga kabataang mag-aaral na ito sa paggamit ng wikang Ingles. At doon din nila nalaman
na ang wikang ginagamit ng paaralang iyon bilang wikang panturo ay ang wikang Ingles. Tanging sa
Filipino at Mother Tounge na mga subjects lang nila nagagamit ang wikang Filipino, at sa natitira ay
wikang Ingles na, ayon yan sa isang guro ng naturang paaralan na si Veda Anne Chavez. Halos 90% ng
mga bata ay mas dalubhasa sa wikang Ingles ngunit hindi alam ang katumbas sa Filipino. Sanaol.

Hindi na daw kataka-taka ito ayon kay Bienvenido Lumbera na s'yang Pambansang Alagad ng Sining,
sapagkat ang paggamit ng wikang Ingles ay nagsisimula sa bahay. Ngunit nababahala ang mga eskperto
dahil hindi raw nararapat na sanayin ang mga kabataan sa paggamit ng wikang Ingles. "Inaaral natin ang
wikang Ingles hindi bilang 1st language kundi second language." Ani ni Jimuel Naval. At sabi pa ni Virgilio
Almario, "Ang wika ay inaaral, hindi yan natural."

Talaga nga namang nakababahala at nakalulungkot ang katotohanan na marami ang bihasa at master
ang paggamit ng wikang Ingles. Parang ikaw ay tinanggalan ng dangal at identidad bilang isang
mamamayan ng isang bansa na may sariling wika. Nararapat nga naman na magkaroon tayo ng
pagmamahal at pagpapahalaga sa sarili nating wika, sapagkat ito ay sariling atin, hindi dapat balewalain.
Dapat ito ay isinasabuhay, pinagyayaman, pinagyayabong nang sa gayon ay magkaroon ng kaunlaran ang
ating bansa. Bansang may pagkakaisa at may sariling wika.

You might also like