You are on page 1of 1

PANALANGIN KAY SANTA CLARA NG ASSISI

O maluwalhating Santa Clara, pinagkalooban ka ng Diyos ng kapangyarihang


patuloy na gumawa ng mga himala at ng biyayang tumugon sa mga panalangin
ng mga humihingi ng iyong tulong kapag dumaranas sila ng kasawian,
pagkabagabag, at kagipitan. Isinasamo ko sa iyo, na kamtin mo para sa akin
mula kay Hesus sa pamamagitan ni Maria na kanyang Mahal na Ina ang
biyayang ito na taimtim kong ipinamamanhik sa iyo.

(Banggitin ang mga kahilingan)

Hinihiling ko ito alang-alang sa lalong ikaluluwalhati ng Diyos at kapakanan ng


aking kaluluwa. Ama naming makapangyarihan, itinaguyod mo si Santa Clara sa
pagmamalasakit sa mga dukha’t aba. Bilang tugon sa kanyang pagdalangin,
masundan nawa naming si Kristo sa abang pamumuhay na ikaw lamang ang
inaasahan upang kami’y pagindapating sumapit sa pagsasaloob ng iyong
paghahari sa pamamagitan ni HesuKristo kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.

AMEN.

Santa Clara ng Assisi, Ipanalangin mo kami.

You might also like