You are on page 1of 1

Deedrae Joy Arizabal Lendsey Papa

Jaren Mark Turda Juvy Retotal

Ang Investigative Documentaries: Ang Estado ng Wikang Filipino

Ang wika ay leksikograpo at lingguista, ay paraan ng pagpapahayag ng damdamin at opinyon sa


pamamagitan ng mga salita upang magkaunawaan ang mga ito ay ayon kay Jose Villa Panganiban.
Samantala, ayon naman sa lingguwistang si Henry Gleason, and wika ay masistemang balangkas ng
sinasalitang tunog na isinaayos sa paraang arbitraryo. Ang mga tunog (sounds), ay hinugisan o binigyan
ng mga makabuluhang simbolo (titik) na pinagsama-sama upang makabuo ng mga salita (words) na
gamit sa pagbuo ng mga kaisipan (thoughts). Ayon naman kay Jimual Naval, ang wika ay kaluluwa ng
bansa at dito makikita yung identidad para malamang ikaw ay isang bansang nagsasarili at nagkakaisa
dapat may sarili itong wika, dapat may pambansasng wika na tinatawag.

Ang dokyumentaryong aming napanood ay tungkol sa estado ng wikang Filipino na kung saan
itinala dito ang ilang usapin. Isa na dito ang hindi gaano pinahalagahan ng mga sumunod na namuno sa
Pilipinas pagkaraan ng panahon ni dating Corazon Aquino sa ipinatupad nitong Executive Order no. 335
kaya nagkaroon ng backsliding. At ang mga tagapagtaguyod ng wika ay hindi ito inalagaan. Noong
2003, sa bisa ng Executive Order no. 210 ni dating Pangulong Gloria Arroyo ginawang Ingles ang
wikang panturo. Hanggang ngayon Ingles ang pangunahing wikang panturo sa mga paaralan sa bansa.
Mas pamilyar para sa mga mag-aaral ang Ingles kaysa sa Filipino, makikita ito mula sa resulta ng NAT
na mas mataas ang kanilang nakukuha sa Ingles kaysa sa wikang Filipino. Sinubukan nila ang kasanayan
sa Filipino ang ilang mag-aaral sa ikatlong baitang, ipinakita nila ang ilang larawan at kailangan nilang
isulat ang salita sa Filipino at Ingles. At lumabas na mas mataas ang nakuha nila sa Ingles kaysa sa
Filipino. At lahat ng mga bata ay mas inuuna ang pagsagot sa Ingles. Madaming inilahad na mga
opinyon at solusyon ang mga eksperto ayon dito. Gaya kay Virgilio Amarilio, ang paggamit ng sariling
wika ay dangal sa iyong sarili dahil makikitang ipinapakita mo at pinagmamalaki mo ang sariling atin.
Ayon din kay Bienvenido Lumbera, ang mga magulang sa bahay ay sinasanay ang bata sa paggamit ng
wikang Ingles. Kung ang mga bata ay masasanay sa Ingles na ginagamit na wika. Ang Pilipino ay
mawawalan ng sariling identidad kaya para sa mga eksperto, hindi dapat Ingles ang sinasanay sa bata.
Nakita naming sa dokyumentaryo na ang average ng dalawang larangan, ang English at Filipino ay
napakalayo sa isa’t-isa at ang malala ay ang Ingles ay pumapangibabaw kung kaya’t sabi ni Dr. David
San Juan, dapat 100% ang makuha sa NAT sa Filipino para masabing ang mga Pilipino ay mahusay sa
Filipino. Malking problema din daw ito sabi ng ekspertong si Jimuel Naval dahil hindi nga malinaw ang
sistema ng pagtuturo ng wika sa Pilipinas at ang Ingles ay inaaral bilang first language na isang
pagkakamali dahil ito ay inaaral dapat bilang second language o pangalawang lenggwahe lamang dahil
ito ay hindi naman natin Mother Tongue. Kaya sa dulo nagkakaproblema tayo. Hindi din dapat tayo
magkulang sa pagsasanay sa wikang Filipino. Porket atin yan, may tendency o posibilidad na sabihing
“Atin naman iyan, madali lang iyan.” Kung kaya’t hindi na natin pinag-aaralan. Ayon ulit kay Virgilio
Amarilio, ang lenggwahe ay pinag-aaralan at parte ng kultura kung saan ang kultura ay nililinang.

This study source was downloaded by 100000851580172 from CourseHero.com on 09-08-2022 05:14:00 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/164111532/Ang-Estado-ng-Wikang-Filipinodocx/
Powered by TCPDF (www.tcpdf.org)

You might also like