You are on page 1of 1

~REFLECTION~

ANG FILIPINO AT TAGALOG, HINDI GANOONG KASIMPLE


ni Chair RICARDO MA. DURAN NOLASCO, Ph. D.
Binigkas sa Pampinid na Palatuntunan ng Buwan ng Wikang Pambansa 2007
Bayview Park Hotel, Agosto 31, 2007

Hindi natin maipagkakaila na tayong mga Pilipino ay may iba’t ibang


linggwaheng sinasalita kaugnay sa ating kulturang kinagisnan. Subalit, Wikang
Filipino o Tagalog ang Pambansang Wika ng Pilipinas, di ba? Pero bakit iilan lang
sa atin ang sanay na sa pagsasalita nito maliban sa mga naninirahan sa Metro
Manila? Tunay nga bang hindi makatarungan ang hindi paggamit sa sariling
wikang pantahanan?

Samakatwid, tinatangkilik din natin ang ating sariling wika (Wikang Filipino)
sapagkat ito ang ating Pambansang Wika na dapat nating pahalagahan at
pagyamanin kung kaya’t may asignatura tayong Filipino sa paaralan. Subalit, ang
mga mamamayan ng bansang Pilipinas ay may iba’t ibang linggwaheng kinagisnan
para sa ikauunlad ng lalawigan. Hindi rin natin dapat itong ipagpawalang bahala
dahil ito ang sandata ng ating pag-uunawaan at iyon ang pinakamahalaga sa lahat
para sa ikabubuti at ika-aangat ng ating pamumuhay. Ni minsan gusto din nating
makiuso kung gaya sinasalita din natin ang wikang Taglish para makasalamuha at
makaintindi sa mga dayuhan na naging parti din sa pag unlad sa ekonomiya ng
bansa.

Sa kubuuan, hindi naging hadlang sa ating pamumuhay ang hindi pagsalita sa


iisang wika (Wikang Filipino) lamang. Sapagkat, napatunayan ng iba na mas
lamang ang mga may alam ng iba pang mga wika gaya ng Ingles, Sebwano
(Sinugbuanong-Binisaya), Ilokano, atbp. para sa globalisasyon at modernisasyon
na ating kinakaharap ngayon.

You might also like