You are on page 1of 1

DALUMPINES, SYLENE PEARL

Sagutan ang mga sumusunod:

1. Ano ang wika?


-Sa pinakapayak nitong kahulugan, ang wika ay isang sistema ng kumunikasyon na Ginagamit ng
a tao. Ito ay koleksyon ng iba’t-ibang simbolo at mga salita na nagpapahayag ng kahulugan. Ito ay
nagsisilbing behikulo upang maipahayag natin ang ating mga kaisipan, mga saloobin at
nararamdaman.

2. Ano ang opisyal at panturong wika?


-Ang wikang opisyal ay itinadhana ng batas na maging wika sa opisyal na talastasan ng
pamahalaan. Ibig sabihin ito ang wikang maaring gamitin sa anumang uri ng kumonikasyon, lalo
na sa anyong nakasulat, sa loob at labas ng alin mang sangay o ahensiya ng gobyerno. Ang
wikang panturo naman ang opisyal sa wikang ginagamit sa pormal na edukasyon. Ito ang wikang
ginagamit sa pagtuturo at pag-aaral sa mg eskwelahan at ang wika sa pagsulat ng mga aklat at
kagamitang panturo sa mga silid aralan.

3. Paano nakatutulong ang pagiging multilingual ng isang tao?


-Nakakatulong ang isang taong multi-lingual sa pamamagitan ng mga sumusunod; Unang una sa
lahat, kapag hindi naiintindihan ng ibang taong kakilala niya ang lengwahe ng kanyang kausap ay
maaari niyang ipaliwanag ang sinasabi ng kausap nito. Ikalawa, nagagamit ito sa pag-aaral
(English, Filipino) at nagiging daan upang mapaunlad ang kanyang sarili at maaaring maging daan
upang makatulong siya sa pag-unlad ng bansa. At ikatlo, nakakatulong ka sa mga taong gustong
matuto ng ibang lengwahe.

4. Sa 01 Video 2, Masasabi mo bang monolingguwal, bilingguwal, multilingguwal ang paraan ng


pagsasalita ng host ng palabas pantelebisyon na natunghayan? Magbigay Patunay.
-Para sa akin masasabi kong Bilingguwal ang ginamit na wika sa bidyong aking napanood,
napansin ko na gumamit rin sila ng wikang ingles pero hindi ganon kadalas kasi mas ginamit nila
ang wikang Filipino keysa Ingles.

5. Paano mo ilalarawan ang paraan ng pagsasalita ng kanyang mga bisita?


-Para sa akin ang paraan ng pagsasalita ng kanyang mga bisita ay Filipino, upang sila ay
nagkakaintindihan ng mga nanonood.

6. Batay sa narinig mo sa host, masasabi mo bang ang salitang ginamit niya sa pagbo-broadcast ay
kaniyang unang wika? Bakit oo, bakit hindi?
-Opo, dahil siya ay mahusay sa wikang ito at alam kong lingguwahe doon ay wikang tagalog.

You might also like