You are on page 1of 2

REHIYON I

MGA KAUGALIAN SA BUROL

Ang bigas o asin ay isinasabog sa iba’t ibang panig ng bahay upang ang masasamang ispiritu ay lumayo.
Ginagawa ito sa isang lugar sa Buang, La Union. 2. Sa Paoay, Ilocos Norte nagsisiga sila (namatayan) sa
harap ng bahay ng yumao mula sa araw ng pagkamatay hanggang sa paghahatidsa huling hantungan.

PANINIWALA SA PAGLILIBING

Sa Ilocos Norte, inililibing nila ang patay sa ilalim ng kusina na kung saan madalas na napagtatapunan ng
tubig. May paniniwala na ang namatay ay nagnanais maligo ng malamig.

Intinuturing ng mga Ilokano ang kamatayan bilang natural na bahagi ng buhay ng isangtao. Ang gasat o
tadhana ng tinutukoy nilang dahilan sa likod na ito at isang kaganapang hindinila maaaring pigilan.
Isinasaisip na lamang ng mga Ilokano na ito ay mangyayari rin kaninuman dahil dito madali nilang
natatanggap ang kamatayan ng mahal sa buhay kahit namasakit

Ilan sa kanilang mga paniniwala ukol sa pagkamatay ay ang pagkakaugnay nito sa mga supernatural na
mga elemento gaya ng mga espiritu, aswang at mga mangkukulam. Dahil dito,una muna nilang
isinasangguni ang karamdaman sa mga albularyo na may kaalaman ukol sa mga espiritu at paggamot
gamit ang mga herbal na mga halaman. May mga pangitain rin ang mga Ilokano kung may malapit nang
yumao sa kanilang mga mahal sa buhay. Ilan dito ay ang hindi normal na pagkilos ng mga insekto, pag-
aligidd ng isang itim na paru-paro sa gabi o kung may eklips.

May ilan naman na naniniwalang kapag nanaginip ka na nakawala ng ng sumbreroo kaya'y bagang ay
masamang pangitain.

Kung nalalapit na ang kamatayan, nagsisimula nang magdasal ng 'Hesus, Maria y Joseph'ang isang
matandang babae malapit na tainga hanggang sa ito ay malagutan ng hininga.

Ito ay isinasagawa upang masiguradong mapatatawaad ag tatanggapin ng Diyos ang kaluluwa sa


langit.May iilan ding naglalayag ng niyog sa ilalim ng higaan upang marinig na mga nabubuhayang
pagtatalo sa pagitan ng dimonyo at anghel.Sa masidhing pagbuhos ng luha ng mga malalapitng kamag-
anak nalalaman ng mga kapit-bahay ang kinasapitan ng kanilang kanayon. Pormal nang ipinahahayag ang
pagyao sa pamamagitan ng atong o ang pagsusunog ng isang pirasongkahoy sa tapat ng bahay ng
namatayan. Ang usok nito ay nagsasabi kung ang kaluluwa ay pupunta sa langit.
MGA SANGGUNIAN

Jocano, F. Landa. The Ilocanos: An Ethnography of Family and Community Life in the Ilocos Region.
Quezon City: Asian Center, 1982.

Jocano, F. Landa. The Ilocanos: An Ethnography of Family and Community Life in the Ilocos Region.
Quezon City: Asian Center, 1982.

You might also like