You are on page 1of 1

Pagsasanay 1 Panuto: A.

Matapos mong basahin at maunawaan ang sipi ng panayam ni Mike Enriquez sa dating
PNP Chief Director-General Alan Purisima, subukan mo namang sagutin ang sumusunod na mga katanungan.
1. Masasabi mo bang monolingguwal o bilingguwal ang host ng programa na si Mike Enriquez?
- Masasabi ko pong bilingguwal ang host ng programa na si Mike Enriquez. Patunay ang pagkasanay niya sa
wikang Ingles base po sa pagtatanong niya sa kahulugan ng intelligence package.
2. Paano mo naman mailalarawan ang kanyang bisitang si dating PNP Chief Director-General Alan Purisima?
- Noong tinanong po siya ni Mike Enriquez sa kahulugan ng intelligence package ay naipaliwanag niya po ito.
Mailalarawan ko din po siya bilang matapat at maalam na tao dahil sinabi niya na hindi siya ang nagmando ng
mismong operation sa Mamasapano at ipinaliwanag niya din po na gawain ng isang group commander iyon.
3. Batay sa binasa mong sinabi ng host, masasabi mo bang ang salitang ginamit niya sa panayam ay kanyang unang
wika? Bakit oo o bakit hindi?
- Opo, masasabi ko pong wikang Filipino ang unang wika ng host na si Mike Enriquez. Ito po ay dahil mahusay
niyang naipahayag ang ideya at kaisipan ng kanyang nais iparating kay dating PNP Chief Director-General Alan
Purisima gamit ang wikang ito.
4. Ano-ano sa palagay mo ang benepisyo sa isang propesyonal, negosyante o karaniwang tao ng pagkakaroon ng
kasanayan sa higit sa isang wika?
- Sa aking palagay, ang benepisyo po nito sa isang propesyonal, negosyante o karaniwang tao ay ang madaling
pakikisalamuha at mas maraming tao ang maaaring niyang maunawaan. Kung siya man ay nasa ibang lugar o kaya
man ay may makakausap siyang ibang wika ang ginagamit, hindi po magiging hadlang ang wika sa komunikasyon.
5. Sa iyong palagay, mas nauunawaan ba ng nagbabasa o nakikinig sa panayam ang mga pahayag kapag higit sa
isang wika ang ginagamit? Bakit oo o bakit hindi?
- Sa aking palagay, maguguluhan po o magkakaroon ng pagkalito ang nagbabasa o nakikinig sa panayam kapag higit
po sa isang wika ang ginamit. Ito po ay dahil may mga taong monolingguwal at dahil dito ay maguguluhan ang
nagbabasa o nakikinig sa nais iparating ng panayam. Maaari din pong maunawaan nang kaunti ang mga pahayag
ngunit hindi po ganoon kalalim ang pagkakaintindi sa mga ito.

You might also like